watch now

Author Topic: Sobra na siya!  (Read 9529 times)

snowflakes

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #20 on: July 17, 2012, 05:44:12 am »
^eldest din ako kaya i feel for her. tsaka mahal na mahal ko mga kapatid ko para patulan ko mga maliit na bagay. siguro nga may pinag huhugutan sha kaya sumabog na sha. pero kung iisipin mo, sobrang nonsense lang.

bettyboop1322

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #21 on: July 17, 2012, 08:13:51 am »
^exactly sis. di naman sa pinagtutulungan natin si TS pero kung iisipin napakaliit ng problem nya para maging ganun ang reaction. I have 6 nieces & nephews, i also love them to bits, para ding sariling anak ang turing ko sa kanila and when you help or do something for others especially to your siblings don't expect something in return.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #22 on: July 17, 2012, 08:39:37 am »
The bottomline here is don't expect something in return. Kasi hindi na tulong ang tawag run kundi utang. O di kaya parang sa company business na ex-deal. Ang saklap naman kung pati sa pamilya gagawin pa rin ito.

kung sino lang ang makakapagbigay ok lang walang iringan kasi may kanya kanyang pamilya na at di naman lahat ganun kalaki ang kinikita. Lawakan mo pa ang pangunawa mo sis and God will bless you hundredfold...  :)

Buti pa kayo ganyan ang mentality at least walang samaan ng loob at kumparahan. Kung sa amin yan issue agad yan.

bettyboop1322

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #23 on: July 17, 2012, 09:10:18 am »
Buti pa kayo ganyan ang mentality at least walang samaan ng loob at kumparahan. Kung sa amin yan issue agad yan.

Yes sis. Kahit ang parents namin pag tumutulong sa 1 sa kapatid namin na medyo gipit sa pera no bitterness sa amin. Kasi mas maswerte kami na kumikita ng sapat, we even help pa din yung ibang kapatid pag may extra kahit may sariling family na kami. In short hatakan pataas wag hilahan pababa kasi ang mentality namin failure ng isa sa amin ay failure ng buong family. I also want to implement this sa sons ko, mahalin at unawain ang bawat  isa.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #24 on: July 17, 2012, 10:08:08 am »
^That is great to hear that. Again buti pa kayo kasi nga sa amin hilahan ng pababa talaga. In my part when I am asking money rin from my mom sounds like pinamumukha niya sa akin na yun lang ang kaya kong gawin saka ramdam na ramdam ko na she wants me to do something in return dahil nga sa binibigyan niya ako ng pera. Dad ko naman is madamot talaga to us sa family pero when in terms of other people tulong agad. When I ask help it is same din na ipaparamdam sa akin na utang na loob ko yung hingi ng tulong nila. And yeah instead of giving me moral support lalo pang nangungutya. Parang I grew up na pera pera lang ang usapan. Buti nga sa inyo naisip na failure ng isa failure ng lahat same thing rin yan na kahihiyan ng isa kahihiyan rin ng lahat.

mabuti na nga lang I have a boyfriend na ang hangarin talaga is to have a family na maayos.

Kaya nakakarelate rin ako na iwasan talaga dapat ang sumbatan or else dyan talaga magsisimula ang gulo at watak watak na pamilya.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #25 on: July 17, 2012, 10:19:35 am »
nakakatampo yun sis ko di nya na ko help at wala na sya binibigay sa akin. masyado sya nagpapakasarap dun.

L.B.

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #26 on: July 17, 2012, 06:21:17 pm »
The bottomline here is don't expect something in return. Kasi hindi na tulong ang tawag run kundi utang. O di kaya parang sa company business na ex-deal. Ang saklap naman kung pati sa pamilya gagawin pa rin ito.


^like ko to sis..

sis TS, para sakin mababaw nga to. kung babasahin mo yung conversation niyo pabor ako sa bro mo..if alam mo pala coding ka that day, dapat nagsabi kana the day before  para naayos na niya gamit niya..masakit kasi sa ulo yung gigisingin ka ng alanganin lalo na kung puyat ka..

^eldest ako at isa lang kapatid ko, kaya kung natutulungan ko siya  never ako nag-expect ng kapalit, lalo na mahal ko yung kapatid ko. for me kasi mas maganda yung ikaw yung tumutulong kesa ikaw ang tinutulungan. mas masarap kasi sa pakiramdam pag ikaw tumulong lalo na sa kapatid/family.


L.B.

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #27 on: July 17, 2012, 06:37:08 pm »
^ sana maayos na kayo ng bro mo TS, hindi kasi magandang may tampuhan sa pamilya..

sonia62

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #28 on: July 19, 2012, 01:45:56 pm »
panganay din ako sis. i understand your initial reaction. pero kasi i think pag humihingi tayo ng favor sa iba eh it doesn't mean na pagbibigyan yung favor na yun di ba, kahit pa sa kapatid, asawa or magulang natin tayo humingi ng favor. kasi discretion naman talaga ng hinihingan ng favor yun kung pagbibigyan nila favor natin o hindi. kasi pag gusto natin na pagbigyan lahat ng favor na hingin natin eh hindi na tayo humihingi ng favor nun kungdi nagdedemand na tayo di ba. siguro it would have been better kung nagsabi ka nga the day before or what. saka hindi naman porke tinutulungan natin ang isang tao eh obligado na sila na ireturn yung favor na yun. i hope maayos din kayo ng brother mo :)

brokensonnet

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #29 on: December 05, 2012, 11:23:49 am »
nangyari na din saken to, ayaw ako ihatid ng bro ko ng kotse niya tapos i screamed and shouted

"wag na wag kang hihingi ng pera saken kahit kelan"

Myealexis21

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #30 on: December 11, 2012, 02:59:51 pm »
I hope ok na si TS at ang brother niya.

Sis kaunting tampuhan lang naman yan.  Talk to your brother and understand his point.  I know mahirap na ikaw ang mag-approach o maunang kumausap kase masakit sa pride.  But sabi mo nga eldest ka, you are suppose to be the one na may mas malawak na pang unawa.

I'm saying this because like you, eldest din ako and puro din lalaki ang kapatid ko.  Everytime na may tampuhan kami, may masabi akong bad because galit na galit ako...after humupa galit ko I would approach them and talk to them.  Pinageexplain ko sila kung ano dahilan nila at ganun ang sagot/reaction nila sa akin.  Then explain ko din part ko.  Ngayong we are all grown up na, I can say na naging ok naman ang sistema kong iyan sa kanila.  Kase they treat me with respect and they value what I have to say to them.

I grew up na ang mga kapatid ng mga magulang ko ay away ng away...kaya pinangako ko na never mangyayari yun sa aming magkakapatid.  In the end, kayo kayo lang din kase ang magtutulungan.

mrsB

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #31 on: December 20, 2012, 10:40:24 am »
Sa title pa lang, obvious na hindi lang yung issue ng kotse ang pinagsisintir ni TS. Kasi "sobra na siya!" eh. Ibig sabihin, marami ng past events na nairita siya prior to the borrowing of car incident.

Ang pinaka-main issue ni TS, yung pagtira nung mag-asawa sa house family house nila tapos yung parents pa nila ang nagsho-shoulder ng expenses. Feeling kasi ni TS, walang karapatang tumanggi yung married brother niya na pahiramin siya ng kotse kasi nga in a way, dependent silang mag-asawa sa kanila. Marami silang naitutulong.

I actually feel for TS. Sumabog nga lang talaga siya. Though I can also understand the perspective of the brother (na mahirap maglipat ng gamit sa car), I don't see any reason kung bakit di siya mageffort ng konti para pagbigyan na ang ate niya. Maliit na bagay lang naman yung kung tutuusin. Since he is already married, actually "nakikitira" na lang siya talaga sa family house nila. So a little effort to please naman his family must be made.

This is the reason kung bakit dapat pag nag-asawa na eh hiwa-hiwalay na dapat ng house. Magkakainisan at magkakainisan talaga eh.


FayeP

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #32 on: December 22, 2012, 05:53:22 am »
Panganay din ako at gaya ng sabi ng isang sis dito eh "ako ang batas!!!" hehe pag may hihiramin ako eh bigay lang si bro sakin...un ay sa kadahilanang di ko sila pinababayaan at un mga favors na hinihingi nya/nila eh binibigay ko din naman...

pero sa totoo lang, kun tumanggi un bro mo, TS, eh ala naman problem dun, siguro un manner lang ng pagkakasabi nya ang nakakabadtrip dun...tapos may pahabol pa cyang "sure!" sa huli...

pero sis dahil ikaw ang ate, pag may kailangan sya/sila ng wife at anak nya, eh ibibigay mo din, tutulungan mo din sila for sure...kasi di mo sila matitiis tama?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close