watch now

Author Topic: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)  (Read 278812 times)

yha_chun24

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #540 on: July 20, 2017, 02:02:28 pm »
^^ thanks sis. Pag naglalagay ako ngayon ng tubig gamit ko big mug, 2 nun pero pag iinom nako dun lang sa maliit na cup. Mga 70% ata sya nung big mug, pwede na [textspeak!] yun. Di rin kayang tanggapin ng sikmura ko pag sumobra na sya dun. Kahit gusto ko pang inumin, kusa na talagang lumalabas.

^sis, nagstart ata sila ng mga 9 am, pero di ko na sure kung what time sila nagsasara. Laging dating kasi namin mga 10 am so nagstart na pag dumadating kami. Based naman sa ibang post ng mga sis dito til 6 pm ata sila pag monday to sat, tapos 3 pm daw pag sunday, not very sure though kung nagbago na.

yha_chun24

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #541 on: July 24, 2017, 08:49:32 pm »
Hi mga sis,

Update lang po ulit. Bali 3rd visit po namin kay Dr. Tan last saturday. Madami tao pero mas madami pa din yung sunday. Tsaka sobrang traffic din po pala pag saturday sa lugar nila 😓

Yung herbal tea ko this time ang konti na lang ng ingredients and sabi naman ni Dr. Tan eh may improvement ulit. Yung sa mom ko aside from herbal tea, niresetahan nya din ng anti-cancer pills.

Mukhang masungit si Dr. Tan (father), pero everytime na icecheck nya ko parang natutuwa syang pinagtritripan ako. Last time nirereto pa ata niya ko dun sa isang patient na chinese (chinese yung convo nila nung ale na kasama nung guy, ewan ko kung assuming lang ako) tanong nya kasi age ko, tanong kung may asawa daw ako pero walang anak. Sabi ko wala asawa, tapos tanong kelan kasal. Sabi ko 4 years pa doc. Tapos kinausap yung ale ng chinese pangiti ngiti pa sabay tingin dun sa guy. Nahiya yung ale tsaka pabirong hinampas si Dr. Tan. Pilyo din si doc eh. Ahahaha 😂

P.S. Matangkad yung guy, di ko lang natitigan mukha, dalagang pilipina ang peg ko that time. 😄

HealthisWealth

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #542 on: August 08, 2017, 06:00:52 am »
Kung herbs gamitin nyo eh bili kayo nung measuring cup para accurate.  Yung cup ng bigas sa rice cooker yun ang tamang measure..... Sa herbs kasi kailangan mo talaga bantayan pag pinapikuluan.

Or bili kayo electric ceramic tea pot.  Meron yan sa ongpin.  Yan antay nyo na lang kasi dekuryente na wala ng bantay-bantay..

Basta pag laga ang pwede gamtin eh ceramic, palayok, glass pyrex.  Low heat lang para hindi pumutok.   

Pero para wala na hassle yung tablets na lang.  Papipilin kayo dr tan if herbs or tablets.....

Sa next visit nyo tanong nyo if ok lang tablets.    Kasi yan hindi na kayo magkakamali ng laga.... direcho inom na lang.


ginger421

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #543 on: August 25, 2017, 08:33:53 am »
Sis, meron bang napagaling si Dr. Tan na may chronic kidney disease? Mostly kasi ng mga testimonial, cancer.. meron akong nabasa somewhere, ang sabi, made it worse pa daw.. sabi rin ng mga doctors, as in no no to chinese herbal, pito pito, kasi nga mga tea's bawal talaga sa kidney.. im confused na din, if i try or wag na. Baka nga naman lalo pang mapasama.. 

handlewithcare

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #544 on: August 25, 2017, 11:23:40 am »
^Yes, may napagaling sya na may kidney disease. May nakasabay ako dati na senior citizen. Sa kidney daw problem nya. Nung unang punta daw nya halos di sya makalakad. Hanggang sa nag-improve. Kaya sya bumabalik kay doc for maintenance na lang daw. 
 
Pero depende pa rin sayo yan sis. Iba iba naman katawan ng tao. So iba iba din reaction sa mga herbal tea. Hindi mo malalaman kung anong effect sayo kung di mo susubukan.

yha_chun24

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #545 on: August 28, 2017, 05:24:42 pm »
^^sis, depende sa iyo kung gusto mo i-try or hindi. I believe naman sa diagnosis ni Dr. Tan, so if sa kidney prob mo, for sure yung right medicine for you naman yung maibibigay, pero still it depends pa din sa iyo if you really want to try.

ginger421

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #546 on: August 30, 2017, 10:51:43 am »
Thanks sis for your replies. Dad ko yung may ckd. Actually nag pa check up na nga kami, and binigyan na siya ng meds for 3 days, pero ayaw niya inumin.

Sis handlewithcare, good to know, medyo malala na kasi yung kidney disease ng dad ko, kaya gusto ko talaga na subukan din..

Sis yha_chun24, after research, and reading  this thread, medyo naniniwala naman na ako kay Dr. Tan, ako nga yung nag insist na try namin kay Dr. Tan, Ang hirap lang din kasi mag decide and mamilit if ayaw niya, hindi ko naman katawan yun. 

piatos

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #547 on: September 02, 2017, 09:42:35 am »
may naoagaling na ba siya may myoma?

yha_chun24

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #548 on: October 15, 2017, 08:54:53 am »
^Hi Sis, personally wala pa akong nakausap for that certain condition but based from what I?ve read from comments sa mga blogs etc, meron ng mga testimonies.

^^Hi Sis, how?s your dad? Hindi nya ba talaga nainom yung herbal tea?

As for my mom?s case, after ng more than 2 mos na pagbalik balik namin, bigla she decided ayaw na nya. It?s not that walang effect sa kanya, actually kung ako yung tatanungin, malaki yung paniniwala ko na nakatulong ng malaki yung meds ni dr.tan with her liver,
except marahil sa pain management. The whole duration kasi ng pagpabalik balik namin, she experienced severe abdominal and back pain twice, yung last time need namin sya i-admit sa hospital, after that ayaw na nyang bumalik. But the solid lesion in her liver, remains the same in size and hindi kumalat which for me is somehow good news na din considering two months pa lang kami nagpapacheck what more pa sana kung tumagal tagal na. Pero like you?ve said nga, sa kanila kasi katawan yun, sila yung nagdedecide. As for my part, nagpapacheck pa din ako kay dr. tan for my own health issues.

Btw, paragis yung iniinom ng mom ko now. Honestly, I am worried compared noong herbal tea ni dr. Tan yung iniinom mya but I can only hope for the best. God still is the great Healer.
 

yha_chun24

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #549 on: October 15, 2017, 08:58:33 am »
^^Hi Sis, how?s your dad? Hindi nya ba talaga nainom yung herbal tea?

As for my mom?s case, after ng more than 2 mos na pagbalik balik namin, bigla she decided ayaw na nya. It?s not that walang effect sa kanya, actually kung ako yung tatanungin, malaki yung paniniwala ko na nakatulong ng malaki yung meds ni dr.tan with her liver,
except marahil sa pain management. The whole duration kasi ng pagpabalik balik namin, she experienced severe abdominal and back pain, yung last time need namin sya i-admit sa hospital, after that ayaw na nyang bumalik. But the solid lesion in her liver, remains the same in size and hindi kumalat which for me is somehow good news na din considering two months pa lang kami nagpapacheck what more pa sana kung tumagal tagal na. Pero like you?ve said nga, sa kanila kasi katawan yun, sila yung nagdedecide. As for my part, nagpapacheck pa din ako kay dr. tan for my own health issues.

Btw, paragis yung iniinom ng mom ko now. Honestly, I am worried compared noong herbal tea ni dr. Tan yung iniinom mya but I can only hope for the best. God still is the great Healer.
 

HealthisWealth

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #550 on: December 06, 2017, 11:02:14 am »
hi any update sa mga nagpapagamot kay dr tan....

mas mahaba ba pila lately ?

meron pa ba mas ok na bilhan ng gamot kaysa ching tay?


*nightdreamer*

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #551 on: December 07, 2017, 08:32:49 pm »
^ i was there around 3rd week of November and super haba pa rin ng pila.  I've waited for more than an hour for my turn. Ganun talaga, tiis tiis konti para sa health :)

HealthisWealth

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #552 on: December 08, 2017, 02:44:19 am »
^
sa ching tay lang ba nakakabili ng gamot?


*nightdreamer*

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #553 on: December 11, 2017, 08:26:31 pm »
^ pwede rin yata sa ibang Chinese drug stores, but they say na may mga fakes din daw, kaya dun na lang ako bumibili sa recommended nila para sure

HealthisWealth

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #554 on: December 12, 2017, 12:47:39 pm »
pag nagreseta si dr tan pinapapili kung laga or tabletas..... saan ba mas makakamura?

*nightdreamer*

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #555 on: December 18, 2017, 10:30:41 pm »
^ I'm not sure lang kung saan makakamura. Though I think kapag tablets, medyo marami ito per inom, like 3-4 tablets per one take, then 3x a day. Usually, others choose tablets for convenience para hindi na sila maglaga, or  hindi nila kaya pait ng herbal tea. However, mas mabilis ang effect ng herbal tea kaya ito ang mas recommended nila.

HealthisWealth

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #556 on: December 24, 2017, 02:06:10 pm »
oo matrabaho lang kasi maglaga...... eh obsessive compulsive din ako mag-laga kailangan dapat precise....

may nakatry na sa inyo doon sa isa pa chinese doctor chen shaoyi sa araneta avenue qc  kung magaling din ba?

sha_0303

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #557 on: February 15, 2018, 12:30:20 pm »
Hi mga sis..

Just went to Dr. Tan last Sunday..
We went there around mga 8am.. Then nagpalista muna kami..
1st time namin..sinama ko si hubby.

Then ask ko if mga anong oras kami.. D pa daw sure.. Sobrang daming tao.. Pati hagdan puno..

Then sabi ni hubby simba muna kami at eat.. Kc d pa kami ng breakfast.
Nakabalik kami mga 11am.. Then wala pa [textspeak!] name namin sa list ng tinatawag.  Medyo ng panic ako kc baka nalagpasan kami.. Pag nalagpasan na daw.. Pumila ulit... Un pala ang mga tinatawag pa lang is pang 6am to 7am dumating..

Then natawag kami mga 1230pm na.. Dun kami natapat sa anak.. Kay John daw...  Pupulsuhan ka nya then check [textspeak!] dila..
Nakakagulat lang kc..sabi nya may problem daw ako sa liver and thyroid.. Eh wala naman akong alam na may problem ako dun..
Si hubby amazed.. Kc lam [textspeak!] sakit ng lower back nya...
Na pa laga na lang [textspeak!] napili ko din... Pero balak ko kc tablets kc may work ako.  D ko ma prepare un. 

Pag dating sa ching tay drugstore.. Andun ulit kaming lahat na nakapila..
Mahal [textspeak!] kay hubby 1,800.  Sa kin 300 lang..

Try muna namin.. Next time try ko mg tablets.. Kc nasusuka ako... Gusto ko talaga ubusin na [textspeak!] tea.. Kaso talagang hehe..

Questions po..
Need ba na puro [textspeak!] tea? 
And ilang tubig ilalagay po?  Kc si hubby ng laga.. Parang malabnaw eh.. Ang dami nyang nagawa... Nyek..

hushush

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #558 on: February 15, 2018, 05:17:23 pm »
^hello sis! Ano pong tea yung inireseta sa husband mo? Di ko mabasa kasi nakatextspeak eh. :D

sha_0303

  • Guest
Re: DR. TAN of BINONDO (A Chinese Herb Doctor)
« Reply #559 on: February 22, 2018, 12:30:22 am »
Hi sis..

Oo nga bakit ganun post ko.  hehe

Nireseta kay hubby is mga herbs din... Kaso mahal 1,800 for 3days na.  Sa akin kasi 300 lang.

So far,  ok naman kaso... D namin masunod lahat ng bawal na kainin.  Ang daming bawal foods kasi.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close