We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
bihira ako nagpo-post ng pic sa FB. i remember nung last nagbakasyon kami ng hubby ko sabi ko sa kanya, "upload ka ng upload ng mga picture natin, i'm sure meron kang friends diyan hindi lang nila masabi sayo na buysit na sila sa mukha natin" ginawa kasi niyang album yung fb.
Hindi ko lang mapigilan na hindi ishare yung fb friend ko na gumawa ng album na ang title ay "crying" puro self taken pics na luha luha sya tapos ang pinaka last na pic sa album ay yung visa nya sa Canada.. Natawa ako ng bongga! Yung isa naman merong album na ang title ay ang mga sumusunod: "My stuff""My expensive stuff""My most expensive stuff"Kaloka lang!!!!
Yung isa naman merong album na ang title ay ang mga sumusunod: "My stuff""My expensive stuff""My most expensive stuff"Kaloka lang!!!!
Hindi ko alam if na-post ko na 'to dito. May kakilala naman ako, mega post lahat ng Apple gadgets nila ng husband nya. Me isang post sya na ngcocomputer si husband sa room nila sa isang hotel during a family trip using his MAC laptop na nasa bed din ang iphone, ipad, ipod with a tag na "hindi siya mahilig sa Apple" Meron din post na pinicture-an nya sarili nya with her new iPhone4s nun bago pa dati sabi nya advance bday gift daw ni husband. Meron din yung bagong Mac book nya kasi ngpalit na daw sya ng laptop kasi Mac din yung dati nya. Wala ako prob about it, kasi di ko naman pinapansin and siguro yun ang kaligayahan nya. Napost ko lang dito kasi may one time na nakipagmeet ako sa ibang ka-batch ko and apparently updated sila sa kanya and sya ang topic and ang mga posts nya. Siguro dapat mag weed sya ng FB nya and tanggalin yun mga tingin nya eh mayayabangan sa kanya.