Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134161 times)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #560 on: August 17, 2015, 12:57:52 pm »
tay, please wag naman kayo magpasaway... super na stress na hubby ko sa inyo. Saka iwasan nyo na po mag self pity hindi nakakatulong saka wag nyo aawayin si BIL kasi ang laking bagay nung effort na ginagawa sa inyo nung mga nagmamalasakin nyong anak. Tulungan nyo rin po sarili nyo at wag masyado negative mag isip. Isa pa po iwasan nyo yung pag inom ng gamot na di nyo kelangan. We were trying our best to help you in your meds pero sana naman po maging considerate din kayo. Nahihirapan ako pag nakikita ko rin na stress si hubby dahil sa mga hinaing nyo.

rgbp14

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #561 on: August 27, 2015, 09:53:40 am »
Bakit pag kami nangangailangan noong nag-uumpisa pa lang kami mag-asawa wala ako maalala na nakatanggap kami ng financial o moral support man lang ninyo? Kinaya namin lahat ng problema namin ng kami lang naghahanap ng solusyon. Pinapaalis nyo pa kami sa bahay para kanyo matuto kami sa buhay. Ngayon naman nakabukod na kami at natuto na nga sa buhay.  Nakapundar ng gamit sa pagtutulungan namin mag-asawa, Nkaraos sa problema na walang ano mang natanggap na tulong mula sa into parang kayo naman ang hindi matuto. Kapag may problema kayo, kami palagi ang naiisip nyong solusyon. Really? Utang Pitong buwan bago bayaran? Madalas lista pa sa hangin. Pwede ba! hindi kami nagtatae ng pera, pinaghihirapan namin yun. Para nyong kinukuyog perang pinaghihirapan namin e. Give and take naman tayo! Puro kami lang give wala ma-take! MIL, SIL BIL lahat kayo! Hirap na hirap na kami ng asawa ko. MIL, habang hinihila nyo paangat mga tamad nyong anak at manugang, kami ng asawa hinihila nyo naman pababa. palubog na kami dahil sa inyo! Pera nyo inyo lang. Pera namin dapat kahati kayo! Bwisit!
« Last Edit: August 27, 2015, 09:55:46 am by rgbp14 »

abiereyes

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #562 on: September 07, 2015, 04:21:12 pm »
SIL, Please grow up!  ;D

donya_dyosa

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #563 on: September 08, 2015, 09:14:56 am »
My husbands dad never spoke to me when he learned we were getting married..... sa church..
he wanted to have a civil wedding so that he can treat his friends sa favorite resto niya. yun lang ang rason. ang babaw...
sabi ko church po ang gusto ko.. kung ano po gagastusin sa civil.. pandagdag nalang sa church namin..

and with that, hindi na niya kami pinansin.. oh well pinansin naman nya anak niya after naman magobject pero ako, i think.. never na? and also, di sya nagregalo or nagbigay ng pera sa kasal namin.

my husbands mom is very soft spoken pero.. the way she stares at me when i make jokes? kung irap irapan nya ako.. kaya di nako gumagalaw pag nasa kanila ako.. i can't be myself kasi minsan nacarried away ako at nagpatawa.. maya maya sabi ng asawa ko.. bakit kadaw ganyan sabi ni Mama, tahimik kanalang jan. ako pinagagalitan... i am not the typical palamura at palengkera na babae. parang more on nicholeyala ako or parang si chelsea handler. parang everything to me is a joke. pero alam ko when to stop. minsan na nga lang ako maging ako sa kanila masisita pako.. naiinis nako.. bakit ako nalang lagi magaadjust para sakanila? sino ba sila? ni never pa nga sila pumunta sa bahay ko walang pamamanhikan na naganap. again ok lang samin ng mama ko. iniintindi nalang namin ang tantraumic tendency nila!

so fine...

my husband went to australia for work nung weekend . we went to their house muna for lunch using.. my car. not my husbands car ah.. may car nako  before i met my husband.
anyway., his mom made sama pahatid sa airport.. while we were taking photos sa airport. inirapatan talaga ako ng nanay niya na tipong naiinis kasi may picture picture pa kami.. tapos nung pauwi na siyempre as a car owner. maghahatid ka talaga kahit sobrang out of the way na as a courtesy pagalang, respeto,. gas ko drive ko... TOLL KO? pati toll ako? di man lang nagoffer?

i mean as car owners kasi.. if a passenger makes offer to pay for gas, parking toll. parang ang sarap ng feeling diba.. i dont usually accept it. nirerefuse ko mga "alok" pero si mom niya never made alok... oo nagthank you pero ewan ko ba.. napakarami na kasing beses na hinatid namin sila at kami lagi nagbabayad ng toll, walang abot sa gas. before niyaya namin sila sa tagaytay yung family niya nung oorder na sa fastfood. oh my god. HINDI kami inorder? inorder lang nila ay yung para sa kanila... pero gas namin, toll namin lahat saamin. simpleng pakain man lang wala?
« Last Edit: September 08, 2015, 09:22:20 am by donya_dyosa »

khaleesiCersei

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #564 on: September 09, 2015, 10:25:34 pm »
Nakaka urat ka na paulit ulit ang tanong mo kung ano work sked Ko. Hindi ka makahalata na pinaglalaruan na kita at paiba iba na sinasabi ko. As if naman sabihin ko syo no. Tapos arte arte mo inoobliga mo na naman ako sumama dun haler not my problem dami mo rason kesyo masyado malayo ek ek. Tapos nun inoffer sa iba bigla kang eentra na ikaw na lang. Pero sorry ka na lang kasi iba na sumama, alam kong nanghinayang ka nun sa iba inoffer at alam kong nainis ka nun hindi talaga ako sumama lol! Hindi mo pa talaga pinahiram ng camera kasi gusto mo ikaw na lang sana. Ugali mo talaga kadiri.

vermich

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #565 on: September 10, 2015, 06:33:36 pm »
Dear hilaw na MIL,

Thank you at mahal mo ako na parang anak mong babae, sabi nga ni partner mas mahal mo daw ako than him. Kahit hindi ako nakikinig sayo sa mga panahiin hindi mo ako pinagagalitan masyado, at malaki tiwala mo sa akin that I can take care of our kids ng maayos. I love how you always send over little somethings just to show your grandkids you will always be there for them. ANd effort ka talaga to learn how to skype para matawagan mo anytime ang mga kids. Sabi ko nga ikaw na nanay na hindi ako nagkaroon. Love ka ng mga kids ko and they will always cherish having a Mamita like you.

feisty_angel4

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #566 on: February 20, 2017, 05:49:15 pm »
Dear SIl, ang plastic mo talaga. Alam kong may kailangan ka kaya ka ganyan. Tsk! TSk! TSk! Please lang, pag-move on na, dko type hubby mo, kasalanan ko bang sya itong lumalapit, kitang kita mo naman kungpano ako lumalayo. Wag mo akong sisihin sa kalokohan ng partner mo, idilat mo mga mata mo.

babykat

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #567 on: February 21, 2017, 09:29:31 am »
To my BIL 2,  thank you so much.  Dami ko na utang sayo.  di ko alam kung ano na nangyari sa amin kung wala ka dyan para tumulong at umalalay.  Maraming salamat sayo, na kahit bata ka pa, nakakaintindi ka na at alam mo ang hirap ng sitwasyon naming ng kuya mo sa mama ko.

To my BIL 1,  ikaw panganay na lalaki, ikaw pa tong walang diskarte sa buhay.  sunud sunuran sa gf mong puro hangin ang ulo.  grow some balls man.  Daig ka pa ng mga nakababata mong kapatid.

magnics

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #568 on: March 21, 2017, 01:51:49 pm »
to my in-laws (including SIL and BIL, nephews and nieces in laws)

i hope everyone of you realise kung bakit lumayo loob ko sa inyo the past two years. remember nun panahon na hirap kayo at kami ang meron, we voluntarily give without asking you to pay a single cent. we included your kids to our travels and eat outs. we even give lavish gifts every occasion. kaya lang bakit during our trying times wala kahit isa sa inyo na dumamay sa amin, kahit moral support lang sana. when i lost my father a year ago, kahit isa sa inyo never bothered to visit the wake or sent me message to sympathize. nakakasama ng loob eh. when my husband lost his employment and we need financial assistance bakit parang iwas na iwas kayo and ignored his calls samantalang when you (referring to his nephews here) were still studying he supports you sa mga school needs and even give regular allowance. ni hindi nyo sya maalala every Christmas now that you're all stable na. tsk! in time, makakabawi din kami with all our ordeals right now and i pray that you don't encounter challenges like ours so you won't feel how to be rejected by your so-called second family.


free0910

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #569 on: February 01, 2018, 03:58:21 am »
My God, 2010 nung kinasal kami ng hubby ko. Naiwan kayo sa 2010?

2018 na ngayon, hindi nyo pa rin matanggap na kinasal na kami, nagbukod na, nagkasariling buhay na? Dumistansya na kami kasi ayaw na namin ng gulo ang toxicity and here you are again. Dikit kayo ng dikit na naman sa amin. Pinapakialaman nyo na naman buhay namin. Pati yung mga kids ko ang dami nyong panglalait na sinasabi?  Nung walang trabaho yung hubby ko pinagtatakwilan nyo, sinabihan nyong t****, tamad, bobo, palamunin etc. Tapos ngayong maayos na yung buhay  at kumikita ng pera, super concerned na kayo? Ang bilis nyo naoffend sa sinabi ko about ayoko ng ibang tao sa bahay kasi pinagmumulan kayo lagi ng issue at negative vibes. Pero mas masasakit pa yung mga sinabi nyong salita sa akin. Tapos eto you're verbally abusing me again, cyberbullying me pa on Facebook and sending me hateful messages? Sorry pero tanggapin nyo na na kasal na kami and we're living a happy and good life. Wala kaming inaagrabyadong mga ibang tao. And we stay away from negativity na.  Gaano ba kamiserable yung buhay nyo para hindi kayo maging masaya for us?

Rory_Lorelie_Gilmore

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #570 on: February 01, 2018, 04:31:28 pm »
Dear Mama and Papa,

I'm very thankful to God na kagaya nyo binigay Nya saakin na in laws. I admire both of your kindness, yung pagtulong nyo sa mga kamaganak, kaibigan, and strangers, kakaiba, sobrang buti nyong mga tao napaka busilak ng mga puso nyo. Buong buo ang respeto ko sainyong dalawa, maski di tayo close, at nakakahiya dumrama dahil 3 boys ang anak nyo, alam ko naiilang kayo sa presence ko dahil napaka humble nyo pareho, at kelan palang tayo nagkakilala bihira pa magkasama at magusap, lagi ko kayo pinagdarasal at sobra pasasalamat ko sainyo. You took care of my Husband and you raised him well, to the point nga na minsan spoiled na sya haha, kaya alam ko masaya kayo when we met nagbago sya naging mas responsable sya at nagkaron ng direksyon ang buhay, lalo na ngayong we're married. We will make you proud. Dasal ko lagi na bigyan kayo ng malakas na pangangatawan at malinaw na kaisipan. Sobrang bilib ako na pareho kayong galing sa hirap pero umasenso kayo at nagpursige. Kitang kita ko din na napaka bait nyo dahil andami dami nyong kaibigan, tuwang tuwa ako makita kayo na nakangiti napaka genuine. Mahal na mahal kayo ng Asawa ko, and mamahalin at aalagaan ko din kayo balang araw. Kung ano man kakulangan ng mga magulang ko parang pinunuan ng Diyos at kayo ang ibinigay saakin para maging pangalawang magulang. Mamahalin at aalagaan ko ang paborito nyong anak hehe.
 
« Last Edit: February 01, 2018, 04:37:54 pm by Rory_Lorelie_Gilmore »

barbramae

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #571 on: July 23, 2019, 02:09:09 pm »
Kapal ng mukha niyo. Kung sino yung wala na ngang naimabag sa wedding preps namin, yun pa ang mareklamo, maside comment at nagiinarte. Kung ayaw niyo pumunta,e di wag. Pagmay kelangan kayo, bibilis niyo kumilos makapunta samen. Ngayon ikakasal ang anak niyo, binilhan na kayo ng susuotin at lahat lahat, dami niyong dahilan. Kapal pa magsabing imbitahin si ganito si ganyan. Nagbigay ba kayo pambayad? E yung tatay ko nga nagoffer magshare sa gastos, tahimik lang tapos kayo ni singkong duling wala maiambag, dami sinasabi.

lisaflor

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #572 on: August 08, 2019, 09:07:33 pm »
To my father in law, wish you were still here to meet your future apo. We didn't keep in touch with your partner and adopted kids coz your son doesn't really feel like they're his family. Well, they're really not, but things would have been a bit different if you were still alive. Rest in peace Dad.

carrotsteeks

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #573 on: August 12, 2019, 01:17:06 pm »
To my ILs, Hindi ko talaga alam anong nangyari. Close naman tayo dati diba? Lagi nga tayo magkakausap sa gc. Lagi ninyo ako sinasama sa mga lakad.

Pero nitong nagipit kami at nanghiram (sa pera ni [textspeak!]/MIL), kung ano ano pang tanong sa amin. As if naman personal namin gagamitin eh para yun sa anak namin.

Barya lang yung hinihiram namin pero kung makahusga kayo akala nyo mortal sin yung ginawa namin. Nakalimutan niyo na ata na asawa ko ang nagsusuffer ngayon dahil siya ang nagbabayad monthly dun sa gamit na supposedly nabatak na. Sinave niya lang dahil ayaw niyang sumama loob ng magulang niya.

Pag sa iba ang bait ninyo pero sa amin wala. Ni ayaw ninyo pa akong kausapin.

Nabobore ba kayo sa akin? May nagawa ba ako? Or talagang mababa lang tingin ninyo sa akin/amin kasi nagigipit kami?

Sana intindihin ninyo kung bakit kami nagipit.
« Last Edit: May 24, 2021, 07:58:39 am by carrotsteeks »

missclary

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #574 on: October 07, 2019, 01:04:03 pm »
Sa mga side comments mo sa apo mo na akala mo hindi ko magegets pero light as day eh halata namang pangjjudge mo sa pagiging nanay ko. Thank you ha. Puro na lang nega napapansin at naalala nyo. Masakit na rin sa damdamin. Tapos parinig pa on social media dahil di nakakapagabot sayo anak mo, di pa ba sapat na nagbabayad na rin sya ng tuition ng kapatid nya, bayad ng rent sainyo. to think na may pamilya pa syang binubuhay ngayon. Hindi lang kayo ang may problema sa mundo, kung sana kinakamusta nyo rin ang anak nyo edi sana may alam kayo. Nakakalungkot kapag walang support na nakukuha sa mismong mga magulang. All the best na lang sainyo. We still respect you but do not expect care and affection from us.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #575 on: November 25, 2019, 02:37:30 pm »
I don't know what you are, I don't consider you an in-law. So I'll call you the mistress of my BIL who he has kids with:

Stop trying too hard. I don't like you, I've never liked you, and I prolly will never like you. For me, you will always be a kabit and I will never treat you like family. So stop trying to get my approval and my affection because hinde kita gusto and naiirita ko sa presence mo.

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #576 on: December 15, 2019, 03:01:15 pm »
TO MIL

Wow. Pinagda-drive ko na nga po kayo para hindi na kayo magcommute, tapos malalaman ko pa from my 6 year old son na naiinip pala kayo kasi nababagalan kayo sa pagda drive ko.. Hiyang hiya naman po ako sainyo.. Sana pala kayo nalang nag drive kaso oo nga pala,  di naman po kayo marunong at wala kayong license.  iniisip ko lang naman na nerbyosa kayo kaya mas maingat po ako.. and talagang sinabi niyo pa sa harap ng ibang mga tao.. ang sama sa loob, kasi ako na tong nagmamalasakit,, may masasabi pang negative..

glamorosa_09

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #577 on: December 15, 2019, 08:38:23 pm »
To MIL

Na-decode ko na rin yung mga behaviors niyo na dehins ko talaga maintindihan noong una. May something but couldn't put my finger on it.

I'm not saying you have NPD, but researching about narcissistic mothers, kayong kayo eh. Pati yung dynamics nyo sa family, parang kinuha from psych/counseling articles.

Basta two-faced ka, there's a big difference between your public and private images; boundaries are alien to you; you deeply care about your public image (di naman totoo pinoproject mo); you're critical and contemptuous maybe because you feel superior or you're above others; you're controlling because you see your family members as an extension of you (pati sa daughter ko); feeling sure that you're always right at di nagkakamali; walang communication at one-on-one relationship between your family members dahil lahat ng info/communication dumadaan sayo; hindi ka nakikinig sa hinaing at opinion ng anak gusto mo sayo lang; you treat and talk to your adult and professional children as if their young kids forever; at marami pang iba.

Kinuwento ko 'to sa anak mo, aba hindi nag-disagree, tinanggap?! Well kasi, growing up dami rin nyang hindi maintindihan. Buti na lang nag-hi-heal na sya.

Many people think that you're an angel and a very domesticated mother, but what they don't know is that, you're a tyrant, authoritarian, and emotionally abusive mother.

So now, I'm a grey rock. You're trying to get my "loob" after realizing that I'm distancing myself. You want to be close with me because you just want to manage me and my family. But it's not gonna happen. So civil lang tayo and I will not respond to your attempts to connect with me.
« Last Edit: December 15, 2019, 08:49:31 pm by glamorosa_09 »

niru_iiv

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #578 on: February 05, 2020, 03:36:03 pm »
SIL, sana umalis ka na sa poder namin ng kuya mo. Masyado kang madamot, inggitera at yung pagkawais mo ginagamit mo sa mali. Pavictim ka pa te.

Pati pagkain ng anak ko inuubos mo, shinashare ko sa'yo kasi gusto ko magset ng example na huwag madamot pero huwag mo naman sagadin. Inuubos mo na. Common sense iha.

Ang sipag sipag mo magzumba, maggym halos araw-araw tapos pagdating sa bahay pahiga higa ka lang kahit maghugas ng plato kailangan utusan. Sa kwentahan ng bills pati pagkamura na bilihin hahatiin pero sa gawaing bahay hindi ka maasahan. Sa ilang taon ka naming kasama ni hindi ka pa naglinis ng ref, kitchen cabinets . Pag uutusan kang magwalis ng bahay, kwarto ko lagi mo nakakaligtaan no?

Matalino ka naman iha at ok lang maging wais pero pati ba naman kami wawaisan mo pa. Makikitikim lang ng pagkain kuya mo idedeal mo pa na kukuha ka rin sa inorder niya?

The way na sinasagot-sagot mo kuya mo parang ikaw mas nakakatanda ah. Tapos kung pagsasabihan ka lang magsusumbong ka sa magulang mo, pavictim ka! Unang-una, hindi ka pagsasabihan kung mabuti ang ginagawa mo. Lagi mo sinasabi feeling mo wala kang kakampi eh ikaw din gumagawa ng dahilan para hindi ka namin magustuhan. Masyado kang spoiled at alam mo na masusunod ka at ikaw papakinggan ng parents mo dahil bunso ka at nag iisang babae.

Malapit na talaga akong mapuno sa'yo.

PurpleBubbleGum

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #579 on: February 08, 2020, 01:37:00 pm »
Mother in Law,

I know you never liked me and you just pretend that you do. Alam kong mababa ang tingin mo sakin at sa pamilyang pinanggalingan ko. Pero wag kang magfeeling kasi di ka rin naman mayaman. U always compare me to everyone else. You never appreciated all my efforts. Makomento ka in a way na nakakasakit na parang wala na akong ginawang tama. Tinawag mo akong "senyorita" maski ikaw naman ang nagpupumilit na magluto para samin kahit marunong naman kami. Maski brief ng asawa ko, ikaw parin naglalaba kesyo nasanay ka na. You treat him like a baby kahit na approaching 40s na sya.

Mahilig kang magpabili sa anak mo kahit wala na syang pera. Mahilig ka ring magpaospital kasi feeling mo mas mahal ka ng anak mo pag ginagastusan ka sa pagpapaospital. I'm sick and tired of you and your kaplastikan. Ngayong lumabas na ang totoo mong kulay, wag kang umasa na magkakaroon pa ako ng amor sayo.

Ang trato mo sakin "renter" or "boarder" hindi asawa ng anak mo. I am only good for the money, for paying all your bills. Akala ko by living with you, makakatipid kami. Hindi rin pala. Hirap mong pakisamahan, Mahilig ka sa maluhong bagay pero wala ka namang pera. Mahilig karin mangutang pero di ka naman nagbabayad. I know you talk behind my back and that's okay.

I still win because sakin sasama ang anak mo. Maling mali ang kulturang pinamana nyo sa anak nyo lalo na yung pagsusugal at pagbibisyo. Ayokong lumaki ang anak ko sa environment at culture nyo. Baka turuan nyo pang maging tamad at sugarol ang anak ko.
« Last Edit: February 08, 2020, 01:57:59 pm by PurpleBubbleGum »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close