Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)  (Read 134186 times)

jhenpretty

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #140 on: November 15, 2012, 10:43:10 am »
Belated happy birthday po! May God continue to bless you and your family. May God give you more happiness and good health. Thank you so much to your love and support.. We miss and love you po.. ^_^

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #141 on: November 15, 2012, 11:49:27 am »
SIL, it was great seeing you kahit under duress circumstances :)

EllaBratin

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #142 on: November 15, 2012, 11:51:20 am »
Father-in-law- sige lang, ibinenta ninyo ang kapirasong bahay at lupa ninyo. pinangakuan ninyo ang mga anak ninyo na ibibigay ninyo ang part nila pero noong nahawakan ninyo ang downpayment, aba, nagbago ang ihip ng hangin.. ubusin ninyo sa mga kabit ninyo. ok lang kahit sinolo ninyo yun, sana lang wala na kayong sinabi. tama yan, wag mong intindihin ang reklamo ng asawa ko na hindi kayo fair sa mga anak ninyo. mas mahalaga pa sa inyo ang mga anak ninyo sa iba. tandaan nyo lang na kapag pinaalis na kayo ng buyer ninyo at hindi kayo matulungan ng mga kabit ninyo, wag kayong kakatok sa bahay namin dahil ila-lock ko ng bonggang-bongga ang pinto namin!  >:(

SIL- hayaan mo na ang papa ninyo, ikaw ang mas nakakakilala sa kanya, alam mong wala kang aasahan sa kanya. advice ko na lang bilang ate mo, iwasan mong magpabuntis ng magpabuntis. kawawa naman ang mga bata. kung ayaw ng asawa mo na magcontraceptive ka, obligahin mo na lang siya na buhayin kayo ng maayos. maawa ka rin sa katawan mo.  :'(
« Last Edit: November 15, 2012, 01:19:53 pm by EllaBratin »

LeAnEn

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #143 on: November 17, 2012, 04:44:27 pm »
MIL: I value you in our family. Sana naman you give us space to decide for our own family para maging independent thinking na son ninyo. Alam mo namang may mga pagkakamali ka din at minsan lumalabas nagiging tama ka pa sa mata ng anak mo kahit na ako ang tama. paminsan naman iadmit mo sa sarili mo at sa anak mo na ikaw ang mali para naman maging fair, kung talagang fair ka sa kahit sinong tao.

@hubby: be open minded! ako asawa mo, ituring mo ako asawa at di  shadow. wag mo akong baguhin at kumpara sa nanay mo kahit na indirectly dahil halata ka parin. pwede lang pakibabaan pride mo for the sake of our OWN family.

errolavi14

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #144 on: November 17, 2012, 05:00:24 pm »
hay. may thread pala nito.

to my mother in law:

huwag naman po sobrang daing na mahirap ang buhay o nagsasakripisyo po kayo para mapatapos ang mga anak niyo. Natural may pangarap kayo para sa kanila, o di dagdagan pa ang sacrifices. ganun talaga ang parent. kahit kami po pag lumaki mga anak namin kami po magpapaaral sa kanila. at hindi po kame susuko. huwag ng dumaing sa normal na hirap ng buhay, ganun na talaga ang buhay. No guts, no glory.

mommylyn

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #145 on: November 20, 2012, 10:43:02 am »
SILs - sana naman hindi nyo lang ako kilala pag may kailangan kayo sa akin.
MIL - sana naman kung may favoritism sa mga anak, sana wag sa mga apo.

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #146 on: November 26, 2012, 03:34:47 pm »
MIL: Please lang!! por que hindi ko lang pinapalo o kaya sinisigawan ang anak ko sa harap mo eh ang ibig sabihin - hindi ko dinisiplina! Please respect na iba ang style natin. Huwag ka masyadong ma-feeling na por que nagsumbong ka lang, eh papagalitan ko na agad ang bata  -- sa hindi ko nakita kung ano ang ginawa ng bata.. Anong gusto mo? pagalitan ko pero hindi ko alam rason kung bakit ko siya pinapagalitan? Tapos sasabihin mong kinakampihan ko ang bata?? Tumingin ka na lang sa kisame at bawas-bawasan mong magmasid sa mga ginagawa namin mag-ina!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #147 on: November 26, 2012, 03:38:20 pm »
MIL: PS -- Huwag na kasi bigay ng bigay ng mga junk food sa anak ko!!

mishmish

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #148 on: November 28, 2012, 10:52:06 am »
MIL: IKAW NA!! Ikaw na talaga! Sayo na ang trono! Kung makasalita ka sa bata kala mo kung sino kang perfect. Bad habit ang magsalita habang kumakain oo tama yun sabi mo nga sa bata -- pero sa ating lahat ikaw naman ang pinakamaingay sa lamesa kung kumakain! Practice what you preach --- Who's calling the kettle black now?? Isa kang malaking DUH!! ::)
« Last Edit: December 01, 2012, 04:26:11 pm by mishmish »

feisty_angel4

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #149 on: December 01, 2012, 04:23:00 pm »
MIL, FNL and SNL...... MAGSAMA NGA KAYONG TATLO!!!!!! Sige lang, good riddance na soooooooooooooooooooooon!!!!!  :-*  :-*  :-*

feisty_angel4

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #150 on: December 01, 2012, 04:26:08 pm »
MIL, FNL and SNL...........sana lang, mag enjoy kayo ng todo sa pag-stay ninyo sa US.. I would be jubilant if 1 decade kayong mag-stay doon!!!

h_mische

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #151 on: December 03, 2012, 11:10:26 am »
MIL - wag masyadong bossy dahil ako pa rin ang nanay ng anak ko. hangga't sa bulsa ko nanggagaling ang gatas na dinedede nya everyday, iniinom na vitamins, diapers at lahat ng needs nya, AKO ang magdedecide para sa baby namin. kami ng anak mo. hindi lang ikaw. madaming beses na kitang pinagbigyan kahit labag sa loob ko para lang hindi tayo magka conflict. kailangan makisama diba? sana ikaw rin marunong kang lumugar. nakakaoverwhelm ang love nyo sa apo nyo.. naaappreciate ko yun. pero naooverwhelm din ako sa asar.


fairywinkle79122

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #152 on: December 03, 2012, 02:22:29 pm »
sa brother-in-law ko,nagpapabili ka na nga sa bunsong kapatid mo ng luho mo,pati ba naman invitation at tarpaulin ng binyag sa anak mo,sagot pa ng asawa ko,mahiya ka naman..sana kung ganyan ka lang,di ka na nag asawa.ni hindi mo nga maasikaso yang sarili mo,sabi ko na nga ba pag nagka anak ka,iaasa mo lang..oo given na may sakit ka,pero ang sarap ng buhay mo.pagdilat ng mata mo kakain ka na lang..at nakakapag mahjong ka pa?sana yung pinang mahjong mo pinambili mo ng dvd player mo kaysa sa amin ka magpabili.grabe di ka mahiya..yun iba nga pilay,nagttrabaho..eh ikaw?di ka nahiya.may trabaho yung kapatid mo,laging puyat,kayo dyan mag asawa di niyo makuha mag asikaso sa binyag ng anak niyo,iaasa niyo sa iba..ang swerte mo talaga!!!! juan tamad!! paki ko kung may kapansanan ka,magaling ka naman sa kabastosan,sa pag textmate,sa pag gawa ng anak dyan ka magaling!! pero asikasuhin anak mo,,wala ka,di mo magawa!!

confused_wife

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #153 on: December 04, 2012, 04:29:28 am »
Father in Law, uunahin na kita...pwede bawasan mo na ang pag-inom. Dahil kapag nagkasakit ka, asawa ko rin naman ang magpapagamot sa'yo. Aba lahat na nga kayo mula lola hanggang pamangkin eh nakasandal na lahat sa asawa ko, mahiya naman kayo. Saka, pwede ba ikaw ang mag-ayos ng problema ng pamilya mo. Hindi yong asawa ko ang nag-aabsorb lahat. Be agood example too...kaya tuloy ginagaya ka ng anak mo na marami din babae. Phluzzzzzzzz....

Mother in Law, ikaw naman magtipid-tipid ka naman. Mahiya ka rin. Wag ko malalaman na nagpabili ka noong tig-85T na kama dahil gigiyerahin ko talaga asawa ko. Saka pwede ba, mag-ipon ka. Tama na paghingi ng extra. Kumpleto naman allowance mo monthly ha. Yong mga apo mo, suwayin mo naman sa pagpapabili ng kung [textspeak!]-ano sa asawa ko. Di na kayo nahiya. Siya na nga nag-papaaral ultimo notebook siya na ang bumibili may kung [textspeak!]-ano pa na pinapabili. saka pwede ikaw ang andyan bantayan mo yong mga nakatira sa paligid mo. Kpag kinatok ulit ng anak mo yan at nabuntis, hindi naman ikaw ang magkakagastos...asawa ko na naman. Pinatira sila dyan para sa mga apo mo dahil nakakaawa naman hindi para mabuntis ulit. Iniwan na nga para pakasalan yong isa tapos kumakatok pa pag madaling araw. Ano ba buntisan na lang kayo ng buntisan wala na nga mapakain...Ako ang na-stress sa inyong lahat,,,,,

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #154 on: December 04, 2012, 09:05:41 am »
Sisters in law, it was nice seeing you last weekend kahit sandale lang. SIL 1, I'd be happy to lend you a dress, lakas ka saken eh hehe :)

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #155 on: December 05, 2012, 08:26:10 am »
SIL - ala ka parin ipinagbago pero hindi ako. akala mo hindi ko papatulan yang mga parinig mo so ano pahiya ka noh? next time you should know your limitations hindi iyan basta diretso ka na lang sa kwarto ng may kwarto tapos magtatalak ka kapag pinagsarhan ka. Eh sana nga di ko sinara yung pinto eh tingnan ko lang kung ulitin mo pa. Ikaw pang galit eh ikaw nga itong nakakaistorbo. Kaya hindi kami magkaanak-anak eh lagi na lang kayong wrong timing sumulpot. Nakakawalang gana.

MIL - OMG! More than a year na po yung utang niya ano na ba nagkalimutan na talaga. And san naman po galing yung mga pasaring ninyo na nakaya nyo lahat kahit walang help from your children??? Ang yabang yabang ninyo sa totoo lang. Ang nakakatawa lang, di naman bagay.

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #156 on: December 05, 2012, 08:33:46 am »
Ang hilig nyo gumawa ng last minute plans, kaya wag kayo magtaka kung minsan di kami nakakasama. Too bad ang anak nyo nakasunod sa schedule ko.

theanonymous

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #157 on: December 05, 2012, 10:26:28 am »
MIL: I value you in our family. Sana naman you give us space to decide for our own family para maging independent thinking na son ninyo. Alam mo namang may mga pagkakamali ka din at minsan lumalabas nagiging tama ka pa sa mata ng anak mo kahit na ako ang tama. paminsan naman iadmit mo sa sarili mo at sa anak mo na ikaw ang mali para naman maging fair, kung talagang fair ka sa kahit sinong tao.

@hubby: be open minded! ako asawa mo, ituring mo ako asawa at di  shadow. wag mo akong baguhin at kumpara sa nanay mo kahit na indirectly dahil halata ka parin. pwede lang pakibabaan pride mo for the sake of our OWN family.

OMG! my sentiments exactly!

kahit siguro ibang iba ang situation natin, the way you express your feelings, yan na yan ang mga gusto kong sabihin e.

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #158 on: December 05, 2012, 12:12:43 pm »
OMG! my sentiments exactly!

kahit siguro ibang iba ang situation natin, the way you express your feelings, yan na yan ang mga gusto kong sabihin e.

same here, hubby doesn't want to admit eh pero kampi talaga siya sa nanay niya. lagi na lang ako kontrabida kahit ang iniisip ko eh para sa amin din naman. am scared na baka mabrainwashed na siya masyado and magkagulo na kami sa huli.

danne

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR IN-LAWS ...POST IT HERE!!! (thread 2)
« Reply #159 on: December 05, 2012, 12:15:08 pm »
MIL, FNL and SNL...........sana lang, mag enjoy kayo ng todo sa pag-stay ninyo sa US.. I would be jubilant if 1 decade kayong mag-stay doon!!!

love it! sana yung sa akin din magsipagbakasyon for life hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close