Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134132 times)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #540 on: December 30, 2014, 08:31:53 pm »
Sister-in-law # 3, so proud of you :) Go lang ng go

Sister-in-law #3, Ate, pwede ding totoo.

kikaygimikera

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #541 on: December 30, 2014, 11:37:01 pm »
To my MIL:

Sana one day pwedeng maging harsh magsalita sayo. Hindi mo ba alam na yung kinukutya mong daughter in law na ako eh ang only na kasama mo ngayong New Year dahil wala mga anak mo sa mga tabi mo? Tapos ako pa kukutyain mo. Kung may pera lang ako at hindi nagloko yung anak mo sa sugal, eh sana wala din kami dito sa bahay mo. Okay ka naman eh, nakakainis lang pag nagpapaka righteous ka at lalo na pag naiinggit ka. Lumalabas tunay mong ugali. Ikaw na magaling. Ikaw na lahat. Sayo na ang premyo. Nakakainis. Alam ko naman pinaguusapan niyo ko na wala akong ginagawa dito sa bahay niyo. Nakakatawang isipin kasi guest naman ako dito at hindi katulong. Paano!? Umalis na naman yung katulong niyo. Tsee!

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #542 on: January 04, 2015, 07:45:08 pm »
SIL 1, you never fail to be kuripot sa gifts mo sakin lol. Panay hand me downs talaga ever since the beginning of time hahaha. Pero ang best hand me down mo ay yung bags mo

Charm1983

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #543 on: January 05, 2015, 06:33:47 pm »
To Mother in Law...malapit ka na umuwi ng pinas instead na matuwa ako natatakot nanaman ako. kase alam ko kasama nanaman kita sa bahay. napagtapos nanaman namin ang bunso ng high school..salamat at nag work ka ulit abroad para makapg abot ng baon sa bunso ng dalawang taon. after nun back to kami ulit. plus sa dagdag ka ulit sa bahay. umalis ka wala man lang kami napala puro reklamo ka parin na wala ka ipon eh ang dami mo kase iniwan utang sa pinas na di namin maintindihan bakit eh wala ka naman ginagastos nung 4 na taon ka nagstay sa min. panay pa nga ang barkada mo. tapos sa August balik ka na dito same same parin sigurado mangyayari kase naman di ka makuntento madami ka gusto ayaw monaman kumilos...

harley18

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #544 on: January 06, 2015, 07:24:17 am »
I'm not perfect but that doesn't mean na mas magaling kayo sakin. Mas magaling ako mag alaga ng anak ko. Why do you think mas o-ok sya kung ikaw magaalaga. Nakakairita ka to the highest level!!!!!!

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #545 on: January 12, 2015, 11:34:36 pm »
BIL, yung favor ko ah? Please ;) Ingatan mo yang si RSIL, mayayari ka sa parents niyan.

imprincessfiona

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #546 on: March 03, 2015, 06:24:14 pm »
SIL#4 umayos ka nga sa pag-uugali mo. Every weekends na nga lang akong pumunta sa inyo makikita pa kitang nakasimangot. Take note nagkakasalubong tayo pero deadma mo ako. Kung bad mood ka, magtago ka na lang sa lungga mo. Wag mo ako idamay sa ka-bad tripan mo. At isa pa, wag ka ngang inggitera. Nung bumili kami ng couple watch ng asawa ko bumili din kayo. Nung punta kami Boracay, punta kayo Puerto Galera. Ano ito patalbugan? Akala ko mabait ka e mas ok pa pala ugali ng asawa (kahit nung umpisa di ako boto sa asawa mo) mo. Kung magkaaway kayo ng asawa mo, wag mo idamay ang kwintas na bigay sayo talagang pinutol putol mo para ibili ka ng bago? Ang immature mo. Good luck sa asawa mo. Sana matagalan nya ang ugali mo.
« Last Edit: March 05, 2015, 08:09:19 am by imprincessfiona »

smile22

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #547 on: March 04, 2015, 09:52:19 pm »
Hello sayo SIL#1. Naiirita na talaga ko sayo! Tigilan mo na mangutang samin please lang. Aanak anak ka ng maaga tapos hindi mo kaya buhayin. Tapos every week uutang ka sa kuya mo. Saan mo dinadala yung pinagppaguran ng nanay nyo sa ibang bansa na hindi makapag retire dahil nagpapakain sya ng mga anak nyo? Every 2 weeks naman nagpapadala sa inyo nanay nyo.

Tapos nung kasal ko, gusto mo sarili mong design yung para sa mga abay kahit nakuha ko na yung ready made na para sa mga kaibigan ko. Insist mo pa din yung sayo. Tapos nung wedding day, kahit tinanggal na kita bilang abay... hinatak mo [textspeak!] isang groomsman para ipagdrive ka at naghanap ka ng salon ng 5AM sa tagaytay! Hello!!! hindi ka na po abay! hello madaling araw may salon?! tapos ang ending. after ko mamakeupan, inunahan mo pa yung mga abay ko at yung anak ko na mgpaayos. hindi k na po abay. excuse me.

Kapag kami manghihiram ng kotse sa inyo, andami nyo sinasabi kesyo hindi naibalik yung gas or whatever, hindi nilinisan bago maibalik. Kapag kayo nangungutang, tulog pa kami kumakatok na kayo sa bahay namin. Haha ang tigas mo!


khaleesiCersei

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #548 on: March 05, 2015, 02:26:24 am »
Never in my whole life have i met such morons.. I will never understand kung anong klaseng utak meron kayo at hindi ko na ittry pang intindihin. Lagi na lang kayo may drama at walang katuturang issues.. Worst, ang Hilig pa isisi sa iba kahit wala naman kinalaman sa mga stupid issues nyo.. Basta may masisisi lang. D bale konting tiis na lang at makakalayo na kami sa mga negatrons lol! Grabe hilig nyo mag complicate ng mga simpleng bagay. Bawas bawasan ang panonood ng teleserye, hindi kayo artista lol!

hyder0926

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #549 on: March 09, 2015, 12:53:32 pm »
respect begets respect. manners are reflections of one's upbringing and character.

umarte ng ayon sa lugar at posisyon sa pamilya. hinde porke nakapag-aral eh may pinag-aralan.


imprincessfiona

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #550 on: March 09, 2015, 01:04:00 pm »
^SIL#4 you are getting in my nerves! kaka-stress yang paguugali mo. magbago din pag may time [textspeak!] ka baka iwan ka nang asawa mo. wag ka na magtaka kung deadma kita kasi definitely ikaw ang unang gumawa nun sa akin kaya quits lang tayo. Good luck talaga sa asawa mo!

harley18

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #551 on: July 26, 2015, 08:57:26 am »
Ang saya namin nun wala kayo. Hindi ako nastress. Walang istorbo, walang pakielamero, walang extra gastos.
Sana maisipan nyo na lang magtrabaho abroad. :D Suportahan ko kayo!!!

ri-anne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #552 on: July 26, 2015, 07:48:07 pm »
^my exact sentiments right now.....except for the abroad part...kami [textspeak!] ang nasa abroad lol!

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #553 on: July 26, 2015, 07:56:38 pm »
Dear bilas tolerable ka na ngayon compared 4 years ago. Wow. 4 years na pala yung hinaharbor kong something against you lol. Anyway be happy malapit mo na maachieve ang legal bilas status. Nagplant ka na ng flag mo sa house ng inlaws and you've conquered it well. Kulang na lang talaga sayo marriage contract at apelyido. Don't worry, di na kita papakialaman as immune na nga ako sayo. Sana maging sincere talaga friendship natin kasi I don't expect you to leave my life--our lives pala. I think you're there to stay kasi kapit tuko ka kay BIL 1. Let's just live harmoniously pero occasionally may masasabi pa rin ako hahaha.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #554 on: July 26, 2015, 10:16:07 pm »
Sabi ko ba nga ba magsa side comment ka na naman sa social life ko at may time pa daw ako para dun. Aba syempre hindi mo naman ako pede pigilan dahil hindi mo naman ako palamon d ba? At please lang kung mag uumpisa ka na naman na obligahin ako sa isang bagay na hindi ko naman responsibilidad eh sorry hindi ka nanalo noon at hindi ka pa rin mananalo sakin ngayon. Hahaha

smile22

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #555 on: July 27, 2015, 10:47:06 pm »
reading all of these gets off something in my chest. hindi lang pala ako ang naulanan ng kamalasan pagdating sa mga in-laws.

To them: Hindi kami banko at atm machines na pwede nyo puntahan at 3AM para lang mangutang!!! Tapos malalaman laman ko na pinangluho nyo lang pala. Hinding hindi na kayo makakaulit.

bonzaigirl

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #556 on: July 28, 2015, 04:01:27 pm »
I just want to get this off my chest.

Dear MIL,

Next time, sana po wag nyo na pong kulitin si mama.  I know you're a businesswoman, pero did you think na maybe, there is something wrong with your business tactics at ilang beses na kayong niloloko ng inyong mga so-called friends na business partners nyo pa man din? Please stop bullying my mum into lending you her things na tipong naisipan nyo na dahil lang sa may mga gamit syang pang cater at pinatigil na namin sya eh ibig sabihin libre na sya na ipahiram sa inyo mga gamit nya. At hindi po robot si mama na tumawag kayo ng 12:00pm ipapaready nyo for pickup ng 4pm.  At alam kong nag offer naman po kayo na bilin mga gamit nya, pero naman, ang baba naman po ng offer nyo. Sana naisip nyo po, nung pinundar namin nyan, buong family po kami nagtitipid at kesehodang gamit na yan, mas mataas pa din po ang value nyan sa amin. Kung gusto nyo po  go buy your things.

P.S.  i know you mean well, pero sana po if you can just stop being so meddlesome in our lives.  Yes po, i am jobless right now, pero yung padala ko sa mum ko, hindi po yun galing sa anak nyo. Sa akin po yun galing dahil nagipon ako dahil alam kong mawawalan ako ng work for quite some time at ayaw kong iasa kahit kanino ang allowance ng mum ko.

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #557 on: August 02, 2015, 04:34:13 pm »
MIL I like you so much. Sana pag tanda ko maging tulad nyo ako. :D D :D :D

harley18

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #558 on: August 02, 2015, 04:38:45 pm »
^ good for you

brattybrat01

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #559 on: August 02, 2015, 06:07:35 pm »
dear in-laws,

      Kayo pa naman nakakatanda sana magset kayo ng good example. kung magreregalo kayo dahil birthday ko sana un bukal sa loob hindi un naririnig ko na icocompare niyo p ako sa aswa ng kapatid ng mister ko na sa kanya nga wala kang binibigay please sa inyo sila nakatira nuh sa inyo dumedepende.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close