Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134574 times)

purpleish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #240 on: February 11, 2013, 09:12:33 pm »
uuwe ba talaga kayo or hindi sa march :-\

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #241 on: February 20, 2013, 07:28:49 am »
SIL- Finally, after 24 days of being overdue, nakaraos ka rin sa panganganak. Sana last na yan, ang liliit pa ng mga bata, ikaw din ang mai-stress. Sana this time isipin ninyo naman yung future ng mga bata, isang grade 2 pa lang ang estudyante ninyo, nahihirapan na kayo, ngayon tatlo pa ang ginagatas ninyo.  :(

bubblepop

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #242 on: February 23, 2013, 03:51:40 am »
.,wala thank you Lang kase for two weeks na umalis hubby ko ni hi and hello wala to think na kaming dalawa Lang ng apo niyo dito sa bahay., F I L  tapos nung paalis na anak niyo parang gusto nyo pa akong sumbatan kung di lang na cut usapan natin.

Madelskie

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #243 on: February 23, 2013, 10:09:37 am »
To Aunts of my husband abroad - Thank you for generously sending us financial help the moment you learned that I'm giving birth this month. We didn't ask for anything but you willingly send us money for your future grandson. We hope and pray that God will continue to guide and protect you especially you're overseas and away from your family. Makakabawi din po kami sa inyo and will make sure to make your visit in the Philippines a memorable one. :)

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #244 on: February 27, 2013, 04:12:33 pm »
MIL - do not expect na kakalimutan kong ginawa ninyo sa akin last Thursday, ang galing galing nyong mangunsinti, ikaw pang may ganang sugurin ako duruin at pagtaasan ng boses?

SIL - nakakatawa lang kasi after ng ginawa sa akin ng nanay mo may lakas ng loob ka paring umutang sa akin.

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #245 on: February 27, 2013, 10:18:39 pm »
MIL & F.I.L:  ::) See you later ::)

greeniestock

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #246 on: February 28, 2013, 12:51:24 am »
i love you both.. thanks for taking care of me and my baby

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #247 on: February 28, 2013, 01:25:18 pm »
MIL: O umiral na naman ang pagiging epaloids mo. Kadadating-dating mo lang, eh tumi-360 na naman ang mga mata mo, at kung ano-ano na naman ang napupuna mo dyan. kung hindi mo feel ang luto ko, hindi ko na problema yun, keep your opinion to yourself - kakain ka na nga lang, dami pang che-che bureche. Sa susunod ikaw na lang ang magluto, total ang galing-galing mo nga eh!!

F.I.L: Bingi ka ba? sumagot naman yung bata sayo, bakit kelangan tusukin mo pa likod niya! Bwisit ka!
« Last Edit: February 28, 2013, 01:29:21 pm by mishmish »

angeleigh

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #248 on: February 28, 2013, 06:31:07 pm »
MIL to be: Mama, thank you so much... I cant thank you enough for the love, care, support and understanding that you are giving us. Nananaba po ako sa pagpapadala ninyo ng food sa apartment ko! Hahaha. You are really a great mom to him. Thank you.
F IL to be: Pa, malapit na birthday mo! Ano kaya gift namin sa inyo? hmmm... Super tahimik mo pero alam ko na love na love mo ako...Thank you for everything!

mariacadie

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #249 on: February 28, 2013, 09:50:41 pm »
sa pamilya ng asawa ko:

mil: wag na ho kayong pupunta sa bahay namin. hindi matatakpan ng cake at bucket meal ang pambabastos na ginawa ng kapatid nyo sa akin. sa totoo lang ho ma, gustong gusto ko sabihin sa inyo na yung oras na pinupunta  nyo sa bahay, e gamitin nyo na lang para turuan ang mga anak mong batugan na maghanap buhay. gusto kong mailayo ang anak ko sa inyo. ayoko nang makilala pa nya kayo o sinuman sa partido mo. baka mahawa ang anak ko sa ugalil nyong palaasa sa ibang tao para mabuhay ako din ang mahihirapan.

sil:  ikaw na! ikaw na ang ultimate epitome ng "social climber" salamat sa anne klein na watch ko na inarbor mo. narealize ko na you are eyeing my stuff. ang kapal mo pinagpiyestahan mo ng kapatid mo yung laptop, digicam at pati kotse ko. sa asawa ko pa ikaw magsasabi pag gusto mong laspagin ang gamit ko.  ang kapal mo humingi ng laptop sa asawa ko nung manganganak ako.  kung may gusto ka, pagtrabahuan mo. at yung mga napkin mo na duguan pa iligpit mo.  kung magbihis ka talo mo pa si lady ga** hindi ka naman nagpapalit ng panty.

bil bunso : sa totoo lang ikaw ang pinaka panget sa pamilya nyo. ke long hair o short hair ha nuknukan ka ng panget. nagbabanda ka pa e narinig kita ang pangit ng boses mo. 

bil panganay: SAWSAW ka. kuya, magtrabaho ka!!! magsikap ka hindi yung aasta kang businessman hindi naman ikaw yung namumuhunan sa negosyo nyong pulpol. wag mag display sa sala  ng grad pic kung hindi ka naman college graduate. naghahanap ka daw ng us citizen na magpapakasal sa yo para maka us ka na lang. omgggggggg, matanda ka, walang trabaho, walang ipon at sakitin ka pa. goodluck na lang kung may mauto ka. naiintindihan ko ang hilig mong sumaysaw sa mga isyu ng ibang tao, e kung ako naman e katulad mo na walang ginagawa kung di mag dota, manood ng tulfo at eat bulaga, mag download at manood ng movies at maghintay kung sino ang pupunta sa sm, e sasawsaw na din ako. 

mabuti na lang at ang asawa ko e marunong magbanat ng buto. mabuti na lang wala ako sa bahay nyong mabaho kasi sa totoo lang nakakahawa ang katamaran.  lahat kayo nakaasa sa tiyahin nyong senior citizen na e nagpopokpok pa din sa japan. magbanat kayo ng buto at nirarayuma na yan. 

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #250 on: March 04, 2013, 01:14:02 pm »
to my parents in law:

thank you for supporting me and my hubby during my baby's baptismal. I know iba po yung religion nyo pero I am very touched to know you've been there for us. Kayo nalang ang na-cconsider namin na talagang kapamilya...

to my sil:

gusto lagi nasa kanya limelight? Eh di ibigay ang limelight! :P hayyys! ka-stress ka sobra... para ka di matanda mag isip. napaghahalataan may inggit na nararamdaman... di naman namin kasalanan bakit nagka-ganyan buhay mo. If me and my husband are happy together, wag ka mainggit. Sana dati humanap ka rin ng asawa na kaya ka alagaan at panindigan, hindi yung mama's boy at loser din. Sumama ka na sa SG para di na namomoroblema in-laws ko sayo!

Madelskie

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #251 on: March 04, 2013, 08:57:56 pm »
SIL - Alam ko naman na hindi mo ako gusto, but don't worry, the feeling is mutual. Pati sa newborn baby ko, ramdam na ramdam ko ang hindi mo pagkagusto. Nung pinanganak yung anak ng Ate at Kuya mo, ikaw ang kauna-unahang nag-upload ng photos pero sa anak ng bunso mong kapatid (hubby ko) wala lang. Kahit nga like wala man lang. Maliit na bagay lang yun pero obvious pa rin na you care less for my son than your other nieces and nephews. Anyways, hindi ka naman namin kailangan. Kahit na magarbo ka pa kung magregalo sa ibang pamangkin mo, I don't care dahil kaya ko rin ibili non ang anak ko. At alam mo na walang binatbat yang sweldo mo sa pera namin ng asawa ko.

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #252 on: March 05, 2013, 09:36:29 pm »
F.I.L: Isa ka pa ding dakilang halimaw. Di ka pa din nagbabago! May araw ka din.

MIL: Huwag masyadong manliit ng tao, huwag ka, ikaw din!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #253 on: March 06, 2013, 02:37:48 pm »
F.I.L: Kalalaki niyong tao, pero babae at bata ang pinapatulan niyo!! Shame on you!

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #254 on: March 10, 2013, 11:05:34 am »
MIL - ikaw lang ang nanduro at sumigaw sa akin sa buong buhay ko kaya don't expect na makakalimutan ko iyan. Nag iinarte na naman kayo. O siya sige hayan ng mahal nyong bunso. Inyong inyo na.

SIL - kakaiba talaga kayo... new dress. new shoes. pero yung utang ninyo sa akin magdedekada na.

caramelli

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #255 on: March 10, 2013, 11:49:17 pm »
MIL: kapag hindi nasunod ang gusto mo, magtatampo ka? ganyan dapat ang ugali ng nakakatanda? kahit si SIL sinasabi may topak ka kapag nakatalikod ka, pano hindi ka makaintindi. problema nyo yan ng anak mo, kayo mag usap at pwede ba wag na wag nyo akong isasali dyan sa issue nyo dahil hindi ko naman pinilit ang anak mong ipagdrive kami. dapat nga ibenta na yang sasakyan na yan tutal puro ka request - pagawa yung ganito, ganyan - hello! pinagtatrabahuan pa ng anak mo yung ipangbabayad nya sa mga gastos na yan, hindi sya tumatae ng pera! puro ka naman arte at inggit sa mga taong nakapaligid sayo. tama nga si SIL at yung mga taong nasa paligid mo, INGGITERA ka!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #256 on: March 11, 2013, 03:31:28 pm »
MIL: O, ano feeling ng nababara? Huwag kasi masyadong ma-papel.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #257 on: March 12, 2013, 10:54:12 pm »
Wag abuso and makapal ang face masyado. Nabigyan na nga ng dress anak mo pati ba naman yung bigay ko sa isa pinapakelaman mo pa. Kala mo naman hinde ko malalaman. Ang cheap ah.

guilleanne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #258 on: March 13, 2013, 03:21:16 am »
wow nag abono ka ng 150 ang laki na ng utang na loob ko sayo. siguro many sleepless nights kana na hangang sa probinsya nakarating na pinag abono ka namin. ang saya ng kwento mo, bago damit ko pero hindi kita mabayaran sa 150. hahaha. ano bang damit yun, hindi ako aware kung anong damit nakita mo kasi mga huling pagkikita natin naka pajama ako or naka pambahay.


and excuse me please. bago mo pa inasikaso yan nag bigay ako sayo ng 500 na sabi mo bigay ko lang sayo yun, para namang bff tayo or favorite kita para bigyan lang kita ng money. pero still kahit ayaw ni hubs, binigyan kita ulit ng 300 pamasahe, kahit sobra na ang 100 pamasahe, wala naman taxi dito sa atin no.

given na nagdalawang balik ka pa, sobra din yun.

anyway, kulitin mo yung kapatid mo. kaw nga libo libo ang mga lista mo sa tubig sa akin. pero di kita kinukwento, dito lang sa gt. hehe.

kaso problema kahit si hubs ang nagsasabing sobra na yung naibigay sayo, ako parin ang nega.


ok lang. panget ka pa din. ako danda. hahaha. badtrip ka, always.

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #259 on: March 13, 2013, 04:44:08 pm »
Little SIL- Huwaw, na-high blood na naman ako sa text mo. Ang talino mo rin e, alam mo na sigurong blocked ang number mo sa akin kaya ibang number ang ginamit mong pangtext. Nanghihingi ka sa akin ng pera at kukunin mo bukas ng umaga? Agad-agad? At ano, ngayon ka lang nanghingi ng pera, ineng kung tutuusin nga hindi ka naman dapat sa akin nanghihingi e, hindi tayo close! Ano yan, utos na naman sa iyo ng tatay mong magaling?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close