watch now

Author Topic: Trying to Conceive 6  (Read 100685 times)

hakunamatata

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #40 on: July 16, 2012, 04:24:51 pm »
correct ka sis..yung pap smear is done to detect kung may infections and genital warts.

misis_gh

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #41 on: July 16, 2012, 04:26:29 pm »
hello po pasali po sa thread.. mga sis pano ba malalaman kung regular ka or hindi, i mean if u had ur period monthly ba? minsan kc late or advance ang dating ng mens ko, di ko alam pano mag count kaya siguro hirap kami maka buo, im TTC for 4years. thanks in advance mga sis  ;)

hi sis! as far as i know, ang regular cycle is 28 days talaga. kasi yung iba monthly (30 to 32 days cycle) nagkakaroon pero hirap pa din mabuntis. nagpaalaga ka na ba sa OB? kasi 4 yrs na kayo married so might as well magpaconsult na kayo, wala naman mawawala  :) if ayaw mo pa, start counting from the day of your 1st period (CD1), sa isang regular na babae, CD12 to CD16 ovulation period na yan. maganda din try mo mag-ovulation calendar may app for cellphone and kahit sa internet. try mo lang para ma-plot mo yung cycle ng period mo.

misis_gh

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #42 on: July 16, 2012, 04:29:20 pm »
@ Dhee-Dhee yup pricey nga ang IUI like kami umabot ng 20k w/ medicines na pero not included yung FM and PF during consultations.

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #43 on: July 16, 2012, 04:36:29 pm »
thanks sis Dhee-Dhee and misis_gh: yup sis, we consulted with different OB before, pang 5th OB ko na to, paiba iba kc sila ng style ng work up..eto kc last yung husband ko ang tinutukan nya ng work up, sakin e folic lang..kc ok daw naman ang HSG ko and ovaries ko though meron ako cyst and endo  :(
tapos paiba iba pa ang count ng cycle ko mula umuwi husband ko, seaman kc sya so konti lang yung time namin together, nakaka stress lalo na pag alam ko anytime sasakay na ult sya. mga sis dito ko lang dn sa GT nalaman pano ba mag calendar menthod and ovulation calendar thru internet ;) hehe.. talagang kelangan sa inyo ko pa malaman ang sagot sa lahat ng questions ko, pero thanks talaga! it helps alot  :)

sana soon graduate na tayo sa thread na to ha!! i'l pray for all of us  :) :)

babyhoney

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #44 on: July 16, 2012, 04:39:21 pm »
wow newthread na pala tapos page 3 na agad...kaloka super active ang mga soon to be moms hihi

anyways thanks sis abitha for the message, yun pala yun :)
cd11 pa lang ako pero bakit ganun may slight cramps na, ovulation cramping ba yun?


raylet

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #45 on: July 16, 2012, 04:39:44 pm »
Mga sis, quick update lang.
As I mentioned earlier, CD25/11DPO ko today. Sore boobs and elevated BBT.

Biglang sumasakit ang lower back/ balakang ko at kanina noong nag pee ako, may white discharge na madami. First time ko lang na-experience yung backpain at white discharge na madami. Hay, ano kaya ito? :(

eugenetsucayan

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #46 on: July 16, 2012, 04:42:48 pm »
tama si sis dhee-dhee sa TVS talaga malalaman kung PCOS ka. gaano katagal na kayo TTC? kasi kami 2008 kinasal tapos nagpacheck-up lang ako 2010 na yun pala PCOS ako. so kung naagapan pala nung kabataan ko, baka na-correct na dati pa.

may 4 years na rin kame TTC. 2006 kame kinasal, per for 2 years ayaw muna namen magbaby, kasi gusto namen enjoy muna. ayan! napasobra tuloy ang enjoy. di pa ko nagpapa TVS.. mejo di pa ko ready. hehe.. baka pag wala pa rin this year.. super career na ko kay OB next year. :)

Regular din ako, as in 28 days cycle. Sana makabuo na this cycle. Thanks mga sis! :D

misis_gh

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #47 on: July 16, 2012, 04:45:11 pm »
naku sis mllapina sana nga di na tyo umabot ng thread 7...in God's time talaga ibibigay din sa atin :)

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #48 on: July 16, 2012, 04:58:16 pm »
Dhee-Dhee: may nakita kc Ob ko na cyst sa may left ovary ko, parang ang nag ffunction lang yata e right ko..tapos nabasa ko sa ultrasound result ko e may Endo akom tapos yun search ko lang sa internet kung ano ba yun.. nung college kc ako madalas ako may dysmenorrhea super sakit lgi ng puson ko, sabi nung 4th na OB ko natural lang daw yun sa nag memens, tapos nung lumipat ako sa OB ko ngayon, pang 5th na sya sabi nya [textspeak!] pagsakit daw ng puson ko everytime may period ako e because of my Endo..pills lang sis ang binigay ng OB ko sken nung last year Dec 2011-January this year, kc dumating husband ko nung Feb until now...bokya parn  :(

misis_gh: naku sis mag promise tayo lahat na di na tayo aabot pa ng thread 7 ha!! kc lilipat na tayo sa Pregnancy thread hehe  :P

mga sis CD 13 ko today..feel warm  :)

baby dust everyone  ;D

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #49 on: July 16, 2012, 05:08:46 pm »
^ako rin sis merong nakita sa left ovary ko kaya niresetahan ako ng duphaston which i started taking today. i'll take it 3x a day for 10 days. last tvs ko was feb, pero wala namang nakitang cyst noon, myoma lang. mahirap talagang maging babae eh.. sabi ni OB pwede ako mapreggy because of it kaya natuwa kami ni hubby, sana makajackpot. goodluck sa atin! :)

buti ka nga sis binibigyan ka ng meds, ako nagtatanong pa kung ano bang meds ang pwede skn, e sabi nya folic lang muna, tapos yung husband ko binigyan nya glutha for sperm quantity daw. gudluck sis ha! naku malapit na yan, sabayan mo lang ng prayers ang relax lang wag masyado stress para kumapit si baby if ever..  :D

eugenetsucayan

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #50 on: July 16, 2012, 05:13:55 pm »
naku sis mllapina sana nga di na tyo umabot ng thread 7...in God's time talaga ibibigay din sa atin :)

Honga sis! In His perfect time. Nararamadaman ko naman.. ibibigay naman niya.. tumatiming lang. hehe... Goodluck satin sis! Padating na yan! :D

eugenetsucayan

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #51 on: July 16, 2012, 05:18:24 pm »
buti ka nga sis binibigyan ka ng meds, ako nagtatanong pa kung ano bang meds ang pwede skn, e sabi nya folic lang muna, tapos yung husband ko binigyan nya glutha for sperm quantity daw. gudluck sis ha! naku malapit na yan, sabayan mo lang ng prayers ang relax lang wag masyado stress para kumapit si baby if ever..  :D

glutha sis for hubby? ano yun? nag pa SA ba hubby mo? was thinking kung pwede rin sa hubby ko yung glutha. hehe..

cess

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #52 on: July 16, 2012, 05:33:54 pm »
@raylet: thank you sis.. hahanap ako ng BBT pag di successful this cycle.. cycle 23 ko naman sis.. halos magkasabay pala tayo.. :) I am not familiar w/ the white discharge pero baka it's cervical mucus? good sign ata yan sis..

sisses, don't worry may ggraduate satin dito for sure!! :) pwera nalang kung umabot agad tayo ng 30pages tonight hehe
. basta pray pray tayo.. sabi ko nga kay Padre Pio, I'm praying for all my GT sisters who wants to be preggy..




zieaja

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #53 on: July 16, 2012, 07:59:36 pm »
Ang dami na agad post ibig sabihin ganun siya ka-active na thread.

@mllapina- sis noong nag TVS ka may nakita sa left ovary mo? tapos pinainom ka agad nang duphaston? bakit daw? para saan? akala ko kasi ang duphaston dalawa lang ang use niya pampakapit at pampadugo. kung iinom ka tapos di ka buntis pampadugo siya, kung iinom ka tapos may laman na i mean buntis na pampakapit nman siya. kaya bakit ka daw niya pinainom noong may nakita siya sa L.ovary mo?curios lang. :) :)

@hakunamatata-sis newly wed. palang nman kayo wag masyado ma stress darating din yan. nagpa-check up kana ba sa OB mo? para ma check kung may problem ka?  :) :)


blueflame

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #54 on: July 16, 2012, 08:37:43 pm »
wow part 6 na! tagal kong absent dito! kamusta sisses! sino na ba mga bagong nakakuha ng BFP dyan?! congratulations!

eto kami ni hubby, TTC pa rin. pero mas chill na ko ngayon. di na ko katulad ng dati na super nage-expect. kung wala, gawa na lang ulit. kung meron, super duper thank you!

abitha

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #55 on: July 16, 2012, 09:01:49 pm »
hi mga sis!

grabe ha?! huling open ko FM last night..tapos pumasok lang ako office umuwi eto thread 6 na! hahaha take note page 6 agad! ^______^

hi sa mga bago sa thread! :)

anyways inggit naman ako super post na kayo ng CD ako wait pa 3 mos :( lugi ako sa inyo ha! hehe

sis jelo you can try TVS na agad para malaman mo rin position ng matres mo, ang awkward lang ng feeling, pm ko na lang sayo sa FB yung procedure?! hahahaha ang maganda lang kasi sa TVS yun nga lam mo na agad yung postion ng matres mo then kung may PCOS ka or wala, at least kasi lam mo na anung sexual act ang dapat nyong gawin para makajackpot agad! hehe

 

cagegurl

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #56 on: July 16, 2012, 09:40:08 pm »
waaahhh! ang bilis naman page 4 na agad! hehe. 

raylet, hindi ba yan din yung nangyari kay sis madelskie? sana yan na nga yan sis. ako stop muna sa femara..

zieaja, oo nga sis HSG muna ako. di pa nga lang ako nakakabalik sa OB ko medyo busy pa kasi..

jeloeight, niixiie and Dhee-Dhee, ako kasi mga sis bluecross din binili ko dati kaso parang nahihirapan akong basahin yung result.. kaya nagtry ako sa sulit. nahirapan din ako basahin pero nakuha ko rin naman agad. hehe.

abitha, naku sis ok lang yan. atleast di kapa ulit napi-pressure. hehe.

paramore11, sana nga sis yan na yun. goodluck!

misis_gh, naku mahal pala IUI sis.. sana naman hindi kami umabot sa ganyan. waley na kami budget! haha

mga sis na nag BBT, cd8 ko today at ang temp ko simula cd4 eh nasa 35 lang. keri lang ba yun o mali na ginagawa ko? hehe



hakunamatata

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #57 on: July 17, 2012, 07:47:56 am »
mga sisses, ano ba ang dapat sabihin or introduction pag mag papa check up ka sa OB to know ang position ng matres? first timer here...=)

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #58 on: July 17, 2012, 08:11:27 am »
glutha sis for hubby? ano yun? nag pa SA ba hubby mo? was thinking kung pwede rin sa hubby ko yung glutha. hehe..

sis binigay ni OB ko yun kay hubby but i would'nt reccomend it kase mas bumaba ang count nya dun, kase before above normal pa count nya, after 3mos of using it after namn pa SA ayun bumagsak, kaya now pinag try ko muna sya mag malunggay, no meds muna kame aside from Vit C and E for him and folic for me  :)

mllapina

  • Guest
Re: Trying to Conceive 6
« Reply #59 on: July 17, 2012, 08:18:50 am »
mllapina: ay ganun ba sis.. ang weird. OB pa nagtanong sayo kung anong pwede mo i-take na meds.. may i know sis gaano kalaki yung cyst? sa akin kasi, "cyst" ang impression ng sonologist na tumingin sa akin. last july 7 lang yung huling tvs ko. may whitish something daw kasi saka medyo malaki ang size nya considering na day 7 palang daw, nasa 1cm something na. dapat wala pang 1cm daw kung day 7 palang eh. saka kung follicle daw yun, dapat pure black daw. kaya sabi ni OB, since hindi sya ang nag tvs sa akin, kung magkaron pa ako next month, punta ako sa 4th or 5th day ng period ko tapos saka titignan yung cyst. im hoping na makuha sya sa gamot kasi ayokong maoperahan. si hubby ko naman sis fluimucil reseta kasi ok ang sperm count nya pero ang tagal ng liquefaction time, 5hrs.. saksakan ng lapot kaya siguro hindi nakakaakyat yung mga sundalo nya..

forgot na sis kung anong measurement nung cyst ko, pero basta sabi Ob ko meron daw ako cyst na pag daw di pa kami nakabuo this time, need na sya remove kase yung OB ko ganun din daw before di sya magka baby, kaya pinaopera nya din daw yung cyst nya, though di naman sya sobrang sagabal pa, pero i think isa syang factor para mahirapan kami makabuo..hayyy sis   :( hirap maging babae no?  sis ako yung nagtatanong kay OB kung ano pwede meds skn for fertility work up, kase gusto ko sana try ng clomid or anything that would help us conceive pero ayaw nya ako bigyan pa that time, pinipilit ko nga kahit ano eh sabi nya try daw muna nmin work up hubby ko..sabi ko sayang naman yung time namen sa trial and error eh yung husband ko anytime sasakay na naman   :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close