watch now

Author Topic: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?  (Read 2422 times)

orangerain

  • Guest
Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« on: July 12, 2012, 03:21:05 pm »
Just today, I got into this heated conversation with my tita, my cousin and his wife over something they just assumed. Ang masakit, this was over Facebook! Which is a no-no for me, kaso di ko na mapigilan sumagot. This sums up what happened:

http://coffeewithkim.blogspot.com/2012/07/nakakatawa-part-2.html

Siguro mas maiintindihan niyo kung ano ang pinaghuhugutan ng away na iyon kung ikekwento ko ang past namin.

Nung naghiwalay kasi parents ko, kami ang parang kawawa sa family. Di kasi magkasundo sa sustento kaya naiwan mom ko para gumawa ng paraan. Tinuloy niya ang education namin sa magandang school with the help of her mom- na pinagsimulan ng lahat.

Tumigil ang tulong ng grandmother ko nang naging mas stable na kami. By HS, nagbibigay na ng sustento ang Daddy ko kaya sobrang lumuwag kami. Kahit wala nang binibigay ang lola ko, ang assumption ng lahat ay lola ko pa rin gumagastos para sa amin. Dyan pumasok ang tawag sa akin na favorite raw at sugapa sa pera ng lola ko... kahit never ako humingi.

Nung college ako, nagkaroon ako ng chance mag-OJT sa UK kung nasaan ang lola ko. Daddy ko rin ang gumastos gawa na alam niyang life-long dream ko iyon. Pero dahil "favorite" ako, ang tsismis lola ko nanaman ang gumastos. Inuubos ko raw lahat ng pera ng lola ko. Never ako sumagot sa kanila. Never nga ako nagsabi na, "Eh bakit kayo hingi ng hingi habang akong working student." Wala silang narinig na ganun sa akin.

Tapos nagpakasal ako. Ok naman trabaho ng asawa ko. May work-at-home job din ako kaya maginhawa kami. Isa lang naman din baby namin kaya di magastos kung kaya naaafford namin kumain sa magagandang restaurant at magbakasyon. Yun ang kaligayahan namin eh. Ang dami kong naririnig na issue dun. Sabit pa rin daw kasi ako sa lola ko kaya ganun ako makagastos. Social climber daw ako kasi wala naman daw kaming pera tapos shinashare share namin ang travels namin, wala naman kaming karapatan magshare. Hindi pa rin ako umalma.

Hanggang kagabi nga nagkatuwaan kami ng asawa ko at nag-usap tungkol sa social climbers. Nagpost ako ng status sa Facebook tungkol sa pinag-usapan namin at biglang ang dami nilang negative reactions (nasa blog post ko yun).

Anyway. May mga kamag-anak ba kayong ganito? Lumalayo na talaga kami sa kanila pero minsan, sila ang nagsisimula talaga. Hindi naman ako sobrang bait na magtitimpi lang, minsan gusto ko rin lumaban. Kung naexperience niyo rin ito, ano ba ang pinakamagandang gawin?

xenos54

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #1 on: July 12, 2012, 05:18:15 pm »
naku sis.. ganyan talaga pag may mga inggit sa katawan..
konting kibot.. kala nila pinapa-tamaan.. niyayabangan mo na sila..
minsan ang sarap sabihan na.. hello.. hindi sa iyo umiikot ang mundo..
deadma mo na lang sis.. kasi ka-cheapan nga ang pumatol sa away FB..
as much as possible hindi din ako nakikipag sagutan sa FB unless super affected talaga ko..
ahahahaha..  ;D

orangerain

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #2 on: July 12, 2012, 07:22:01 pm »
naku sis.. ganyan talaga pag may mga inggit sa katawan..
konting kibot.. kala nila pinapa-tamaan.. niyayabangan mo na sila..
minsan ang sarap sabihan na.. hello.. hindi sa iyo umiikot ang mundo..
deadma mo na lang sis.. kasi ka-cheapan nga ang pumatol sa away FB..
as much as possible hindi din ako nakikipag sagutan sa FB unless super affected talaga ko..
ahahahaha..  ;D

Affected na ako kasi minumura ako at umaabot pa sa point na hindi raw ako pinalaki ng maayos. Syempre dedepensahan ko na sarili ko. Ginawa ko nga, tinago ko feeds nila sa FB so I don't see anything they say para di ako ma-tempt. Sila na ang mali pag hinabol pa nila ako.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #3 on: July 12, 2012, 08:13:37 pm »
Block mo na lang. Ganyan kapag nilamon na ng inggit.
No use fighting in fb... Magmumuka ka lang cheap

Yaan mo na sila. Naka fed-ex karma

stellaluna

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #4 on: July 12, 2012, 10:10:58 pm »
Tama. Iblock mo nalang sila. They are not worth your time. No need to defend yourself coz mag aaksaya ka lang ng laway at lakas sa mga kumag-anak na yan. Malalaki na sila and they will choose what to believe and how. Hayaan mo silang mamintang. Mamatay sila sa inggit  :)

orangerain

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #5 on: July 13, 2012, 09:06:42 am »
rianne_mallows and stellaluna - Blocked them last night already! :) Ang usapan na namin ni hubby ngayon, wapakels na sa kanila. Kung may marinig, kunwari na lang walang narinig. I actually received threats from them na humanda ako sa December, that's when I'm due kasi sa second baby namin. I'm not sure ano ibig sabihin nila doon pero sinabi ko na sa hubby ko yun. Nasa military siya so he assured me not to worry. We are also going to have our church wedding next year, scratched off na sila sa guest list at ayaw ko ng panira sa event.

Sis rianne_mallows, I like your signature. Haha!

Priceless

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #6 on: July 13, 2012, 01:43:39 pm »
Sis, suggestion ko naman is for you to move strategically and offensively (not defensively). Naiintindihan ko yung mindset na walang pakialam sa iniisip nang iba basta hindi ka nakakasagasa, pero sometimes in your actions/words (or even lack thereof) dun sila na ooffend. Kung ako ang nasa situation mo, nung una pa lang, nung nakapag OJT ka dahil sa Dad mo, dapat medyo nag drop hints ka na sana sa mga kamag anak mo (not necessarily doon sa Tita at cousin mo, pero to someone na alam mong makikipagusap sa kanila) na kesyo thankful ka sa Dad mo na nag bigay ng money para matupad ang dreams mo, at kayod kabayo ka habang nag aaral para masuportahan mo sarili mo. By keeping quiet kasi, understandable na ayaw mong palakihin ang issue, pero at the same time, para mo na ring pinabayaang magmarinate sila sa kanilang maling akala.

Wag mo nalang isipin na you're having to defend yourself (i.e. na hindi ka kumuha ng pera), rather have the mindset na you are giving credit where it is due (sa Daddy mo, sa sarili mo for your hard work), without even mentioning kung ano ang mali na ginagawa ng iba (i.e. naka-asa pa rin sa lola mo). Going forward na rin, instead of posting just pictures for example, you need to make comments like, Thank you kay dear husband for working hard and providing for us...o kaya pag nagtrtravel ka, tipong, "Enjoying the fruits of our labor - balik trabaho ulit para makaipon for the next holiday"...mga ganong tipo ba. Para sa ganun, alam ng mga kung sino man ang nakakakita sa iyo at sa FB mo na ang mga tinatamasa mo are due to your hard work.

Dalawang bentesingko ko lamang po. (Equivalent of two cents).


binggay

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #7 on: July 13, 2012, 01:48:05 pm »
I read your post and blog.

One word: Unfriend.

orangerain

  • Guest
Re: Relatives na nang-aaway? How do you deal with them?
« Reply #8 on: July 13, 2012, 04:24:03 pm »
Priceless - Actually ganoon ginawa ko bago ako mapunta sa UK for ojt. Bilang alam ko na ano ang mangyayari kaya nagkwento kwento ako sa cousins ko na sobrang thankful ako na ginawan ng Daddy ko ng paraan yung pag-alis ko.

Aware rin sila sa trabaho ko nung college ako (na trabaho ko pa rin hanggang ngayon). In fact, yung anak ng tita ko iniinvite ko doon (online job kasi ang trabaho ko sa oDesk) gawa na wala pa siyang trabaho.

Yung pictures naman namin, I do put captions like that. Kasi totoo naman na fruits of our labor talaga yung mga yun. Kunwari nagbigay ng bonus ang online employer ko dahil natuwa siya sa results. Kasi friend ko rin sa Facebook yung employer ko so I thank her too sa posts (dahil nagbibigay yun ng bonus minsan sasabihin lang magbakasyon muna ako with the family tapos nagcocomment din yun dahil tuwang-tuwa siya sa anak ko, which is proof that I do work and that the bonus is from her).

Yung mga eat out naman namin, monthly talaga may ganun kami kasi usapan namin yun na may one family night kami every night. Plus I blog kaya kailangan ko rin ng new content hehe.

Kaya ayun, kung titignan mo- nagawa na lahat ng paraan para lang di sila mag-isip ng masama. Ang isa na lang natitira ngayon ay hindi na ako magshashare tungkol sa mga ginagawa namin, which is not nice naman lalo na't ang parents ni hubby ay nasa ibang probinsya at sa Facebook lang nila nakikita ang apo nila.

binggay - I didn't unfriend pero may nakita akong feature sa Facebook na hindi ko na makikita ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Kung baga, kung di ko alam hindi ako affected. Hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close