Author Topic: Husband na walang pakialam  (Read 13683 times)

iluvmysoldier

  • Guest
Husband na walang pakialam
« on: June 17, 2012, 09:17:42 am »
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob dito, sobrang disappointed lang talaga ako sa husband ko. Yesterday, first time ni baby magsabi ng papa. Sobrang natuwa ako kaya tinawagan ko siya. Nung tumawag ako walang kagana gana tapos sinabihan ako na tawag nalang daw ako mamaya at busy pa siya. Nakakalungkot lang kasi ako sanay ako na ganyan siya sakin before at naiintindihan ko naman kasi yung nature ng work niya. Pero ngayon na sa office lang naman siya tapos kahit 5 minutes lang di niya mapaglaanan ng time yung anak namin. Sobrang heartbreaking for me.  :'( Matigas akong tao pero pagdating sa anak ko sobrang affected ako.  Para na nga akong single mother dahil once in a blue moon lang siya magpakita sa anak niya, pati ba naman yung pagtawag wala pa. Sobrang unfair  :( Lumalaki ang baby namin na walang nakikitang father figure.

Madami siyang pagkukulang sakin, kaya kong tanggapin at tiisin yun pero pagdating sa anak ko hindi ko na ata kaya. Ang hirap pa kasi pag sinasabi ko sa kaniya yung nararamdaman ko lagi niyang sinasagot sakin "oo na, napaka walang kwenta kong asawa at ama". Ang hirap talaga makipagusap pag umpisa pa lang, defensive na siya.

Pasensiya na mga sis at dito pa ko nagdrama. Ayoko kasing magsabi sa parents ko, ayoko naman sumama ang tingin nila kay hubby. Gusto kong magcounseling kami para magbago siya pero hindi ko alam kung saan.   :(

joyfulmommy

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #1 on: June 17, 2012, 09:13:41 pm »
dont know what to say to comfort you sis... kasi kung ako yan, sasama din loob ko eh... ok fine, busy si hubby mo... baka kasi may kausap sya that time or may nira-rush... pero did he call back nung di na masyado busy para balikan yung itinawag mo sa kanya?

i hope ma-resolve nyo and mapag-usapan... baka kelangan lang ng tamang timing and haluan ng konting lambing para di agad sya defensive pag bring up mo topic sa kanya...

Margaritabythebeach

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #2 on: June 17, 2012, 09:17:51 pm »
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob dito, sobrang disappointed lang talaga ako sa husband ko. Yesterday, first time ni baby magsabi ng papa. Sobrang natuwa ako kaya tinawagan ko siya. Nung tumawag ako walang kagana gana tapos sinabihan ako na tawag nalang daw ako mamaya at busy pa siya. Nakakalungkot lang kasi ako sanay ako na ganyan siya sakin before at naiintindihan ko naman kasi yung nature ng work niya. Pero ngayon na sa office lang naman siya tapos kahit 5 minutes lang di niya mapaglaanan ng time yung anak namin. Sobrang heartbreaking for me.  :'( Matigas akong tao pero pagdating sa anak ko sobrang affected ako.  Para na nga akong single mother dahil once in a blue moon lang siya magpakita sa anak niya, pati ba naman yung pagtawag wala pa. Sobrang unfair  :( Lumalaki ang baby namin na walang nakikitang father figure.

Madami siyang pagkukulang sakin, kaya kong tanggapin at tiisin yun pero pagdating sa anak ko hindi ko na ata kaya. Ang hirap pa kasi pag sinasabi ko sa kaniya yung nararamdaman ko lagi niyang sinasagot sakin "oo na, napaka walang kwenta kong asawa at ama". Ang hirap talaga makipagusap pag umpisa pa lang, defensive na siya.

Pasensiya na mga sis at dito pa ko nagdrama. Ayoko kasing magsabi sa parents ko, ayoko naman sumama ang tingin nila kay hubby. Gusto kong magcounseling kami para magbago siya pero hindi ko alam kung saan.   :(

HI there, me mga moments siguro na talagang napaka insensitive ng mga hubbies. Nakausap mo na ba siya about it? Minsan di nila napapansin yun. akala nila dinila ginawa, minsan dine deny pa nila na nangyari yun. Siguro idaan mo sa letter or kausapin mo siya ng may timing. ganyan din ang hubby ko. pag napipikon ako dinededma ko na lang tapos siya rin naman makakapasin na me problem.

Hope it all works out well for you. :-)


aleng_maganda

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #3 on: June 17, 2012, 10:00:13 pm »

  Hi sis, ganyan din hubby ko pero lagi nya katwiran sa kin. Kasi daw may kausap daw sya, kaya sagot lang nya palagi sakin, tawagan kita uli may kausap ako. Kaya ngayon i text him first, ng call me kung di ka busy. Para sure ako sa attention na makukuha pag may kinuwento ako.

design21

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #4 on: June 17, 2012, 11:16:00 pm »
baka naman communication problem lang. how is your marriage? bakit bihira niya makita ang anak niya? sorry to say this pero mukang hindi niya priority ang bata kung wala siya uality time sa anak mo.

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #5 on: June 18, 2012, 01:01:51 am »
@joyfulmommy nako sis ni hindi nagreturn call. ang sakin lang, kahit gano siya kabusy, given na saturday yun eh sana kahit 5 mins. man lang nagkausap sila ng anak niya.

@margaritabythebeach nagkausap na kami tungkol diyan sa issue ng pagka walang care niya sa anak niya. nagaway kami the other week lang dahil nung tinakbo ko sa ospital baby namin dahil nagka-amoeba, natiis niya buong araw na hindi man lang kumustahin kung nakauwi na ba sa ospital or ano na ba nangyari kay baby.  :(

@aleng_maganda siguro nga mali ko din na hindi ko muna siya tinext bago ako tumawag, nawala kasi sa isip ko sa sobrang tuwa ko kay baby eh. pero yun nga, di siya tumawag buong araw

@design21 bihira kasi siya makauwi dito sa min kasi army officer si hubby, kaya minsan lang din niya makita si baby. ayaw naman din kasi ng parents ko na dalawin namin siya dun sa area niya kasi mahirap dun, walang aircon, malamok tapos mahina ang tubig. sanay na ko sa set-up namin na bihira lang magkita. kung ako lang talaga eh ok lang naman, kaso siyempre gusto ko naman lumaki si baby na may nakikitang tatay. yun nga din naisip ko sis, na mukhang hindi niya kami priority. kasi kahit malayo siya dapat magexert naman siya ng kahit konting effort para imonitor yung paglaki ng bata di ba?

kahit father's day ngayon tiniis ko talaga na hindi siya igreet. sobrang sama pa din ng loob ko.  :'(

aquacharly

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #6 on: June 18, 2012, 03:02:13 pm »
If you marry someone in active military service -- do not expect much.  You have to be the 1 to give a lot of patience & understanding.  Alam mo naman yan before you married him.  Talagang mahirap being a military wife -- why are you complaining now? Mag adjust ka, kahit na no  aircon -- dalawin nyo.   

Military officers/servicemen are under a lot of pressure, and under a lot of bosses.  They generally cannot prioritize their families.  That's why it takes a special kind of  woman to marry into a military lifestyle.  You must be strong and be like a single parent most times.  Dapat malawak ang pasensya at pagunawa mo.

I do not mean to be offensive, but my unsolicited advice is:  correct his perception (& your judgment? ) na wala syang cuentang father & husband.   Most guys will go the extra mile to find someone who will appreciate them -- you know what  I mean.   Hindi ko sinabing you will just let things be and not try to improve your family relations.   But you must find a better approach.  Yang pagtampo/galit//mukmok/sama ng loob mo is not  getting what you want from him. So, change your strategy.  Bihira na nga kayo magsama -- why fight/be negative?   Do not give him a reason to be not eager to go
home to you.  Dapat malagay mo sa utak nya na the  happiest place for him is wherever you & the baby are.   

queldultra

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #7 on: June 18, 2012, 03:28:52 pm »
talagang ganyan ata mga hubbies mga sis. masyadong nakatutok sa work. palibhasa [textspeak!] nasa kanila ang pressure na mag-provide for the family

k_heart

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #8 on: June 18, 2012, 11:52:43 pm »
My husband is also a military officer, and i think he is older than iluvmysoldier's hubby. Even if he is a military officer, he still has time for me and my kids. Basta nagkasakit ang kids namin at nahospital, including myself, andyan na si hubby ko kahit saan mang lupalop sya nakadestino (Mindanao, Visayas or the far-flung Isabela), just to be at our side. Nakakahanap sya ng paraan para makapg leave. Hindi naman insensitive din ang mga higher-ups para hindi sila payagan na mag-leave. Ilan beses na din kasi ako naho-hospital at ang mga kids ko, pero si hubby almost  laging present para magbantay. he can find ways which really amazes me sometimes although expected ko na yun sa kanya. At sya yung hands on sa pag-aalaga pag nasa loob ng hospital and not me, like sa pagpapalit ng clothes, pag cr ng kids,etc.

Although as a military wife din naman, kahit nasang bundok sya, talagang dinadalaw namin sya together with my kids, and yes even to Mindanao, kahit naloloka ang parents ko. They cannot do anything about it naman kasi adult na ako noh. he!he! Months old pa lang mga babies namin, go na kami kung saan
naka -assign si hubby.

Turo din yan kasi nung isa kong boss na military brat (her father is a former General), na dapat kahit saan ma-assign si hubby, yung wife should always make her presence felt and make her mark.ha!ha!ha!
And yes, im also a career-woman. So talagang time-management.

Then yung work ko naman, also entails travel around the Phils and abroad. So para pantay, sinasama ko din yung hubby ko in my local travels and  abroad including my kids, kasi pwede rin isama. All in all,
nakagawa na kami ng system para we can spend more time together despite our hectic sked. Basta Christmas at New Year,dapat together kaming lahat.

And i also believe that "You can catch more flies with honey than with vinegar". so sis, mas better
maging sweet kay hubby kesa maasim.he!he!

And sis, adult ka na, you should be doing your own decision and not your parents. Kaya go and visit
him.

Its not easy being a soldier's wife but with the right decisions, proper training, it can be fun.

Sis iluvmysoldier, baka naman may problem si hubby mo sa work kaya ganun or pressured. Actually yung hubby ko, mas pressured sa work pag naka-assign sa office, mas madami kasing paperworks na may deadline and yung mag seniors may mga pinapagawa pa on the sides, mga compliance. Yung ibang compliance nga ng hubby ko sa work,  ako ang gumagawa.

Field work may be more dangerous but mas may pressure sa office work. 

And i also believe that 
 

aquacharly

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #9 on: June 19, 2012, 02:18:17 am »
^ Rank  has its privileges.  :D.

 And tama ka, you gotta make your presence felt & mark your territory -- kaya go visit regularly, saan man lupalop yan. 


k_heart

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #10 on: June 19, 2012, 02:52:41 am »
^he!he! Thanks sis Aquacharly! Actually i find it fun to visit my hubby in different camps around the Philippines. Parang adventure lang. He! He!

Although i think, i was  prep early to be a military wife because cadet pa lang sa PMA si hubby ay bf ko na sya. He's in baguio and im here in manila for the duration of our bf/gf days. Nun pa lang we are always apart na. But i visit him regularly (once a month),  almost no fail yun. Then pag may friends akong aakyat ng Baguio, i prepare food/things na ipapadala sa kanya sa loob.  after we got married, yung visit visit is  parang extension lang ng ginagawa ko dati.

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #11 on: June 19, 2012, 04:44:50 pm »
Actually, gawain ko din before yung sumasama kahit saan maassign. Dun nga sa camp nabuo si baby eh.  Pero nung nanganak ako talagang dito ako kay baby nakatutok. Ironic nga eh kasi kung kelan nasa libis lang siya, saka naman ako hindi nakakapunta. Samantalang dati eh nalibot ko na ang buong Samar at Maguindanao. As much as i would like to visit him, mas priority ko talaga ngayon si baby. Ang sakin naman ok lang kahit wala siyang time sakin. sanay na ko. Pero wag naman sana pati sa anak namin. Hindi naman siguro mabigat yung kahit 5 mins. lang para makausap anak niya.  :(

Sa totoo lang i don't believe na yung work niya yung problema, sa tingin ko yung attitude talaga. Kasi kung yung hubby ni sis (este ma'am pala.) k_heart eh nagagawa namang magkaron ng time para sa kanila eh i don't see any reason kung bakit hindi magawa yun ng hubby ko. Kumbaga, kung gusto madaming paraan, kung ayaw maraming dahilan.

Kahit nasa bahay siya parang malayo loob niya kay baby. Ayaw buhatin, ayaw laruin. mas gusto niya na kaming dalawa lang. Minsan naisip ko nga baka hindi pa talaga nagsisink in sa kaniya na tatay na siya.

Salamat sa mga advice, kahit papano hindi na masiyado masama ang loob ko.


k_heart

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #12 on: June 19, 2012, 07:08:37 pm »
Just call me K_heart sis! he!he!

Hmm, hindi kaya sis nagseselos sya sa baby nyo kasi mas madami kang time for the baby at nabawasan na ang time mo sa kanya?
Mukhang hindi pa sya ready na maging dad?
As much as i hate to disagree with you, mukhang medyo may attitude problem nga ang hubby mo
 sis.

Ilang months na ba ang baby mo sis? Baka di pa sya sanay maging father???

Nag usap na ba kayong dalawa reagarding that issue? I think kailangan nyong mag -usap. Medyo
unusual din kasi yung kinikilos nya towards sa baby nyo. Takot ba sya humawak kay baby?

I remember dun sa first baby namin, yung hubby ko super excited at gusto nyo nakaharap sa kanya matulog. medyo nakaramdam ako ng konting selos (konti lang,ha!ha!) sa baby kasi yung attention
nya dati sa akin, nandun na sa baby. So baka naman may konting ganung factor kay hubby mo.

Although kahit good father si hubby sa mga kids namin, may mga times din na nasisigawan nya ang mga ito pag makukulit na, pinapagalitan din nya. Ako yung mas kunsintidor. Kasi din siguro dahil mommy ako at mas mahaba ang pasensya.

I agree, na mukhang di pa nag si sink-in sa kanya na father na sya. But he has to get out of that thinking very very soon as in right now. Kasi ang reality ay Father na sya. And one of the most masarap na days sa mga kids ay pag baby pa sila. We cannot turn back the time.



 

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #13 on: June 19, 2012, 08:31:08 pm »
Or naisip ko din na siguro hindi niya alam kung pano maging tatay? Kasi yung father ni hubby sundalo din, kaya lumaki siya na bihira din sila magkita at magbonding. Baka siguro ganon din gawin niya kay baby namin?

8 months na si baby tapos parang 3 times palang siyang nakauwi simula nung nanganak ako. Napapagusapan namin yan pero yun nga, nauuwi sa away kasi nagiging defensive siya eh. Yung sa selos naman, parang nagseselos nga pero di siya dapat ganun diba? 7 years naman kaming bf/gf eh hindi pa ba naman siya nagsawa nun? Parang ang selfish naman  :(

k_heart

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #14 on: June 19, 2012, 09:49:41 pm »
^Ah, medyo tricky nga your situation. Ang tagal nyo na palang mag bf-gf. Kami naman different, more than 2 years na bf/gf,then we got married immediately after his graduation kasi nga made-deploy na sya by then sa Mindanao. More than 8 years na kami ngayong married. We have naman our fair share of fights and disagreements pero thru a proper and heart to heart talks and dialogues, nare-resolved naman. Some immediately, yung iba naman thru tiyaga.

OO nga naman, i agree with you na hindi pa ba sya nagsawa na kayong 2 lamang together??? Is the baby planned sis?

I agree also, na may influence also kung ano ang nakita nya sa father nya before.

I think sis, na talagang nasa yo ang pag asa kung paano mailalapit si baby sa hubby mo. Medyo kailangan mo talaga sya ieducate pero yung subtle at hindi force.

Carry mo ba sis na dalawin nyo ni baby mo si hubby ng weekly? 
 

k_heart

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #15 on: June 19, 2012, 10:02:11 pm »
And sis, lots and lots of prayers! Ipag-novena mo sya and your whole family!

iluvmysoldier

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #16 on: June 20, 2012, 09:33:49 am »
^Ano bang magandang bonding activity para sa kanilang mag-ama sis? Nako hindi ko kaya dumalaw weekly sa kaniya kasi nasa mindanao kami ni baby. Tapos pag aalis kami kelangan kasama yung 2 yaya tapos parang dala pa halos buong nursery niya kasi sa dami ng gamit na kelangan. So hassle talaga, pati narin sa financial aspect kasi lam mo naman, d naman kalakihan ang sahod ng army.  Saka i'm saving up for my son's 1st birthday party eh kaya tipid mode muna talaga kami.

Planned naman yung pregnancy sis, well kind of. Kasi tinry lang namin tapos gulat lang kami on the first try positive na agad. Pero hanggang dun sa pregnancy part lang ata ang planned. Kasi pareho talaga kaming walang idea kung pano ba maging parents. Pero naisip ko, ako nga na only child, brat din (my dad was also an officer eh), party animal pa, I gave up all my sh*t when i became pregnant at minindset ko na talaga na i'm gonna be a mom and i have to be responsible na, nagawa ko nga eh. Bakit siya hindi diba?

^salamat sis k_heart, good to know na meron pala akong kapareho dito sa gt na army wife.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #17 on: June 20, 2012, 12:05:12 pm »
bakit laging defensive ang hubby mo sis, baka lagi ka ring offensive? He doesn't need to defend himself if he doesn't feel being attacked. As what sis aquacharly said, change your strategy. He won't feel na wala syang kwentang ama kung hindi ayun ang dating ng mga complains mo, baka nga he feels criticized/judged by you kaya malayo loob nya sayo.

Kahit naman sino hindi nageenjoy sa company ng mga taong jina-judge sila o ang pagkatao/pagkatatay/pagkalalaki nila etc. This is just my impression based on your posts.

Anyways, you can never change him, you can only change yourself. You cannot influence him to what you want and believe if you won't work on things that needs to be worked on as a wife.

Sabi nga, if you keep on doing what you've been doing you will always get the same results. Unless you do not change your approach to him, don't expect that he'll cooperate with you.


k_heart

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #18 on: June 20, 2012, 02:33:02 pm »
^^ Sis Iluvmysoldier, Ah, nasa Mindanao ka. So san naka-assign si hubby mo ngayon?
Actually sis, simple lang naman mga bonding activities namin, nung babies pa mga kids namin. They are now, 6 yrs old ,7 yrs old , etc.

Actually kahit sa bahay sis , ok na bonding ng mga babies ko at ni hubby. He loves looking at them and carrying them nung babies pa. pero di marunong magpalit ng diapers.
We also like going to the beaches or swimming pools with them. And carry ni hubby sila sa paglalaro sa water. Or sa mall,  just to eat out para maiba ang environment.
We also go to theme parks, etc.

basta sis, sweet- sweetan ka. Wag mo na masyado ngaragin or talakan si hubby. he!he!

Naku naremember ko ng 5 months old pa lang yung panganay namin, nagtravel ako alone with the baby sa Bora. wala akong kasama na kahit sino.  Dun kasi sya na-assign before. Hay, nalowka ako. I agree mahirap magtravel with the babies lao na kung mag-isa. Actually hindi ko na ulit,inulit yun.

Although ngayon, travel pa rin kami ng travel, pero easier na now kasi malalaki na sila, kids na and not na babies. They see our travels as adventures. And my hubby really appreciates naman the dalaw. Gustong gusto nya na dinadalaw sya. Actually nagtatampo sya pag hindi binibisita.

The ball is in your court sis! : )
 


iluvmysoldier

  • Guest
Re: Husband na walang pakialam
« Reply #19 on: June 20, 2012, 06:05:18 pm »
^sis glamorosa la naman akong prob sa kaniya pagdating sakin. ganon pa din naman siya. ang prob ko lang yung sa anak namin. hindi kasi siya madalas magtanong kay baby. parang malayo yung loob niya kay baby. ayaw niya laruin o kaya buhatin, laging may excuse.

^sis k_heart sa Libis lang nakaassign si hubby. hehe siguro pag medyo malaki na si baby pwedeng pwede na kaming dumalaw dun. anyway magspend naman kami ng 1 month dun before magbirthday si baby. sana nga may makita akong pagbabago. sabi niya kasi the other night gusto daw niyang magpaconsult sa psychologist, kasi nga nafifeel na daw niyang meron ngang mali sa kaniya. Naalala niya kasi yung dati sa NP result niya na repressed daw siya or meron siyang mga repressed emotions, parang ganun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close