Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134546 times)

jeune

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #380 on: October 30, 2013, 10:26:04 pm »
To my in-laws,

Thank you for letting us stay at your place, paying for our food every time we go out to eat, paying for our airfare & hotel accommodation in Hualien, and taking us to tourist spots around the area. It was indeed a nice vacation!

To my bro-in-law,

Dude, get your act together and stop giving stress to your parents!  ::)

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #381 on: November 01, 2013, 07:30:09 am »
Salamat sa libre. Pero I noticed na cold pa rin kayong mga sisterette. I don't care. As long as ok ako sa parents in law and sa brother nyo :P bahala kayo. And don't expect us to join more family gatherings kasi I will make sure na marami-raming Pasko, Undas  at birthdays ang di namin pupuntahan. Pati kasal. lol.

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #382 on: November 11, 2013, 10:51:44 am »
MIL, kung ganyan ka rin lang pala sana di mo na kami pinilit magpakasal. Hindi pwedeng kung kailan mo gustong tawagin si hubby eh pupunta siya diyan. At kung saan nyo gustong pumunta eh sasama siya. May pamilya na siya at kailangan ko rin siya. Tama na ang paglalason sa isip ng asawa ko at pangungunsensiya sa kaniya kasi ako at ang magiging anak namin ang first priority niya. Bakit hindi mo na lang kasi pauwiin ang asawa mo para hindi naman ang asawa ko ang karay karay mo pag gusto mong umalis. Kapag ako nasanay na laging wala yang asawa ko eh baka ibalik ko na ng tuluyan sa inyo para maligayahan ka naman ng husto.

leonilyn

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #383 on: November 13, 2013, 04:09:03 am »
Ano ba talaga ang pinunta mo dito? magpagamot or tumambay lang? para kasing wala kang balak kundi pakelaman ang araw araw nming buhay. Dinidikthan mo kami nakakairita. Hindi mo na lang asikusin yang problema mo. Pag ako naasar uuwi ako sa amin. hay!
« Last Edit: November 13, 2013, 04:12:38 am by leonilyn »

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #384 on: November 13, 2013, 03:46:49 pm »
F.I.L. - bakit ba sa akin ka nagtetext, alam mo naman ang number ng asawa ko? Messenger ba ako!? Kung ayaw kayong sundin ng anak ninyo, e lalo naman ako. Wag ninyo i-expect na ipagmamakaawa ko kayo sa asawa ko, dahil deserve ninyo yang ginagawa sa inyo ng anak nyo. Kung hindi sana kayo naging makasarili noon, e di sana may karamay kayo sa pagtanda ninyo ngayon.

babykat

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #385 on: November 15, 2013, 12:56:52 pm »
SIL1,  wag ka naman masyado wais.  Puro kubra ang alam mo, di ka marunong magbigay.  1k lang di mo kaya ibigay na tulong sa pagayos sa bahay nina MIL, tapos malalaman namin na bibili kayo ng iPad at yang anak mo eh binigyan mo ng maluhong cp.  Tapos bawat lumalabas sa bibig mo, hingi at palibre at aga mo humihirit ng Aguinaldo.  Ang bilis mo pang manghusga ng mga kapatid mo.  Hubby ko pa tinawagan mong madamot at kuripot.  Over ka lang talaga.  Pati parents mo ginugulangan mo na.

BIL,  kung galit ka sa amin ng kuya mo dahil pinagsabihan ka sa mga ginagawa mo lately, ikaw na bahala.  Sino naman matutuwa sa mga gawain mo na madaling araw na umuwi araw araw?  Kahit pa pagsabihan ka ng nanay mo na may karamdaman, sige ka pa rin.  Nagkasyota ka lang, nawalan ka na ata ng isip.  Di mo inasikaso pagenrol mo, tapos nawala lang yung pera.  Di naman kayo mayaman, tapos ayaw mo napagalitan ka ng kuya mo.  Ilang beses ka sinasama sa umpukan at lakad ng mga kapatid mo, pero mas gusto mo pa dumikit sa barkada at syota mo.  And sorry lang, kasi di ko talaga feel ang syota mo kasi ayaw ko yung gawain nya na pag wala kami ng kuya mo sa bahay, feel at home sya at gusto pa sa kwarto namin magstay.  Pero pag andun kami, ni tumapak sa loob ng bahay ayaw nya.

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #386 on: November 21, 2013, 02:59:20 pm »
SIL - Finally, nakapag-isip rin kayo ng para sa family ninyo. Sana magtuloy-tuloy yung business ninyo. Sadyang mahirap pero kailangan magtrabaho para maibigay ninyo kahit yung needs na lang ng mga anak ninyo, saka na yung wants.  ;)

Janelc

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #387 on: November 22, 2013, 02:39:07 am »
Buti na lang may wala na akong MIL at [textspeak!] at kasundo ko lahat SIL at BIL as in walang pakialaman ng buhay maghihingian lang pag may need tulungan sa pinas like namatayan or nagkasakit.

babykat

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #388 on: November 22, 2013, 12:19:12 pm »
MIL,  thank you thank you thank you.  Sobrang thankful ako na ikaw ang MIL ko kasi you've always been there for us, even now na family ko ang nangangailangan ng tulong, andyan ka pa din. 

BIL2, thank you din kasi nandyan ka to help us.  Am so proud of you kasi kita ko pano ka nagmature at ngayon talagang maaasahan ka.

CIL, thank you din kasi sobrang bait mo. Thank you sa tulong.

Minalas man ako sa mismong mga kapamilya ko, bawing bawi naman ako sa in-laws ko.  Sa kanila ko naramdaman what it means to have a family that will stand by you and help you in times na you need it the most.

khrysiesomuch

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #389 on: November 23, 2013, 10:37:20 am »
youngest SIL loser ka loser ka talaga. Humingi ka na ng sorry sa kuya mo!

rics

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #390 on: November 26, 2013, 11:14:13 am »
father in law huwag masyado mayaabng. hindi naman kayo mayaman, huwag ka makipagsabayan tapos kami ngayon isasangkalang mo dahil lang sa gusto mo. hindi dahil kinuha kang ninong sa kasal tapos engrande yung kasal eh dapat engrande din aguinaldo mo. eh sa amin ka naman hihingi ng pera pambili ng mamahalin mong attire and yung pang aguinaldo mo and pang gas sa amin rin mangagaling. masakit sa akin to part with the money we are going to give you bec you are so impractical. nagtampo ka pa when we said what you would like to give as aguinaldo is a lot of money. hindi nga kami gumagastos ganyan kalaki para lang sa isang okasyon tapos ikaw okay lang since hindi mo naman pinaghirapan ng pera. i just feel so bad about it since we dont even spent amounts like that para pamigay lang, or spend for clothes na minsan lang naman siguro magagamit. funny thing is that yon yung aanakin mo is mas maraming pera di hamak sa amin then you will give away our hard earned money just like that. for sure maiintindihan naman yan ng newly wed since alam naman nila na wala kang pera to begin with. pero baka rin kasi the newly weds thought na malaki monetary gifts mo since you have children abroad, and true enough ganon nga nangyari, pero 1 anak mo lang ang sagot sa gastos. promise, i will make sure you wont get any money from us in the coming months. reason why ayaw ko umuwi sa pinas para dalawin kayo kasi masyado kayo magastos. nang-gigigil ako sa asar sa inyo. yabang mo sobra!

imeego

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #391 on: November 26, 2013, 11:42:29 am »
napakaswerte ko po sa inyo, pati mga anak ko sobrang swerte dahil nagkaron sila ng napakabait na lolo at lola :) malapit na christmas, nahihirapan na naman akong mag-isip ng gift para sa inyo, kasi naman nasa inyo na lahat..pero di bale, it's the thought that counts sabi nga nila ;D


EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #392 on: November 26, 2013, 08:36:23 pm »
F.I.L. kahit magmakaawa ka dyan, hindi kita pagbibigyan. Hindi ko obligasyon na pautangin ka dahil wala ka naman talagang balak magbayad. Uulitin ko, hindi mo na binayaran yung utang mo noong 2010, kaya wag kang umasa na makakaulit ka. Manigas ka kakatext at kakatawag. Hindi ka nga ata marunong magwithdraw o gumamit ng ATM tapos yayabangan mo ako na may time deposit ka! Matanda ka na, magbago ka na. Hindi lahat ng tao naniniwala sa kayabangan mo, lalo na yung mga nakakakilala sa iyo.  ::)

swtgrl_bee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #393 on: November 29, 2013, 09:56:49 am »
Masaya ako kayo ang in-laws ko :)

peenitokss

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #394 on: December 05, 2013, 10:18:07 am »
MIL: so, mag aasawa bunso nyo pero ni pamasahe sa pamamanhikan wala kayo? tapos asawa ko ang kukulitin nyo. Bakit ba naman kasi ok na ok kayong magsipag asawa mga anak nyo ng wala namang pera? Jusko naman!

BIL: Ikaw naman atat na atat mag asawa e wala ka palang pera. So san ka kukuha ng pampakasal? mag ha-house to house na naman kayo ni MIL para mangutang or manghingi sa mga kamag anak. Nakakairita kayo.

[textspeak!]: hay ewan. wala naman kayo ma-say. go with the flow na naman kahit mali.

Nhetskii

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #395 on: December 06, 2013, 09:56:53 am »
Hayy na stress na ko sa Dec. 24...  Ayoko talagang umattend ng dinner sa inyo, magbubukasan lang ng gifts after, tapos ano na naman ang mangyayari? bubuksan nyo ang gifts namin sa inyo, at dahil di namin kayang mag regalo ng branded... mag me-make face kayo as if di kami nakaharap.. tapos san mapupunta ang bigay namin.. andun kasama na sa mga boxes at sira sirang wrappers.. habang pinagsusukatan at pinag yayabangan nyo yung gifts nyong mamahalin sa isat isa...  Masakit sobra! Buti na lang last year, galit kayo samin ni hubby kaya nakaligtas kami.... ganunpaman, dinala pa din ni hubby ang gifts namin sa inyo after christmas.. oo nga pala, walang nakaalalang mag thank you.. 10 lahat kayo.. ni isa walang nagpasalamat... saya saya.. Ngayon, mag papasko na naman.... sorry na lang di pa ko tumatama sa lotto kaya di pa din namin afford mag regalo ng  branded...

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #396 on: December 19, 2013, 09:45:39 am »
Ayoko na lang pumatol sa di ko ka-level... kahit minsan nakakagigil na kayo. At naloka naman ako sa nalaman ko sa hubby ko... imagine nung wala pa pala asawa si hubby iniinsist nyo rin na titira din kayo sa bahay nya, may asawa ka girl, dun ka pabili ng bahay sa kanya di sa asawa ko... well sorry kayo at hinding hindi ako papayag na mag stay kayo or bumisita sa bahay namin. If you want people to treat you with respect, respect them also... 

rukia_san

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #397 on: December 29, 2013, 10:41:24 pm »
MiL, i need more patience...
Please give us factual reasons naman kung gusto nyong maniwala kami... Di yung basta magmukhang kapani-paniwala.. may insekto bang dumidiretso sa utak? Matanda na rin po kasi kami lalo na yung anak nyo kaya hindi na basta-basta maniniwala sa ganun.. daig nyo pa po ang endorser eh. Alam ko rin na hindi ako makakaporma sa bahay dahil hindi ko naman ito bahay.. pero sana pagdating sa asawa ko eh hayaan nyo naman ako..

contented

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #398 on: December 29, 2013, 11:20:39 pm »
konti na lang MIL masasapak na kita. I hate you so much! Sinisira mo buhay ko, ginugulo mo pagsasama namin. Masyado ka pakialamera. Mayabang ka gusto mo lahat ng kamag anal mo bigyan ko ng regalo! s***! Iritang irita na ko sayo sobra kang ma epal at pakialamero, wala ka namang alam, dakdak ka ng dakdak engot ka naman  >:( >:( >:( >:( >:(

Depressedmum

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #399 on: December 30, 2013, 08:13:25 am »
Ang lakas nyo "tumulong" ngayon porke anjan ang asawa ko. Pumapapel kayo kasi ayaw nyo makita nya na dedma kayo sa amin ng anak ko nung time na kailangan namin ang tulong nyo! Nung nanganak ako, wala ako naasahan sa inyo. Ngayon na binyag ng anak ko, pumapapel kayo sa pagtulong, para ano?

Hoy MIL, nung inilabas ko anak ko, ni ayaw mo hawakan kasi baka mabagsak mo sabi mo. Ngayong andito ang anak mo na nagbibigay sayo ng sustento, kung makahiram ka sa anak ko at kung kargahin mo, parang wala ng bukas! Eh 4 mos.na kaya yan, mas mabigat sa 1 month, so mas malaki posibility na maibagsak mo dahil sa bigat... Pero tinitiis mo ang bigat ng baby ko, makaepal ka lang! Buwisit ka talaga!

Tingnan natin kung pag alis ng asawa ko, makita pa kita dito sa bahay namin dahil wala ka nang aartehan! I hate all of you! Pati anak mo, isama mo na din, di namin yan kailangan sa buhay naming mag ina!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close