watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137660 times)

bluegintonic

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #420 on: April 28, 2013, 04:58:57 pm »
pa-join:

Kaya wary ako sa mga Pinay sa Australia.Makasalubong ko lang sa kalsada nakapag-20 questions mala FBI na agad hindi pa nga alam name ko! Even adding them in FB is a no-no for me. ;D

Awa ng Diyos nag-iisa lang ang nakakainis sa kayabangan sa FB ko,classmate ko in college. Panay post na "can't wait til we get to Canada" ang drama niya, 2010 pa lang panay ganyan na eh hello anong petsa na, hindi pa rin siya nakakapunta dun.Big deal ba kung nasaan ka in the world? Ibig sabihin ba "loser" masyado pag nasa Pinas ka lang? Kami nga mag-asawa atat na atat na tumira ng Pinas for good eh!

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #421 on: April 28, 2013, 06:04:14 pm »
^ There are some people who want to live in other countries to work. Pero 'wag kayo when it comes to the locals there (not just in Oz and in Canada). In Germany raw (my prof who lived in Germany explained this), the Germans work hard to survive, and medyo nakukulangan raw sila sa mga benefits in their home country, while Filipinos in general go abroad to earn something. Iba kasi ang culture ng bawat country, eh. For the Germans, they usually move to the United States because their relatives are there and to seek new jobs in order for them again to survive. There are some Germans pa nga who move to the Philippines to set up their businesses pa nga, eh. So, yeah.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #422 on: May 08, 2013, 10:24:55 pm »
i was talking to my friend yesterday on the phone and she also told me na nayayabangan nya rin sya dun sa kakilala naming nagyayabang tungkol sa life insurance nya and told me kaya nga di ko pinagkakausap yan dahil ang yabang pati nga daw asawa mayabang marami nagsasabi mataas ang tingin sa sarili, in a way bagay silang dalawa pareho silang mataas tingin sa sarili.

dashgirl

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #423 on: May 12, 2013, 11:37:35 pm »
^ korek sis. Bagay sila. Or nahawa yung isa. In my case, parang yung uncle ko ang nahawa sa asawa nya. Sya yung tipong hindi magpapatalo.
- Pag nakita ng asawa nya na may laptop kami, bumili cla ng dalawang laptop.
- Nung nagpatayo ang parents ko ng bahay, nagpatayo din sila ng mas malaki.
- nung bumili ng car yung isang auntie ko, bumili din sila ng car. Pero mas marami yung cars ng aunt ko kaya na.frustrate siya. Lol.
- Mas malaki yung sahod ng uncle ko kaysa sa dad ko, pero napa-graudate nya ako sa university. So uung anak nila, sa same university nila pinapa aral kasi if afford ng papa ko, mas afford daw nila. Tsaka, sabi ng anak nilang may pinagmanahan, chaka raw yung ibang universities.
- Nagyabang pa na nag tour sila sa boung luzon, eh wala namang pictures sa fb, when she usually boasts everything there.
- Gusto rin nya branded lahat ng clothes dahil parang pang pobre yung hindi branded.
- Sabu nya na.accelerate daw anak nila to k1 instead of nursery. Ang sarap sabihan "Nag k2 ako diretso, instead of k1 and nursery" lol.
- Panay yabang pa sa medals ng mga anak nya nung elementary pa sila kahit hundi kami nag-ask. Nung na-cum laude ako, hindi man lang naka imik. Kahit congratulations, wala. Lol!
- Sabi pa nya sa mama ko "buti yung mga anak mo sanay sa init, yung mga anak ko, hindi kasi sanay sila sa aircon." May aircon daw kasi yung rooms and sala nila. Lol. Pero ang pangit ng kusina nila, in fairness haha.
- nag-eenglish in a casual conversation, kahit ang awkward ng tone.  :o

May isa rin akong friend na nagyayabang na mag ttrip daw sya nxt year sa 5 tourist spots, ready na raw tickets nila. Kakapost ko lang ng pictures namin from our recent travel and I'm not the kind who tweet "will soon go to bora", etc so na.surprise cya kasi matagal na syang nag.ppost ng upcoming travels nya, pero hindi natutuloy. Parati rin syang nag.ppost ng "i'm sooo happy", "very grateful" etc, pero sa twitter, panay rant. Nakakairita. Nung nalaman nyang may ipad ako, nagpost din sya ng "will soon buy a macbook pro. Soo happy and excited" lol
« Last Edit: May 12, 2013, 11:57:20 pm by dashgirl »

bluegintonic

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #424 on: May 13, 2013, 08:00:30 pm »
^bad trip sa sobrang negative ang vibes ng mga relatives mo ha!

naiinis ako lately kasi yung asawa ng friend ko,porke panay brand name places sila nagstay while travelling,parang minamata kami kasi we stay in small boutique hotels/serviced apartments.Company expense naman pag-stay nila,hindi out of their pocket.Baka kung galing sa sarili nilang bulsa eh hindi naman nila ma-a-afford mga places na yun! I like staying in non-branded hotels kasi mas personalized ang service,mas friendlier ang staff;matter of taste lang din siguro.yung asawa naman iyayabang din din yung engagement ring niya eh hindi na nakaimik nung sinabi ko 2 engagement rings ko-nakita nya lang suot ko yung maliit.it turns out mas maliit yung kanya! Hahahahaha!

akireyhoj

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #425 on: May 13, 2013, 08:19:19 pm »
I cant help na mag comment dito,but I saw is post about na may picutre sila ng family nya. Yung alam mong hindi naman sila close. Pero kung makapost ng pictures akala mo close talaga..

oreo08

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #426 on: May 17, 2013, 07:07:46 pm »
a cousin of mine UBOD ng yabang sa FB!! Kakamigrate lang nila ng Canada pero kumg umasta, parang hayok na hayok sa pera at ngayon lang nakaluwag!

bumili ng gap na flipflops, pinicturan
hersheys chocolates, picture ulit
adidas shoes, picture again
nasa counter ng lacoste, nagpipicturan
bumibili ng rayban, nagpipicturan rin
lahat ng nilalagay nya sa balikbayan box, pinipicturan rin
bumili ng LV, edi lalong sobrang daming picture!

may nag comment, naku pare baka sa susunod hermes na yan... sagot naman itong si engot ng "naku, idare mo ako"

ako na sana magdare e!! talagang I almost pressed enter! ako na magdare sige nga isa ngang Kelly dyan! Pfftttttt :P :P

BicuriousGm

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #427 on: May 18, 2013, 01:51:44 am »
I suggest i hide nyo sa timeline nyo sa facebook yung mga kinasaran nyo mayayabang. Ma stress lang kayo sa mga yan...ako ginagawa ko naka hide lahat ng di ko feel. Mahirap naman tangalin at i unfriend baka may masabi pa. Better ihide ang mga kina inisan. Always good vibes lang dapat. I hope it helps :-)

bubblepop

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #428 on: May 18, 2013, 02:08:50 am »
Typical na pinoy na nakaapak sa ibang bansa pag uwi luhaan, ayokong
Matulad sa kanila. There's no place like home kahit na may bahay kami dito but in my heart alam ko babalik ako sa Pinas, yung iba nga titignan kapa mula ulo hanggang paa, kung ano suot mo kaya tingin ng mga Puti dito mga pinoy mayayabang :(

charmed_gal

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #429 on: May 18, 2013, 08:01:57 am »


i had this officemate na may problema na ata sa utak... post ng post sa FB pero lahat ng naka post hindi totoo... as in naka post may training DAW sya sa europe and he have a brand new car pero ang mga nakapost sa FB na pix sa europe are all from the INTERNET! heller! nasa europe ka na bakit di mo picturan sarili mo!


bluegintonic

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #430 on: May 18, 2013, 04:28:33 pm »
I suggest i hide nyo sa timeline nyo sa facebook yung mga kinasaran nyo mayayabang. Ma stress lang kayo sa mga yan...ako ginagawa ko naka hide lahat ng di ko feel. Mahirap naman tangalin at i unfriend baka may masabi pa. Better ihide ang mga kina inisan. Always good vibes lang dapat. I hope it helps :-)
correct ka! ganyan gawain ko e hahahahaha!
Minsan naiisip ko ayaw ko na mag FB,andaming makakausisa ng buhay nang may buhay.lahat na lang nga kinukunan pciture-from shopping,food..lahat na! naiinis ako sa mga taong panay self portrait ang pino-post.Kaya nga nauso ang instagram, e di dun sana i-post lahat...mas enjoy pa ako dito sa FN ;D

@bubblepop-nasa abroad din kami pero hindi kami ganyan.Mas gusto pa rin namin din mag-ipon at spend sa Pinas.Dito sa Aussie, 400K AUD na bahay,very basic/old/ugly.Ang ganda na nun sa Pinas.So bakit kami magpapakagarbo dito.

@ charmedgal- baka katulad ko lang siya, hindi mahilig mag-picture ng sarili...ako kasi lagi taga-kuha ng pics so si hubby lang at baby or surroundings ang may picture ;D

superbubly

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #431 on: May 18, 2013, 04:32:02 pm »
@bubblepop agree ako. mayabang tayong mga Pinoy aminin na natin yun, totoong totoo, sabi nga ng former korean classmate ko sa amin - bakit ang mga Pilipino karamihan daw mayayabang o mahahangin, well di na kami nakasagot kasi medyo may katotohanan din kasi

bubblepop

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #432 on: May 18, 2013, 07:53:21 pm »
Oo nga @superbubly masakit aminin pero totoo,sa work nalang namin puro mga gadgets pinag uusapan nila alam kung ano latest di ako makarelate, sorry for the word yung ayaw bang magpatalo, hirap rin kase kung sino kalahi mo minsan sila pa nanliliit sayo lalo na pag alam nila di ka nakakapagsalita ng language ng pinuntahan mong banyagang bansa, feeling nila nakakataas na sila sayo :(. may nangyari kase nag hi ako tinignan ako mula ulo hanggang paa, ouch lang :(,    Sorry baka ot na.

icegayle

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #433 on: June 04, 2013, 04:15:17 pm »
yung dyowa din ng kapatid ko... akala mo kung sinong sosyal makapeg... (btw, we're not even friends to begin with pero asar ako sa kayabangan)

Kumain lang sa Sbarro mega pic about it na first time nya nakakain eh ang sarap daw  ::)

Tapos nilibre sya sa ATC ng kapatid ko mega picture pa rin eh sa Greenwich lang naman kumain. Kala mo kung sinong sosyal mag English sa status nya  ::)

May picture na kakatapos lang maligo tapos sabi sa status - "sarap mag half bath!"  ;D (courtesy of our banyo :P)

Tapos mega picture sa sala namin at pinalalabas na bahay nya (kapal lang ng mukha) - tapos nakalagay - Throwback Sunday!

Feel na feel nya pa na bahay nya ang bahay namin...

Tapos konting kibot mega picture akala mo naman kung san nag wwork na office.

At... meron pa sya pic na katabi artista na sobrang layo naman ng mukha nya. Feel nya maganda sya kahit mukha sya nasubsob sa putik na di natatanggal.   ::)

Nakakatawa ka naman sis. Maybe you really dont like the gf of your brother (as you are referring her pa naman as jowa instead of gf). If its my brothers gf I dont mind, maybe shes just happy having "dates" or "time" with your brother and taking pics of your house, at least you should be flattered. Just my POV
« Last Edit: June 12, 2013, 09:47:48 pm by icegayle »

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #434 on: July 02, 2013, 10:17:54 am »
^ I don't mind naman sana and hindi naman ako nangmamaliit, pero the way she acts around our house eh akala mo sya may ari ng bahay namin. And she keeps on copying styles ng gamit na meron ako. Like bumili ng fit flops, fake naman saka bumili ng dress na imitation nung dress ko. Nakakaloka pa pino-post nya sa FB na akala mo original yung mga gamit nya.

Naiinis lang ako sa kanya sa FB akala mo kung sinong mayaman, kasi english pa yung status pero wrong grammar. Nayayabangan lang ako kasi alam ko kung san sya galing and hindi na appropriate yung kinikilos nya. Tapos yung mga gamit nya dahil di sya makabili eh inaasa nya sa sister/brother ko. :P At as usual niyayabang nya sa FB at Twitter.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #435 on: July 02, 2013, 10:24:06 am »
^ Share lang.

One of our former yayas was like, when she just saw me having new stuff, she would say, "Bibili ako niyan bukas," in Cebuano. Funny lang eh. ((:

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #436 on: July 02, 2013, 10:27:39 am »
^ may ganun nga sigurong tao sis. LOL. Hindi ko nga gets ano ba nakukuha nila sa panggagaya sa ibang tao kung meron yung ibang tao na wala sila? Nagiging lesser beings ba sila pag wala sila nung mga gamit na gusto nila??? :p ewan yung inggit at yabang almost nagiging connect na ngayon eh.

Sa FB pansin ko yung mga inggitera yun din yung uubod ng yabang na alam mo naman yung background nila at kung san sila galing. Hindi ba pwede maging simple nalang?

chefron

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #437 on: July 02, 2013, 01:01:32 pm »
^ Share lang.

One of our former yayas was like, when she just saw me having new stuff, she would say, "Bibili ako niyan bukas," in Cebuano. Funny lang eh. ((:

ganyan din maid ko, kaya naisip ko hindi na lang ako buy ng new things until makaalis sya

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #438 on: July 03, 2013, 01:02:00 pm »
May former colleague ako na pinasalubungan ng bf ng bags, ayun! Naka paskil na parang nag oonline selling siya!
Tapos naka hashtag mga brands #hugoboss #coach etc.. Okayyyyy! Then may comments " naku! Di mo na kailangan mag work niyan!" Sagot niya "mahal, kailan ka ulit aalis?!"
Duh!!! Gusto ko mag comment " bakit ka umaasa sa pasalubong? Di ka ba makakabili with your own money?" Parang makakatikim lang ng luxury bags pag may magbibigay! Mega latag at picture! Pati lipstick parang gusto kong pag tripan at " umorder"
Or comment " sis, hm? What account mo ako mag dedeposit? Kasama na shipping?"

Yung lipstick talagang cap off pa at tinwist bottom para tumaas yung lipstick! Yung chocolates din na sus! Mayroon naman nun dito sa Rustans.

Eh yung Cheetos? Ipost pa yung 2 cheetos at isandal sa tv? " what to eat for midnight snack?" Artista ka? May fanbase?kailangan ipost pa 2 bag ng cheetos classic at with Jalapenos at papiliin ang followers kung anong variant ang bubuksan? OA! Pati nga DORITOS itatapat pa sa mukha! Para ipakita sa mundo na nakakakain siya ng Doritos. Hahaha!! Kinikulabutan na ako sa ka OA an.:)) at cup ng starbucks na hawak niya nakadikit sa pisngi! di pwedeng naka lapag sa mesa?kailangan talagang hawak next to her cheeks?
« Last Edit: July 03, 2013, 01:15:32 pm by hazelbrown_eyes27 »

Myealexis21

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #439 on: July 03, 2013, 03:34:58 pm »
tawa lang ako ng tawa while reading hahaha! Pangtanggal stress!

I think people who is mayabang is deep down insecure, kaya kelangan nila ng material things and kung ano ano pa para madagdagan ang self-worth nila.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close