watch now

Author Topic: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2  (Read 137725 times)

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #380 on: February 13, 2013, 07:44:27 pm »
I think posting your gadgets on FB is not a problem, as long as you are not bragging it. People generalize that people who post their gadgets is considered a sign of arrogance. Personally, if you're going to brag that you're famous in a certain country, it's only ridiculous enough, wala ka pang proof.

So one of my ex-BFFs told me that she was famous in Australia (Os-trUHL-yuh) and Colombia (she pronounces it as Co-LEEM-bia). If she should be famous in Australia, dapat world-class na ang dating niya, 'di ba?

manhattanite

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #381 on: February 15, 2013, 03:44:31 pm »
what does your ex-bff do that allegedly makes her famous in those countries?

cream_puffs

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #382 on: February 15, 2013, 04:03:50 pm »
for me ok lang mag-post yung mayayabang kung kaya naman nila magmayabang at may budget. haha. ang nakakainis e yung mga post ng post ng mga latest gadgets na binili, latest sosyal na resto na pinuntahan etc tapos ngangawa na may financial problem.

mahilig naman ako sa babies pero may friend ako na todo mag-post. as in araw araw tig 150+ pics bawat angle ng baby nya. tapos post lang ng post ng kung ano anong nabibili saka magpopost pa na bored at walang magawa. hello, kung maghanap kaya sya ng work para may sarili syang money para sa baby nya. di yung puro asa sa parents.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #383 on: February 15, 2013, 04:19:50 pm »
@manhattanite: Nagdedelusyon siya na she's that famous. At isa pa, she will cite her mom often para mag-stick kami sa isa't isa. I think she has a problem, kaya she's often bullied because of those things. Halatang trying-hard, papansin, but she was far better when we were classmates. Until nakilala niya ang mga popular kids, she was no longer the best buddy I know. Haist.

She should be pretty enough to be famous in Aus and in Colombia, like ka-level na niya si Shakira at si Nicole Kidman/Kylie Minogue.

happyfemme

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #384 on: February 15, 2013, 05:28:39 pm »
Sis huwag mo nang patulan si friend hehe HB talaga ang ending mo.

If you try to decode her words what she meant was "mas mayaman ka kasi sa akin, kaya ako nangungutang sa iyo". Ma-pride lang ang friend mo, ayaw niya lang aminin na walley siya datung. But the fact na ikaw ang sandalan niya financially eh it speaks volumes na.

jhez

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #385 on: February 17, 2013, 06:11:46 pm »
Aw... I can super relate... Di kaya iisa lang friends natin hehhehe

miloo

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #386 on: February 23, 2013, 12:35:19 am »
Name dropping of celebrity friends and brands worn when posting photos  ::)

sassy_taurus8

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #387 on: February 23, 2013, 12:53:28 pm »
May friend ako na inuutangan ako. My gad!! Sya na panay post ng house nila na nasa sosyal na subdivision. Nag grocery daw sila sa S&R ba yun? She needs to declutter her closet and nag sell ng preloved clothes and bags na puro branded on fb. She posted pics of her coach nd LV bags sabay bawi kasi binabarat lang daw sya.

I am an OFW here in middle east. Madalang pa ako sa patak ng ulan magpost sa fb. Wala naman akong iba brag kasi mahirap talaga ang magtrabaho dito. I asked her bakit sya nangungutang sakin eh mas madami pa syang pera. Katwiran daw nya madami akong ipon at single naman daw ako. hayy umakyat ang dugo ko sa ulo at hindi na bumaba  >:(

I can relate. Minsan nakakagulat na kung sino pa yung panay post ng kung ano-ano sa fb and the likes eh sila pa yung biglang mangungutang sayo.  ??? Never ako nagpautang sa mga ganito, kahit ka-close ko pa. Kaya ginagawa ko pag may nangungutang na ganyan, ini-interrogate ko muna eh. Like "Oh sis, I thought kabibili mo lang ng iPhone?", "D ba kagagaling nyo lang ng Bora/Palawan/HK/Bangkok etc. " If I know kaya sila nangungutang eh pambabayad lang sa credit card, so nek-nek nila noh! Sarap sabihan ng "ate, Live Within Your Means kase...." ::)

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #388 on: February 25, 2013, 06:39:02 pm »
What I consider 'yabang' is when 1. Kailangan branded LANG. Pag magkukuwento or magshare sa SNS (social networking sites), kailangan mga branded na bagay lang. Pag kakain, magpapapicture lang pag sikat yung kainan, pero ayaw ma-associate sa Sinangag Express kahit kumakain naman talaga dun. :D Mga ganung tipo. 2. Kailangan nakikisabay sa mayayamang kaibigan. May kilala kong ganun eh, mag-asawa pa na may kids. :( I mean I know it's their money so wapakels ako dapat how they spend it. Inggit lang din siguro ako. hehe. Na-amaze lang ako with how lavishly they throw about their moolah. :)

Pero kung mga gadgets, kotse, bahay, travels, basta alam ko yung taong yon is hard-working naman, go lang ng go sa pagpost, nainspire pa nga ako eh. Mas bilib ako sa mga taong masisipag, if they reward themselves and tell the world about it, keri lang. :D

Ito hirap sa social networking sites,info overload on other people's lives. :D Very tolerant naman ako, to each his own nga naman, pero pag di ko na talaga masakyan yung mga gawain ng iba, mega hide akey. :D

superbubly

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #389 on: February 26, 2013, 11:11:20 am »
yung kakilala ko sabi niya dati sa akin,

Nakahawak ka na ba ng 50 thousand??
nakatikim ka na ba ng Starbucks,
yung lolo ko retired sundalo - haler ang lolo ko kaya retires us sundalo din noh hahaha kaloka

ang saraaaapp batukan sa sobrang yaabbbaaang ang hangin, bute nakapagpigil ako ah!
« Last Edit: February 26, 2013, 11:13:05 am by superbubly »

akireyhoj

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #390 on: February 26, 2013, 01:17:12 pm »
^naalala ko yung anak ni pepito manaloto, niyaya sya ng kuya nya umalis kasi mahangin nga yung kaibigan sabi nung batang babae, dito nalang tayo kuya "MAHANGIN" eh hahaha!

kim28

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #391 on: March 04, 2013, 12:58:55 pm »
Hay ako may friend din ako di ko alam baka idol ako ahahah at minsan nakakainis na from brand ng bags damit eyeglasses weddings etc. and now pati digiperm ginawa na din.

Sa inis ko talaga nag post ako ng photos ng mga gamit ko na sya lang nakakakita at few friends and cousins ko lang take note ayaw nya i like pero after few days or weeks mag post din sya ng bagong stuff nya ahahahah. kaloka talaga sya,

One time nag meet kami with college friends somewhere in qc no work pa ako nun pahinga mode so go lang mula ulo hanggang paa ang tingin sa akin natawa nga kami nung friend ko na becky nagbulungan kami ano meron dun at ganun makatingin.  specially sa bag ko. I brag pa daw nya na i super duper love my work. gusto ko sabihin na kahit di ako magwork yung sahod mo kinikita ko sa bahay lang namin. pero super nice pa din ako quiet lang.  Pero nakakainis di ba alam nya na wala akong work.

then next time watch naman kami ng movie may work na ako nito sabi ko sa becky ko na friend teh look mo si girl unang titignan sa akin mamaya bag.  normally pag sa work ninewest bags lang gamit ko syempre sayang naman bags kung pang haharabas ko lang di ba.  ayun hindi nga ako nagkamali unang tinignan talaga bag ko.  then pauwi na kami alam nyang may bago kaming car tanungin daw ba ako na nasaan daw yung car namin bakit daw hindi ako sunduin eh alam na alam nya na panggabi ang hubby ko.  eto si becky friend to the rescue.  Para sa akin hindi ko naman need na ibrag sa friends ko un at kailangan bang ipilit porket bago dadalhin kahit may ibang lakad ahahaha.

Di rin kasi nila like un parang nakikisama na lang.  Super social climber un ang term ni becky friend sa kanya.  eh kami ng mga friends ko no yabangan kung ano meron ang isa share sya never nag share at kesyo ganito ganyan brag pa kung ano meron sya. 

One time invite ko sya kasi may lakad kaming lahat out of the country. i asked her nicely na hey sama ka may plan na magpunta sa ganito  and reply sa akin naku punta ako dun ng ganitong months and stay daw sya for 4 months.  eh ang tanong ko kung sasama lang naman sya anong paki namin sa travel nya ng 4 months may connect ba? ahahah natatawa na lang kami kailangan i brag na nandun sya for that period.  Ending di na namin sinama. Pero pag nalaman mo ang background nya di ka talaga maniniwala at san sya kukuha ng pera.

I don't mind kung idol nya ako or kami ng mga friends ko at lagi nyang gusto higit sya sa amin or kung anong meron ako ay affected sya.  Hindi naman ako nakikipag competition siguro mas maganda na rin na iwas iwasan sya pag may lakad kami di na lang namin invite. 

Tama lang siguro iwasan sya hindi na rin kasi nakakatuwa minsan mahirap magpakaplastic. 

queendi

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #392 on: March 11, 2013, 12:04:03 am »
yung isa akong friend dati (she deleted me na), she posted about her job offer. oil and gas kasi ang field namin (ofw), then mga bum na kami kasi katatapos lang ng project. last january, she posted bigla na may offer daw sya for offshore (when you work offshore kasi, siguradong bongga sa laki ng salary). mega comment naman yung mga iba namin na kasamahan sa work dati at mega yabang din sya na kapag nandun na daw sya kukuhanin nya sila. ayun, 2 months na since that post at nandun pa rin yata sya bahay nila. The last update na nakita ko before she deleted me (few days ago) eh nag oonline selling sya. and hindi na daw nagrereply when she is being asked about sa offshore job nya.


butterfly20

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #393 on: March 11, 2013, 05:00:06 am »
^Nausog bigla. Lol. Anyabang kasi  ;D

dashgirl

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #394 on: March 22, 2013, 01:03:41 am »
^^ same here sis. may mga taong nag bbrag, but if you ask the details, walang maisagot.

May isa akong fake friend. Parati nag ppicture ng aso nya, wala namang breed. Pati yung lot na 'bibilhin' palang, may album sa db nya. Hello? What's so interesting in an album full of what looks like a barren land. Iinvite nya dAw kami sa house warming party nya, eh lot pa lang naman yung bibilhin nya. One time, i asked her if may PUJ bang dadaan near sa lot ng subd na bibilhan nya. Sabi nya 'wala. Need mo ng car' hello? Asan ang car mo teh? For all i know, nag commute lang cya at nag tr-tricycle pa. Haha.

Feeling pa nya know it all cya, pag may i.bring up akong idea na contradicting sa sinabi nya, she'd get defensive and later on, mang ssnob. Can't accept that she's not always right.

She's also very insecure and always compares us two at gagayahin nya kung ano ang meron ako. She said herself na inggitira cya. Even things like having a blog ginawa din nya. Kung makapag yabang sa fb at twitter, wagas. Nagyabang pa na umabot na daw 4k ang blog nya.

She always posts stuffs about technical things, like investment. Pag may i.bring up ako, eh hindi man lang maka sagot. She brags that she has insurance and mutual fund. mas diversified yung portfolio ko but never akong nagyabang. She even gives advices even if no one asks her to!

Nung nalaman nyang hilig ako sa makeup, she went out and bought makeup. Nag advice pa about eyeshadow! Teh, i watch too many videos in youtube, i surely dont need your advice.

Kinocompliment ng mga tao ang buhok ko kasi bagsak and shiny. Ayun, nagpa rebond cya at todo post sa new hair nya. Hahaha.

Pag may new bag, shoes, camera ako, bumibili din cya. Even sa pag grocery/shopping, i.tweet or istatus nya.

Yun lang. Sorry for the rant
« Last Edit: March 23, 2013, 11:35:21 pm by dashgirl »

queendi

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #395 on: March 23, 2013, 08:08:17 pm »
^sis, idol ka nya hehe

snowberry

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #396 on: March 23, 2013, 09:31:37 pm »
May friend naman ako, 5 months ago na kasal ,puro wedding pix pa rin post nya . 

Tumigil lang siya when one of her friends commented "wedding again?"

After that puro naman pix nila sa places where they went for honeymoon. Until again someone commented na "are you still on honeymoon?  Eh yun pala ang tagl na na niya nakabalik sa work.

At first everyone was happy seeing her wedding pix, pero parang nagsawa lahat hehhe. Feeling ko tuloy hindi siya maka get over sa wedding nya . Sabagay medyo sobrang late na siya nag asawa and foreigner  napangasawa nya.

quaker13

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #397 on: March 23, 2013, 10:34:07 pm »
Yung anak ng family friend namin na nakasama ko sa work for 1 year! Super wala na sa katinuaan pathological liar na tapos sobrang insecure sakin. Kung ano meron ako dapat meron rin siya. Pag napansin ako gagayahon in niya.kaso lang ang masaklap maganda ako siya hindi kaso im fat kaya lagi niya pnpoint out un. Pero pinaka d ko makakalimutan si yung pag iimbento niya ng stories. Like she was invited by doctors to dance sa seminar nila sabi sa parents niya special guest daw siya pero back up dancer lang sa presentation ng mga doctors.(nurse kami)

Tapos sinabi pa na kaya daw d ako nakapasok sa work kasi nagalit daw yung director ng hospital kasi sinagot sagot ko daw at pinalayas daw kami ng office at pinag ssorry ako d ako nag sorry tapos siya mabait na nag sorry for me! Pero walang ganong nangyari! Basta sa lahat ng kwento niya sa parents niya siya ang bida kawawa naman tuloy kasi proud n proud parents niya knkwento sa parents ko too bad we know the truth nag mumukang kawawa tuloy magulang niya. I think she needs help super liar na niya

janedoe007

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #398 on: March 24, 2013, 12:59:01 am »
One of my really close friends guilty dito haha! He's my barkada for 13 years na and we just roll our eyes kapag si picture at upload na siya ng mga pics sa fb nya ng mga "pa-sosyal" items. Like kelangan may picture siya sa fb nya na nakasakay siya ng plane, profile pic niya starbucks coffee tapos dapat kita rin dapat yung name nya na sinulat dun sa cup (siguro para sure na sa kanya at di lang siya nagpicture ng coffee ng iba lol). Recently, nag-upload ng set ng golf clubs. I just shook my head after seeing it at natawa na lang ako kasi ang dating nun pic eh he owns that set of gold clubs at panay golf niya. When in truth one time lang naman siya nasama mag-golf ng boss nya at sigurado akong borrowed lang yung golf clubs na yun. Hindi naman sa I'm undermining his financial capacity alam naman naten na di lang basta-basta membership fees sa mga golf & country club. Nasanay na lang talaga kami sa ugali nyang yan, di namin binabasag trip doon siya masaya eh haha pero may times talaga na haaaayyysss!  ;D

kim28

  • Guest
Re: Mga friends na puro YABANG ang alam.. thread 2
« Reply #399 on: March 26, 2013, 03:05:58 pm »
yes including their photos ng wedding parang every week palit ng pic tapos kahit monthsary ng pagiging magbf/gf at nung kasal nila i post pa din (with photos ng kasal nila) take note 10 years na sila then few months pa silang kinasal mga 4 months na

ang liking her own photos. Sya na nag post, sya na nag like at sya pa nag comment oh san ka pa :)

Meron pa yung post nya na photo with her accessories na to think fake naman. uber nakakatawa na. 


 

Latest Stories

Load More Stories
Close