watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137239 times)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #600 on: October 26, 2015, 02:55:48 pm »
^ thank you nga lang na libre, cant afford pa rin ex friend mo Tsk! Tsk!:( how sad.

St.Tropez

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #601 on: October 27, 2015, 12:13:56 pm »
Hi girls its good to be back here in FN .. 🤔what can you say naman to those people who obviously keep on comparing their lives to others by bragging.. No one is competing with these 2 bruhas but everytime someone from their friends is posting something genuinely without bragging kelangan talaga makapost sila ng novela na bragging and they are better. Im sick of these kind of people in fb & yeah pati pag donate kelangan pa talaga announce ..madame ren ganyan 😖

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #602 on: October 27, 2015, 06:45:00 pm »
^tingin ko diyan is over the top insecure:) nakakainis nga mga ganyang tao, parang ayaw patalo, dapat sila lagi ang nakakauna, if mauna man ang iba, they make sure na " ikaw man ang nakauna sa akin, pero iam still better than you, eh, eto, kaya mo ba magawa?" Type of post. Nakaka awa.

May pinsan kaming ganyan, blessed naman sila,well travelled naman and branded gamit, pero may nasesense kami na may inggit pa rin.Pero pag nag travel kami, gusto lagi kasama din sila. Kailan lang,galing hk ako and pamasahe ng pinsan ko kasi Iam working for him. Ininterview ako" sinundo ka ba sa airport" ay, ang daya! Bakit ikaw sundo hatid niya? Kami, hindi."  Maririnig mo sa kanila " ay bakit ako wala? Ay bakit sila sinabihan mo punta kayo Japan, kami hindi" pinsan naman namin ang nag offer ng sundo at hatid kaso may mga padala siya sa akin.Hindi ko naman sinabi " sunduin mo ako ha!" Tapos nung isang beses, travel ako, pinsan naming mareklamo, biglang from US, nag Hk din, then SG, tapos post siya ng passport and boarding pass.. Caption: " Spontaneous trip" okayyy... Ikaw na ang nakikipag karerahan sa sarili! Mananalo ka diyan sa contest na yan, dahil di naman ako kalahok sa contest na kung sino sa atin ang mas busy katratravel. Lol!!
« Last Edit: October 27, 2015, 06:51:44 pm by hazelbrown_eyes27 »

manhattanite

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #603 on: October 27, 2015, 08:14:49 pm »
Dyan ako natatawa at nagtataka hanggang ngayon kung bakit kelangan i-post ang boarding pass at passport  ;D

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #604 on: October 27, 2015, 08:48:01 pm »
Natatawa na lang ako sa mga ayaw magpatalo o mahigitan pero wala naman talaga pagmamalaki. Ni walang mga sariling bahay. Nagpost sunod sunod ang pag vikings ng mag anak kahit wala naman pambayad ng tuition. Tapos pag may ibang tao nagpost na kumain sa mas magandalng lugar like sofitel or shangrila, ayan na mayabang na ang sasabihin about that person hahaha kasi naman hindi na lang tangapin sa sarili na olats naman talaga sila. Gusto pa makipag patutsadahan at makipagsabayan sa iba. Puro utang naman.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #605 on: October 27, 2015, 10:05:36 pm »
I guess, kahit may kakayahan naman ang tao, may inggit talaga, sila naman kasi blessed sila, hindi naman sila deprived. Nakakapag Europe, and halos, every year if not every month nakakapag abroad, went to well known school, nakaka travel ever since kids.. Pero, ewan ko. Parang hindi pa rin kuntento sa buhay.  Kailangan kung hindi higit sila sa amin, atleast dapat same treatment.When, kung hindi sila sunduin sa Airport, eh di mag taxi sila. Nakakapag Hermés Birkin sila, pero gusto niyo hatid at sundo rin sila, gaya ng ginagawa sa akin. Birthday ng pamangkin ko, abah! Inusisa ako ng husto. Bakit ba daw ako kailangan mag punta ng hk every month( kasi po work, Iam working for our cousin, mga padala na order sa akin pinadadala) Kung sa flat ba daw ako ng pinsan namin ako nakikitira, every how many weeks, kailan next flight. Kung may hiwalay ba ako na business. As in dapat lahat alam? Blow by blow account? Documented dapat? Naka report ba dapat sa kanila? Kailangan ba mag file ako ng report sa kanila? Nakakainis!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #606 on: October 28, 2015, 04:34:34 am »
^baka dream ng officemate mo na manganak sa car kaya mas priority niya yun instead of saving for her upcoming child ;D...

Pagnanghiram yan para sa pagpanganak niya sabihin mo sa car na lang niya i-deliver ang baby hahaha.


mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #607 on: October 28, 2015, 07:06:29 am »
^What if mapaaga siya manganak? Hirap sa mga tao ngayon lustay ngayon bahala na si batman bukas. Naiinis pa naman ako sa mga nangungutang dahil manganganak kasi 9mos yun para paghandaan pero inuna ibang bagay. Magkano lang ba manganak sa lying-in, karamihan diyan na lang nanganganak pero wala pa din ipon para dun.

Iba-iba naman priority naman mga tao ngayon e, yung iba material things, yung iba magtravel. Kanya-kanyang trip sa pera, kanila naman yun e ang di lang maganda kapag alam ko yung tunay na financial status nila or pagminamaliit ka nila kasi di mo magawa yung ginagawa nila dahil iba priority mo. Ako din pinaghahandaan ko na retirement ko ngayon pa lang, ayaw ko tumanda na walang pera, nakakatakot e. Saka na lang ang matindihang travel and vacation plans pag marami na kong spare. Wag ka mag-alala sis makakapag-Japan din tayo, hindi man sa ngayon pero malay mo paglaki ng mga baby natin :). Parents ko nakapag out of the country lang nung graduate na kami ng mga siblings ko.

Chosero yun officemate mong beki, paki ba niya. Yung iba kasi nagkaroon lang ng 1 orig bag feeling nila marunong na sila agad kumilatis. Maski nga SA ng mga sikat na brands minsan di alam na orig yung item na suot ng customer nila siya pa kaya.


FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #608 on: October 29, 2015, 03:52:38 am »
^sis mysterioza_me, si officemate preggy nagjoke un one time na pag wala pa 13th month pay eh pautangin namin siya pampaanak niya, eh syempre tawanan lang...

si beki officemate naman, although mga gamit nya eh branded kasi naman may credit card siya...kaya alam ko baon din siya sa utang kasi nagko complain siya minsan na un sahod niya mapunta lang sa bayad...sa isip ko at least di man lahat ng gamit ko branded eh at least cash naman un pagbili ko nun noh at di utang...hmp!



mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #609 on: October 29, 2015, 03:58:16 am »
^di bale ng hindi branded kesa naman puro utang ang gamit.

LGV

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #610 on: October 29, 2015, 10:33:02 am »
Maramai talagang puro yabang kahit nung wala pang social networking, minsan nasa dugo na nila yan. Lol

Anyway to be honest i dont really give a damn if a lot of people or friends keep on bragging or flaunting whatever they have then I know that they are literally maraming utang, I dont really care just so long as hindi sila sakin uutang. If yun ang magpapasaya sa kanila diba. Minsan talaga ang tao may pride/ego yan so kahit isacrifice nila ang isang bagay just to show that theyre living a good life. Its their life anyway. I also dont care how people use social media iba iba talaga eh. Basta ako sa sarili ko gets ko naman yung totoo sa hindi so i just keep it to myself or sa husband ko lang sinasabi what are my observations hehe!

There are just people na annoying talaga kahit anong ipost nila, either matatawa ka or maiinis but thats how it goes, you always have the option naman to hide or unfriend or pwede namang scroll down mo nalang. In that way mas peaceful ang buhay kesa punahin sila, mainis or whatever. Either fake, orig, inutang, pakitang tao, yabang or bragging lang, everyone has the right to do it naman kung yun ang gusto nila iproject. For me lang naman, walang personalan. :)  But yeah funny yung flaunt ng flaunt at puro eat out sa expensive places but cant even apply for a home loan or cant even enroll their child sa private school, contradicting kasi diba, gumagastos ka sa mahal na bagay or branded things pero sa public nagaaral anak mo medjo off but then again choice parin nila yun. Kung baga eh napaguusapan lang naman natin. :)


msals2007

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #611 on: October 29, 2015, 10:59:06 am »
Its really funny how can one project an expensive lifestyle pero in reality hindi naman talaga financially capable. I know somebody, they are fond of eating out, mga pricey restaurants pa and buffet na tipong P1k per head and up, some from five star hotels pa ha pero I know naman na madami din silang loans and their kids are studying in public schools, no house yet just renting an apartment, no car. Of course wala na kong paki dun pera nila yun, nagtataka lang ako how can they prioritize yung ganung lifestyle over other more important things like siguro housing loan para naman magkasariling bahay o kaya sending their kids to private schools. It gives them satisfaction and happiness siguro na makita ng ibang tao na wow can afford pala sila. Ako kasi sobrang nanghihinayang. Sa P200 na budget  busog na kaming mag-asawa, sa P500 worth of meals fiesta na sa akin yun. Over the top na ang P1k per head :) Pero once in a while, mga once or twice a year we go on vacation din naman para magenjoy. Basta within the budget lang.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #612 on: October 29, 2015, 10:03:16 pm »
mga sis ang nakakainis kasi dun bukod sa pagyayabang nila eh, they look down on those people na hindi nakikisabay sa kanila...sa case nitong isang beki officemate ko, he would always say na wah kame class kasi secosana or sophie mga bags namin while he's using originals na mga lacoste or kun ano pa man, or he would brag na nagpunta siya sa ganitong resort with his friends at sabay tanong alam nyo ba kun saan un? or pag kumain siya somewhere na bago, he would automatically add na "natry nyo na ba dun" as if siya lang ang may K....


madaming ganun, they would brag, would post about their lifestyles thinking that the rest of the world can't afford the same...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close