sorry ha, la kasi pasok kahapon so medyo busy ako...here's my replies to your queries:
Sisses, maganda ba sa Empire Hotel?
-
i haven't checked that one yet. pero based sa website ng asiarooms, sa subang pa pala siya. malayo yan sis sa city center, as in.supladitang cute, here's my answer:
1) pwedeng isama ang batu caves sa day 1 niyo. unahin mo ang batu caves, go there as early as 8am para maaga kayo start ng HOHO.
2) medyo alanganin ka kung 1 day lang. ang Legoland situated sa boundary ng Malaysia at SG, so about 4-5 hrs from KL.
3) Genting, don't expect much na ngayon don, balita dito ibebenta na rin yon kasi di na na-ma-maintain masyado.
4) Go for Putrajaya kaya lang la masyado public transportation dito except kung mag-hi-hire kayo ng taxi to go around Putrajaya.
yong sa taxi, going to where ba?
sis huit, pwedeng gawin niyo, from KL sentral, mag-taxi na kayo don to Rainforest kung marami kayo bitbit na luggage. Ang sakyan niyong taxi don sa may taxi stand sa 1st floor ha, meron kiosk na don ka na magbabayad ng taxi coupon para di nangongontrata mga sasakyan mo na taxi.
sis ushuia, bus to where ba yong tinatanong mo?
1) pwede kayong dumiretso pero usually pag air asia, mga past 4 na kami nakakalabas ng airport. so nasa KL ka na ng mga before 6pm non.
2) pwede ka, sumakay sa Time Square (Imbi) ng Starmart bus. mas maayos to and eto rin suggested ko sa ibang sisses natin.
3) pwede naman kung yon lang ang pupuntahan niyo dito.
genting highlands, theme park and casino to e, pero malamig. ang sunway naman, resort theme park to kaya di ko rin sure kung mag-eenjoy mga kasama niyo na senior

usually kasi pag dito sa KL, karamihan, sinasabi ko get ready to do a lot of walking around kasi mas mabilis since magkakalapit lang naman mga napupuntahan dito na spots.
actually, the reason why air asia also wants to have earlier flights is, congested din ang airport na LCCT. parang NAIA maraming mga planes minsan sabay sabay nag-la-land.
if you want check mo kung me available promo flights ang air asia or tiger airways to SG kasi para less hassle na sa inyo. alam ko me promo sila ongoing ngayon e.
pag 6 pax, siguro, yong van na lang kukunin niyo or yong malalaking taxi nila. yong sa bus tickets, as long as may available pang seats, pwede naman e.