Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134504 times)

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #280 on: April 16, 2013, 09:49:53 am »
MIL: Huwag masyadong mapapel. Ikaw ang may kailangan, kaya matuto kang makiusap, hindi yung ikaw na nga ang may pabor, pero ikaw pa ang matapang at galit!

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #281 on: April 16, 2013, 01:01:36 pm »
SIL, pakisundo na ng anak  mo. Ang usapan natin is aattend lang siya ng birthday party ng anak ko, hindi sa amin na titira. May dala na namang mga damit e!  >:(

snowflakes

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #282 on: April 17, 2013, 04:59:04 am »
BIL - wala kang patagong pera kaya wag kang demanding!!! Kung makapag utos ka at maka demand
Kala mo naman pupulutin lang namin ang pera! Pikon na pikpn na ko sa inyong lahat!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #283 on: April 17, 2013, 01:12:01 pm »
MIL: Hindi porque ok sayo eh ok na sakin! Duh!!

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #284 on: April 17, 2013, 01:30:41 pm »
MIL salamat po sa financial tulong saming mag-asawa as usual. Thanks sa pagsuporta. Kahit bahay naming pinagawa nyo pa :)) nahihiya na mom ko sa inyo. Wag kayong mag-alala, mag-aaral nang mabuti ang apo nyo

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #285 on: April 19, 2013, 04:53:20 pm »
MIL: Stop pretending na nahihiya ka sakin! As if naman hindi ko alam na tuwang-tuwa ka na nahihirapan ako! Mautak ka din eh noh, ang utang ng loob mo sa ibang tao, sakin mo pinababayad! Galing mo din matanda ka! May araw ka din!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #286 on: April 19, 2013, 05:44:42 pm »
MIL: Ako, huwag mo akong inuuto. Di ako aanga-anga na inaakala mo. Care ko sa utang ng loob mo sa ibang tao! Bakit, nakinabang ba ako dyan? Kapal ng mukha mong hiritan ako ng gasgas na linyang yan. Ang problema sayo, gusto-gustong mong mabango ang pangalan mo, pero ang nagsa-sacrifice and nagsu-suffer, eh ibang tao, hindi sarili mo! Tigas ng face grabe!!

Princess_Chill

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #287 on: April 21, 2013, 07:10:53 am »
MIL : obvious na obvious na mas paborito mo ibang apo mo kesa sa anak ko...porket ba wala kaming kaya at di ka nabibigyan ng pera kaya di mo mahal apo mo samin?

SIL&BIL : masyado naman akong outcast sa family gathering! sige kayo kayo nalang ang mag usap..porket ba kayo may kaya kami wala? oh well aangat din kami at makakasabay
na sa inyo..parang ang dating kasi di kami worth kausapin kasi wala kayong mapupulot samin

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #288 on: April 21, 2013, 03:32:35 pm »
BIL:  ::) Huwag mag-marunong, marami kang hindi alam. Just seize f***** tongue! Palibhasa, hindi sayo napunta ang burden na ito kaya parang ang dali-dali lang sayo humirit ng kung ano-ano, may masabi lang ::)

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #289 on: April 22, 2013, 08:04:17 am »
SIL, sabi mo sunday mo susunduin ang anak mo? Hindi ka man lang nagparamdam kahapon, tapos may salu-salo pala sa inyo noong friday at 2nd month ng bunso ninyo, hindi mo man lang naisip na sunduin ang panganay mo para makasama ninyo. Nakalimutan mo na ata na may isa ka pang anak na basta mo na lang iniwan sa amin? Di ba pumunta siya sa amin kasi birthday ng anak ko, ayun dumaan na rin ang birthday ng pamangkin ko, kakaawa naman kung iiwan namin kaya isinama na rin ni ate sa guest list. Susunduin mo pa ba or hihintayin mo na rin ang birthday ng tatay ko?

Nuriko

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #290 on: April 26, 2013, 03:42:50 pm »
naiinggit ako sa inyo dahil mas mahal kayo ng asawa ko kesa sakin.

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #291 on: April 29, 2013, 12:49:53 pm »
SIL 2: salamat sa graduation gift! Ibang level ka talaga sa generosity. congrats rin sa upcoming wedding mo. favorite talaga kita hehe

SIL 1: nalaman ko na rin sa wakas na galit ka rin pala dun sa GF ni BIL 1. :)) sabi ko na e. pero galing mo ring makisama sa kanya. ngayon kampante na ko na we're all in the same boat pala.

MIL: thank you sa advice about marriage with tita. Andami kong napulot sa inyong dalawa over the weekend. hindi ko susukuan ang anak nyo, don't worry. :D

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #292 on: May 02, 2013, 10:31:14 am »
SIL: Buti na lang nagkausap tayo at nalaman kong wala ka nga pala talagang balak sunduin pa anak mo. Sa kwento mo, lalo akong naawa sa anak mo. Kung hindi siya tanggap ng kinakasama mo, sana ipagtanggol mo siya, sana ipaglaban mo siya. Huwag mong hayaang apihin siya. Sana kasi hindi mo inuna ang kaligayahan mo, sana yung kapakanan ng anak mo ang inisip mo. Sorry pero hindi ko obligasyon na sambutin ang problema mo, responsibilidad mo ang anak mo. Willing pa rin kaming tumulong pero sana huwag mong iasa sa amin ang lahat. Walang mangyayari kung puro awa at asa lang, ikaw mismo ang kumilos para sa anak mo. Huwag mong hayaang saktan at apihin siya ng kinakasama mo. May magagawa ka, kung gugustuhin mo lang talaga.

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #293 on: May 22, 2013, 03:58:51 pm »
MIL: You have quite the talent for not failing to irk me! This house is not a one stop shop. Your son (BIL) is quite grown up and very much married -- need I remind you! So just cut the crap and stop treating him like a baby! For crying out loud! Just what is wrong with you??

loveann

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #294 on: May 23, 2013, 02:53:57 am »
@mishmish: hahaha natawa ako dito sis! ;D ;D same tayo ng situation

BIL: wag ka maginarte hindi mo na bahay ang bahay ng magulang mo! get your own house, karma yan sayo magisa ka lang sa buhay! boooo!!!

MIL: kapag nagkakagalit tayo please lang wag mo idamay ang anak ko, babalik din ang pinagagawa mo sa anak ko! kung ikaw galit sa akin ako ang pagtuunan mo ng galit! pasalamat kayo may natitirhan pa kayo! hindi ko utang na loob ang pagaalaga sa anak ko, sabihin mo sa anak mo humanap ng maganda trabaho para ma afford namin ang baby sitter, hindi lahat sa akin aasa!

Father in law: sana umimik ka minsan! ano takot ka sa asawa mo! kung nabayaran mo ang bahay nyo eh di sana hindi tayo samasama at hindi masikip ang mundo, leche!

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #295 on: May 23, 2013, 08:38:08 am »
Hay naku F.I.L., may pagtawag ka pa sa akin, kala mo naman concern sa anak mo, kesyo wag ipadala ang motor at baka mapainom, malasing tapos maaksidente. Yun pala naman, gusto mo lang siguraduhin na ginagamit nga ng asawa ko para mahiram mo! Nabasa ko kaya ang text mo sa asawa ko.  ::) Isa pa kung gusto mong magyabang sa ibang tao, aba kumilos ka. Sa amin ka na nga hihingi ng ipinagyayabang mo gusto mo dalhin pa sa iyo agad-agad? Manigas ka!

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #296 on: May 23, 2013, 12:03:58 pm »
Salamat sa pagbisita niyo sa amin sa hospital kagabi with dinner pang kasama haha. MIL and F.i.l., ??? salamat din pala sa pagsagot ng hospital bill sa panganganak ko. :D medyo pricey pa yung room na nakuha namin haha.

Kady_14

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #297 on: May 23, 2013, 03:25:12 pm »
Mami, nagkakasakit ka na kaka Candy Crush.

Dadi, tinatamad ako gawin ang thesis mo. Malaki kapalit nito. LOL. :o

eekai

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #298 on: May 24, 2013, 04:22:26 am »
to my in-laws, all of them. you are all selfish SOB's. i can never wrap my head around the fact that you choose your own happiness and personal agenda over guaranteed opportunities for your children/grandchildren. you disgust me!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #299 on: May 24, 2013, 09:45:18 am »
@mishmish: hahaha natawa ako dito sis! ;D ;D same tayo ng situation


Nakakainis diba?!

MIL: We have our own lives and problems of our own. Your other kids' lives are their own. Let them forge their own paths. i think they can manage just fine. Stop placing them here when they have the comfort of their own roof. I can not carry all the burdens in this world, so just cease placing them in my hands! For heaven's sake! You better start treating your son especially that one like an adult and tell him to stop whining!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close