watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137351 times)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #580 on: October 22, 2015, 09:13:26 pm »
Hehe relate ako sa mga hypocrites na pala simba. Pinagkakalandakan pa na parati sila sumisimba pero ubod naman ng sama ng ugali. Ingitera na mayabang pa eh wala naman pagmamalaki. Kaya ang sarap sarap tuloy lalo inggitin hahaha

lovemeagain30

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #581 on: October 22, 2015, 09:34:49 pm »
Guilty ako nitong posting ng mga gamit , pinuntahan or kinain na eto nuon until i realized may mali. naging OA ako. walang sumita sakin, ako nalang mismo naka realiza based on what others are doing the same as mine. ngayon panay pictures nalang ng mga anak namin ang pino post ko, sharing my happiness lang to the world. Yung sa pagkain, unless ako ang nagluto hindi ko na pinopost.

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #582 on: October 22, 2015, 09:39:56 pm »
^guilty din akp dyan dati. Meron ako friend di naman pinupuna pero panay ang sabi pag nagkikita kami kaya ka tumataba kung san san kumakain e. Eh di nag lielow ako magpost, ngayon naman ang puna bat daw di na ko masyado nagpopost. Hahaha alam mo lagi ka inisstalk eg

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #583 on: October 24, 2015, 11:30:51 pm »
Mysteriosa _me- sis ako din. Parang ang fake kasi. So, kahit na di pakitang tao or just for the sake of facebook post.. Nagmumukhang pakitang tao lang tuloy ang pag sisimba. Parang nag fifish lang ng comments, waiting for someone to commend her or praise her for going to church regularly.

Isa pa ayokong makita.. Mag dodonate ng goods para sa mga nasalanta ng bagyo, pipicturan pa! ( nag gro grocery at nasa cart ang ipang dodonate. Ang FAKE!! Sorry, pero. Kung mag dodonate ka, go! But, ang insincere ng dating na ipaskil mo pa ang goods na ibibigay mo sa mga tao. Di kailangan ipagyabang mo ang ibibigay mo. Ive seen people doing this on my wall or newsfeed. Lahat ng anggulo ng cart naka post!boxes and boxes of noodles, mineral water, sardines, bread. Naghihintay ata ng papuri ang mga taong ina anunsiyo pa ang mga pagkain na ibibigay. Or pinagyayabang ba ang brand ng pinamimigay? Nag iintay ng " sosyal ng corned beef na ibibigay galing S&R!" Yun ba purpose ng pag bigay? Iyabang kung saan ka namili ng pang donate? Nag mumukhang insincere, parang for the sake of impressing lang ang ginagawang pag tulong.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #584 on: October 24, 2015, 11:55:37 pm »
^sarap magcomment ng "sows char char lang yan, kilala ko kaya pagkatao mo"

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #585 on: October 25, 2015, 08:02:10 am »
^harsh but true!:) hahaha! Kadalasan, kailangan ng matinding pagtitimpi para di ka makapag comment ng ganyan.Pero ang sarap talagang pahiyain mga ganyang tao. 


Isama pa ang pag punta sa mga volunteering work,tapos pakuha ka ng nag babalot ng relief goods. Or yung first day pa lang sa isang volunteer work, na alam ni ms volunteer na madudumihan siya sa pag aalaga ng aso.( at makikita sa fb site na mag dala ng  extra shirt! Since naka indicate din sa site na mag wawalk kayo, mag papaligo ng aso)  pero pag dating sa lugar, walang ginawa kundi, mag seseselfie kasama ng aso? Tapos pag inassignan na ng aso na i lalakad or paliliguan,
biglang uuwi at magdadahilan ng "  ay! Mag papaligo pala! Hindi ako naka bihis para sa part na yan, wala akong dalang extra shirt!" Ang sarap lang sabihan ng " NAG PUNTA KA PA, AARTE KA LANG NAMAN PALA!"  Pang profile picture lang pala niya ang pag volunteer.. 

Yung isang ate na naglelead sa amin, buti nag salita sa isang girl na late na nga, pinanunuod lang kami sa isang ginagawa namin tapos,ang aga din umalis. Gusto daw nila magbabarkada mag volunteer. " we highly discourage na mag volunteer mga magbabarkada, kasi hindi naman lahat sa kanila willing at gusto talaga ang ginagawa. More often than not, wala naman silang nagagawa, kundi pumosing lang sa mga aso pang post sa facebook. At mag daldalan lang.Nagkaroon kasi kami ng parang volunteer work sa isang company, na in 40 katao, 6-10 lang doon ang talaga into the volunteer work, yung iba parang diring diri at maririnigan mo ng " eeww!" Ayun! Si ateng, late.. She never came back to the volunteer work ever again after that. Eh, di malamang, isa din siya doon sa nabanggit!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #586 on: October 25, 2015, 09:54:18 am »
^Kaya I opted to unfollow them na lang. Sa una kasi nakakatawa pero pagtagal mairita ka na din. Kesa makapagcomment pa ko ng harsh, unfollow or unfriend ko na lang minsan.

 Dati nagvolunteer kami sa habitat for humanity, ang saya lang tumulong gumawa ng bahay and maghapon kami dun pero nagkasakit ako after kaya di na ko sumasama sa mga pisikalan na volunteer works after nun. May kasabay kami nun, less than 2hrs lang nagstay, nagpapicture lang na kunwari may hawak na pala or blocks tapos umalis na, we were like "yun na ba yung tulong nila." Ngayon nagdodonate na lang ako pagmeron.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #587 on: October 25, 2015, 01:11:46 pm »
Atleast nag try ka talaga.And not for profile picture's sake lang. Ako naman, di ko naman fb friends pa, pero taking notes sa mga ganun. Para pag mag friend req, ignore na lang. Dun naman sa nag major documentation sa pag dodonate, na as if naman siya ang assigned sa pag ggrocery ng isang govt org kung makapag pic to prove na di niya tinakbo pera.. Unfollow.:)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #588 on: October 25, 2015, 03:11:06 pm »
Eto na si pasikat, sa isang handaan ng mga inlaws. Magkakapitbahay lang lahat, tipong tatawid ka lang or mga 2 minute walk eh andun ka na sa handaan. Ayun dumating naka motor pa talaga at naka helmet silang mag anak. Hahaha! Gusto lang ipagyabang na nakabili na sila ng motor. Like hello magkano lang ba down ng motor?? Minsan nga may libre pang cellphone na kasama. Hindi ko alam kung maiinis ako oh matatawa sa kayabangan ng mga itey, mga wala naman sariling bahay.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #589 on: October 25, 2015, 05:35:03 pm »
^^Nahihiya ako magpost ng pics ng ganun haha. Recently nagpunta kami sa elderly care center, isa lang pic na kinunan ko using my phone, yung pathway lang. Ang dramatic kasi tingnan, naiimagine ko na naglalakad ang matanda dun mag-isa. Lonely path nga tawag ko dun. Pero yung iba super selfie sa matatanda, sabi ko sa self ko i-exploit nila sa fb yung mga elders, kawawa naman. Nagpapapicture lang ako sa official photog at group pic pa yun, kasi nga for documentation purposes ng company at di naman ilalagay sa fb yun.

^lol 2min walk lang nagmotor at helmet pa talaga?! Buti hindi siya inabot ng kantiyaw dahil dun

redvalentine

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #590 on: October 25, 2015, 05:51:37 pm »
hi newbie here

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #591 on: October 25, 2015, 08:08:57 pm »
@mysterioza, sis alam ko balit issue sa kanila yan na magpopost ng no make up pero meron naman pala talaga kasi most of the time gusto nila ipakita na maganda skin nila or born sila na maganda pero in reality kasi insecure sila siguro sa kakilala nila na born with good skin talaga. Kaya parang they become defensive if they post a hashtag na no make up and no filter sabay buking sila na may make up naman pala. I should know kasi may friend ako na ganyan na ganyan...

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #592 on: October 25, 2015, 09:10:36 pm »
Yun mga no filter no make up na yan eh sarili lang nila niloloko nila hahaha. May kakilala din ako ganyan jusko puting puti na rin pati background ng picture sa kaka filter. Todo selfie din, buti sana kung maganda sya eh patawarin ako ni lord pero mukha syang lalaki na tambay sa kanto hahaha!

Naku meron pa mga sis, yun inlaw na yun na dumating sa handaan ng naka motor at helmet, nagdala pa ng pizza, papa johns. Buti sana kung 5 box, eh isa lang naman hahaha, feeling nya kasi ang sosyal sosyal na niya kasi papa johns ang pizza nya hahaha

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #593 on: October 25, 2015, 09:52:38 pm »
An ex friend of mine, she likes posting expensive bags, rolex watch, eating out and to my surprise one day she texted me asking me if she can borrow 4k for her daughter's tuition with matching titulo daw ng motor. And i was like, you kept posting your splurges and now you will ask me to lend you 4k for tuition fee. I didnt lend her, nakakainis kasi mga ganun na tao. Yabang eh wala naman pala pangbayad for the tuition fee. Oh well, at least ex friend ko na sya and di ko naman sya kailangan makita nor makausap :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #594 on: October 25, 2015, 10:10:31 pm »
Haha disappointing kaya pagnakita mo in person na di naman pala sila ganun. Mas ok pa din na maganda in person kesa sa photos, unless print ad/billboard model ka.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #595 on: October 25, 2015, 11:12:11 pm »
True @mysterioza_me-  mukhang exploited lang mga matatanda.pakitang tao.


About sa expensive brands ang bags pero lubog sa kumunoy sa utang, maraming ganyan. Mas mahalaga ang image nila, ang tingin ng tao sa kanila.  May schoolmate and neighbor akong ganyan. Tingin ata sa akin, dukha. Kasi,  nung nag ask ako mag spray ng tommy hilfiger sa kanya n pinag damot pa. Nagpasama sa labas para mag yosi, ako kasi non smoker. Humingi ako ng spray para ma mask ang smell ng yosi sa akin. Sabi ba naman " sorry ah, kasi galing pang US ang perfume ko eh!" My gulay!
College na ito ah, not gradeschool.Pero ang level ng excuse,pang grade school. Tapos nung ilang beses ng nag R sa course card( REPEAT) 0.0  ang thesis, nangungutang ng 20k sa akin. Pambayad ng tuition fee niya. Ayaw na kasi siya pag aralin ng magulang niya. Hahahah! Pabango ayaw magpa spray, kasi galing US ang pabango. Pero walang 20k!
« Last Edit: October 26, 2015, 01:39:49 am by hazelbrown_eyes27 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #596 on: October 25, 2015, 11:42:50 pm »
^^sis sana sinabi mo try niya ipa-pawn yung rolex niya para maging cash or ibenta ang expensive bags niya. Sa ganyan din ako inis, makapost sa fb ng "yaman" tapos sa tunay na buhay dumadaing sa hirap

^yung mga tao na bihira maka-experience ng imported sadyang madamot pagnagkaroon sila nun baka di na kasi maulit. Malay mo naman kasi sis display lang sa bag niya yun, kahit siya di niya ginagamit. Baka nga hanggang ngayon buhay pa yung pabango na yun dahil sa tipid niya sa paggamit.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #597 on: October 26, 2015, 01:46:45 am »
^ lagi ngang pinag yayabang US trip niya sa Rodeo Drive. Hahaha! So, I asked her when she went to US, sabi niya gradeschool pa siya. Sabi ko " matagal na pala eh! Sa sobrang tagal,si Statue of Liberty nangawit na at yung flame of torch niya from left, nilipat na sa kanan at binaba na yung tablet na hawak sa kanan kamay, bumaba na sa kinatatayuan at umupo na."     Namili Pa daw sila sa Rodeo Drive, pero yung Armani na shirt niya, di mapalit palitan kahit may stain na sa kilikili. Black pa naman, tapos parang may major armpit sweat ka, kasi basa itsura. That time wala pang sweat detox, pero sa yabang niya at sa pagiging sarcastic ko, baka nasabihan ko ng " I highly suggest, mag pa sweat detox injection ka sa kili kili, at para kang may discharge ka sa area na yan.

Sa pabango or any imported items, maramot sa parang siya lang ang afford.Laging bukambibig, di kita mabibigyan kasi pasalubong ng ate niya at galing US. Once, nakita ko sa Office 1, and tinawagan ko siya, sinabi ko" sa US ka pa bumili, eh sa Office 1 lang may mabibili ka na ng ganyan, sa Rustan's department store maraming Tommy Girl, check mo expiry date baka throwback gradeschool days mo pa pabango mo"
« Last Edit: October 26, 2015, 02:09:52 am by hazelbrown_eyes27 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #598 on: October 26, 2015, 03:02:25 am »
^haha ang harsh mo sis.

Pansin ko lang ang mga feeling rich mas matindi pa magpasiklab kesa sa mga talagang rich. I had an officemate na old rich talaga ang family pero super simple lang niya pero alam mo na mahal ang gamit niya. Yung isa naman nakatuntong lang sa mahal na school ng 1 sem di na malimutan yung school niya lagi niyang kinukwento and minemenos mga nag-aral sa hindi kalevel ng alma mater niya. Nung minsan napikon ako sabi ko sa kanya "kahit graduate lang ako ng state U atleast graduate ako, e ikaw nakatapos ka ba?!"

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #599 on: October 26, 2015, 07:09:30 am »
@mysterioza naku sis after that incident nga siniraan na rin nya ako sa mga ibang schoolmates namin eh. Dinamay pa sister ko LOL how sad. I thought all along okay na sya kasi since we were kids she has something against people who has money. Even if that person doesnt compete or show off anything to her, she would always take it the wrong way. E.g. She thought it was payabang that i shoulder before our projects, parang sa akin i know naman na if i want great grade i need to spend more. Eh i know naman her capacity so normally i would just shoulder her share sa projects namin, yun pala she is taking it against me. Madre mio! Buti nga yun nalaman ko na di pa pala sya maayos mag isip. Utak talangka pa rin sya

 

Latest Stories

Load More Stories
Close