watch now

Author Topic: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!  (Read 3532 times)

annika

  • Guest
I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« on: July 03, 2012, 01:24:31 pm »
May mga cousin ako na 30+ na tomboy siya and may attitude talaga na kapag hindi ka niya feel gagawa siya ng group at mafifeel mo talaga na ma out of place ka..

Before group kami 5 kami sa group and 3 dun eh magkaka age kami lagi kami lumalabas ang nagwwatch ng movie and then lately bigla nalang hindi na ako kasama for no reason at all!

last year naman umuwi yung sister niya and matatagalan pa ulit bago bumalik dito kaya everyday may dinner kami and bonding magpipinsan as in sobrang happy and smooth kaming lahat and then nun umalis na yung pinsan ko bumalik na sa states biglang hindi nanaman ako kasama sa mga get together nila which is magtataka kana talaga and nagpopost pa sila ng picture na parang nanadya.
 
To think na isang compound lang kami nakatira and alam nila number ko, lagi ako nakaonline which is kung gusto naman nila ako yayain madali lang naman. one time nagpost siya ng picture nag comment ako na bakit ako hindi kasama dun? dedma lang sila kaya ang ginawa ko dinelete ko nalang yung post ko kase para naman ako engot.

Lagi nalang ganun na hindi ako kasama sa get together nila na sobrang nakakaoffend na kase alam ko naman na wala akong ginawa na masama sa kanila.

Minsan yayain nila ako syempre sasama agad ako and then madalas hindi naman nila ako niyayaya kaya naiinis nadin ako..


How to deal with them ba? kase kapag may mga Gatherings nakaka out of place naman yung ginagawa nila.   :-\

piggy619

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #1 on: July 05, 2012, 10:09:42 pm »
how r u annika?  :)

i suggest kausapin mo yung pinaka close mo sa 4 na yun.
yung trusted mo na hindi mag ko confide ng sentiments mo kay tomboy.
tell her what u feel. ask her why hindi ka sinasama sa mga lakad.

at least magka idea ka bakit ganun.

rianne_mallows

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #2 on: July 05, 2012, 10:20:55 pm »
Mag isip ka. May nangyari ba or nagawa ka na hindi nila nagustuhan?  Baka naman ikaw nauna mawalan ng time sa kanila? O baka nagkabf ka at wala ka na time sa kanila, o kaya ayaw nila sa bf mo. Pwede din may bago kang set of friends or friend na bago na hindi nila gusto.                                                                 Ngayon kung wala ka talaga maisip na pwedeng dahilan, move-on. Hindi sila tunay na kainigan. Real friends dont do that

Purple_Power

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #3 on: July 05, 2012, 10:52:31 pm »
Well try to talk to anyone of them kahit sa online. Now if they still ignore you then it is time for you to move on na nga and find another set of people or friends na pwede mong lapitan. I know it is really offensive na ina-out of place ka nila. Pero ito lang yun if they need help and that is the time na bigla ka nilang nilapitan JUST IGNORE THEM TOO! don't waste your time. Bakit diba parang ayaw nila sayo? Eh di dapat hindi rin nila kailangan ng tulong mo. They have to be responsible. Have you told your parents about this matter? Alam mo marerealize mo kung ano ang totoong ugali nila.

Nangyari rin ito sa akin decades ago. Of course nakakaoffend na tipong gusto ko silang makasundo but then ayaw nila. But now as matured person I realized na hindi nga naman dapat sila pagkatiwalaan. Mga social climber sila na tipong ang gusto lang nila mga mayayaman. Tapos puro pa sila manggagamit. Ang nakakatawa rito dahil 3 sa group sila sila na mismo ang naglalaitan ng mga boyfriend. Yung isang pinsan ko pa iniyakan yung pinsan kong manggagamit kasi nilait siya na hindi mayaman bf niya. Honestly TAWA ko lang sa kanila. Tapos ito pa masaya hindi pa sila nagtutulungan for better improvement. Naghihilahan pa silang pababa. Sabi ko nga sa mama ko ngayon narealize ko na it is okay na hindi ka nila pansinin kaysa sa naging mabait sila sayo. Kapag nagbago ang pakikitungo nila sa akin matatakot na ako lalo dahil number #1 question here is Anong plano nila?

annika

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #4 on: July 06, 2012, 12:08:09 pm »
piggy619 - Sis! Dati kase yung isa ko na pinsan nagkasama kami sa baguio kasama naman yun isang pinsan ko nagusap kami about sa pinsan ko na tomboy sabi niya huwag ko nalang daw pansinin kase ganun talaga siya kapag hindi ka niya feel hindi ka niya isasama pero diba at the age of 30+ napakaimmature niya! pm mo ako sa facebook pakita ko siya sayo.


rianne_mallows - Nope i dont think nawalan ako ng time sa kanila eh kase lately talagang nagbonding pa kami tapos text text pa, Regarding naman sa Bf minsan ganun din yun pinsan ko na yun minsan papansinin niya si bf minsan naman dedma nalang bigla which is nakakaoffend din dba parang nakakabastos naman.Thank you Sis

Purple_Power - iniisip ko nga na tanungin ulit yung isa ko na pinsan pero minsan nagdadalawang isip ako kase kilala ko yung pinsan ko na tomboy na maghuhugas kamay na wala siyang ginagawa or hindi siya aware sa ginagawa niya. yes ganyan din siya kapag kailangan niya yung car namin bigla siya magpaparamdam and close na close kapag hindi na niya kailangan ittreat ka niya na parang hindi ka niya kakilala, alam ng parents ko nakikita kase niya sa facebook na kapag nagyaya kumain yun pinsan ko ako lang wala sa tag which is tumatahimik nalang sila. Thank you Sis!




Bukas pa naman meron kaming get together kase despedida ng isa ko na pinsan yung kasama sa "group" namin pupunta ako kase lahat kami magpipinsan andun. Iniisip ko lang kung paanong treatment ang gagawin ko sa tomboy and sa 2 ko pa na pinsan  na to think masama talaga yung loob ko sa kanila.

piggy619

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #5 on: July 06, 2012, 10:58:41 pm »
just act naturally :) and kausapin mo yung iba mo pang mga pinsan.
 
huwag mo tapatan ang hostility nila sa yo. maging civil ka na lang sa kanila.
before u leave, wish your cousin (yung paalis na) well. naroon ka naman para sa kanya,
not for your immature cousins.

and umpisahan mo ng umiwas sa mga ganung klaseng tao. wag mo na ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw naman sayo. make yourself busy with other
productive activities  ;)

sonia62

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #6 on: July 19, 2012, 01:53:01 pm »
ako naman isa lang masasabi ko kung ako nasa katayuan mo. kung ayaw nila sa akin, ayoko din sa kanila. pag may family gatherings at ininvite ako, basta punta ko. pansinin man nila ko o hindi basta nandun ako kasi ininvite ako. nasanay na ko ng ganun. pag hindi ininvite at may nagtanong sa kin na kamaganak kung pupunta ba ko sinasabi ko naku i'm not invited. sabi ko nga sa husband ko bakit ako maa-out of place sa kanila? sila out of place sa akin. basta pupunta ko, kakain ako, papansinin ko kung sino pumansin sa akin. kesa pasamain ko pa loob ko :)

agape

  • Guest
Re: I don't Get It.. All of a Sudden Invisible kana sa kanila!
« Reply #7 on: August 01, 2012, 11:36:02 pm »
Ignore them. They are immature and childish. Enjoy your life instead to get them interested in you.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close