Sept 16-18, 2012
(link to my SG post)
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,263555.msg7231274.html#msg7231274DAY 4: Legoland, Johor BahruWe came all the way from SG. Took MRT to Woodlands stn and just followed the "Bus Interchange" sign. Look for the SMRT 950 na bus. We used EZLink kaya di ko matandaan yung fare, sa balance lang kasi ako focused. Before bumaba for immigration, ni-tap muna ang EZlink para ma-tag sa card na suspended ang ride. Dumaan sa immigration to know na wala palang GST refund doon (sa changi airport lang daw meron nun). Vinerify lang ng IO ang name ko accdg. sa passport then off to go. Sumakay ulit ng SMRT 950 bus, (ang tagal ng next na bus, magmadali na lang kayo sa immigration para same bus yung masakyan niyo) at ni-tap ulit si EZLink to resume the ride. Bumaba ulit ng bus (again, tap the card to suspend the ride) for MY Immigration. Walang tanong-tanong si IO, tatak agad. Wala ring disembarcation card na iniissue sa MY, hinanap ko pa, akala ko kasi standard yun for all countries. Waited for the SMRT 950 bus again na pagkatagal tagal, kahit yung indian na babae na nasa harapan ko, galit na galit na. We were dropped off sa JB Sentral. Nagtanong kami kung saan yung buses papuntang Legoland (Causeway Link Bus No. LG1). Mali pala ang tinuro sa amin. Naghintay kami sa parang estero. sa kabilang side pa 'to nung mall. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Bakit nga naman kami andun. haha pero may mga buses dun, iba nga lang ang destinations. May dumaan din dun na Legoland na bus pero hindi huminto. Hinabol ko pa, kaloka. At inaway pa ng kasama ko yung nagsabi sa amin na maghintay lang kami dun. hahaha Pumasok ulit kami dun sa mall at nagtanong sa information (kanina kasi di pa bukas yung mall, wala pa kasing 10am), at ayun, naituro kami sa tamang stop. Nung nakasakay kami ng bus, tinawanan na lang namin yung nangyari sa amin. Sobrang init ng ulo namin, paano ba naman, sa estero ba naman kami maghintay ng isang oras. may dala pa kaming mabibigat na luggage at tinawid namin yun sa overpass. hahaha natatawa na lang kami. RM 4 ang fare sa Legoland bus from JB Sentral.
Regarding sa Legoland, ayun backread na lang kayo. bago kayo pumasok, kumain muna kayo sa medini mall. may kfc at BK un sa tapat. mas mura. water sa Legoland costs RM 2.50. Samantalang sa labas RM 1 lang. yung food namin sa loob pinaghatian kasi namin eh (RM 13 for meatball spaghetti and chicken w/ fries). pero yung bibilhin ko sana kung di kami naghati-hati is RM 16. rice meal siya.
Yung kasama ko bumili ng lego. nasa RM 59-79 ata yun. basta 3 small boxes yung nabili niya, naka RM 200 daw siya.
Bara-bara ang mga tao sa pagpapapicture. Di gaya sa SG na mahihiya pa or naggive way. Kaya ako, sige ah ganito pala dito. pasensyahan tayo, garapalan na din. hahaha
Nagenjoy mga kasama ko sa pagpipicture kaya 7pm na kami nakaalis ng Legoland. Kumain kami sa BK Medini mall ng dinner may promo sila RM 5.95 lang ata yung burger meal. We took LG1 bus again to Larkin Bus terminal RM 2.80 na lang ata yung fare. then took the Five Star bus to KL for RM 35. Feeling ko ang mahal ng fare na 'to. Chance passenger lang kasi. Dapat ata nagpareserve ako online. After 1 hour pa umalis yung bus then nagstopover pa somewhere. Past 1:30 AM na kami nakarating ng Terminal Bersepadu Selatan (TBS) nasaraduhan kami ng LRT huhuhu napataxi kami to Rainforest na tumataginting na RM 82. Ang sakit sa damdamin. Mortal sin ang magconvert pero Php 1100+ na taxi yun. hay naku. Nahirapan pa kami hanapin yung rainforest. Ewan ko ba, shunga ko rin eh. nakita ko na yung Fatimah Restaurant (Fatty Ma pala yung spelling niya), hindi ko pa pinatigil. Okay yung room, panalo ang laki ng cr. Ang reklamo ko lang, walang elevator? haha homestay nga pala ito so dapat naisip ko yun. 2nd floor pa naman kami at ang bigat ng luggage namin. okay din yung breakfast. parang nasa bahay ka lang talaga. Mabait din si Linie, yung receptionist.
Day 5: KL City TourWoke up at 7am, paid our balance, left our luggages sa storage room (may lock naman yung room so safe), then off to Batu Caves. Train from Raja Chulan to KL Sentral, then KL Sentral to Batu Caves. Di na kami umakyat sa taas as per my friend's advice. Okay naman. Must see. Wala akong nakitang unggoy. natakot lang ako sa mga kalapati baka mapoop-an ako. hehe Went back to KL Sentral for the HOHO tour. this is Stop 11 of the HOHO tour. sa taas pala sya. sa 2nd floor papuntang KLIA Express ata yun. paid RM 38. okay naman yung tour. mainit lang yung aircon sa loob. saka sana may opposite route yung bus. napa train pa rin kami kahit may HOHO na kami kasi nagmamadali na kami e. need namin bumalik ulit ng petronas (stop 23), eh nasa chinatown na kami (stop 8 ). saka sana iklian yung waiting time. ang tagal kasi ng 30 mins. parang nakakatamad na bumaba. nakabili ako I <3 KL shirt RM 6 sa chinatown, then ref magnet at 3 for RM 10. naenjoy ko yung merdeka square. ang ganda niya

syempre pati yung petronas, na talagang hinintay lang namin siya umilaw para makaalis na kami sa KL. flight namin 1:25 AM the next day at we need to leave KL by at most 9pm, kukunin pa namin yung luggage namin sa rainforest. We bought famous amos cookies (RM 18.70 for 200g assorted) at beryl's chocolates (tiramisu RM 14.70). may friend bought generic chocolates pati old town coffee (RM 8.9 yung maliit na pack ng Old Town Hazelnut flavor). Nag lunch pala kami sa Nasi Lemak (RM 13), sorry sis, di ko nagustuhan yung food.

di ko inubos. mali ata naorder ko. ang anghang.. tpos masauce lahat. nakakasuyang tingnan. dinner namin mcdo (mcchicken meal RM 6.30-di pa pala kasama ang tax dun sa nakapost sa priceboard nila). tinakeout namin at dun kami kumain sa tapat ng petronas. talagang hinhintay lang namin umilaw sya at aalis na kami. hehe
wala na kaming energy so nagtaxi kami to KL Sentral RM 20 (feeling ko nadugas din kami dito). took aerobus at RM 8 to LCCT. tagal magopen ng check in counter ni cebu pac. pero ok lang, thankful ako at pinayagan yung 5 handcarry bags na puro pasalubong. basta nman daw no liquids, okay lang. sumakit na naman yung ulo ko sa pressure sa plane. hayyy..
inambon lang kami sa paghihintay na umilaw yung petronas. pero mostly, mainit talaga. nasunog ako. hehe
total damage: RM 125.30all in all, enjoy kahit inubo't sipon ako. hehe thank you very very much sis phurple0515! one year din kitang kinulit. you are an angel to this thread

to all, enjoy KL!