I grew up felling Unloved by my parent's. That's why nung HS ako hindi ako alam kung anong feeling ang nagmamahal/minamahal, nararamdaman ko lang masakit sa heart kung broken hearted ako, feeling na mabigat sa dibdib. No idea at all what really love was that time.
Lahat na ata ng palo naranasan ko na simula pag kabata ko, lahat ng verbal abuse nasabi na saakin, nung college ako pina stop nila ako pero gumawa ako ng paraan para makatapos ako, nag benta ng bags, clohtes, beauty products, etc. Rason nila wala naman daw ako pakinabang bakit pa daw ako mag aaral(siguro babae kasi ako, pag mag asawa na aalis na ng bahay), mag tinda na lang daw ako ng puto. College na ako naranasan ko pa rin ang sampal at pag palo nila sa ulo ko. Ang hirap makalimot sa lahat ng ginawa nila.
Ngayon, married na ako, as much as possible pag lumuluwas ako ng Maynila hindi ko pinapaalam nasa Maynila ako, hindi ko sila binibisita, kasi yung bahay na yun puno ng sakit saakin, lagi ko lang naalala mga ginawa nila saakin.
May time na may sakit ako, Sobrang sakit ng tyan ko at suka ako ng suka, at nag chill pa ako, that time mag kaaway kami ng nanay ko, hindi kami nag papansinan. Kahit may sakit na ako hindi nya ako dinala sa doctor, kung hindi pa sasabihin ng lola ko na dalhin ako sa hospital, "padabog" pa siyang nag handa ng dadahin nya.
Akala ko ang anak kayang tiising ang magulang pero ang magulang hindi kayang tiisin ang anak. Anong klaseng nanay siya.Meron pa, nakagat ako ng aso, hindi man lang nya ako pina inject ng anti-rabies and tetanus. Ang iniisip nya gastos. Hindi ba ang nanay dapat unang mag aalala kung ano pwedeng mangyari sa anak nya.
Minsan, mag text sila pag kailangan nila ng pera para pambili ng needs nila, bakit ganon ang hirap tumulong sa taong gumawa sayo ng kasamaan. Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko sana pinakitaan nila ako ng mabuti at pagmamahal para masuklian ko iyon.
How can I forgive them? Hirap na hirap ako kung paano. Physically and Verbal Abuse ang naranasan ko sa kanila.
Please help me
