i just came back this morning from barcelona. we've stayed there for a week. what can i say? ang daming store, left and right kahit saan ka magpunta my mga shopping store.ang sarap mag shopping kasi ang mura lalo na sa mango outlet nila..halos pinakyaw ko ang mga accesories nila kasi the price start like 1,99 euro to 2.99euro.kahit yung mga bags and clothes mura sa mango outlet nila....
this is what we did in barcelona for 7days
Day 1. we went to Plaza Colon kasi it's near to the house were we stayed.my friend lives in Calle Hospital so it's walking distance lang.so dun muna nag ikot2x kami.my port din kasi dun so my mga barko na andun so nag picture taking din kami dun. pumunta din kami sa maremagnum para mag coffee and mag sight seeing sa my sea side.then for dinner we went to ramblas maraming restaurant dun, iba2x.a must try yung mga tapas nila and the paella.....and of course the sangria...

Day 2- We ride the hop on hop off bus... its 24 euro for 1day, and 31 euro for 2 days. pwede kayo bumaba every stop.tapos every 5mins meron dumadating na bus.yung bus nila is meron blue and red...although parehas lang sila ng route pero mas prefer ko yung blue... ang ginawa namin is sa blue muna kami sumakay after namin malibot lahat ng mga dinadaanan ng blue bus dun naman kami sa red bus sumakay...
-we went to Casa Batllo, Casa Mila/La Pedrera, these two kailangan attenta ka kasi hindi mo aakalain na tourist spot sha at tabi lang sila ng other building kasi maliit lang sila.
Parc Guell- dito nahirapan kami hanapin 'to kasi pataas sha at medyo tago.kaya lakad galore kami ng pinsan ko.at super tanong sa mga locals.
Sagrada Familia- super haba ng pila papasok sa loob ng church at ang entrance is 14euro ata..ang ganda nung church and till now ginagawa parin.meron pa ata sila tinatapos..
La Bouqueria- This is a market..maganda dito kasi hindi sha wet market..tapos ang cute ng mga colors ng mga tinda nila.from fruits, vegetables, candies, eye catching talaga.a must try yung shake nila kasi fresh fruits gawa.its 1euro if you buy 2.but if you buy one, 1.50 sha each.
Day 3-- A trip to Montserrat... ang bayad sa train papunta dun is 18 euro.one hour ang biyahe from barcelona.my oras din ang alis ng mga train.ang pinaka maaga na alis is 9.30 am-then ang last trip is 6.30pm ata or 7.30pm.. if you are a nature lover you will surely love Montserrat.grabe ang ganda dito.kaloka yung mga forms ng mga bato dun.see it for yourself mga sis and you will know what i mean...LOL
punta din kayo sa church dun sa montserrat and light a candle..1.80 euro yung isang candle na medium size and 2.20 euro yung malaki.. maraming mga souvenirs dun and i think its quite expensive 5 euro kasi... a must try din yung mamon dun s montserrat.2.80 ata yun 3 pieces masarap naman sha...
Day 4- nag beach naman kami...topless kung topless ang labanan dun...LOL.. dito sa Rome bibihira ang nag totopless sa beach.sa barcelona halos lahat ng girls naka topless naglalakad bata, matanda. wala silang care....
Day 5- Nag shopping na kami... mura nga sa barcelona...zara, mango,bershka,lefties almost lahat.kung madami kang pera halos mauubos mo ang baon mo.LOL. till now sale parin sila.hanggang end of august daw ang sale nila doon eh.
Day 6- Club hopping naman kami. we went to olympic port tabi2x ang mga clubs dun... first we went to SHOKO club.the entrance is 12euro.tapos kung yung cocktails na gusto mo is wala dun sa list na kasama sa 12 euro na pinang entrance mo you will add 1 euro or 2 euro.... ILOVE THE NIGHT LIFE in Barcelona.ang gaganda ng mga discohan nila dun compare dito sa rome....ang downside nga lang is yung mga music na pinatutugtog nila is laging latin music.LOL.
Day 7 - Plaza Espanya. we went there at night to watch the magic fountain of montjuic. my oras din ang start ng show nila. Thursday, Friday, Saturday, Sunday...9pm ang start.maganda manood nito, a must see talaga kasi ang cute ng fountains dahil nag iba2x ng colors tapos my background music pa...
I enjoyed my stayed there...maganda ang barcelona pero sa 3 european country na napuntahan ko mas nagandahan talaga ako sa Paris and Rome...ang dami kasing tambay sa barcelona lalo na sa gabi, mga lasing, nakakatakot.parang pinas lang. tapos ang dami pa daw magnanakaw. may nanghahablot daw ng necklaces, cellphones... so you should be very careful and attentive sa mga bags and pockets ninyo...
maganda talaga yung may kakilala ka sa isang places na pupuntahan mo.kasi hindi ka na mahihirapan maghanap ng mga pupuntahan mo, and meron na rin mga tips where and what to do in a place....
