watch now

Author Topic: Calaguas Thread 5  (Read 70997 times)

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #60 on: January 19, 2013, 10:07:37 pm »
magkano ang diesel? saka kasama na ba yung bayad ng driver jan?

meimei

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #61 on: January 19, 2013, 10:58:41 pm »
^from my understanding of the quote, diesel charge would be based on actual (so depende sa traffic condition at the time of your trip), pero for a good estimate, PM mo na lang si Melvic (andito siya sa Calaguas thread). and from my understanding, that cost includes the driver cost kasi ang weird naman na as in yung sasakyan lang yung cost na yun. check with him na lang.

anyway, here are his contact numbers (i can post it because it's in his signature anyway so public info talaga):

09092944444, 09065144444, 09328809444

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #62 on: January 19, 2013, 11:40:38 pm »
Thanks! yung maculabo pede sya daanan from Mahabang Buhangin, tama ba? Ano pang islands ang pede i-side trip? Aywa kasi namin ng Bagasbas  na side  trip kasi panget yung beach e hindi naman din kami nagsusurf. =)

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #63 on: January 20, 2013, 09:40:25 am »
Pwede bang humingi ng contact ng boatman na pwede magside trip sa maculabo tas paracale ang route?

Thanks!

FABems

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #64 on: February 02, 2013, 04:44:32 am »
We'll be here on the 23rd, sana di mataas ang waves :)

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #65 on: February 04, 2013, 09:54:01 am »
We're on our way home na. Stop over namin ngayon sa Lucena. :)

Out boat ride was super scary. 6 lang kami sa boat plus 2 boatman. Umulan din ng saturday, fiesta kasi ng paracale.

Grabe talaga. I can't describe kung gaano kalalaki yung alon. Kung gaano kahigpit yung kapit namin sa kung anong pwede naming hawakan. Puro headshot kami ng alon as in basang basa kaming lahat. Mas mataas pa yung alon kesa samin tapos parang jungle log jam pag nasa taas na kami ng alon. I'm not exaggerating ha. May group na nauna sa aming umalis, pero naunahan namin sila. nakapagluto na kami ng Lunch bago pa sila dumating. akala nga namin bumalik nalang sila. ang gagaling ng nga boatman naming sila kuya joseph at kuya jun! Pero pagdating namin dun super ganda ng calaguas. Kami lang yung andun plus yung isang group na nasa kabilang dulo ng island.

Everything was worth the trip.pagbalik namin ni hindi kami natalsikan ng tubig.

Total damages, 2600 for 6pax.all in na yun pati yung tip! Super dali mag DIY no need for tour packages. Lahat kami first time sa calaguas.

Pag need niyo ng contact number nila kuya ask niyo lang sa akin. Plus makakatulong tayo sa kanila if wala ng middleman na kukuhain. Iba kasi yung kontak ko talaga kaso middleman siya so nakihati pa siya sa kita instead na hati na sila kuya at yung owner ng boat sa kinita.

Sorry haba ng post ko. Dapat sa blog ko na agad nilagay. Hehe.

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #66 on: February 04, 2013, 10:41:27 pm »
sis by bus ba kayo? anong sinakyan nyong bus?

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #67 on: February 05, 2013, 11:27:21 am »
philtranco sis! :)

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #68 on: February 05, 2013, 12:20:28 pm »
yung GS ba kinuha nyo? pabalik yun din?

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #69 on: February 05, 2013, 01:32:10 pm »
not sure what GS means sis, pero we rode Philtanco from Cubao, bumaba kami sa talobatib, then tryk papunta
sa Paracale. tryk is worth 250. tas from paracale sinundo kami ni boatman.

pauwe naman, from paracale, may Van dun papunta ng Daet. Tapos tryk ulit papunta ng philtranco. kaso 9pm pa yun, so nagpunta pa
kami sa DLTB mas malayo nga lang.

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #70 on: February 05, 2013, 09:55:18 pm »
oo nga sis ang alam ko nga 9pm pa yung bus pabalik ng manila via philtranco. yung DLTB what time umalis? via vinzons naman kami

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #71 on: February 05, 2013, 10:29:22 pm »
Mas malapit at mas mura daw kasi sa paracale sabi ng mga nababasa ko sa blogs. Ang yes, accesible din ang paracale, malapit [textspeak!] din ng palengke.

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #72 on: February 05, 2013, 10:37:41 pm »
sis what time yung nasakyan nyo na DLTB na bus pabalik ng manila?

matetreyes

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #73 on: February 07, 2013, 10:39:24 pm »
hindi kami tuloy bukas. tumawag yung taga-tourism ng vinzons, hindi daw maganda ang panahon at ang alon ngayon. baka mastranded lang kami. sa march 1 na lang kami punta.

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #74 on: February 08, 2013, 06:36:53 am »
Dltb back to manila is 8:30

Sis matet, malalaki talaga yung waves ngayon, kahit ng nagpunta kami sobrang scary at delikado!

angel_kulit

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #75 on: February 21, 2013, 02:08:46 pm »
sa calaguas kami last weekend. malakas ang hangin ngayon and maalon talaga. ng papunta kami maliit na bangka lang ang gamit namin grabe basang basa kami pagdating sa calaguas. maganda naman ang weather pero talagang malakas ang hangin. ng pauwi na kami malaking bangka na ang gamit namin, akala naman di na kami mababasa kasi nga malaki na ang gamit na bangka pero mas malaki ang alon compare nung papunta kami. nakakatakot ang biyahe namin in a way kasi nga talagang kita mo ang laki ng alon tapos talagang magalaw ang bangka.

second time ko na sa calaguas. last may 2012, ang smooth lang ng biyahe as in hindi kami nabasa sa biyahe (papunta at pauwi). naisip ko pa nga grabe ang nababasa ko sa ibang post na ga-bahay ang alon pero sa na-experience ko last weekend feeling ko ga-bahay na ang alon pero sabi ng bangkero namin may mas malaki pa daw doon.

i think magandang magpunta ng april to may.

littlemissbiyotch

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #76 on: February 27, 2013, 03:14:11 pm »
We're on our way home na. Stop over namin ngayon sa Lucena. :)

Out boat ride was super scary. 6 lang kami sa boat plus 2 boatman. Umulan din ng saturday, fiesta kasi ng paracale.

Grabe talaga. I can't describe kung gaano kalalaki yung alon. Kung gaano kahigpit yung kapit namin sa kung anong pwede naming hawakan. Puro headshot kami ng alon as in basang basa kaming lahat. Mas mataas pa yung alon kesa samin tapos parang jungle log jam pag nasa taas na kami ng alon. I'm not exaggerating ha. May group na nauna sa aming umalis, pero naunahan namin sila. nakapagluto na kami ng Lunch bago pa sila dumating. akala nga namin bumalik nalang sila. ang gagaling ng nga boatman naming sila kuya joseph at kuya jun! Pero pagdating namin dun super ganda ng calaguas. Kami lang yung andun plus yung isang group na nasa kabilang dulo ng island.

Everything was worth the trip.pagbalik namin ni hindi kami natalsikan ng tubig.

Total damages, 2600 for 6pax.all in na yun pati yung tip! Super dali mag DIY no need for tour packages. Lahat kami first time sa calaguas.

Pag need niyo ng contact number nila kuya ask niyo lang sa akin. Plus makakatulong tayo sa kanila if wala ng middleman na kukuhain. Iba kasi yung kontak ko talaga kaso middleman siya so nakihati pa siya sa kita instead na hati na sila kuya at yung owner ng boat sa kinita.

Sorry haba ng post ko. Dapat sa blog ko na agad nilagay. Hehe.


Subscribing! Sis Aileen, kailangan ba may makausap na boatman prior to the trip? Plan ko kasi mag-punta, kaso mag isa lang ako:( Feeling ko mapapamahal ako sa boatman pa lang:( Pwede ba yung 1 day stay lang dun sa Calaguas tapos balik sa town before sunset?

aicute12

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #77 on: February 27, 2013, 04:33:28 pm »
Hi sis, mas okay if meron ka talaga contact. Kung mag isa ka lang sis, makisabay ka mga grupo na aalis dun. Sa may port kasi, abangers ka nalang dun! pero dapat meron kang contact para sureball incase walang group na umalis ng araw na yun.
Mapapamahal ka talaga kasi mag isa ka.

And yes, pwede day tour lang. Ng time na nagpunta kami, may naabutan kami dun 3 sila, hindi na sila nagrent ng cottage. Naglunch lang sila may dala sila food tapos swim swim lang.
Then umuwi na sila ng hapon. :)

FABems

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #78 on: February 28, 2013, 08:49:49 pm »
Went here last Feb23-24 Super ganda promise nakakainlove sa ganda 👍 Share ko lang na despite of the hassle its super worth it 😊
       Dumating kami sa Vinzons Port ng 8am at tinext namin yung boatman, ang reply niya akala niya daw kinabukasan pa ang dating namin.Take note mahirap basta sumugod sa Vinzons na walang boatman na kausap.Imagine 22 kami so need talaga ng big boat and wala gustong magsakay sa amin dahil taken na yung mga boat. We decided to take yung dun sa private port na may big boat around 10:30 kasi hindi pa rin kami nakasakay.Malapit lang yun sa Vinzons pero hindi nila kami pinayagan kasi anlakas ng alon daw. We decided to go to Paracale around 3pm na at isasakay daw kami ni Mang Boy. 2 small boats yung sa amin.Totoo nga na Jungle Log Jam ang alon at basang basa kami. 2hours 30mins byahe dahil maalon. Kontra din kasi yung waves kaya antagal ng byahe. We're glad na nakarating kami kahit 5:30pm na.
Sobrang ganda i'm not exaggerating ha?! Creamy nung sand tapos clear yung seabed at walang lumot.
Pagdating ng kinabukasan 5:30am the water is so irresistable as in we don't mind the sunburn na aabutin namin. Ang weird lang ng weather aambon tapos aaraw pero yung ambon hindi tatagal ng 10 minutes. Pauwi namin, mga 3pm 1hour and 30 mins lang to Paracale nakiayon yung waves pero sobrang nakakatakot! Mas malaki pa sa bangka namin yung alon na hindi namin makita yung island ahead of us na parang kakainin yung small boat namin.Nakailang dasal kami at grabe basang basa ko dahil umuulan pa.

I've been to Boracay and Coron but Calaguas captured my heart 😄

abbykulet

  • Guest
Re: Calaguas Thread 5
« Reply #79 on: March 02, 2013, 10:56:08 pm »
I want to go here habang di pa sya masyado sikat... :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close