watch now

Author Topic: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3  (Read 130261 times)

francesigh

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #20 on: June 28, 2012, 12:03:18 pm »
@sisa16 anong brand ng mozarella na low fat ang gamit mo? naghanap ako dito wala akong nakita.

@sis jelly na-add na kita ^_^ kaso hindi updated yung picture ko dun hehe. naiinis kasi ako magpapicture ang taba parin ng mukha ko. pag kinakapa ko yung panga ko parang buto na eh, omg! ang lapad parin tingnan haha.

kryztienne

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #21 on: June 28, 2012, 12:54:02 pm »
yey.. new house!!...

RE: philadelphia cream cheese... tama si sis francesigh... fat free lang ang pwede as per our guideline... confirm muna sa consultant para makasigurado... pagkaing tamad ko ang cream cheese... with cucumber... i had it thrice lang sa entire duration ng cohen ko... hindi kasi ako masyadong mahilig sa cheese at saka sa mga nabasa ko, pag mabagal ang pagpayat, pinapaalis/binabawasan ang cheese sa pwedeng kainin kaya hindi ko na lang siya masyadong kinakain...

sis angellove, kaya mo yan... basta isipin mo na lang yong reasons mo kung bakit ka nag sign up in the first place... andiyan lang lagi ang mga food temptations... pero yong health mo ang mas importante... at ang sarap ng pakiramdam na bukod sayo e nakikita din ng ibang tao yong pagbabago sa katawan mo... stick to it lang sis... kung natetempt ka, login ka lang dito... most of the time online naman ang mga sisters natin to give support...

sis jelly, ang galing mo naman!!! go go go lang... so happy for you...

sis wife2be, happy trip!!! have a wonderful wedding!!!

update... pakiramdam ko hindi nababawasan ang timbang ko lately... siguro adjustment pa dahil sa pagkakasakit ko... pero i'm not worried... kasi yong skin ko nagclear... one of the main reasons kaya ako nagstart with cohen e yong skin problem ko... kaya kahit konti lang mabawas sa timbang ko, happy pa din... sana next time maregular na ang monthly ko... at kung hindi, ang bata ko pa naman para mag menopause... LOL...

kryztienne

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #22 on: June 28, 2012, 01:00:17 pm »
regarding EB, sa picture na lang ako kasama... hahahaha... pag nagbakasyon ako, i really would like to meet yong mga GTalkers na super support dito... dapat pala may pasalubong... dark choco sugar free patchi siguro... di naman obvious na miss ko na si patchi... LOL...

francesigh

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #23 on: June 28, 2012, 01:01:16 pm »
waw! hehe ako nagka rashes nung nag diet eh, sa mukha pa! kainis talaga. at hindi sya gumagaling. tsk tsk yung flawless kong mukha nagka rashes pero ok lang, baka pagtapos ng diet eh maayos na. ang hirap lang pag naiinitan eh mahapdi. ang init pa naman sa middle east haha.

sis angellove kaya mo yan, ako nga trip trip lang nung nag simula ako eh, kala ko joke lang yung diet na to, dati kasi mga nasubukan ko puro joke lang hahah. pero akalain mo umepekto saken. =) kaya yan. tsaka for the mean time lang naman yan. isipin mo nalang, natikman mo na lahat ng masarap na food dati. so why not restrain for a "while". =) kaya yan. dito lang kami

kryztienne

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #24 on: June 28, 2012, 01:44:14 pm »
sis francesigh yong skin problem ko ay sa katawan... mostly sa arms... yong chicken skin na tinatawag... nagstart siya nong pagdating ko dito sa middle east... maarawan lang, namumula... lately (before cohen), super lala na siya... yong parang ingrown hair... tapos lumalaki... last straw na yon... sign up talga sa cohen... hahaha... first two weeks pa lang napansin ko na kahit maarawan ako hindi siya namumula... after a month dry na... ngayon, hoping ako na tuluyan na siyang magfade...

sa mukha ko naman, para akong nagdadalaga... 2 malaking pimples dahil sa PMS?... kalurkey... every month may PMS ako na sakit ng katawan pero walang pimples... pero hindi ako literally nagkakaroon... hay ewan ko... ayaw ko na lang isipin... positive na lang na this diet will help me kasi naniniwala ako na nagiging healthy ako dahil dito...

update sa food... adik ako sa shrimp lately... hanubeh... 2 weeks na akong hindi nagbibeef... chicken and shrimps lang protein ko... malasa kasi yong shrimp... pan fried lang with salt, pepper, garlic powder at mixed dried herbs... medyo pinpatutong ko para masarap... tapos salad on the side...

question mga sis, ok lang ba ang tea for constipation?... natural tea naman siya... salamat po... ;D

francesigh

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #25 on: June 28, 2012, 01:53:20 pm »
pwede ang green tea na flower flavour pero bawal yung may mga berries. yung jasmine tea masarap yung ronnefeldt na brand. super! yun kasi gamit ng mga 5 star na hotel dito hehe. natikman ko nung nag-seminar kami kaso ang mahal nung naka individual pack pero yung loose pack pwede na. at sa DFC lang merong shop nun. pero sulit. nasa dubai ka ba or abu dhabi?

yung chicken skin wala akong ganun, hindi kasi ako adik sa chicken hehe. pag chicken ang ulam namin at tamad magluto ang ate ko, ang kinakain ko sardinas (sorry nakalimutan ko ilagay nung hindi pa ako nag-cohen, pero ngayon hindi parin ako mahilig sa chicken, more on seafoods ako, adik ako sa sabaw kasi eh tsaka gusto ko yung mga lutong probinsya sa pilipinas yung mga sinabawang isda mga ganun) haha. =) yung bunso nga namin sabi bakit daw wala akong chicken skin eh sabi ng ate ko kasi lahat daw ng nasa middle east meron nun eh bakit ako wala. =)
« Last Edit: June 28, 2012, 02:01:26 pm by francesigh »

francesigh

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #26 on: June 28, 2012, 02:03:26 pm »
pag constipated pala pwede ka mag-take ng psylium husk, sa mga pharmacy meron nun usually sa juice powder form. yung fybogel na brand pwede yun, tingnan mo lang yung sugarfree na option =). ako pag constipated kakain ako ng kang kong. ayun masyadong helpful hahaha

kryztienne

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #27 on: June 28, 2012, 02:19:02 pm »
thanks sis francesigh for the info... pinanganak akong constipated at may skin asthma... one week old pa lang ako problemado na parents ko dahil hindi ako nagpopoopoo... kaya ang running joke sa family e kung ibang bata daw ay tiki-tiki, ako daw ay alagang suppository... (sorry mga sis kung medyo graphic ang dating)... tapos in my early twenties, tinanggal na ang gallbladder ko... kaya hirap ako sa digestion... laging kinakabag at matagal matunawan... ang result, kahit konti lang kain ko, super tumataba ako...

alam ko na mahirap ang cohen... pero sabi ko na lang na hindi naman siguro masama na magtry... kaya ngayon super happy ako dahil sa pagimprove ng skin ko... problema ko lang talga constipation ko... yong sister ko, she took apple cider vinegar capsules... everyday poop siya... tinry ko yon (before cohen), pero walang effect sa akin... pero salamat sa suggestion... hahanap ako ng psylium husk na sugar-free...

hindi effective ang gulay sa akin... adik ako sa kangkong lalo na sa sinigang... wala talga... consti pa din... ngayon at least 3L of water ako lagi... pero hindi pa din everyday...

sa question mo... Doha ako sis... kasama si Sarah at Paul... LOL... joke lang...

francesigh

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #28 on: June 28, 2012, 02:29:00 pm »
hehe hindi ako nanonood ng teleserye, napa isip tuloy ako sino yung sarah at paul, sabi ng ate ko yung teleserye daw haha.

ah sayang kala ko abu dhabi ka lang eh papadalhan sana kita nung ronnefeldt na tea if ever. kaso baka pag inter country ko pinadala baka tanungin kasi mga dahon dahon eh, eh medyo strict ang custom sa mga halaman baka daw kasi illegal :( di bale pag may pumunta nalang jan. if ever. or tatanong ko kung pwede magpadala ng tea hehe.

hindi rin regular yung bowel movement ko simula nung nag start ako nitong diet. normal lang ata yun pero wag naman super tagal hehe.

kreez

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #29 on: June 28, 2012, 03:45:39 pm »
sis kreez, iniisip ko ugn philadelphia na un kasi meron din ako nun. ang mahal ng mozarella fat free dito kaya hanap ako ng other options. anyway, ano [textspeak!] p.light? kasi [textspeak!] nakikita ko dito eh spreadable cream cheese.yun ba un? or merong philadelphia na by block?

sis yung philadelphia cream cheese nga na light you use it to spread on things, ang ginawa ko sa kanya inispread ko sya sa cracker very thick yung spread ko tapos nag saute lang ako ng mushroom and tomatoes tapos hinaluan ko ng 1tsp mayo light, salt, pepper, tapos yung natirang cream cheese tapos nilagay ko sa top ng crackers na may cream cheese yung veggie mix ko then I put in the oven for a couple of minutes.... yummy sya.... I had it for breakfast...

kreez

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #30 on: June 28, 2012, 03:59:00 pm »
@francesigh & @kryztienne nako sis bakit ganon sabi nung consultant ko dito ok daw... actually parang nung kausap ko sya parang sobrang lenient ng Cohen dito, kasi sabi nya sakin yung nasa guide book daw na sinasabing low fat sa US standard daw yun dito daw normal na cheese lang yun hindi kailangan low fat eto yung exactly sinabi nya kasi I asked kung san nakakabili ng ricotta cheese na pwede sa cohen

"The low fat ricotta cheese that Dr Cohen refers to is the low fat in the states. In The Netherlands the normal Ricotta cheese is used. That is the same for most of the other cheeses except for the Philadelphia that needs to be light."

haaay nako wag nalang magcheese para sure!


martintine

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #31 on: June 28, 2012, 04:11:52 pm »
Hi amberstar! ang kailangan ko ma-loose is 45 to 50 lbs. so far, 12 lbs na na-loose, so 38 lbs to go!

Hi sis sisa16! Natawa ako noong sinabi mo na nakatira ka na sa kusina, dahil ako din ganoon. Lagi ako maaga gumising para lang magprepare ng food ko hanggang dinner, tapos babaunin ko yun lunch and dinner ko, sa office ko na kakainin. Nakakapagod yun food preparation, minsan nadedepress tuloy ako, kaya lang sabi ng parents ko mas mahirap ang diabetic at magkaroon ng kidney stones. Mataas kasi Fasting Blood Sugar and Sodium ko  :(

Hi francesigh & kryztienne! Sabi ng consultant ko kung wala ako makita low fat na mozarella and feta, ang piliin ko daw ay yun low sodium cheese. Mataas yun sodium ko noong nagpa bloodtest. Sis kreez, thank you very much for sharing sa recipe mo on cottage cheese. Gawin ko yun, may nabili akong low fat cottage cheese sa S&R

kreez

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #32 on: June 28, 2012, 04:30:58 pm »
^welcome sis enjoy!

rainbowcoloredmoi

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #33 on: June 28, 2012, 05:06:25 pm »
hello mga sis! how's everyone doing? re:philadelphia cream cheese..actually tinanong ko yung consultant ko a month ago..nakakita kase ako sa grocery nung fat free with the green label. unfortunately, my consultant said it's not allowed daw. so kapag nagp-prepare ako ng cheese meals, i always use the block mozzarella cheese from perfect italiano. for cottage cheese, i use bulla low fat. if i'm making cheesecake naman, i just buy the plain ricotta cheese (not yung baked ricotta or yung may mga flavor). once pa lang ata ako nakakita ng low fat na ricotta cheese, forgot the brand though.

@wife2be: ang laki ng improvement! i can see your chin jutting out sa pictures. next na nyan, pwede nang lagyan ng sopas ang collarbones. hehe! best wishes sa upcoming wedding mo. i hope magawan ng paraan ang wedding gown. at sana maging okay na rin ang hormones mo.

@amberstar: nakakalurkey talaga kapag may thyroid issues. most of the time, i feel sluggish/tired..basta ang tamad-tamad at ang bigat ng feeling. tapos in my case, habang tumatagal dinadagdagan ang dosage ng gamot ko. kaya it helps na regular nagpapacheck ng hormones para mamonitor din kung nagnonormalize ba.

@francesigh: parang naeengganyo akong i-try yung tea na nirerecommend mo. i'll try to look for that here..wish ko lang available dito

@angellove: kaya mo yan sis. ang motivation ko kaya nagstick ako sa plan was i wanted to don a bikini..not to mention mahal yung program hehe ;)

BTW, am on my third day of maintenance now..sis amberstar & achengtarush, any tips? how often do you have carbs in a week? parang kelangan ko ata mag reset dahil every night lumalabas ako. waah!

kryztienne

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #34 on: June 28, 2012, 05:19:51 pm »
sis francesigh... aaawww... that's so sweet of you... hanap ako sa grocery kung meron dito ng tea na yan... di rin ako nanonood ng teleserye... pero dahil marami akong friends na nakikigulo nong shooting nila dito, medyo alam ko ang mga pangyayari... mas enjoy ako sa US tv series at japanese anime...  ;D

if ever makapasyal ako sa dubai or abu dhabi, meet ko ang mga cohenites don... para magpasalamat sa suporta...

sis kreez, siguro iba lang talga diyan sa pinas... kasi kami online kami kaya sunod lang sa guide...

sis martintine, ang galing naman... ang laki na kagad ang nabawas mo... saglit na lang yan at re-feed ka na...

sis rainbowcoloredmoi, goodluck sa maintenance...  wish ko lang kaya kong magbikini... ayaw ni hubby... pwede daw sa kwarto lang namin... kalurkey... ilang lbs na nawala sayo, if you don't mind?

freshpicks

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #35 on: June 28, 2012, 05:21:12 pm »
kryztienne try mo clium na brand pf psyllium husk. I read in one blog of a cohenite na umiinom sya nun. Meron nun sa sachet then mix with water, meron din tablets.

francesigh

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #36 on: June 28, 2012, 05:33:37 pm »
@rainbowcoloredmoi - gourmet tea kasi yun, hindi sya nabibili sa regular grocery :(, pag uwi sa ko ng pinas dadalhan kita ^_^.

im not a tea drinker pero nung natikman ko yun umiinom na ako =)

sis kryz pareho tayo haha! adik din ako sa japanese anime. hayy parang hindi na bagay sa age ko (27 na ako) pero sige lang, naaaliw ako manood ng ganun eh hehe.

pa-add pala sa facebook para if ever makapunta ka dito message mo ako dun at mas madali makita ang notifications =)

si sis jelly in-add ako, ang ganda ni sis jelly =)

rainbowcoloredmoi

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #37 on: June 28, 2012, 05:59:40 pm »
^awww how sweet of you to offer! :) kaso sa august pa ako uuwi ng pinas. hopefully magsakto yung uwi natin hehe

@kryztienne: ayy strict si hubby hehe! about your question, i lost 63.5 lbs ..actually, i gained while doing the refeed kase i tried eating everything on my plan pati yung full soda allowance, ni-consume ko talaga..pero kahit na nag gain ako after refeed, i am still on the lower end of my goal weight. buti na lang talaga i started my refeed a little late...by the way, have you tried eating kiwis and apples for your constipation? baka it might help you coz it worked wonders for me.

@martinetine: may times din na sobrang napapagod na ako magprepare ng food kaya may phase na puro tuna at cucumber lang kinakain ko..kaso in the long run, nagsawa ako sa lasa plus the fact that i've never really liked the taste of cucumbers kaya no choice but to cook other dishes. hang in there sis. isipin mo na lang yung magiging end result ng pagod mo ;)


kryztienne

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #38 on: June 28, 2012, 06:05:39 pm »
sis freshpicks thank you sa suggestion... hanap ako sa grocery or sa pharmacy mamaya...

sis francesigh naku hindi ako nagFB... lol... gumawa lang ako ng account before kasi kinulit ako ng mga kaibigan ko... nawawala daw ako sa sirkulasyon... blocked din sa office yon kaya wala talgang time... dito lang talga ako sa GT medyo active...

bata ka pa no... ahahaha... ako sobrang tanda ko na... adik pa din... and online games also... right now starcraft II... yong custom games don... pag nagsawa ako, baka mag ragnarok ulit ako... (OT: i love tora dora at kaichou wa maid o sama same as bleach and naruto)...

ang kulit natin... pasensiya na sa ibang sisters... ang daldal ko...  ;D

sis rainbowcoloredmoi, wow!!! ang laki ng nawala sayo... yong apples, walang effect... yong kiwi hindi ko pa natry... subukan ko nga... tenks sis!!

martintine

  • Guest
Re: Dr. Cohen's First Personal Diet- Thread 3
« Reply #39 on: June 28, 2012, 06:38:36 pm »
Hi kryztienne! Noon post ako ng post, hanggang sa may nakuha akong warning from the moderators na dapat hwag maraming posts, kaya hinay hinay lang. Kung makikita mo status ko, under "watched" ako from the moderators. Hi Admin!!  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close