Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134441 times)

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #220 on: January 14, 2013, 03:53:24 pm »
Father in law, salamat sa pagpapaayos ng sasakyan namin Palagi na lang ikaw gumagastos pati sa pagpaparehistro at insurance taun-taon mula nang namayapa na ang tatay ko. Salamat sa suporta nyo. Wag kayong mag-alala pagkagrad naman ni hubby sigurado may trabaho na yon :D

bratinella_11

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #221 on: January 14, 2013, 10:19:06 pm »
SIL! Grabe ka naman magsalita!as if wala kang nakaraan kung husgahan moko!duh!mas nakakahiya ka nga kumpara sa akin.. Bakit ba kasi hindi mo matanggap na asawa ako ng kapatid mo?pinapakisamahan ko kayo ng maayos at binibigay ang para sa inyo minsan nga sobra pa sa pinapabigay ng kapatid mo!kung magsalita ka parang ang linis at perpekto mong tao.. Sabagay ganyan talaga ang mga taong insecure!
Pinagdadasal ko nalang na magbago ka ng ugali dahil walang permanenteng bagay sa mundo.

Madelskie

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #222 on: January 15, 2013, 08:57:38 am »
SIL - Hiyang-hiya naman ako sayo na pagkatapos mong kumain sasabayan mo ng tayo at kahit yung kinainan mo di mong magawang ligpitin. Ako pa talaga pinagligpit mo at pinaghugas kahit alam mong buntis ako. Naawa lang sa akin ang asawa ko na kapatid mo kaya cya na ang nagtuloy ng trabaho. Kung tutuusin, ikaw dapat ang gumawa non kasi ikaw ang in-charge sa gawaing bahay pag gabi na, di ba? Pinagtitiisan lang kita kasi sabi ng kapatid mo, hayaan ko na kasi ikaw na lang kapatid nya na dalaga. Ang taba-taba mo kasi kaya walang magkagusto sayo. Ngayon, magtiis kang walang internet. Akala mo bubuksan ko pa yung wifi? Manigas ka. Hindi mo nakukuhang lumabas ng kwarto kaka-internet mo. Ngayon wala akong paki kung mahuli ka sa mga balita ng mga networking sites, tutal kami lang naman nagbabayad ng connection, nakikisawsaw ka lang sa paggamit. One more thing, pag binibili ako ng pagkain ng asawa ko, sa akin yun at sa baby ko, hindi yung nauuna ka pang kumain sa akin! Kaya ang taba mo eh, wala kang alam kundi mamburaot!

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #223 on: January 15, 2013, 10:36:39 am »
in-laws - sorry pero hindi talaga ako maglalabas ng pera this time... sabihin nyo ng madamot ako or walang awa... kung marunong sana kayong magbalik ng inutang nyo hindi kayo magdadalawang salita sa akin. kaso hindi eh, ang nakakainis nakikita ko naman na may pambayad kayo. feeling rich parin?

leonilyn

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #224 on: January 20, 2013, 05:04:05 am »
Mommy... I have nothing against sa pag suporta niyo sa amin. Thanks and express kayo palagi pag sinabi naming kelangan namin ng pera. Pero hindi yan ang paraan para gumaan buhay buhay namin. Dapat sana tinuruan mo na lang kung paano bumuhay ng pamilya ang unico hijo mo. Hindi yung bigay ka nang bigay tapos sabay sabihin mo pumisan na lang kami sa inyo kesyo lagi naman kaming nanghihingi. Na ah! ah! hehe.. Dito kami diyan kayo. Kaya ko pangalagaan ang pamilya ko... ;) Will visit you soonest meh! Holy Week yeah! malapit na....

ripe_mango

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #225 on: January 21, 2013, 06:57:39 pm »
Dear new second wife of my father in law,

You are more pompous than Elizabeth Bennett's insufferable cousin, Mr.Collins from Pride and Prejudice. Please don't tell me that you travel only in first or business class when the next morning you ask me what is the difference between the cabin classes. When if you really do only travel in style, you should be able to discern the difference. Also, please don't confuse your "asian". Don't boast to me that your son ate Sushi in Hong Kong when I tell you that it's my favourite thing to eat. That's just like me telling you that I had Sangria in Poland when you told me you went to Spain. Your "rice" jokes are stale much like that dreary 1980's hairstyle you had at your wedding. I'm not entirely sure what you don't understand about when I say I prefer to be called Kim and not Kimberly then two seconds later you refer to me as Kimberly again. I'm just glad you haven't given me some silly English pet name like Poppy or Petal. Lastly no offense, but I don't take marriage advice from someone who has had two failed marriages and barely holding on the third one :) Also, did you really go to the Maldives for your honeymoon just like Wills and Kate as you always say? Until now, you have no photos to show for  :)

Oh and take this as my way of saying we are never ever ever going to spend the holidays together even after all the sheep has disappeared from Wales.

xx

dhyne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #226 on: January 25, 2013, 01:06:33 am »
MIL : sana minsan, magpakatotoo ka naman. hindi puro kaplastikan. Nanganak ako, ni hindi mo man lang ako dinalaw, dahilan mo e sobra layo. (manila-novaliches). Tska sana patas patas ang tingin niyo sa apo niyo. Gusto gusto kayo makilala ng parents ko pero parang ayaw niyo, nung kinasal kmi hindi kayo nagpunta!

SIL : ewan ko, bakit kayo sobra nagalit sakin samantala isa beses lang naman tayo nagkausap at hindi niyo naman ako kinilala ng husto, kaaway niyo asawa ko pati ako at anak ko dinamay ninyo, at kung gusto niyo yung dati ex(gf) ng asawa ko edi kayo ang magsama. sorry ka na lang at kami talaga nagkatuluyan. at wag mo naman ipamuka sakin na sampid ako sa pamilya niyo. dahil una una sa lahat hindi naman ikaw/kayo ang sumusuporta/gumagastos at nagpapakain sakin.

LOLA : sana matanggap nyo na nag'asawa na ang amo niyo. Ang baby ko wag niyo awayin, responsibilidad ng asawa ko na suportahan kami mag ina. Hindi naman kayo pinababayaan, masydo lang kayo maluho talaga, at gusto niyo suportahan din ng asawa ko yung mga anak niyo at apo nyo sa tuhod. Nung buntis ako lagi niyo ako inaaway, pero ang pinapalabas niyo kinakawawa namen kayo at sinusulsulan ko ang asawa ko.

tannya

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #227 on: January 28, 2013, 04:41:04 pm »
mil: wag kang plastik!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #228 on: January 28, 2013, 08:08:47 pm »
SIL, I know you and my brother are going through a couple of things right now and I want you to know that you have my full support and my prayers. However, I would like to ask you to do an honest reflection on yourself too instead of putting all the blame on my brother. Word of advice too, please don't threaten my brother with your 'mamili ka drama' unless you are prepared to hear the answer. Baka you won't like his answer and umiyak ka ng dugo. Be cautious, play your cards well, and above all, do your best as a wife and mother. That's all that he asks of you.

FliPPy_LaDdY

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #229 on: January 29, 2013, 03:48:55 pm »
to my in-laws (my second family)

i really don't know if someone from  this family cares for my situation. I understand what we have and what we cant have. pero masakit pa din. lalo na pag dumarating yung mga situation na i cant be with you all. I wanted to know you. I wanted to be with you. Gusto ko din kayo makasama sa mga family pictures. Pero seemed like nobody cares. Its okay. It was sad. But i learned how to work on my dispositions in life. In my life. From now on, i wouldn't mind at all kung invited ako or hindi talaga at all. Marami naman nagmamahal saken so bakit ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa inyo. Ok lang. I can live this world without all your affection.

Masakit lang pag nagexpect ako. Nakakapraning kayo.
« Last Edit: January 29, 2013, 03:55:35 pm by FliPPy_LaDdY »

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #230 on: February 06, 2013, 02:02:15 pm »
BIL: grabe talaga ang pa-diva effect ng gf mo. invisible mode talaga kami ng anak ko sa kanya e no. Sipsip pati yang babae mo. Buti na lang di tayo nag dine together. Gets ko naman na di niya rin ako type at alam ng buong pamilya natin na di namin matagalan ang isa't-isa. Buti na lang di na nila iniintriga. I'm sure alam ng mga Ate yan. anyways, salamat na rin at kahit papaano naguusap pa rin tayong dalawa nang maayos lalo na kung may events sa pamilya.

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #231 on: February 06, 2013, 02:35:21 pm »
SIL: hindi ka pa rin nangangak, overdue ka na ah. Worried na kami ng kuya mo, pero choice mo yan e. Sana mag-family planning na kayo. Kung ayaw talaga ng kinakasama mo, gawin mo na lang para sa ikabubuti ng katawan mo.  :(

caramelli

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #232 on: February 06, 2013, 04:21:32 pm »
SIL - Hindi ko alam kung anong drama mo at lahat ng kapatid mo kasama yung mga asawa nila eh  imbitado sa blow out mo, pwera kami ng asawa ko. FYI, hindi kami atat sa libre mo. Ang akin lang, magkakasama tayo dito sa bahay tapos parang hindi kami nag eexist. Kahit ayain mo man lang asawa ko, kahit hindi na ako dahil hindi ko naman din halos malunok ang pagkain kapag alam kong galing sayo. Akala mo hindi ko napapansin yang ugali mo? kapag may favor ka at hindi ka napagbigyan eh nagtatampo ka ng wala sa lugar. Alangan namang unahin ko assignment ng anak mo kesa sa trabaho ko? Kung hindi lang ako natutuwa dyan sa anak mo, walang matatanggap na regalo yan from me at lalong wag kang umasang bibigyan ko ng pera yang mga yan dahil alam kong kinukuha mo sa kanila kahit yung nasa alkansya na. Ang tanda mo na teh, wala ka pa ring pinagbago.. same pa rin ang comments ng mga kapatid mo sayo -- MADUPANG!

MIL - Manang mana sayo si SIL. Kapag hindi nabigyan, nagtatampo. Kahit naman hindi nyo sabihin, obvious naman dahil dinededma nyo ako. Sabagay, mas gusto ko yun para kayo ng anak mo ang mag usap tutal ayaw din naman kitang kausapin dahil lagi kang highblood.

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #233 on: February 08, 2013, 08:03:37 am »
Wow naman F.I.L., ramdam na ramdam ko ang kakapalan ng face mo! Ako pa talaga ang hiningian mo ng load? Ito o, pasaload, 5 pesos  ;D. Sa susunod na magtext ka ulit para humingi ng load, iba-block ko na number mo, CHE!  >:(

caramelli

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #234 on: February 08, 2013, 12:40:03 pm »
SIL - magdedmahan tayo forever, i don't care! wag kang babanat na magpapalibre ka sa bday ng asawa ko, dahil baka tablahin kalang nun!

MIL - miss mo na ba luto ko? panay simangot mo, wala naman ako ibang maisip na dahilan kung bakit. mga abusado kayo!

jeloeight

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #235 on: February 09, 2013, 03:43:48 pm »
MIL: I can't find the right term to call you,and I can't stand your sh*ts anymore. Mag bf-gf pa lang kami ng anak mo,I can strongly sense your disgust and disapproval already, madalas na ang mga patutsada mo sa akin. Why? Dahil hindi ako galing sa mayaman at sosyal na pamilya at wala kang mapapakinabangan sakin? Katawa,bakit mayaman ba kayo? Napaka plastic mo. Nagbabait-baitan ka sakin pag kaharap ang asawa ko,pero pag hindi,I can't imagine your behavior. Nagpapalakas ka kasi para tuloy ang sustento sayo. I'm so fed up of your tampo/drama effect. You even told me once na wag muna kami mag-baby kasi masyado magastos. Sinong in-laws ang hindi naghangad ng apo? Ikaw - kasi ayaw mong may kahati sa sustento mo. Hindi pa kami nakakahanap ng trabaho dito sa abroad,halos araw araw todo tanong ka kung may trabaho na kami,you even dared to ask specific dates? Hello,hindi namin hawak ang kapalaran namin. Someone even informed me na nagcacanvass ka na ng furniture. What the?!!! Nagbibilang ka na ng sisiw kahit hindi pa napipisa ang itlog. Don't you even realize the debt we have to pay? Or just the thought na may sariling pamilya na ang anak mo at hindi na pwede yung dati na halos buong sweldo ng asawa ko,ibibigay sa inyo?


BIL: Nasulsulan ka ba agad ng ina mo na magsabi agad sa asawa ko na mag aaral RIGHT AFTER knowing na may trabaho na sya? How inconsiderate. Ni hindi pa nga nagsisimula magtrabaho ang kuya mo,kinokontrata mo na? Pati iphone5, humihingi ka na at this early? WTF!


To the rest of my in-laws and the extended families: Hindi ho kami mayaman,madami pa ho kami dapat bayaran,wala pa ho kami sariling bahay,at please lang,HINDI GATASANG BAKA ang asawa ko.

caramelli

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #236 on: February 11, 2013, 01:35:16 am »
MIL - mabuti naman at tapos na ang topak nyo ni SIL.

SIL - back to normal ka nanaman, nagulat ako nung kinausap mo ako kanina. ok lang naman yun eh, kasi alam kong wala akong ginagawang mali. at kung meron man, ako pa mauunang kumausap sayo. kaso nga wala kaya sorry ka. :P back to normal ulit ang pag iwan mo ng anak mo dito kanina, ibang klase! maniniwala ba ako sa sinasabi nyong gusto nyong magka baby na kami? kung magka baby na kami, hindi mo na pwedeng iwan yang mga anak mo sa amin. sana nga pagbigyan na kami ni Lord at ng makabawas bawas din sa napakadalas mong pang aabuso sa pasensya namin.

guilleanne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #237 on: February 11, 2013, 06:04:32 am »
hubs: ate pakipuntahan nga yung docs ni j. kailangan mo pamasahe?

sil: hindi ok lang, ako na sagot sa pamasahe ko. ok lang. (wow helpful generous)

me: j paki dala to kela tita mo need nya yan para makuha docs mo.

j: mama, penge daw po pamasahe si tita. 500 daw po.

bigay naman ako syempre naabala ko sya, kahit 30 pesos lang ang balikan na pamasahe. give ko na rin. after 2 weeks.

hubs: ate nakuha mo na ba?

sil: e wala kasi ako pera may biglang kelangan bilhin si r. wala akong pamasahe.

hubs: sige bigyan kita pamasahe.

dahil buo pera nya sa wallet hinanap ako.

hubs: hon, penge nga 100 pamasahe ni ate para kunin yung docs ni j.

me: hindi pa ba nakuha? nagbigay ako ng 500 pamasahe nya ah.

hubs: ate binigyan ka na raw 500 ah, bakit hindi mo pa pinuntahan.

sil: pamasahe ba yun. wala naman sinabi si j. akala ko para sakin yun e. dahil hindi naman ako nanghihingi ng pamasahe nun. tapos bigla nya ko bibigyan ng pera. ubos na yun. wala naman sya sinabing pamasahe ko yun. (sya pa galit)

weirdo ka ate, schitzoid ka. ugali nyo talaga yan e, pag si hubs kausap nyo santa pag talikod dugas naman. ako pa sisihin mo e katwiran mo bulok. naku dami mo na din nadugas sakin, hindi ko lang binibilang. kami pa palalabasin mong sinungaling. bakit naman kita basta bibigyan ng pera para pang gastos mo sa sarili mo, inaanak ba kita? saka mabait kaba sakin, close ba tayo, diba last time na binati kita sa palengke inirapan mo pa ako, tapos biglang gusto lang kita bigyan ng pera? antrax siguro

peenitokss

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #238 on: February 11, 2013, 10:10:47 am »
MIL: Muntik na ko atakihin sa inyo. Tinawag nyo lang ako while nakikipagkwentuhan sa mga ibang relatives nyo tapos sasabihin nyo kunin ko na yong anak na pinapa-ampon ng kapatid nyo? Ganun lang un? Agad agad?? Wala ng isip isip?????

Hindi naman po ganun kadali yon. Ang pag aampon po pinag-iisipan, pinagpa-planuhan. Saka mag 8 mos pa lang po kaming kasal ng anak nyo. Once a month lang kami ngkakasama. Di po ba masyado namang maaga para iconclude na hindi kami magkaka-anak at dapat mag ampon kami?? Kagulat kayo ha. Parang tuta lang na sige kunin na namin? Bata po yon. Papaaralin, paghahandaan ang future. Hindi po yon ganun kadali. Hays, talaga naman kayo. Pag may naisipan  sige agad. Hindi na pinag-iisipan.

caramelli

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #239 on: February 11, 2013, 07:44:12 pm »
MIL - akala ko back to normal ka na, may topak ka pa rin pala. bahala ka nga sa buhay mo, nakakastress kang kasama.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close