watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137274 times)

ohcmon

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #540 on: September 17, 2015, 08:48:56 am »
^ May preggy friends din akong ganyan. ;D One photo showing all the baby's items are I guess acceptable kasi baka excited lang talaga, pero there's this one mom who posted a solo pic of each item for the new baby. Online shop lang ang peg? Lol

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #541 on: September 17, 2015, 09:52:36 am »
^ pictures ng baby stuff from each of the baby's fair attended. Wala pa yun, another album pa sa mga natanggap sa friends,( paisa isa ) then, iba pang latag ang napamili ng mga magulang niya.. Plus ang TYAN niya.  Spell umay sis! I need a bottle of atchara!  May blow by blow account pa ng pag laki ng tyan niya sa newsfeed. Daig pa si Kris nung pinag bubuntis si Bimby!
 
Yung sa magulang niya, nakalatag sa table na may sapin pa na newspaper. ( what is the meaning of this?) nag papatuyo lang ng daing?

Sa friends naman, paisa isa. Tapos for every picture, " thank you kay... Eh, yung na touch ako sa padala niyo.." Kada may mag bibigay, picture.. ( pls, limit this stuff sa family and friends) thank them personally.
Kinabukasan " may nareceive na naman si Baby M...( pic)  so, kung may 50 katao mag bibigay ng gifts, lahat ng 50  paisa isa na yun araw araw makikita ng sambayang Facebook world ang natanggap. Baka makapag comment na ako " OO NA! BUNTIS KA NA!! Okay?! Sino pa ba dito hindi nakakaalam na BUNTIS KA?! kahit sa Facebook HQ, alam na alam na ng mga tao doon ang lahat ng pinamili ng buong angkan niyo, at lahat ng natanggap niyo.
« Last Edit: September 17, 2015, 10:16:17 am by hazelbrown_eyes27 »

catherinecaparino

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #542 on: September 17, 2015, 10:34:34 am »
 I have also one friend na everytime she bought a new stuff she always mention also the price. G! Nayayabangan nadin yung ibang friends namin sakanya.

manhattanite

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #543 on: September 17, 2015, 03:34:21 pm »
Baka makapag comment na ako " OO NA! BUNTIS KA NA!! Okay?! Sino pa ba dito hindi nakakaalam na BUNTIS KA?! kahit sa Facebook HQ, alam na alam na ng mga tao doon ang lahat ng pinamili ng buong angkan niyo, at lahat ng natanggap niyo.

Hahahahaha lakas ng tawa ko dito, sis!  ;D

Pansin ko nga din yan sa ibang buntis friends on FB, bat kelangan i-document bawat araw at bawat development ng pagbubuntis nila??  Hindi ba pwedeng sa immediate family and closest friends na lang?  Alam ko blessing and all, yadda yadda yadda, pero naman, ang OA lang.  Parang sila lang ang nabuntis ever sa history ng mundo.   

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #544 on: September 17, 2015, 10:18:25 pm »
^ my thoughts exactly sis! Sana limited viewer lang ng Family and Friends. Kasi di naman lahat ng nasa friends list gusto makita ang blow by blow account ng pag bubuntis niya. I mean, sige, excited ka. Once, twice .. Why not? Pero para bumulaga bilog ng tyan niya sa newsfeed, at. Mag inventory sa mga natatanggap, at napapamili.. Over the top! Kahit sis in law ko na 2 years nag try bago nagka anak, hindi ganyan.
« Last Edit: September 18, 2015, 01:45:13 am by hazelbrown_eyes27 »

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #545 on: September 22, 2015, 11:38:57 pm »
I also have FB friends na they document everything when it comes to their pregnancy. Pero naiintindihan ko sila because like them, mom din ako and I know the feeling of excitement.

Iba iba kasi ang tao, yung iba hindi lang nila feel talaga mag post or mag share. While yung iba naman they love to share or minsan over sharing pa nga but it does not always mean naman na nagyayabang sila. Minsan, excited lang talaga. :)

Miss Taken

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #546 on: September 23, 2015, 12:49:30 am »
Do yourself a favor and detached yourself from these kinds of people. You'll know naman if a person is just really enthusiastic about sharing something or just simply bragging about it. Every once in a while na post is fine pero yung tipong everyday eh todo post ng material stuff na pare-pareho lang naman is too much.

Pag may ganito akong nakikita sa wall ko sa fb, unfollow na lang agad.

FayeP

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #547 on: September 23, 2015, 05:47:05 am »
^sisses, lucky na siguro ako I don't have FB kaya I'm spared with that haha pero dito sa office as in kala mo naman may radio program ng kayabangan:

Meron isang beki friend/colleague, who would name drop ng mga celeb na nakita nya kasi bumili siya ng ganito sa shang or naglunch siya sa ganitong resto, pati price sinabi mga ganun...

Un isa na seatmate ni beki friend, nakapangasawa ng may kaya, tapos nakatira sila sa inlaws, aba akala mo kun sino din bongga sa pagsabi ng punta tayo sa ganito, kain tayo sa ganyan, I bought this blah blah blah


hay, ok sana kun di ko alam un mga life nila eh, baka maniwala pa ako...eh kaso alam ko na may mga jutang din sila sa mga credit cards nila...hmp!

twix

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #548 on: September 23, 2015, 12:20:14 pm »
ay! oo kahit kilala mo na pag kabata eh lumabang na ;D

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #549 on: September 24, 2015, 03:57:56 am »
Yung gym buddy ko dati sa gym na pati ba naman sa s&r na tulak ang cart and mga pinamili naka post pa sa facebook. Sume selfie siya kasama ang mga pinamili. Nakakatawa! Chicka sa akin ng manager, laging late payments siya sa monthly dues. Nagmumukhang " contribution sa SSS or Pag ibig funds ang pag bayad sa dues. Pero kung makatanong sa iyo kung original gamit mo, akala mo siya lang ang afford maka bili ng signature items. Mag uupgrade pa daw sa Platinum.. Eh sa regular club nga, hulugan ang pag bayad. Aim high Pinay pa! 

Miss Taken

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #550 on: September 24, 2015, 04:49:53 am »
hay, ok sana kun di ko alam un mga life nila eh, baka maniwala pa ako...eh kaso alam ko na may mga jutang din sila sa mga credit cards nila...hmp!
Naku sis nakakainis talaga yung mga ganyang tao na ang yabang yabang pero alam mo naman na ang daming utang.

Buti dito sa office especially sa team namin eh hindi uubra yung mga may ganyang attitude kasi mapapahiya talaga hehe. May friend ako na talagang mahilig siyang magsabi ng price ng binili niya pero in fairness naman to her eh mabait siya at maaasahan tapos minsan ko lang makasama kaya keri lang.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #551 on: September 25, 2015, 06:56:51 am »
>may classmate ako nung elem up to HS na nagpost sa fb group ng school na "batchmates magreunion naman tayo para magkita-kita at mapagkwentuhan ang mga ACHIEVEMENTS natin"...ayun na-bash tuloy siya. Nakapag-Saudi lang feeling may narating na. Kaya maraming hindi umaattend sa reunion dahil sa mga ganyang tao.

>(same person) hilig magpost ng pics ng latest gadgets, as in 1 album per gadget. Kunan ba naman ng pics all sides ng box, bawat accessories, all sides ng gadgets pati apps.

>Yung tita ko nagtext sa mom ko 2 weeks ago.
Tita: Ate may bago tayong kapamilya..
Mom: Ah talaga!
Tita: Oo, Advi ang name. Ang ganda. Susunduin na nila (mentioned her hubby's and 2 children's name)
Mom: Kanino anak?
Tita: Kumuha kami ng bagong ADVENTURE. Di ba parang kapamilya din yun kasi gagastusan din yun.
Mom: (napamura sa badtrip)

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #552 on: September 25, 2015, 06:38:15 pm »
Yun kakilala kong ganya, Nakakatawa lang kasi Feeling nya ang sosyal sosyal na nya pag nag post sya na nag vikings silang pamilya or may isang box sya ng jco donuts or nagshopping sya sa forever21, pati yun sumali sila sa fun run ng asawa nya. hello??? Anong sosyal dun?  Hahaha natatawa na lang ako kasi halatang social climber na walang alam. Buti sana kung nag golf silang mag asawa at sa sofitel or ibang 5 star hotel sila nag buffet, tapos sa mga high-end shops sya nag shopping, or 5 box ng laduree or paul's pastry ang pinopost nya sa fb. Hilig din makipagsabayan sa gadgets. Ang masaklap pa nyan alam mong lubog sa utang, nakikitira lang sa mga kamag anak at nagdadrama para makahingi ng tulong sa mga pangangailangan ng mga anak. Tsk tsk...

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #553 on: October 02, 2015, 11:59:26 am »
Ang kinaiinisan ko rin na lahat ng boxes ng apple products pipicturan, caption " di naman masyadong mahilig sa apple"  hello! Ikaw lang ba ang nakaka afford ng apple product?
And those who post new apple products.. " look who finally got her new iphone?" Or " woke up to this! " came home to this!!" DUH!! ( insert iphone or ipad)

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #554 on: October 02, 2015, 12:44:15 pm »
My friend ako posted a picture of Pandora bracelet. Complete with box and paper bag. Super proud telling bday gift ni hubby. Pag tingin ko sa paper bag parang may Mali. Then pagtingin ko sa bracelet. Confirmed fake! Naiirita ko sa ganyan posting ng mga nabili or bigay sa kanilana branded items na alam mo naman fake.

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #555 on: October 07, 2015, 12:51:58 pm »
^ grabe yung mga ganyan. Haha!  Ayoko din ng ganyan na mega post tapos fake items pala. Sobrang social climber lang dating sa akin.

Para kasi sa akin, if you cannot afford yung tunay na branded item, that's fine. Hindi naman requirement na dapat branded ang gamit.

pero yung bumili ng fake at ipost pa, ipagmalaki, jusme lang.

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #556 on: October 07, 2015, 12:58:29 pm »
^di ko din makita yung point bakit ipopost pa nila kahit alam naman ng marami na fake yun items na binili nila. May isa pa ko friend super proud pa na fake binili nyang item. Hahaha!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #557 on: October 07, 2015, 11:20:10 pm »
Baka di niya alam na fake or baka feeling nila di mahahalata na fake ang item na pinopost nila. Daming #shoshialclimber. Maski yung iba na makapagpost ng latest gadget nila pero alam mo naman na kinakapos sila sa tunay na buhay. Wala ako lakas ng loob magpost ng gadgets or high-end cp sa social media. Ayaw ko na alam nila kung ano ang meron ako. Madalas ako online pero madalang ako magpost. Kahit pagbumibyahe ako out of town, pinopost ko na lang pagnakauwi na ko for safety reasons.

izabelle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #558 on: October 08, 2015, 02:44:57 am »
^ I think malaking factor kapag alam mo background ng isang tao. Mapapa roll eyes ka nalang haha!

Honestly, ako kasi wala naman akong care sa mga posts ng iba basta ba hindi nila ako inuutangan pambili ng gadgets nila or mamahalin gamit. Kaya lang yung iba mapapa roll eyes ka kasi alam mo back ground hehe.

shygirlme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #559 on: October 08, 2015, 07:56:14 am »
^wala din ako care sa mga nagpopost ng gadgets etc.tama ka kung alam mo yun background mapapa roll eyes ka haha sa mga bumibili pa ng fake, eh sinusuportahan pa nila yung mga gumagawa ng fake.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close