Author Topic: Husband flirting with other women  (Read 22940 times)

preciosa

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #40 on: December 09, 2012, 07:46:50 pm »
Nakakatakot isipin na hindi talaga mawawala ang mga ganitong klase ng pagsubok sa mag asawa/bf gf... Sa ngayon kami ng husband ko wala pa naman pero super takot ako na dumating ito ako kasi yung tipo ng babae na ma ego... Parang hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman kong naghanap si hubby mg kalandian... Lapitin pa naman siya guapo at mabait kasi... Sabi ng nanay ko ang lalake daw likas na malibog kahit bago pa lang sila ipanganak tinitigasan na sila... Ang babae naman daw ang likas na malandi meron lang daw talagang sobra at walang delicadesa... Sabi niya kadalasan nasa babae daw kasi ang lalake kadalasan laging game at marupok... Kung sa babae na manggagaling ang invitation, motibo or approval ayun na yun... Dun na kadalasan nagsisimula yun... May point naman talaga...

redgirln

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #41 on: December 10, 2012, 03:09:27 am »
hay naku, tinatanan ko na kakaspy sa account nya. wala na akong makita. basta i leave everything to HIM nalang,medyo secured naman ang feeling ko now. Bahala na sila kung maglandian sila, nakakapuyat na rin ang mag spy ng magspy, parang tang* lang ako nakakaubos ng oras. Basta wag lang sya papahuli... kundi... iiyak ako :'( waaaaaaaaaaaaaaaaah.

snowflakes

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #42 on: December 10, 2012, 08:50:01 am »
^mahirap talaga mag spy sis, tapos pag may nahuli ka ikaw din masasaktan diba? masakit talaga katotohanan.

danne

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #43 on: December 10, 2012, 02:02:26 pm »
Nahuli ko si hubby nakikipagflirt sa fb sa dating classmate niyang makati pa sa higad. Eto namang hubby ko dahil nasa marketing, sine-sales talk itong girl and hanggang dumating sa point na nagyayaya na si girl makipagmeet. Pumayag naman itong si hubby and nagbigay pa ng place basta daw itong si girl ang gagastos. Sabi ni girl kanya kanya daw. Tapos di na sumagot yung kuripot kong asawa. Period. Nabasa ko yung conversation nila November na pero it happened August pa. Di ko maexplain yung feeling. I was shaking. Parang sobrang unexpected. I felt na ganon lang ba kadali iyon? Nakalimutan ba niyang may asawa siya? I asked him and galit ako kasi sabi ko pinagmukha niya akong t****. So habang ako mega post sa fb kung gaano kami kasaya at kung gaano ko siya ka love.. eto siya at nakikipagflirt sa iba. So meron isang babae na pinagtatawanan lang pala ako ng wala akong kamalay-malay. At yung feeling na ganito ba ginagawa ng asawa ko kapag nakalikod ako? Ano pa bang kaya niyang gawin? Ano pang hindi ko alam? In short, nasira ang trust ko sa kaniya. When I asked him bakit, he said wala lang daw niloloko lang daw niya si girl kasi may gusto siya ialok. And nasaktan ako lalo dahil niloko niya ako ng walang dahilan. Kaya magdusa siya ngayon kung malaman ng buong angkan niyang ginawa niya. Ang lagay eh ako lang ipapahiya niya.  >:(

ayami

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #44 on: December 10, 2012, 02:43:07 pm »
^ nagkita naman daw ba sila sis? para kasing bitin yung info mo sa first part. so inamin ng asawa mo or may nakita ka pang messages after that?

snowflakes

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #45 on: December 11, 2012, 04:34:50 am »
^^ ganyan din asawa ko sabi niloloko lang daw nya yung girl, kase nabasa ko nagyaya si girl na mag coffee sila, sabi na,an ni hubby, coffee lang dear??? oh diba sobrang flirt ni hubs! pero di naman sila natuloy kase noon ko pa na block si girl at the other day ko lang inamin sa hubby ko na nabasa ko lahat ng messages nya.

preciosa

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #46 on: December 11, 2012, 10:08:13 am »
^^ ganyan din asawa ko sabi niloloko lang daw nya yung girl, kase nabasa ko nagyaya si girl na mag coffee sila, sabi na,an ni hubby, coffee lang dear??? oh diba sobrang flirt ni hubs! pero di naman sila natuloy kase noon ko pa na block si girl at the other day ko lang inamin sa hubby ko na nabasa ko lahat ng messages nya.
Wahahaha hanep sa dialogue ni hubby mo sis... Natawa talaga ako dito pero if i was on your shoes pusanggala magwawala talaga ako nyan... Iiyak ako

snowflakes

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #47 on: December 11, 2012, 10:35:32 am »
^kaya nga sis mabuti malakas pang amoy ko! eh yung girl pa naman ang mga pics eh puro daring na damit parang naghahanap talaga! palibhasa disgrasyada!

preciosa

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #48 on: December 11, 2012, 01:00:52 pm »
^natawa kasi talaga ako dun punchline niya eh... Napa "oo nga noh" ako sa isip nagtaka tuloy asawa ko bakit ako napahalakhak bigla dito kanina... Lol
May mga babae talagang itchybitchy noh sis... Kakadiri pag sila naman ang ginanon galit din sila

danne

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #49 on: December 12, 2012, 02:26:59 pm »
^ nagkita naman daw ba sila sis? para kasing bitin yung info mo sa first part. so inamin ng asawa mo or may nakita ka pang messages after that?

wala na conversation after that and tingin ko nga hindi nga sila nagkita. he said sorry and promised na hindi na daw siya ulit makikipagflirt kahit sa fb lang. eh mukha niya! paano pa ako maniniwala ngayon? iyon ngang sinabi niyang hindi sila nagkita eh hirap na hirap ako paniwalaan kahit after ko mag imbistiga sa email at fb account niya at wala ko nakita.

danne

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #50 on: December 12, 2012, 02:43:27 pm »
Wahahaha hanep sa dialogue ni hubby mo sis... Natawa talaga ako dito pero if i was on your shoes pusanggala magwawala talaga ako nyan... Iiyak ako

kung ganyan ang sagot ng hubby malamang nagwala talaga ako.. buti lang noong una eh ate ang tawag niya don sa girl, tapos naging marie, tapos etong flirt na girl sabi eh hindi daw marie ang tawag niya sa kaniya dati kundi tonie. ang kiri kainis.

danne

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #51 on: December 12, 2012, 02:48:07 pm »
^kaya nga sis mabuti malakas pang amoy ko! eh yung girl pa naman ang mga pics eh puro daring na damit parang naghahanap talaga! palibhasa disgrasyada!

hi sis, ganyan din yung nakikipagflirt sa hubby ko.. nabasa ko pa sa conversation nila sabi nung makating marie na iyon na 'i left his dad when i was 2 months pregnant'.

snowflakes

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #52 on: December 13, 2012, 05:19:11 am »
Boys will be boys! Subukan mong lumandi sa iba habang kayo tatapon ka nyan sa kangkungan! Pag nagsusuot ako ng daring at naka make up ako sabi nya malandi daw ako sabi ko naman "oh eh diba gusto mo malalandi!" Sabay sagot nya di daw nya kasalanan kung gusto magdamit ng babae ng ganon napatingin lang daw sha pero ako daw pede nya bawalan! Duh! Lokohin nya lolo nya!

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #53 on: December 13, 2012, 05:52:28 am »
^ takot sa sarile nyang multo hehe, palibhasa gawain nya talaga tumingin sa ganun..ayaw nyang pagnasaan ka , kase sabi nga nature na ng mga lalaki ang tumingin :D

snowflakes

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #54 on: December 13, 2012, 06:44:58 am »
^korek! Kaya kung gusto nyo gumanti kunwari malandi din kayo! Hahaha minsan nga pag kausap ko friends nya ng matagal pinapaalis na ko. Lumalandi daw ako. Haha gawain nya kase.

Myealexis21

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #55 on: December 13, 2012, 12:53:39 pm »
^Ahahahha natawa naman ako sa hubby mo Sis.. Nakakaaliw sya! Ang mga lalaki talaga ayaw malalamangan. 

danne

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #56 on: December 13, 2012, 03:45:10 pm »
i agree, ganyan nga sila and i admit na after ko mahuli husband ko na nakikipagflirt sa iba conscious na ako sa looks ko. then noong nasa hospital lola namin, ang cute nung nag aasikaso sa kaniyang nurse so sabi ko baka ako pwede din niyang i-BP. tapos tinapunan ako ng galit na tingin ni hubby. deadma na lang ako tutal pumayag naman yung nurse. normally, hindi ko gagawin iyon kaso masama parin ang loob ko kaya in a way, parang gumaganti ako.

ayami

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #57 on: December 13, 2012, 03:53:05 pm »
Naku maikwento ko lang tungkol sa FB na yan, may nakita kaming friend ko sa SM North last sunday. Aba, pagtingin ko nga sa Activity Log, halatang hinahanap ni hubby yung name ng friend ko (gamit yung first name na only clue nya). Lol. Epic fail lang kasi super private ang profile ng friend ko. Pero kahit na, alam kong na-pique ang kanyang curiosity sa ganda nung friend ko.

danne

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #58 on: December 13, 2012, 03:58:50 pm »
aaw ayoko ng mga ganyan sis. enough para mawalan ako ng trust kay hubby. mas okay pa nga sa akin iyong sabihin niya sa harap ko mismo na nagagandahan siya kaysa malaman ko na habang di ako nakatingin eh sinesearch niya yung girl.

ayami

  • Guest
Re: Husband flirting with other women
« Reply #59 on: December 13, 2012, 04:07:57 pm »
Epic talaga. Kinonfront ko sya just now e. Una, sabi nya di na nga sya nagdedelete ng chrome history. Edi inexpound ko yung "theory" ko tapos inexplain ko ang timestamps sa Activity log. Tapos tagal bago sya nagreply. Bigla sabi nya, di raw yung friend ko tinitignan nya yung mga "dati" daw. Then inulit ko pa na, dapat tinanong na lang nya sakin yung name para di sya mahirapan. Then sabi nya, Hinahanap ko para makita yung dating pics. Nung tinanong ko kung ano na yung tinukoy nya, di na nagreply kahit nakalagay sa iMessage, Read na

 

Latest Stories

Load More Stories
Close