watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137233 times)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #560 on: October 08, 2015, 08:06:23 am »
May ganyan akong kilala na alam niyang fake ang gamit niya, pero sige pa rin sa pag post. Proud owner of fake Gucci's and LV's. Tapos may nag post na " wow!  Ganda ng bag ah!!l" sagot " kaunti lang ang binabagayan ng ganyan!" Yessss!! Proud na proud si lola Pekedora!  Alam kong fake kasi nung friends pa kami, aminada siya na fake mga branded bags niya, branded fakes. Binebenta niya yun mga Class A's bags. Kaso, may sinasabi siya about me sa gym ng kung ano anong paninira. Pero, deadma lang. Alam ko naman di ako ganun, why react?! Di ba? Alam ko ano totoo about her naman eh. Hahahaha. Pinagtatawanan ko na lang. Di na kami friends. Iniiwasan ko na lang siya.:)

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #561 on: October 08, 2015, 08:36:43 am »
Mahirap din magkaron ng friends na nagbebenta ng bags na alam mong fake. Lagi ako binebentahan since mahilig ako sa bags, alahas. Lagi ko sinasabi wala akong budget. Hahaha! One time nga bumili ako ng bagong bag, nakita ng friend ko sa table ko sabi bakit di ka pa sakin bumili, sabi ko nalang ah gift lang sakin to. Di nya talaga ako mapipilit bumili sa kanya haha!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #562 on: October 08, 2015, 10:23:48 am »
Honestly, ako kasi wala naman akong care sa mga posts ng iba basta ba hindi nila ako inuutangan pambili ng gadgets nila or mamahalin gamit. Kaya lang yung iba mapapa roll eyes ka kasi alam mo back ground hehe.

Naalala ko yung kakilala ko, kumuha ng iphone plan at credit card. Pinagsabihan ko siya since di pa naman kalakihan salary niya so ayun 2mos pa lang ang iphone labas-pasok na sa sanglaan hanggang maibenta. Ang credit card naman ginamit pang-splurge. Kain sa labas with family and starbucks everyday since di na daw siya tinatablan sa ordinary coffee (ang arte lang). Na-cut ang card due to nonpayment pero tuloy ang maluhong lifestyle. Dumating pa sa point na nagsasangla ng Atm para makautang (I didn't know back then na pwede pala yun). Ilang days pa lang after ng sweldo wala na siyang pera at hinahanap na kami para utangan kasi ang pamasahe niya one-way lang, wala na siya pamasahe pauwi. Nadala ako pautangin siya, kasi nanghiram sa kin ng 500 pandagdag daw sa allowance niya, pinahiram ko naman tapos nakasalubong ko galing Starbucks. Amfufu kainis lang.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #563 on: October 08, 2015, 12:16:50 pm »
Tapos  yung pouch ko tinatanong niya if original ba or Hindi!( the nerve!) bebentahan siguro ako ng fake. Nainsulto ako sa tanong kasi di naman talaga proper ang mag ask sa Tao if fake or orig ang gamit nila. That time, di ko pa naman siya kilala.Tsine tsek pa if totoo gamit ko. Tinatanong kung saan, para daw " sure" na di fake. Kumusta naman. Parang palabas niya  hndi ako marunong tumingin ng fake. Kailangan ng legit check niya, eh fakes naman binebenta niya.Isang beses sabi ba naman na " mukhang fake ang bag mo, saan mo nabili?( checks bag handle, with a cringe facial reaction.) " mas mukhang totoo pa binebenta ko na fake class A bags ko sa bag mo "  " sabi ko, ahh ganun ba? sige, pa check din natin bag mo sa pinagbilhan ko ng bag para magkaalaman na, at IREREPORT NA RIN KITA!"

msals2007

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #564 on: October 08, 2015, 02:23:05 pm »
Hehe, kakaiba naman yang officemate mo hazelbrown_eyes27. Ang kapal ng face :)

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #565 on: October 08, 2015, 04:35:10 pm »
^gym buddy siya sis. Super! No words! Syempre, EX GYM BUDDY na siya.
« Last Edit: October 08, 2015, 04:37:53 pm by hazelbrown_eyes27 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #566 on: October 09, 2015, 06:48:08 am »
Yung ex-teammate ko tinanong din ako dati kung fake or orig ang shoes ko. Sabi ko sa kanya "di ko sure basta dun sa mismong boutique sa Trinoma ko nabili shoes ko, sapalagay mo ba magbebenta sila ng fake sa mismong boutique nila?" Feeling niya ata siya lang may K magkaroon ng branded, di naman siya bumibili ng mga gamit na pinagmamalaki niya kundi mga pinaglumaan ng mga kamag-anak niya sa states. Paano ko nasabi na pinaglumaan? Kasi yun mga suot niya madalas may butas at mukhang worn out na. Di bale ng hindi branded lahat ang gamit ko wag lang ako papasok sa work na butas ang damit ko.

babykat

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #567 on: October 09, 2015, 08:39:07 am »
Marami din akong kilalang ganyan.  Pero yung mga pinakaworst yung tipong di naman tinatanong sa bago nilang gamit etc, imemention talaga sa yo with matching quote ng price. Haha so what?  Wa ako paki.  Di naman kasi ako atat sa mga branded na gamit.  Kaya nakakatawa lang mga ganun.

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #568 on: October 13, 2015, 12:20:03 pm »
I have nothing against people who buys fake bags, make up, etc.

at the end of the day, pera nila at choice nila yun. Keber ko. Walang basagan ng trip ika nga.

Nakaka turn off lang kapag pinagmalalaki pa kahit alam nilang fake. :D


babykat

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #569 on: October 13, 2015, 05:07:51 pm »
I know someone na di naman talaga mayabang pero sobrang pasosyal.  She's the first in line pag may free food.  And madalas pag may kainan sa office, di nawawala ang mga Tupperware nya kasi naguuwi sya.  Ok lang sana pero she doesn't even wait na makakain lahat ng tao before she starts packing food into her containers. 
Pero, her stuff - sobrang expensive.  Originals naman halos kasi nga ayaw nya sa fake.  Pinakaworse ata nya, she eats expired stuff (mga kakaexpire pa lang naman, if it makes any difference) pero her make up and clothes is yung super mahal like Laneige, Smashbox,
There's another one naman na nuknukan naman ng yabang, not just sa gamit but sa lahat.  She always has to one up ang mga kausap nya.  Tuloy, conversations with her are along the lines of the "wala ka sa lolo ko" segment of Bulagaan.  Example, she would fling a letter from a credit card company and say, "kalokang credit card na to, binigyan ako ng credit limit na 500k."  eh wala naman sya kausap in particular.  Parang ipaparinig lang.

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #570 on: October 13, 2015, 05:11:47 pm »
^may ganyan ako friend sobrang tinitipid sarili sa food para makabili ng sasakyan at para mabilib mga tao sa kanya na matipid sya pero for me di pag titipid yun kasi sobra makakantyaw manlibre ng ibang tao! Even her ex bf sagot lagi dinner para makatipid sya.

ayka

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #571 on: October 13, 2015, 09:06:56 pm »
In FB and IG, I think there are a lot of reasons why people post. Based on the posts/photos I see, on what I've NOTICED and IMO, here are some reasons:

-the person wants to share a nice shot/photo, a nice memory or a good experience (i.e., family/wedding pic, photo of a skyline, a colorful flower, a good restaurant, a healthy juice, etc)
-the person wants to share an emotion, current mood, wants to vent out and/or may gustong patamaan
-the person wants to make an opinion on an issue/topic
-the person wants to talk to another FB friend and doon pa sila sa wall mag-uusap
-the person wants to share his or someone else's achievements (may it be an award in school, kotse or bahay na pinaghirapan ipundar, etc) 
-the person wants to BRAG or wants ATTENTION. Rich or poor, authentic or fake, it doesn't matter. (bags, phones, travel, restaurants with matching receipt!). This is sooo obvious lalo na kapag hindi matatapos ang linggo ng walang ipo-post!
-sa social media umiikot ang mundo niya. Kahit ano, kahit ipis or inodoro ipo-post - MAY MAI-POST LANG.
-yung iba naman, magpo-post para buwisitin yung kakabanggit ko lang sa itaas.

 ;D

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #572 on: October 17, 2015, 07:05:05 pm »
Ayoko lang talaga pakikialaman pa gamit mo. Ako, kahit alam ko fake gamit niya. ( class a) never ko inask if totoo or not gamit niya. Pero huwag naman niya ako tatanungin para makabenta( hard sell)  obvious naman na gusto ako bentahan. Bakit naman niya sasabihin mukhang original pa bags niya na class a lang sa bags ko? Its improper, at bastos.Kung ganun trip niya sa buhay ( gumamit at mag benta ng fake)niya, fine. Wala lang pakialaman sa gamit ng may gamit. Tapos kailangan malaman pa niya where I bought it para sabihin niya kung totoo or hindi based kung saan ko nabili. Garapalang insulto.( sabay hawak pa, fini feel pa ang material) saan ka pa.  ang sarap i high five sa mukha ng marble table! 

Mga nag popost ng current purchase na gadget.
Mga nag popost ng passport and boarding pass.( why not post the place or country na lang kaya?


« Last Edit: October 17, 2015, 07:15:58 pm by hazelbrown_eyes27 »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #573 on: October 17, 2015, 07:49:39 pm »
^haha sis baka hinawak-hawakan niya kasi di pa siya nakahawak or nakakita man lang ng orig. Nagpretend na lang na may alam siya sa orig para kunwari sosyal siya.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #574 on: October 17, 2015, 07:58:55 pm »
^siguro nga sis.  Pero gusto muna mang insulto. Hahaha!

dismembered

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #575 on: October 21, 2015, 10:47:56 am »
Yung magpopost sa IG na kanda haba haba ng caption parang telenovela. Para sa isang picture!

Alam mong payabang ang post kapag...

Magsisimula sa negative background story para i-build up kung ano meron sya. e.g. "Kahit mahirap at busy sa araw araw, nakukuha pa din namin makahanap ng time para gumala at kumain sa magandang resto". lol

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #576 on: October 22, 2015, 08:42:13 am »
may fb friend na in-unfollow ko. From breakfast to dinner nakapost kung ano kinain sa maghapon or magche-checkin siya in case na sa labas kumain. Pati pagpunta every Sunday sa church nakapost. Pero ang last straw ko talaga kaya nag-unfollow ako kasi nagpost siya ng MGA pics na nagpa-manicure and pedicure siya, so pictures ng paa all over plus #relaxing. Then a common friend commented, "Wow mayaman!" Sagot naman ni friend "hindi mura lang yan no, 600 pesos ang manicure  and 700 naman ang pedicure." Yung totoo mura pa ba yun?!

Same person: may pinaringgan siya sa fb kasi nagtanong daw if magkano tuition fee ng anak niya, sabi niya 15k, sabi ng tao mura lang pala. Nagalit si friend kasi nasabihan na mura lang pala tuition fee ng anak niya. Ayun tinira niya yung tao sa fb. Hahaha.

chicafabulosa

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #577 on: October 22, 2015, 09:36:46 am »
@ mysterioza, sis kaloka mga ganyan pero im wondering may 15k pa na tuition now? Last time ko na naexperience yun is nung time na nag aaral pa ako. Kasi now even playschools mahal na di ba.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #578 on: October 22, 2015, 04:16:55 pm »
Na encounter ko yang naka post pati simbahan." Papa Jesus, Thank you sa lahat ng blessings." Sabay enumerate ng mga material stuff. Tanda na, magkaka anak na nga " Papa Jesus" pa rin tawag kay Jesus.  Pabebe. Di ko rin gets bakit kailangan mag post ng church picture, altar and all. " Giving thanks to Papa Jesus." Every Sunday, kailangan malaman ng tao na nag sisimba ka? Juice mio! TMI na ata yun. Di pwedeng sarilinin na lang na church goer ka? Kailangan i announce, with pictures?  Pati baby seat na iniistall sa car? May video? Stroller( limited edition) naka paskil? O, sige, ikaw na ng buntis na may limited edition stroller at may baby car seat sa kotse.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #579 on: October 22, 2015, 08:18:51 pm »
@chicafabulosa gusto ko nga magcomment na sa panahon na to super mura naman na talaga ng 15k na tuition fee but knowing her hindi niya matatanggap yun dahil lahat ng may kinalaman sa kanya dapat mahal. And siya yung tipo ng tao na hindi ka ico-confront ng harapan but instead pariringgan ka via fb. Di pa naman ako mapagpatol sa parinig, hanggat wala ang name ko dun hindi ko papatulan. There was one time pa nagpost ng pics #nomakeup #nofilter, may common friend na nagcomment "weh no makeup ka diyan, e plakadong-plakado yang kilay mo at orangey pa yang lips mo." Unfriended tuloy si common friend. I reaally don't get it, Is there something wrong posting a pic of you wearing makeup? Bakit kasi need pa lagyan ng no makeup kung nakamakeup naman talaga. Aliw factor pa naman sana sa tuwing may post siya but it has to end kasi baka di ko ma-contain self ko at makapagcomment ako.

@sis hazelbrown_eyes27 ewan ko kung bakit need pa nila ipaalam na nagchu-church sila. Wala ako bilib sa mga ganung tao. Mas mabuting tao pa din yung hindi naman lagi nagsisimba pero marunong gumawa ng mabuti sa kapwa

 

Latest Stories

Load More Stories
Close