napagkwentuhan namin ng mom ko ang pagpapahula niya kay madam auring nung 19 years old siya. 1982 yun kung hindi ako nagkakamali. pinuntahan nila siya ng lola ko sa parlor niya sa dapitan at P500 pa ang charge niya nun. walang time limit. sinulat mismo ni madam auring sa yellow paper ang mga hula niyang mangyayari sa future ng mom ko. halos lahat ng sinulat niya, nangyari. isa na dun ang magkakaanak siya ng suwail. true at hanggang ngayon, problema siya ng pamilya namin. ang mga miss lang, sinabi niyang makakapasa siya sa cpa board exam ng isang take. isang take pero cpa na siya nun, kakapasa lang niya. sinabi niya ring makakapag abroad siya through her future husband sa usa. through her future husband pero sa uae, hindi sa usa. ganun lang naman ang mga miss niya.
nakabakasyon ngayon ang mom ko dito sa pinas. nung napagkwentuhan namin ang tungkol dito, naisip niyang magpahula ulit at dahil napahanga ako ni madam auring, gusto ko rin tuloy magpahula. sayang nga lang, may sakit siya kaya nagpahula kami sa iba pang kilala gaya niya. nung monday, pinuntahan namin si rene mariano sa bahay niya sa pasay. ang swerte nga e, walk-in lang yun pero may bakanteng time slot kaya nakapagpahula kaming dalawa. regular reading lang ang inavail namin. P1,000 for 30 minutes at ang gagamitin niya, ordinary playing cards at tarot cards.
one on one ang reading at 25 minutes lang ang itinagal ng session namin sa kanya. pagpasok ko sa small room sa second floor ng bahay nila, tinanong niya ako kung ilang taon na ako at kung ano ang course ko bago siya nagconcentrate. nabataan siguro siya sa itsura ko at naniniguradong college student na ako sa edad ko. 18 years old and above lang daw kasi ang pinapayagan nilang magpahula sabi nung nag entertain samin sa ground floor. pag face-up palang ng unang card, natumbok na niya ang present ko. sinermonan pa niya ako hanggang sa may lumabas na card na sinasabi ang future ko sa present kong yun na sinermonan niya ako. yun ang pinakanegative sa lahat ng hula niyang mangyayari sa future ko at sa hula niyang yun lang niya ako sinabihan na itataya niya ang pangalan niya na mangyayari yun kung hindi ako mag iingat. nakakatakot pero gagawin kong guide ang mga sinabi niya. may question and answer portion din pero tatlo lang ang pwedeng tanungin.
payo ko lang, kung magpaparead kayo sa kanya, dapat maging handa kayo sa negative na hula kasi straightforward siya. sasabihin niya kung ano lang ang nakikita niya sa cards. tandaan na laging may pag asa dahil tayo ang pumipili ng direksyon ng buhay na tatahakin natin. sa dami ng problema, parang naging madaling mapanghinaan ng loob ang mom ko at lalo siyang nanghina pagkatapos ng session namin sa kanya kaya nagconsult kami ng isa pang ft/psychic pero this time, siya nalang muna ang magpapahula para kung hindi niya ulit magustuhan, at least hindi masyadong masasayang ang pera.
ayun, mineet namin si nathan sanchez nung thursday sa gateway. P1,000 for 1 hour pero hindi siya nag ask for additional charge nung lumagpas ang session nila dun. pagdating niya, nagkwentuhan muna saglit hanggang sa napunta ang usapan namin sa pagpapahula. pati aura ko, binasa niya kahit hindi ako magpapahula at natumbok niya lahat ng sinabi niya tungkol sa kung ano ako pati sa kung anong sakit ako prone magkaroon. pagkatapos niya basahin ang aura namin, humiwalay sila sakin ng table kasi gusto ng mom ko, one on one ang reading. nung natapos ang session nila, sabi ng mom ko, satisfied siya at irerecommend niya raw siya sa mga kakilala niya. magaan daw siya sa loob kausap at kung may negative mang hula, sinasabi niya in a nice way at nagbibigay siya ng advice. wala rin daw limit sa pagtanong kaya nasagot niya lahat ng concerns ng mom ko.
thumbs up for psychic nathan. magpapahula rin kami ng lola ko sa kanya kapag may extra na kaming pera.
