watch now

Author Topic: Barangay Blotter  (Read 56573 times)

stormy_princess

  • Guest
Barangay Blotter
« on: July 06, 2012, 08:43:48 am »
My cousin told me na pina-blotter daw sya ng katulong nya sa barangay dahil sa pananakit at pang-eeskandalo nya sa katulong nila. Yes true naman daw na nasampal at nasabunutan nya yung katulong nila dahil nga sa nalaman nya sa pinagbibigay lahat ng infos about them sa mga kapitbahay tapos kung ano ano pa tsinitsismis tapos nalaman pa nya na pinapalo yung pamangkin ko. Siguro napuno na rin yung pinsan ko kaya nong pinalayas nya yung katulong nila tapos sinigawan nya di na nya napigilan ang sarili nya at yun nga nasampal at nasabunutan nya. Though, wala na sila sa barangay kung saan ngreklamo yung katulong. Kakalipat lang kasi ng cousin ko dito malapit sa amin and the incident happened on the day they left their rented apartment. The katulong remained there. Stayed in the house of the caretaker kung saan sabi ng cousin ko yun din nag-influence dun sa yaya na magreklamo. I listened the whole thing to my cousin last night while she was narrating the incident happened and asking me for advice eh wala naman ako masabi kasi i don't know much about Barangay Blotter at hanggang san to umaabot. Can you please help me enlighten her? Paano po ba pag ganito yung case? Pag pina-blotter ka sa barangay wherein hindi ka na located, pwede pa rin nila habulin yung pinsan ko sa current address nya ngayon? Hanggang saan lang po ba ang power ng barangay blotter?

Sorry for long posting but appreciate your advises.


Thanks.

Golda_Magsaysay

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #1 on: August 14, 2012, 02:40:38 pm »
Malamang wa nang mangyayari dyan. Tell your cuz not to worry. I would not be so violent to my katulongs pero gets ko yung anger nya. Pero oo probably kasi barangay blotter lang hanggang sa powers ng barangay yun. E since wala na cuz mo doon she is free!

jojo2978

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #2 on: August 14, 2012, 05:11:32 pm »
Walang mangyayari unless humingi ng "certification yung katulong to file action" sa barangay then magfile siya sa proper court ng appropriate case.  If di gagawin to ng katulong niya, yung barangay blotter will just remain a barangay blotter.   

stormy_princess

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #3 on: August 14, 2012, 05:15:04 pm »
thanks for your replies. I have a constant communication with my cousin and so far she is not worried na rin since the katulong is not threatening her anymore. Though she learned her lesson na rin.

Jihan_Sr

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #4 on: August 14, 2012, 05:31:33 pm »
yung complaint dapat dun sa barangay nung nirereklamo.
kung hindi na doon nakatira cousin mo, pwedeng i-suggest nung barangay
na ipa transfer yung complaint dun sa barangay mismo ng cousin mo.

may women's desk ang barangay sis, kung yung desk ng barangay
ay medyo active, maaring ipa transfer yung complaint.

kapag na transfer, bibigyan ng hearing summon yung pinsan mo,
aattend siya ng hearing. depende sa rules ng barangay kung ilang hearing.
mostly, 3 hearings. yung final hearing, pag hindi pa nagkasundo, itataas yun
sa higher court, i.e. rtc

ang barangay hearing na kinakarir talaga ng dalawang panig, as in inaattenan ng mga witnesses, complainants, etc, usually nag lalast ng 2-3 months. kung masipag at desidido yung maid or kung may financier or org na back up, dadalo yun every hearing.

mavicbenedicto

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #5 on: August 24, 2012, 04:38:15 pm »
mga sis, pwede bang ipa blotter ang yaya/HH na tinakbuhan ang utang nya?

jojo2978

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #6 on: October 10, 2012, 07:55:58 am »
^^^You can file a criminal case.  Anti-violence against women and their children act would apply.

mommynat

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #7 on: October 11, 2012, 09:20:18 am »
^^magkano naman po kaya yung magagastos ko if ever na mag file ako ng criminal case? Thanks

princessue

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #8 on: October 12, 2012, 02:24:31 am »
Hi sis, since nasabi mo na hindi ka nakakatanggap ng sustento para sa anak nyo from him and since hindi kayo inuuwian ng husband mo, mag file ka ng action for support. Civil action cya sis para ma compel mo yung husband mo na mag bigay ng support sa anak mo. Regarding sa threat na ginagawa nya, you can try muna na ipa blotter cya para at least naka record na may ginawa cyang threat sa inyo. Then kung gusto mo mag file ng criminal case, you have the right. I suggest para iwas gulo, yung action for support muna ang priority para may support kay baby. :)

princessue

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #9 on: October 12, 2012, 02:30:18 am »
Regarding naman sa gastos ng criminal case if ever mag file ka, it totally depends: 1) sa lawyer mo, 2) sa tagal ng kaso and 3) budget. Kung gusto natin ng private lawyer, kelangan natin mag shell out ng substantial sum of money. The other option is to seek help from the Public Attorney's Office, since geared for the public cya, libre lang ang kanilang services. I hope this comment helps sis :)

prettynvain

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #10 on: October 12, 2012, 02:58:27 pm »
hi i need some legal advise. ganito po [textspeak!] yun pinagiisipan ko kung ipapa blotter ko yung asawa ko and yung family nya na may death threat samin. well i admit na sobrang nagkamali ako sa pinakasalan kong guy pero wala na kong magagawa [textspeak!] tapos na at buntis kasi ako that time kaya kami nagpakasal and unfortunately nakunan ako nun sa sobrang naging maselan ang pagbubuntis ko di inintindi ng family nya at kung ano ano pa ang pinagsasabi sakin habang nandun kami sa bahay nila kaya after nun sinugod ako sa hospital at [textspeak!] na ang baby ko. d ko inintindi yun dati pero ngayon nagkaroon kami ng anak ulit at very irresponsible sya sa baby ko. 3 months old na ngayon ang baby ko pero wala ni anuman sustento kami natatanggap dahil puro sa side nya sya(in short mama's boy). kinukunsinti at walang pakialam ang family nya kaya kinonfront ko sila sa ginagawa ng ng lalaki pagpapabaya at sa sama ng loob ko. sa sobrang galit ko kung ano ano ang nasabi ko sa kanila dahil pinapabayaan ng tatay ang anak ko at di inuuwian. so ngayon yung tatay ng anak ko nagbanta sa amin pati sa family ko lalo na pag may nangyaring masama daw sa mama nya dahil sa pag confront ko sa kanila.
ano po ba pwede kong gawin na legal action dito at gagastos po ba ko ng malaki dito? saan po ko pwede magsimula kung may gagawin ako? tska pwede ko po ba ipabago yung surname ng baby ko at isunod sakin? thanks po...

pwede ka mag-file for financial support.. dun sa threat kung may concrete evidence ka  like text message at sinabi niya dun na may gagawin siyang masama sayo, pwede ka na mag-file ng police report at blotter..  para kung may mangyaring masama sayo siya ang prime suspect.. pero kung verbal lang niya sinabi, mahina yung case mo sa kanya..

mommynat

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #11 on: October 15, 2012, 08:05:12 pm »
^thanks mga sis sa replies and advices nyo. it will help me a lot. i hope ma solve na yung problem through legal actions.  :)

kenneth.balilihan

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #12 on: February 05, 2013, 07:18:25 pm »
ate may tanung lang po ako ...
pwede po ba ipa-blotter ang 13 years old ? :(

QueenElsa11

  • Guest
Re: Barangay Blotter
« Reply #13 on: November 13, 2014, 02:31:43 am »
PLEASE HELP!~!!  :-[


I need an advice regarding Lasenggos/Addict/Thieves here in our neighbor,recently po kasi naghahagis sila nang paputok near our mini tindahan.Pede po ba sila ipablotter na hidi nila nalalaman na ako nagpablotter, natatakot po kasi ako na baka [textspeak!] pang gawin sa amin pagnalaman na kami ang nagreport sa Brgy! Also I worry for the safety & security of my parents may edad na po kasi sila.

Please advice po.Gabi Gabi po kasi silang umiinom natatakot akong baka di lang yun ang gawin nila pagnagtagal.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close