watch now

Author Topic: BPI - Thread 3  (Read 182873 times)

jajen

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #160 on: February 27, 2013, 02:39:11 pm »
Pa join po. I have 2 BPI accounts. Easy saver at express teller savings. Hindi mo kasi kelangan mainip sa pila kasi numbering system sila. At wala Silang bank charge unlike sa ibang bank. Yung remittance ng husband Ko dun Nya pinapadala. May bank charge pero maliit lang. Pero last month yung narecieve kong money from Italy, ang laki ng nawala. Almost 1,000. Ano yun depende sa laki ng mare received mong pera?

bratinella08

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #161 on: February 27, 2013, 04:02:54 pm »
@ kho_leen: sis, saang branch yun? so unfortunate naman na di friendly ang staff na kumausap sa hubby mo. In my experience, okay lahat ng branch na naencounter namin. Im a Preferred Client and i appreciate the fast and friendly service of BPI, we have accounts in BDO and Metrobank, and i have terrible experiences with those banks especially BDO. 

jmeangeL

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #162 on: February 27, 2013, 04:15:47 pm »
Hmm... pero nakaka curious.. why get preferred client status? Naisip ko lang kasi may ibang means of transacting with the bank na napadali na rin ng BPI without being a preferred client - tulad ng BPIexpressonline facility para sa bills payment at fund transfers to another account, pagdeposit sa mga cash deposit ATMs, ... at pwede ring makakuha ng BPI Gold Mastercard CC basta mataas na ang credit limit sa kanila (P100k credit limit).

Saka isa pa, by invitation rin ang preferred client status at hindi inaapplyan. Possible kasi na mangyaring may malaki ka nang deposit/investment pero di ka pa rin nagiging preferred. Swertehan rin lang talaga.

Para sa akin... check lodgement for business

Kapag mahaba ang pila at kaylangan mo ipasok ang mga check na hawak mo... di ba ok na iwan ito sa teller na lang at balikan na tapos na

freelancer_babe

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #163 on: February 27, 2013, 04:43:33 pm »
Para sa akin... check lodgement for business

Kapag mahaba ang pila at kaylangan mo ipasok ang mga check na hawak mo... di ba ok na iwan ito sa teller na lang at balikan na tapos na

Merong BPI express assist: https://www.mybpimag.com/index.php?option=com_content&view=article&id=982&Itemid=1146

Pero di ko nga lang na try ito.

Kumbaga pwede kasing magset ng appointment tapos pupunta na lang sa branch sa na-set na time.

Yung ibang selected ATM pa ata nila pwede pa ring mag-accept ng check deposits. I'm talking about yung iba nilang regular ATM machines na nagdidispense ng cash, not yung mga bago nilang machines na nag-aaccept ng cash deposits.

Pero kung talagang mas maraming transactions talaga ang gagawin sa mismong branch, then makakatulong rin ang maging preferred client. Yun nga lang, by invitation talaga. Pero siguro rin, it doesn't hurt to ask rin sa BPI branch kung saan gusto mong maging preferred client - kung ano ang requirements, ano ang minimum, kung qualified ka na, paano maging qualified, etc.

jmeangeL

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #164 on: February 28, 2013, 11:02:36 am »
issue rin siguro na wala akong home branch kaya hindi ako mabigyan ng invite ni BPI... iba-iba kasing lugar ako nag-open ng account.  depende kung saan malapit sa akin from work.   ;D ;D ;D

the convenience of BPI banking...

freelancer_babe

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #165 on: February 28, 2013, 11:29:05 am »
issue rin siguro na wala akong home branch kaya hindi ako mabigyan ng invite ni BPI... iba-iba kasing lugar ako nag-open ng account.  depende kung saan malapit sa akin from work.   ;D ;D ;D

the convenience of BPI banking...

Yup right, that's another issue too.

Iba talaga pag kilala ka personally ng manager - at least makita ka nila madalas. Familiar enough, but not too close with the branch staff. Good chances na yun of getting an invite kasi kahit papano nakikita ka nila madalas.

caramelli

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #166 on: March 11, 2013, 06:57:12 pm »
Mga sis, ask ko lang kung anong difference ng BPI direct sa BPI Family savings? Kasi nabasa ko sa kabilang thread na ang maxi saver ng direct 25k lang ang initial deposit required. Ano pong difference aside sa initial deposit? tia!

Shadow Angel

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #167 on: March 17, 2013, 05:45:26 am »
Bpi din ako.. Ask ko lang plan ko kasi magpalit ng credit card from edge card ano kaya mas magandang cc ng bpi thanks..

orangerainbow

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #168 on: March 18, 2013, 12:37:16 pm »
Bakit ganon, nag-activate na ako ng atm for online banking pero pagcheck ko online, di pa daw activated mag 2 weeks na. Hindi pa rin kasi ako nagwwithdraw dun, sa tingin niyo try ko muna magwithdraw?  :-\

freelancer_babe

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #169 on: March 18, 2013, 08:21:04 pm »
Bakit ganon, nag-activate na ako ng atm for online banking pero pagcheck ko online, di pa daw activated mag 2 weeks na. Hindi pa rin kasi ako nagwwithdraw dun, sa tingin niyo try ko muna magwithdraw?  :-\

I don't think the withdrawal would help.

What I suggest that you'd try is to call BPI hotline.

orangerainbow

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #170 on: March 18, 2013, 09:24:16 pm »
I don't think the withdrawal would help.

What I suggest that you'd try is to call BPI hotline.

oo nga sis, tumawag na ako kanina. tawag daw ako ulit after 5 days tapos binigyan ako reference number. yung 2 beses na atm activation ko di pa rin pumapasok eh. di ko alam ano prob pero sana next week, okay na siya.

freelancer_babe

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #171 on: March 18, 2013, 09:52:58 pm »
^ Sana mag-OK yan sis.

hershey

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #172 on: March 18, 2013, 10:20:05 pm »
I've been with bpi for 5 years and i am very happy with their service kaya transfer ko iyong ibang accounts sa kanila. No long lines and i can go there kahit di pa banking hours. The manager was very accomodating gwapo pa hehe kaya saya magpunta ng banko hehe.  Saka pag may event , invite nila ako.Even pag fill up ng deposit slip sya gumagawa ako nga iyong nahihiya. Pero pag may times naman na di ako nagmamadali like on leave naman ako , pumipila ako, di ko sinasabi na andon ako  para no special treatment. Gulat na lang sila pag nasa teller na ako or mag say goodbye. Sabi nila bakit daw di ko sinabi. Sabi ko ok lang naman since di ako nagmmadali. I give goodies during christmas season sa branch and don sa lagi nag aasikaso sa akin. A thank you gift


I was with bdo and pnb before super tagal magdeposit or withdraw kahit fastlane na. Kaya don sa form ko nilagay ko talaga na reason for leaving ay matagal sila magtransact. Saka ng first time ko makipagtransact sa bdo naexperience ko ang discrimination. I went there in shorts para magopen ng account para di masyado obvious that i have 100k and since malapit lang sya sa house. Tapos wala magentertain sa akin. Tapos ng nalaman nila iyong amount ng deposit ko and sa states nakatira iyong sis ko naka or ko aba mega interview na.

Very convenient bpi  lalo na online banking, iyong bdo kahit ilang register ko di ko ma open tapos di naman ginawan ng paraan ng branch kahit nireport ko hanggang sa nawala na ako ng gana



Pasensya na ang haba, so happy lang with bpi:)
« Last Edit: March 18, 2013, 10:30:54 pm by hershey »

freelancer_babe

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #173 on: March 18, 2013, 10:35:58 pm »
^ Preferred client ka ba sis? Sa BPI?

Ay teka, BPI pala ang preferred mo. Hehe.

Agree ako sa BDO at PNB, long lines ang dalawang yan.
« Last Edit: March 18, 2013, 10:37:56 pm by freelancer_babe »

hershey

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #174 on: March 19, 2013, 03:15:14 am »
Di ko alam, baka hehe pero prefer ko si manager hehe. nagkataon kasi dati mabait iyong staff na nag-assist sa akin then before sya umalis inendorse nya ako don sa manager.

orangerainbow

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #175 on: March 19, 2013, 04:33:43 pm »
^ Sana mag-OK yan sis.

oo nga sis eh. mag-update ako dito kung ano mangyari. :)

regarding sa long lines, oo mahaba rin sa BPI, lalo na sa SM North branch lalo na kapag hapon na. pero kapag umaga or before lunch, halos walang tao. sa BDO naman, mahaba talaga linya sa mga malls anytime of the day. haha. :)

Shadow Angel

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #176 on: March 19, 2013, 06:39:07 pm »
Agree ako sa BDO hindi ko kinaya ang haba ng pila at tagal ng service nila..sa BPI may time na mahaba pero mabilis processing nila.. Hindi ka aabutin ng 2hrs sa pagpila grabe sayang ang time...

babythug28

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #177 on: March 19, 2013, 11:21:37 pm »
nagbibigay ba ng increase sa credit limit ang BPI kahit hindi ka magpasa ng documents? tipong gusto ka lang nila bigyan talaga kasi full payment naman ginagawa mo lagi sa CC mo?

Shadow Angel

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #178 on: March 20, 2013, 04:34:27 am »
Yap sis 2x na ako naincrease ang credit limit ko.. Wait ka lang lalo na kung good payer ka naman at lagi mo mo ginagamit ang cc mo

hershey

  • Guest
Re: BPI - Thread 3
« Reply #179 on: March 20, 2013, 07:22:34 am »
^^ yup, as per experience increase nila iyong credit limit kahit hindi irequest. All annual fees have been waived

 

Latest Stories

Load More Stories
Close