watch now

Author Topic: Sobra na siya!  (Read 9508 times)

chloebaby

  • Guest
Sobra na siya!
« on: June 20, 2012, 10:01:51 am »
Naloloka na ko sa younger brother ko mga sis! Sumosobra na siya!

Konting background muna:
I am the eldest, I am 26. I have 3 younger brothers and isa dun may asawa't anak na. He's 24 and the wife is 23. We all live in  the same house with our parents and lahat ng gastos sa bahay e parents pa din namen ang sumasagot. I pay for the internet and homephone bills and yung mga kapricho ng dalawa ko pang kapatid (not the married brother)

Coding ako today and I wasn't in the mood kanina to ride a cab kasi ang hassle sa area namen. I went to his room kasi makikipagpalit sana ko ng kotse. Eto ang catch, mas bago ang kotse ni brother kesa sa kotse ko Ang work sked naman niya is 3pm to 12mn and ang alis nya sa bahay is 2pm.. Window hours yun and he could still use my car diba? Now he woke up cranky agad and the conversation went

M: Peram ako kotse palit muna tayo kasi mahihirapan ako dahil traffic dahil may school na. Ayaw ng mga taxi na magsakay papunta sa area natin.
B: Ate naman, sana 2 days ako ka pa nagsabi para na-prepare ko sarili ko. Andun mga gamit ko and baka biglang magloko yung baterya matirikan ka pa. Tsaka ano tuwing wednesday mo nalang tayo magpapalit ng kotse ganon?
M: Today ko lang naman hihiramin.
T: Sana maintindihan mo te di ako prepared makipagpalit ng kotse today.

Walk out na ko nun and I shouted "Kayong mag-asawa puro kayo pabor sakin pero pag ako hihingi ng pabor wala akong napapala! Tandaan nyo yan!" and he answered back with the word "SURE!"

Lalo ako nainis! To think na when they are both at work, I look after their 2yo kid who I love to bits! I mean di ako angsusumbat pero I hope you see my point. I was just trying to make our lives easier sana kaso pano pag ganito ugali ng kapatid mo. Pati yung wife nya kung makapag inarte sa bahay namen. Pareho silang mataas ang ere.

I sent me a text nung andito na ko sa office. I told him na wag siyang maka ate-ate sakin dahil tapos na ko makisama sa kanila. Inis na inis ako kasi lagi silang ganyan mag-asawa. Magaling tumulak, pag kakabigin mo na wala na.

How do I deal with them? I'm sure cold war ito at unang beses lang ako nakipagaway sa kanila.

TIA!

kalaiyaan

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #1 on: June 20, 2012, 10:34:24 am »
Hi, Ate din ako ng 3 younger brothers.

Isa lang ang masasabi ko hindi pu-pwede sa akin yan, ako ang batas (lolz)
kapag ako na ang nagsalita tikom ang mga macho kong utol.

har har har

Alam mo sis maayos naman makipagusap ang utol mo, intindihin mo nalang sya. siguro naipon lang din yung mga small INIS moments mo sa kanya, kaya ka na imbyerna ng bongga nung oras na yun.


alam mo feel na feel ko ang sentimyento mo kasi ganyan din ako sa mga utol ko, yun lang hindi ako tahimik na tao wala sa sistema ko ang magkimkim ng inis, bonggang sermon at talak ang inaabot nila.

:)

mac0308

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #2 on: June 20, 2012, 11:29:42 am »
i agree naipon lang siguro ang inis mo sa kanya kaya ganyan ang reaction mo pero kung ibebase lang sa nangyari sa inyo about sa car medyo mababaw para ikagalit mo ng husto. may reason naman sya e.
its not about the car but the fact na maraming bagay ka na na kinaiinisan sa kanya or kanilang mag-asawa.
i have younger brother too na may asawa at anak na. puro asa pa rin sa parents ko kahit may work sila at puro utang sa amin. mangangako na magbbayad pero hindi ginagawa kaya nakakairita rin.
naiinis na rin ang mommy ko pero sinabihan n lang namin na sya lang naman ang iintindi at susuporta sa kanila, lalaki ang anak nya e. pasalamat na rin sya na nakapagtapos naman ang kapatid ko at may work naman hindi totally asa lahat.
 ang nakakainis lang pag yung asawa ang nag iinarte, buti n lang hipag ko hindi naman.

babymeow04

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #3 on: June 20, 2012, 01:33:51 pm »
in fairness naman sa argument ni brother, mahirap nga naman maglipat ng gamit..second home na naten ang kotse diba?aminin nyu yan..then, what time mo ba siya ginising?i assume, maaga and to think na 12mn labas nya sa office diba??so medyo puyat si brother...i understand kung baket masungit siya.. :) although yes, bastos nga naman sumagot-sagot sa ate, kaya i get you kung baket masama loob mo..well next time, pahatid ka na lang siguro sa ibang brother na pwede i-drive ang non-coding na car..

Amphitrite

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #4 on: June 21, 2012, 09:50:51 am »
Just be firm with what you told him. Wag mo na bigyan ng pabor para ma-realize nya na kailangan na niya maging responsable, lalo na may asawa na siya diba.

abel823

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #5 on: June 21, 2012, 02:25:43 pm »
I think hindi dapat dinadaan sa sining mas matanda dito sa sitwasyon.
Maybe your brother has his private readon like mga gamit nga nya na importante na tatanggalin pa nya.
He has the right na di pumayag since kotse naman nya yan at may asawa dun sya to consider.. I mean kotse nilabg mag asawa na yan.
Its better na kanya kanya kayo ng gamit at iwasan mang hiram lalo na sa mga kapatid na may sarili ng pamilya less away at pakialaman.
Asar ka sa kaptid mo na ayaw ka pag bigyan pero dinay mo
Na agad asawa nya sa usapan.
Kaya kaming mag asawa mas masaya na ng sarili ng bahay.
Walang makikialam at walang maririnig. Walang sumbatan.

promises_bytes

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #6 on: June 21, 2012, 06:00:18 pm »
Sis for me medyo mababaw lang tong away na to pera lang kung may iba ka pa talagang kinikimkim na galit sa kanilang magasawa. Maayos naman ang pakikipagusap sa yo ng kapatid mo, ikaw yung biglang nahighblood. May karapatan syang tumanggi kasi nga kanya naman yung kotse lalo na at biglaan yung paghiram mo. Pangalawa nadawit na yung sister-in-law mo sa "pagsumbat" mo sa kanila. Kung isusumbat mo din sa kanila kung ano mang pabor ang ibibigay mo wag na lang sana silang tulungan di ba. And last yung wag maka ate ate na sinabi mo, tinatakwil mo ba sya dahil lang dun? Sensya na sis ha kung parang lumalabas na kampi ako sa kapatid mo. For me kasi nagover react ka sa nangyari.

whitestarrr

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #7 on: June 22, 2012, 02:40:54 am »
For me din naman hassle makipag palit ng sasakyan lalo na kung puro personal na gamit andun. Maiinis din ako kung gigisingin ako para mag lipat ng gamit. May mga bagay din kasi na hindi pwede sis :) kung masama loob mo rin sa pag tulong at nag eexpect ka ng kapalit sa mga pabor. Mas okay pa wag mo nalang sila tulungan. No offense sis ha. Yan lang yun honest opinion ko :)

Msfi

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #8 on: June 22, 2012, 06:33:06 am »
MAy iba bang style pag deal sa younger sibling, yung iba kaya sa sindak, yung iba sa pakiusap, yung iba kailangan paikutin mo pa para makuha mo gusto mo sa kanila.  You could have told your parents first para sila na nag utos sa kapatid mo para di nakatangi.

« Last Edit: June 22, 2012, 07:03:09 am by Msfi »

chloebaby

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #9 on: June 22, 2012, 07:13:30 am »
Thanks sa mga insights nyo sis :) actually I was looking for "utang na loob" sana kahit konte. oh well, ako kasi di ko matatanggihan kapatid ko lalo na pag marami naman ako dapat tanawin na utang na loob, kaso silang mag-asawa, unfortunately, di pala marunong or walang kusa. hayy, deadmahan kame sa bahay as in. Pero kebs.. Masama pa din loob ko  :(

9eisha

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #10 on: July 09, 2012, 05:54:43 pm »
im the eldest too. my siblings and i, esp my brother, have had this scene too many to count. like u, i usually say what u said. there were days na dedmahan [textspeak!]. i make them realize that what they're doing is not ok. thankfully they come around naman! ako pa rin ang batas ika nga lol. when the going gets though, it is still usually 'ate help me! and it is during those times i remind them how hard headed they were/or that they should always listen to me coz i'm right most of the time.
« Last Edit: July 10, 2012, 06:39:53 pm by 9eisha »

sistah!

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #11 on: July 10, 2012, 01:13:22 pm »
ano pa ba galit mo sa kapatid mo?

kasi kami dati nag-aaway kami ng brother ko sa kotse dahil pareho kami ng coding day at isa lang ang alternate car namin. pero never naman kami umabot sa point na talagang end na ng relationship namin. palamig ka muna. isipin mo, hindi mo rin ba papansinin yung pamangkin mong love na love mo?

rnd0910

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #12 on: July 10, 2012, 01:26:01 pm »
May point si brother na mabadtrip, first ginising mo sya ng wala sa oras, eh puyat sya di ba... siguro nakakatulog yon earliest na yong 2am. 2nd mahirap nga namang maglipat ng gamit, meron akong friend yong likod ng kotse nya nandon na yata yong buong shoe rack nya. Kaya kung magpapalit sya ng kotse sobrang hassle. Sorry sis siguro nagkasalubong lang kayo ng init ng ulo. Lilipas din yan.

xenos54

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #13 on: July 12, 2012, 04:42:40 pm »
ahahaha.. naalala ko tuloy yung time na hindi ako pinahiram ng utol ko ng cellphone niyang bago..
gusto ko kasi maglaro while waiting sa order naming lunch..
as in nagalit talaga ko.. hindi ko na siya pinapansin.. kasi nga ako din panganay and lahat din ng kaya ko ibigay sa mga younger sisters ko binibigay ko tapos parang cellphone lang hiram sandali ayaw?
malo-lowbat na daw.. ahahahaha..
nag text siya sa akin.. sorry na daw di naman sa nag-dadamot.. kasi nga malolow bat na daw talaga..

minsan kasi ang mga ATE ay feeling batas talaga.. so i think initial reaction lang ni TS yun..
pero for sure.. hindi din magtatagal magbabati din sila ng brother niya..

rianne_mallows

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #14 on: July 12, 2012, 09:04:47 pm »
Sorry to say this but your brother has a point. Isama mo pa na puyat at pagod.
Somehow i feel that you have other issues pa.
Bakit parang  issue sa iyo pagtira nila jan? Tingin ko kasi iyon ang reason why on edge ka kapag sila ang topic/involve

Yung sinabi ng bro mo na "sure" malamang iyon din sagot ko sa iyo kung ikaw ate ko.
Aga aga makakarinig ka ng sumbat? Bad trip yun to the highest level
Sis hindi maganda nagkukwenta ng utang na loob


Babaw niyan. Sige cold war kayo king gusto mo. Huwag mo tutulungan ara madala. Ok lang yan. Normal sa magkapatid konting ayaw.
Pero itakwil mo for that sole reason, babaw naman

Purple_Power

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #15 on: July 14, 2012, 01:55:37 pm »
As I analyzed your post agree ako sa sinabi ng ibang sis rito na your brother talaga has a point. The thing kasi is hindi siya prepared saka pinaliwanag naman niya na sana nagsabi ka days before para naiayos niya. Kung iisipin mong mabuti yung context na sinabi niya the main point there is willing naman siya magpahiram sayo basta nasabihan mo lang siya ng mas maaga.

Baka naman kasi mashado ka nang maraming kinikimkim na sama ng loob sa bro mo kaya kaunting kibot nagagalit ka na agad sa kanya.

nageinna

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #16 on: July 15, 2012, 12:39:53 am »
Hmm our other sissies said it all. Feeling ko rin may deeper issues ka with your brother that's why ganon nalang din yung reaction mo with this matter. Ako naman youngest samin, i have two older sisters and mas close ako with the 2nd. Madalas ko nakaka clash yung panganay. And minsan kahit small issues lang nagiging big deal for me kasi siguro hindi ako ganon kalapit sakanya unlike dun sa 2nd. Siguro din sis much better to avoid yung sumbatan. Kasi kahit na sabihin mo na lahat ibibigay mo for them, pero in the end you expect them to return the favor yan yung mahirap. Siguro much better is to expect less nalang from them. Or if kaya mo talaga hayaan mo nalang siya para matuto kung may mali man sa ginagawa niya.

Purple_Power

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #17 on: July 15, 2012, 03:22:06 am »
^I agree with that na iwasan dapat ang sumbatan kasi mahirap nga yan. Hindi naman kasi yan parang ex deal sa business na may pinag-usapan kayo o pinirmahan na kontrata na may something in return. Tao pa rin naman sila para tratuhin ng maayos eh! Hindi para manduhin nang husto. Kasi kahit naibigay mo na lahat pero kung sinumbata mo naman na eh di halos bayad na rin sila sa utang nila.

snowflakes

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #18 on: July 16, 2012, 10:12:27 am »
tama sila mababaw na reason ang incident para pag awayan. tsaka bakit kelangan manumbat at maghintay ng kapalit sa mga naitulong mo? ikaw ang eldest, ikaw mas nakakaunawa. mahirap yan magkasama kayo sa iisang bubong.

bettyboop1322

  • Guest
Re: Sobra na siya!
« Reply #19 on: July 16, 2012, 11:06:37 am »
^i also agree with you sis. Eldest din ako among 6, but i can proudly say maliliit na bagay, short-comings or mistakes ng mga kapatid ko inuunawa ko sa abot ng makakaya ko. Sa ngayon 1 na lang ang single sa amin yung bunso namin but we don't live in one roof. Magkakalayo house namin pero pag nag kita kita palaging masaya lang, walang umeemote or whatever. Pag may occassions at patak patak kami sa gastos kung sino lang ang makakapagbigay ok lang walang iringan kasi may kanya kanyang pamilya na at di naman lahat ganun kalaki ang kinikita. Lawakan mo pa ang pangunawa mo sis and God will bless you hundredfold...  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close