watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137343 times)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #520 on: July 22, 2014, 05:04:18 pm »
^ true! Maraming mga intrigera sa social media due to the fact that their family issues pressure them to do good. They usually lambast people provided with all the needs and wants in life, specially if the latter posts their happiness.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #521 on: July 31, 2014, 01:45:56 am »
Iwas ako sa mga taong ganito, pero pinaka ayaw ko eh yung ang yabang kapag payday then kapag petsa de peligro na. Nangungutang na. Hahahaha

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #522 on: August 01, 2014, 03:43:46 am »
Nakakainis un mga social climber sa fb. Post ng post ng mga pictures or status/check ins to convince people and mostly themselves na they live a fab life pero ang totoo nakakatawa lang kasi ang jologs naman ng mga pinopost. Starbucks lang eh mega collage at naka album pa un. Nag vikings or contis lang eh feeling cool na pero pagdating ng mga bayarin ayun utang dito utang don. Mga walang sariling bahay at nakikitira sa kamag anak. And whats worse eh pag ikaw naman may pinost na medyo angat sa kanila, naiingit pa at sasabihan ka pa ng mayabang hehe

t_r_i_s_h

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #523 on: August 01, 2014, 10:39:24 am »
ay kairita to lalo na kung wala naman ipagyayabang. pweh!

young_maiden

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #524 on: August 03, 2014, 01:04:55 am »
may friend ako na mayabang. law student din siya tulad ko. magaling daw siya. kaya pag may binabagsak siyang subject, galit na galit siya. para sa kanya kasalanan ng prof yun. di man lang niya i-assess yung sarili niya kung ginawa ba niya yung best niya o nagkulang siya. di ko alam paano ko siya paprangkahin tungkol sa ugali niya. ok siyang friend. i like her personality except lang sa kayabangan niya. pag napagsasabihan siya ng ibang tao, siya pa ang galit.

hot_chili

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #525 on: August 03, 2014, 10:32:41 pm »
Iwas ako sa mga taong ganito, pero pinaka ayaw ko eh yung ang yabang kapag payday then kapag petsa de peligro na. Nangungutang na. Hahahaha

So agree dito. They are like one week millionaires. After sweldo, araw araw kain sa labas, inom dito inom doon. tapos pag naubos pati pamasahe papasok sa work mangungutang. I am so disgusted with these people hahayaan mo yung sarili mo na pumasok knowing na wala ka pamasahe pauwi? what if walang magpautang sayo?  >:(

kvandenhaak

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #526 on: August 04, 2014, 03:10:07 am »
^Inay ko, talagang may ganyan?

msals2007

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #527 on: August 04, 2014, 01:05:12 pm »
Ako naman i know somebody na naasar sya to this rich person that we know who usually post new purchases like gadgets, cars, travels. But the thing is the person has money naman talaga. I thought kaya lang naasar yung kilala ko bec. She doesnt like yung mga show off. I think ayaw lang nya ng mas nabobonggahan sya kc gawain din pala nya magpost ng gadgets nya, visits sa mga restaurants, shoes...sad lang kasi i know she doesnt have the money nman and also with lots of utang. Sana di n [textspeak!] mkipagsabayan kung di rin naman kaya.

nixiquita

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #528 on: August 06, 2014, 06:04:03 am »
ayoko talaga sa mga ganyang klase ng tao, makapagflaunt ng mga meron sila, eh mga nakakakita at nakakabasa ng pagyayabang nila eh mismong mga inutangan naman nilang di nila mabayaran. nakuuu

monikka sun

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #529 on: September 09, 2014, 06:13:59 pm »
meron ako kilala na ganyan lagi sya GM ng GM sa akin sa text! pagod na raw sya dami daw ginawa.. miss na daw nya bf nya,, pupunta daw sya sa ganito, ganyan. meron daw sya nito at nun. hayy nako.. erase na lang hahaha!

lisse

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #530 on: September 09, 2014, 10:01:09 pm »
Not really a friend - more of a kakilala pero we are FB friends. Filipina din, and she keeps posting stuff na ipapadala niya sa Phils. thru one of those balikbayan boxes. Ultimo sabon at cotton buds dinisplay. Then instead of messaging those people na papadalhan niya sa Pinas eh she posts them as FB status, somewhere along the line na "________ and __________, wag kayong aalis ng ganitong date kasi 2 malalaking boxes ang dadating jan sa bahay. Mahirap na kasi may lamang ganito at ganyan yan, ganito pa naman ang presyo. "

Unsubscribe ako sa feed niya. Madami ding naiinis sa kanya dito. I know hindi kami nai-inggit kasi we can all afford it, not to brag or anything ha. Once may nagmalasakit, called her attention to be discreet naman kasi mainit sa mata ng magnanakaw. Aba, she bashed that concerned person kesyo envious lang daw. So now, nobody bothered.

xtine

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #531 on: September 09, 2014, 10:30:32 pm »
^haha funny yun ahh.  Ginawa nyang private chat yung FB status nya. 

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #532 on: September 09, 2014, 10:44:10 pm »
^^ Kelangan talaga I-announce ang presyo? Kaloka naman yang FB friend mo. 

TysLolakins

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #533 on: September 10, 2014, 12:22:58 am »
Naku karaniwan sa mayayabang mayaman...


mayaman sa UTANG!!!

LOL!!


This!  Totoo yan, me kakilala din ako,  mahihiya ang tutoong celebs sa kanya,  nothing but high-end,  purses, shoes, jewelry, clothes.  Tapos sabi noong father na nasa Pinas,  siya daw ang nahihiya dahil lubog na daw sa utang.  E kunin ba naman lahat ng equity ng bahay before the housing bubble,  e di ngayon,  kahit gusto niya ng bagong bahay, di siya makaalis dahil upside down ang bahay niya. 

Serafhina89

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #534 on: August 05, 2015, 05:36:18 pm »
Madame ganyan sa FB social Climber .. Unfollow nga .. hehe

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #535 on: September 15, 2015, 01:31:01 am »
Gadgets- may Iphone 6s na at next in line ang Ipad pro.. Babaha na naman ng pictures ang wall ko pag nasa Pinas na ang mga ito. Caption: Finally! Thank you Globe( or Smart) got my Ipad Pro! Or Iphone 6s ( plus)baby!!   Or " Came home to this baby! Iphone 6s!:) Or " from Android to APPLE! Still getting used to it."  #Blessed   Kailangan talaga ipagyabang?

reighnyielle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #536 on: September 15, 2015, 12:06:09 pm »
I hate humblebrags!  >:(

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #537 on: September 16, 2015, 03:45:08 pm »
Dami talagang mayayabang ngayon. Parang kailangan makipasabayan sa mga friends nila.Di naman kailangan kung may ano sila, kailangan mayroon ka rin.

Pero nakakainis din mga nag popost ng " may iphone ka nga, may ipon ka ba?" Ano ito? Bitter ocampo?pakialam mo ba? Sa iyo ba nanggaling ang pambili niya ng  iphone niya?  nakakatawa.  Ewan ko ba sa mga tao, di ko maintindihan. Parang may inggit factor. Parang gusto mo sabihan ng " mukhang gusto mo rin, bili ka na." Kasi parang in a way, they are degrading themselves at nag pipity sa sarili na di latest kanila.
« Last Edit: September 16, 2015, 04:18:02 pm by hazelbrown_eyes27 »

ohcmon

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #538 on: September 16, 2015, 04:20:57 pm »
Dito sa office namin nakakainis, contest mga tao sa payabangan. Lahat ng bago pinapansin, lalo sapatos.

'Yung isang mayabang, may bagong Airmax, post agad sa Facebook. 'Pag laging may bago, post agad. Bumili rin siya ng MacBook which is great for him, pero lahat ng inuupload niya kailangan laging naka-extra si Apple. ;D

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #539 on: September 16, 2015, 10:56:32 pm »
Parang kailangan i announce pag magka gadget. Baka naman first time. Hahaha! Ipa publish niya sa dyaryo. One whole page ng broadsheet.

May kilala akong buntis lang, pinaskil lahat ng gamit ng anak. Hahahah! OA! From toys, feeding bottles, clothes. Ano ba yun!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close