watch now

Author Topic: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores  (Read 133435 times)

runaway_bridesmaid

  • Guest
General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« on: June 04, 2012, 09:55:04 am »
Hi sisses! sino po ang may ganitong business? kakaumpisa ko pa lang kasi sa ganitong small business although my mom has been doing this since ipanganak yung eldest sis ko, ngayon yung eldest sis ko na ang nagma manage, maliit lang ang kita dito pero nakakatulong siya, in my family's case, dito  nanggagaling ang pang tuition ng mga pamangkin ko

sa inyo na may ganitong business (hopefully meron dito sa gt) ano po mga tips na pwede ninyong ibigay like how to keep your customers, tips para maging mas competitive since marami rin may ganitong business at kung ano ano pa...

TIA

yaskulet

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #1 on: June 04, 2012, 01:42:18 pm »
Hi Sis! My husband and I are into this business, though we just started. As in now lang ang full launch. Pamana lang din to ng MIL ko sa hubby ko, kasi nag branch out na sila so kami ni hubby ang nag mamanage nung isa pa. Yung samen namen, mini grocery + bakery. Kanina lang kaka order ko lang ng 2 kaban na bigas para mag benta din ng kilo kilo na bigas kasi sa gabi wala na mashado bukas na bigasan so madami din hanap. And then by next week since pasukan na, mag dagdag ako cold cuts like hotdog and longganisa kasi maaga customers namen, as early as 3am kasi bakery nga. So dagdag ako mga tingi tingi na hotdogs para ipartner nila sa pandesal. May mga softdrinks din ako mabenta din kasi to. And icepops! :) Super benta! So far, since nag soft launch kami last week naka benta na ako ng 2k plus sa groceries alone. I think 4 days pa lang kami benta and soft launch yun meaning di complete ang paninda namen.

stormy_princess

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #2 on: June 04, 2012, 01:46:42 pm »
i wanted to be in this kind of business kaso kabi-kabila na ang sari-sari stores sa amin. :(

yaskulet

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #3 on: June 04, 2012, 02:13:24 pm »
^sis dito din naman samen, partida nasa bayan pa kami ha so mas madami competition. ang advantage lang siguro namen, itong bakery na to since 1987 pa. So may suki na talaga tong tindahan na to :) Nag innovate lang kami. :) and invest on customer service.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #4 on: June 04, 2012, 03:18:06 pm »
^oo sis totoo yan, ang disadvantage ng ganitong business madami kang kalaban, pero alam mo yung sa sister ko na minana pa niya sa mother ko, kahit ilang tindahan na ang nagbukas kabi kabila, sa kanya pa rin bumibili ang mga tao, kasi nasanay na sa kanya bumibili saka iba pa dapat alagaan mo ang mga regular customers mo, medyo talagang malaki yung chance na may mga uutang at di ka mababayaran or mahirap singilin pero part yun ng ganitong business, kaya dapat ready ka dun...customer service ang labanan sa ganitong business, actually kahit saang business naman, dapat rin mabait sa customer, pero ate ko medyo masungit kaya lang since sanay na sa kanya mga tao, keri lang, yung store pa rin ang ang pinaka preferred dun sa barangay nila,  :D

sis yaskulet, goodluck sa business mo, i'm sure tuloy tuloy na yan! ;D

meandmyhoney

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #5 on: June 09, 2012, 08:42:56 am »
hello sisters,

share ko lang din sa inyo na ganito din business na bingay ko sa mom ko. last year pa kami nagstart. sari sari store. complete na mga paninda namain, from school supplies to kikay kit ( from divi )

kumpleto din kami sa alak, 1 freezer and 2 fridges na meron kami from coke nman, since direct kami nasusuplyan, pero minsan taga coke prang  twice na lang kami nagbibigyan,

ganun din sa mga alcoholic drinks ( like san miguel) sa truck din kami kumukuha .  ;D

since matao lugar ng mom at halos dikit dikit talaga store , masyado mahigpit ang competition, pero ok lang kasya naman tumambay lang mom ko at maghintay ng pension . sabi ko magtindahan na lang kami,

income  ng mom ko mga 3.5k to 4k a day ,weekdays. kung matumal talaga alam naman panahon ngaun ay hirap kumita ng pera mga 2.5 to 3k. 


kapag weekends nman mga 6k to 7k naman kita.

pagod din talaga sa businesss na ganito pero tyagaan lang, since im married pasyal pasyal ako sa kanila nakikita ok naman lage puno paninda.

pang araw araw ng pagkain nakakalibre na sila ( mom and youngest sister ).

pero may monthly pa rin kami binigay at hindi namin kinukuha sa benta pambayad sa ilaw.tubig etc.

sa bahay lang kami nagtayo ng store, nag expand lang kami since 4 storey house bahay,

hth , tiyaga tiyaga lang mga sis.

eto pa pala kapag may okasyon like fiesta, pasko, long weekend, laki ng income mga 8-10k  ;D

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #6 on: June 09, 2012, 02:53:55 pm »
^true nakakapagod at di ganun kalaki ang kita pero tuloy tuloy naman since ang paninda mo ay basic needs ng mga tao

yAbmby

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #7 on: June 26, 2012, 11:37:37 am »
hello sisters,

share ko lang din sa inyo na ganito din business na bingay ko sa mom ko. last year pa kami nagstart. sari sari store. complete na mga paninda namain, from school supplies to kikay kit ( from divi )



Sis pa help naman san po specific sa divi ka nakuha ng school supplies? Im into this business kasi kaka start lang hanap me ng supplier pede u po ba share san ka nakuha pati [textspeak!] mga kikay kit mo to add up na din sa business ko. TIA

brownpinay

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #8 on: June 27, 2012, 09:56:53 am »
Question:lalo na sa mga may whoesale biz ng general merchandise

Gusto sana namin na magtayo ng General Merchandise/Grocery na ang target market is mga owners ng mga small sarisari store.


- DO you contact the distributor/dealer or more over than not sila na ang nagpupunta sa pwesto?
- Do they give terms?
- Nagcoconsign ba sila?
- How much ang usual mark up?

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #9 on: June 27, 2012, 11:40:07 am »
anong products mo sis? ako may small gen merchandise/school supplies store, may nag pa consign sa aming ng sapatos, friend namin ng husband ko, basta pag may nabenta saka lang kami mag re remit ganun lang ang usapan, kami rin nagpapa consign ng damit sa ibang tindahan, wala kasing pang puhunan itong pamilya na ito kaya dinadalahan namin ng paninda, mabait naman at mapag kakatiwalaan kaya okay lang

brownpinay

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #10 on: June 27, 2012, 12:33:50 pm »
^mga grocery products like delata, cigarettes, sabon, shampoos mga noodles and mga tinitinda sa mga sari sari store na maliit

yaskulet

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #11 on: June 28, 2012, 12:16:26 pm »
Ui sisses! Ang lalaki ng benta nyo ha! :) Ako parang nasa 1k lang sa groceries, 2k na kasama tinapay (pero di samen yung tinapay talaga). Btw, wala kami alak and yosi, bawal ayaw ni hubby. :D

Buti na lang di ito ang main source of income namen nung na resign ako kundi baka stress drilon na ang beauty ko! :D Ang purpose na lang namen sa tindahan na to is to make our money grow kasi kung nasa bangko naman siya di kikita ng 200 a day. :)

yanmae

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #12 on: July 27, 2012, 01:06:30 pm »
Maganda ang kitaan dito depende sa lugar. Dito kina hubby class b and c karamihan ng tao tapos dami ng tindahan at malapit sa palengke, grocery at drugstores pero kumikita parin sila ng 13k per day (pinakamababa) at umaabot ng 30k kung mga pasko, gross income. Grabe kasi tao dito ang dami mala tondo. Hehe. Tapos nakaasa cla sa tindahan hindi cla pala grocery.ü at saka pala kumpleto sila ng paninda from gaas na tingi, mantikang tingi, asukal na tingi, bigas, uling etc. Kaya di na lumalayo yung mga tao sa kanila na lang instead pumunta sa palengke/grocery o ibang tindahan. Pati mura lang din kasi sa kanila.ü

rowaenatural

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #13 on: July 29, 2012, 12:37:48 am »
Hi mga Sis!  Mga Mini stores, ok talaga sa mga mataong lugar, mga school, simbahan, opisina, daanan ng tao, terminals.  Pero syempre, for sure hindi ka nag-iisa, kaya dapat rin kung magtitinda, kumpleto ang laman ng tindahan at sure ka na malinis at maganda ang quality ng ititinda.  Medyo kailangan ding maging extra friendly, para dumami ang suki. ;)

brownpinay

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #14 on: August 04, 2012, 08:55:05 pm »
SIs jeauzakae saan ka sa bulacan?

jeauzakae

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #15 on: August 10, 2012, 06:18:13 pm »
sis marilao po ako

shacalilung

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #16 on: August 11, 2012, 01:06:57 pm »
mga sis may alam po ba kayo na dealer ng marlboro in cavite area? tia  ;)

brownpinay

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #17 on: August 15, 2012, 03:08:41 pm »
Taga Marilao din ako sis, sa Marilao Grand villas sa loma de gato saan ka?

sis marilao po ako

smm_0411

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #18 on: August 23, 2012, 07:54:40 pm »
hi mga sis, just want to get an idea how much ang kailangan na puhunan para makapag tayo ng ganitong business.  I am planning to have one dahil mag for good na ako sa pinas at gusto ko sana may ibang source of income ang family namin.  TIA

TysLolakins

  • Guest
Re: General Merchandise/Sari Sari/Grocery Stores
« Reply #19 on: August 31, 2012, 03:05:56 am »
ito ang ultimate dream ko, ang magkaroon ng sari-sari store in front of the house.
kahit sa states ako nakatira (most of my life lang naman, hanggang ngayon), i still daydream about my little grocery store sa Pinas.  ang babaw hano?
and most probably i'll do it not for profit but something to do in my waning years. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close