watch now

Author Topic: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(  (Read 3125 times)

kiz_me1109

  • Guest
Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« on: July 03, 2012, 01:47:24 am »
Naiinis ako ngayon mga sis. Imbyerna ako sa kasama ng sister ko sa bahay niya.

Yung eldest sister ko kasi leaves in Quezon City. When she had a baby, yung little sister ng maid niya tumira sa kanila. I think she was just 16 when she moved to my sisters house.

Galing province so may pagka stupid pa that time. Siya nag alaga sa anak ng sister ko for free and became my niece's Ninang.

When she turned 19 years old, naisip ng sister ko na paaralin siya (Nursing assistant) as a return dun sa pag alaga niya sa anak niya.

That time I moved to my sisters place. galing kasi ako ng Iloilo. So after I graduated from College, I stayed at my sisters house and moved out nung nagka work na ako.

After 2 years, she graduated and nakahanap ng bagong work. Dun parin siya nag stay sa house ng sister ko. We all noticed na parang nagbago siya since she started working. Hindi na niya inaalagaan yung niece ko and hindi manlang nagbibigay kahit groceries sa ate ko. Feeling pa niya e bahay niya yun.

I heared a lot of stories about her na pinagkakalat niya sa mga maid ng ate ko (pasaway daw yung mga pamangkin ko (anak ng isang sister ko), im jealous daw kasi siya na yung love ng sister ko (dati daw kasi ako lang ang baby ng ate ko), and kung ano ano pa about my family sa province.

3 years ago, my other niece moved to my sisters house and siya rin nagpapaaral dun. Ilang beses naring tumatawag sakin yung niece ko na inaapi daw nung Lizel. For 3 long years, hindi ko siya pinatulan kasi hindi ko siya ka level.

Pero this time, napuno na ako.

my niece called me and she was crying. Sinampal daw siya ng sister ko kasi Lizel was blaming her na ninakaw daw niya yung Violet jacket niya. And nainis ako kasi yung violet jacket na gamit ng niece ko e bigay ko. And color lang ang pareho sa jacket and hindi yung style, tela, etc.

Sipsip siya masyado sa sister ko. This time, napuno na ako and I emailed her. Kapal ng mukha. Tapos, social climber pa. Kung umasta kala mo mayaman. grabe. gusto ko siya patayin ngayon sa inis.

stellaluna

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #1 on: July 03, 2012, 08:21:17 am »
anong comment ng sister mo about the trouble caused by Lizel? is your sister aware of Lizel's misdemeanors kapag nakatalikod kayo? maybe it's about time to make palayas the yaya? since she's working already and doesn't make bantay na nga, nanggugulo pa sa bahay ng amo nya. i can foresee more conflicts ahead...  :'(

kiz_me1109

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #2 on: July 03, 2012, 10:37:16 pm »
^^ Pinalayas na siya ng sister ko. Pero nag away away lang kami lahat. Kasi both Lizel and my niece na inaway daw niya e may kasalanan. And I don't have the right na makisawsaw daw sa kanila.

Nasa point na ako na napupuno. Because she said na wala naman daw ako problem kay lizel. She doesnt listen to me. Napuno ako dahil almost 5 years nang nagtitimpi ako sa babaeng yun. Sakin personally namumuro na yun kasi kahit ako chinichismis din niya.

Katamad na patulan. Bahala sila.

stellaluna

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #3 on: July 03, 2012, 10:56:06 pm »
ay ganun ba ang naging resulta? at least napalayas na si Lizel. nakaka inis talaga kapag may sampid na nega (tulad ni Lizel).  parang lason lang na unti-unting mag hahasik ng lagim sa nagmamalasakit na pamilya

kiz_me1109

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #4 on: July 03, 2012, 11:10:47 pm »
^^ ^^ Tama sis. Well wala na akong magagwa kung ayaw makinig ng kapatid ko sakin. She wont listen to me. Ni hindi niya alam na kahit parents ko e chinichismis niya. I still don't know kung ano intentions niya sa mga ginawa niya. Or baka ganun lang talaga siya? I still can't believe na may ganung tao.

And my sister's mad at me kasi nag post ako sa wall post ng quotes concerning that girl. Masama daw yun. I get the point pero kaya nga may personal wall post ka diba? It's up to the other people on how to react and interpret your wall post. Tsaka we all have freedom.

Nainis pa ako kasi after siya umalis ng bahay e finorward niya yung mga texts ko sa sister ko. Grr... She's such a coward! Para saan pa diba? Aalis na nga lang siya e maninira pa siya ng family.

stellaluna

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #5 on: July 03, 2012, 11:33:51 pm »
kung kamaganak nga naninira, mga sampid pa kaya di ba. nakaka imbierna talaga mga ganyang tao. inggit at insecure yan sa yo. feeling nya kasi ateh nya yung sister mo. makaka hanap din yan ng katapat. kung sa bahay, ganyan na yan umasta, sa labas pa kaya. babalik sa kanya ang bad deeds nya

sana maging ok kayo ng Ateh mo...

kiz_me1109

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #6 on: July 04, 2012, 12:03:00 am »
^^ speaking of feeling niya e ate niya yung sister ko, kaya din ako napuno kasi yan yung isang chismis niya sakin sa mga katulong ng ate ko. Na nagseselos daw ako kasi mas mahal daw siya ng sister ko... Me ganun talaga? hahaha


aquacharly

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #7 on: July 04, 2012, 01:05:39 am »
Napalayas na, hwag ka na mainis .... Mabw1set ka Lang.   

kiz_me1109

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #8 on: July 04, 2012, 02:09:33 am »
^^ I'm not sure kung pinalayas siya or siya kusang lumayas. Because I still don't know what's her reason kung bakit finorward pa niya sa sister ko yung texts ko sa kanya. Yung sister ko naman galit na galit. Grrr...

stellaluna

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #9 on: July 04, 2012, 11:01:24 pm »
sana magka ayos kayo ng Ateh mo. nakaka loka lang na isang yaya pa ang nag cause ng pag away away nyong mag-anak

kiz_me1109

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #10 on: July 05, 2012, 12:05:08 am »
^^ Oo nga sis. Siguro mission niya talaga sa buhay niya yun. hehe Hindi ko muna kinakausap yung sister ko. Busy din kasi ako. May pamilya na ako and busy din ako sa trabaho.

Thanks sis. =)

rianne_mallows

  • Guest
Re: Naiinis ako sa yaya ng Niece ko. =(
« Reply #11 on: July 05, 2012, 10:38:55 pm »
If i were you, ito sasabihin ko para matauhan....              Sabihin mo sa ate mo alam mo naman na labas ka na sa issues nila kaya for five long years nagtimpi ka lang. Sabihin mo ang hindi mo mapapalampas eh yung pagsampal niya sa niece mo. She doesnt have the right para sampalin niece mo. Kung mamasamain niya yung concern mo sa niece mo wala ka na kamong magagawa dun.   Ngayon sabihin mo isipin niya din kung ano na lang mararamdaman ng parents ni niece  na yung anak nila eh pwedeng sampal sampalin lang ng katulong... Na kung ikaw na tita na tinwagan habang umiiyak eh babaliwalain lang yung sumbong ng bata.      Hindi mo kamo kayang manahimik na lang ulit.   

 

Latest Stories

Load More Stories
Close