watch now

Author Topic: I can't understand my mom :(  (Read 6103 times)

i.love.siomai

  • Guest
I can't understand my mom :(
« on: May 23, 2012, 12:27:04 pm »
I don't know how to start. I have this 3 brothers, they already have their families but still living with us. lahat ng expenses sa mama ko.from food they eat everyday,laundry stuff,baon ng mga pamangkin ko,load,yosi,merienda and so on. wala sila contribution kahit singko..walang mga trabaho. alak,pera,magreklamo pag wala. pinauwi sila dito sa bahay yung isa kasi nagkaproblema pinapagbayad kami ng 200k daw! papatayin daw pag di nagbayad. mama ko naman ayan until now binabayaran pa rin yun kahit nang-uutang na lang patago pa nya ginagawa though kami nahahalata namin.hindi naman kami mayaman para gawin nya yun..in the end kami wala magastos sa bahay.then yung isa naman hes working then parang tinatamad na daw kesyo nakakapagod daw,hello? anong work ang hindi nakakapagod?? magwowork man mama ko pa nagpapadala ng pangkain nya at everyday gastusin duon.eh parang baligtad diba? nagwork pa! then last april may nangyari sa wife nya sinugod sa ospital walang kapera pera! imagine dapat manganganak na sa june walang ipon! mama ko gumastos lahat lahat.she keeps on denying na wala naman daw sya ginastos,nalaman namin totoo nang utang nanaman para mailabas sa ospital sil ko..ang ayaw namin nagsisinungaling pa.wala naman utang na loob mga kuya ko as in inaaway pa mama ko pag di naibigay gusto or pag ayaw ulam sa bahay.ang kakapal ng mukha di ba? ang dami din kalokohan na pinagagawa eversince were kids until now.pag may nagagawa kalokohan my mom keep saying hahayaan na,di na pakikialaman then pasikreto naman magbabayad! di ko talaga maintindihan mama ko bakit ginagawa nya ito.di man nila maappreciate.tsaka parang tinuturuan nya maging dependent mga kuya ko.pag may kailangan agad agad ibibigay kahit wala na sya pera.minsan gusto namin iwan na at magsarili na kami ng mga kapatid ko babae kasi parang sila lang mga anak nya :(
« Last Edit: May 23, 2012, 12:42:48 pm by i.love.siomai »

i.love.siomai

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #1 on: May 23, 2012, 12:35:59 pm »
pero naaawa ako sa kanya if iiwan namin..for sure kakawawain lang nila.inaako nya lahat ng problema na ginagawa nila,kung tutuusin hindi na nya dapat pakialaman mga ganun bagay..sobra sobra ginagawa nya.then my father uuwi sana this june pinacancel nya.im sure may patago nanaman binabayaran sa mga kalokohan ginagawa ng mga kuya ko.naawa ako sa father ko walang kaalam alam sa mga nangyayari dito.sobrang naapektuhan kami dahil kasama namin sila sa bahay.nakakairita! Minsan kahit hindi sila yung gumawa ng kalokohan sa kanila pinapasa dahil alam nila na magbibigay agad mom ko. nauuto nila.kung ako siguro naging mother nila, matagal ko na sila iniwan!
« Last Edit: May 23, 2012, 12:44:15 pm by i.love.siomai »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #2 on: May 24, 2012, 12:05:01 am »
I feel for you sis but it's going to be hard to understand your mom simply because she is acting on a parent's perspective. Your perspective is that of a sibling, malaki difference non :( My mom supports one of my brothers too and there was a time na my eldest brother brought nothing to our family but shame, anger, troubles, and what not. But my mom stood by him, and her only reason for that  no matter how painful it was for her was that he is still her son no matter what. In our culture, mahirap palitan and mawala yan.

BUT, I'm not saying that it's something na dapat pabayaan mo lang and makita mo mag-suffer mom mo. Try talking to your mom in a non-aggressive and non-defensive way. It would prolly help if you put it in such a way na you want your brothers to learn responsibility instead of pointing out their mistakes. Kase pag na-attack mo yung faults ng brothers mo, I'm sure that being a mom, magiging defensive sya and baka magkasamaan lang kayo ng loob. I dont know if that's something you can completely affect a change to, but out of concern and love, you also have to try din diba? :)

i.love.siomai

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #3 on: May 24, 2012, 01:32:59 am »
^thank you sis for replying!
I understand it's love,but it's over..sobrang nagpapakatanga at nagpapakabayani na sya sa ginagawa nya. minsan kinakausap namin nagagalit then sasabihin wag na daw kami makialam..gustung-gusto nya akuhin lahat ng problema nila.sya nag-sasuffer mag-isa.minsan di namin alam mga ginagawa nya umaalis ng bahay pag-uwi magsisinungaling.malalaman mo na lang nagbayad na..kami nga dito hirap sa pera tapos sya itatapon na lang basta.eh pinaghihirapan ng father ko mga iyon.hindi nya alam situation namin dito sa bahay..honestly,hindi naman sa pagiging masamang tao,without my brothers siguro ang saya ng family namin :( masaya din mom ko at walang problema.

justin3

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #4 on: May 24, 2012, 02:28:43 am »
your kwento, di nalalayo sa kwento sa thread na to

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,257768.0.htm

kung ako lang ang masunod, lalasunin ko yang mga bro mo eh. but mothers are mothers. karamihan di matiis ang mga anak. kunsintidora na kung kunsintidora. eh ano ngayon? kaya nga we have the likes of Annabel Rama and Marlene Aguilar eh.

live with it!
read the thread. you may get something in it.  ;)

lonelymiss28

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #5 on: May 24, 2012, 04:09:23 am »
Thanks justin3 sa pag post ng thread ko dito.

sis i.love.siomai, ako rin 4 bros ko naman and nakatira sa parents ko pati family nila. and same tayo ng sobrang matulungin mama natin to a point na sobrang umaabuso na mga bros natin, unfortunately sis, wala talaga tayong magagawa sa sitwasyon na yun about our mom na sobrang matulungin kahit na ano sabihin natin malamang oo lang ang isasagot sa atin pero di rin ma babago ang sitwasyon.

pov ko lang sis, 2 ang pwede mong gawin sa stiwasyon na ito. umalis ka ng bahay at magsarili ng tirahan or live with it sa ganyang sistema.

kung ako ang nasa sitwasyon mo aais ako ng bahay and tutulong ako sa mama ko by buying her something every month like clothes, undies, favorite food and hindi ako magbibigay ng pera dahil isa yan sa aasahan nya monthly (i learned that lesson). and i will bring her to different restaurant every month na kayo lang 2 para bonding with her and also to make her feel na andyan ka lagi at di mo sya nakakalimutan.

alam ko sis ang nararamdaman mo na mahirap pag involve ang magulang natin tapos yun bang wala kang magawa na alam mong sobra silang nahihirapan. it will come to a point na di mo na alam kung kanino ka maaawa kung sa mama mo ba pero wala ka naman magawa or sa sarili mo ba na wala kang magawa sa sitwasyon???

be strong sis, and its nice na may ganitong thread na pwede nating i post lahat ng saloobin natin, dahil sa totoo lang it really helps me noong dumaan ako sa sitwasyon mo ngayon. 

Princess_Chill

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #6 on: May 24, 2012, 05:57:17 am »
sis i can't blame your mom na she still supports your brothers kahit na may mga pamilya na..nanay yan e...

i agree with sis twelvth..you talk your mom ng maayos let her realize that if she loves your brothers kailangan niya turuan ng leksyon sila...kasi the more na i spoil nya mga kapatid mo lalu sila malulugmok...

e papano pag wala na mama mo? saan sila pupulutin diba?


i.love.siomai

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #7 on: May 24, 2012, 01:11:59 pm »
@justin3
thank you! will check that :) kung pwede nga lang eh matagal nanamin ginawa!lol kung may powers lang tayo na burahin mga taong ayaw natin noh?haha

@lonelymiss28:
sis, gusto ko nga talaga humiwalay na..but di pa ako stable,student pa ako :( kung may magagawa din ako gusto ko ihiwalay mama ko sa kanila..may balak pa sya ipang upa daw ng bahay for sure sya gagastos ng patago sa lahat.ok lang sana dito sila,pero sana man lang marunong makisama.maghapon nuod ng tv nakakulong sa kwarto lalabas pag kakain na.

keep supporting your mom sis.shes still lucky at andyan ka for her :)

oo nga sis.thanks to GT and to our former GTalkers kahit paano nakakaluwag sa dibdib.

@ Princess_Chill
Oo nga sis but pati hindi nya obligasyon inaako nya..ganun din sabi ng father ko paano kung wala na sila?
 parati namin kinakausap regarding this..parang kami pa mali.di ko talaga maintindihan.


thank you sisses for taking time to read and reply to my thread :)
« Last Edit: May 24, 2012, 01:22:15 pm by i.love.siomai »

AnneGEAM

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #8 on: May 24, 2012, 05:00:44 pm »
I guess some moms really choose to support their kids no matter what. We can't blame them for that :) But I totally get you.

I think in the end, what each parent has to think of is this: What am I doing today to help my son/daughter (child or adult) to become independent. You know, no one lives forever so we have to prepare children to become independent.

lonelymiss28

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #9 on: May 24, 2012, 07:40:05 pm »
i.love.siomai
student ka pa pala sis, anyway the best thing you could do now is to study hard and magtapos para makahanap ka ng trabaho at makaalis ka dyan. unfortunately sis pagdating sa family wala talaga tayong magagawa kahit na ibigay mo pa ang mundo mo sa kanila. pag sa ganyang sitwasyon sama2 kayong babagsak dahil kahit na anong solusyon ang gawin mo kung yung taong tinutulungan mo ang ayaw gumawa ng paraan wala kang magagawa.

sa naging experience ko sis sa mga kapatid ko, lahat sila binigyan ko ng papel para makapuntang abroad ako lahat ang gastos as in wala silang gagastusin kahit na singko, ang gagawin lang nila ay mag pass ng document sa canadian embassy para ma process di pa nila nagawa, isipin mo yun. kasi nga ayaw nila...kaya sa mga kapatid mo kahit na ano gawin mo sis, sa ganyang sitwasyon wala talagang solusyon yan.

ang tanging magagawa mo is para sa sarili mo na labas sila dun. do everything para umasenso buhay mo (hindi nyo), sa iyo lang, then pag asenso ka na tulungan mo mama mo by getting her out of that place (kung sasama, kasi in my case ayaw nyang iwanan mga kapatid ko, so wala rin akong nagawa) or help her with her need (hwag pera ang itulong mo dahil alam mo kung saan mapupunta yan, tulad ng nangyari sa akin my mom never as in NEVER enjoy the money i sent her monthly). kung kelangan nya ng med ikaw ang bumili na tama lang pang 2 weeks, or damit or anything na ikakasaya nya.

namatay mama ko last feb. 25, and totoo na di alam ng mga kapatid ko gagawin dahil lahat sila asa sa mama ko, ngayon nila na realize na sobrang laking tulong mama ko sa kanila.kaya sobra silang sisi ngayon na dapat pala ganito ganyan ang ginawa nila. ako in the other hand is nagsisisi rin dhail kung alam ko lang noon ang alam ko ngayon i would have done things differently. i really really miss my mom but in a way nagpapasalamat na rin ako dahil wala na sya sa toxic life nya dati at peaceful na sya ngayon.

lonelymiss28

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #10 on: May 24, 2012, 07:44:28 pm »
AnneGEAM:

tama yung sinabi mo na dapat i train natin ang mga anak natin to be independent habang bata pa sila. and for us parents naman dapat din na maging independent tayo sa mga anak natin at hwag tayong maging palaasa sa kanila pag matanda na tayo kasi nakakaawa ang anak na imbis mag focus sa sarili nilang asawa at anak may mga magulang na sa anak lang umaasa. :((

i.love.siomai

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #11 on: May 24, 2012, 08:18:52 pm »
@annegeam
yeah sis..you're totally right! :)
they choosed to support their child sana man lang ma-appreciate nila.

@lonelymiss28:
awww, you're mom died already? :'( I'm sorry to hear that sis..condolence...
ganun din nasa isip ko sis.pagbutihan pag-aaral para matulungan parents namin.wala kasi natapos mga bro ko kaya ganyan naging buhay nila at pinili nila maging ganun dahil di sila nag-aral ng mabuti. though minsan nahihiya na ako mag-aral with my age..pero iniisip ko paghihirap nila.tagal ko kasi nagstop sa pag-aaral dahil malaking gastos nagawa nila dahil sa mga kalokohan nila..nagkasakit din sa puso mama ko.nung march lang namin nalaman :( medyo ot na...
wala talaga kami magagawa kung sya mismo di kami pinapakinggan.nakakalungkot..Ang swerte na ng mga kapatid mo sayo sis. kung kapatid lang kita! I've read your thread.di ko pa natapos medyo mahaba :)
« Last Edit: May 24, 2012, 08:28:18 pm by i.love.siomai »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #12 on: May 24, 2012, 09:23:38 pm »
In our culture, it's really hard to get move away from pampering each other's family members too much. I think the same principle applies with parents who also tolerate their child's bad behavior even though they know that it's wrong. At that stage, masyado ng deep ang dependency with each other. I'm not sure if that's your mom's love language, yung magbigay ng magbigay kahit mali and abuso na. My mom has that tendency too, believe me. Ilan beses na din namin napag-awayan yan. Yung sa pagbigay nya sa ibang relatives, nawala na. But yung sa ibang brothers ko, hinde pa din nya maiwasan simply because nga na she loves them too much. I'm not dependent on my mom kase for material needs kaya iba ang perspective ko and sometimes I dont get it too. But it is what it is. But at least my brothers are also quite independent and may pride din naman sila na they want to accomplish and get things done by themselves.

I read something about parenting before na as a parent, you want to give everything to your child and you want to always be there no matter what. That's inevitable. But one of the best measures of being a good parent is when you are able to equip your kids to make the right decisions even if you're not there :) Dont lose hope ilovesiomai, just be there for your mom and if you can too, talk to your brothers din :)

Princess_Chill

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #13 on: May 24, 2012, 11:45:06 pm »
@sis lonely

im sorry for your loss.

@i.love.siomai

sis tama mga sissies natin na pag igihan mo nalang pag aaral mo para umasenso buhay mo...i know we can't avoid na tumulong sa mga kapamilya natin pero may limit...good luck sis...

justin3

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #14 on: May 25, 2012, 01:21:50 am »
i.love.siomai - ikaw sis ha? you're not telling everything here pa. sa kabilang thread ko pa nabasa. eh, durugista pala ang isang bro mo. aba, dapat ipa-rehab nyo na rin yon sa ayaw nya at sa gusto. explain it to your mom that he is not the same son he used to be ganung may "bato" na ang utak nun.

to tell you, mas malaki ang pinagkaiba ng batugan sa isang durugista.

dapat next month, nasa rehab na rin yang si bro "bato" ha? ;D

aquacharly

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #15 on: May 25, 2012, 04:35:32 am »
All I have to say is:  hats off to JUSTIN for frequently putting together  stories/situations from more than 1 thread/post name even.     Kaya magaling mag advice.   

i.love.siomai

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #16 on: May 25, 2012, 11:10:23 am »
@justin3
sis, two times na nakapasok sa rehab yun.wala pa din. eto nga nag-aaway sila ng isa ko kuya kinakabahan ako baka magpatayan..inaalala ko lang mama ko may sakit sa puso.


thank you sisses sa mga advise nyo..it helped a lot.
heto nanaman mama ko nagsinungaling last month sabi nya magbabayad ng ilaw umalis ng bahay nalaman lang namin pinadalhan ng pera kuya ko pambayad ng apartment (dito na ulit sila nakatira w/c is as usual perwisyo ginagawa)now 2 days na kami walang kuryente naputulan kami..mas inuna nya mga wala naman ginagawa kundi gumawa ng sakit sa ulo..eto kami nagsasuffer :( tsk

lonelymiss28

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #17 on: May 29, 2012, 04:34:27 am »
hirap nga ng sitwasyon mo sis pero if i were you, magsisikap talaga ako na makapag tapos then pagsikapan mo na magkaroon ng sariling place, sa ngayon talagang tiis lang and prayers.

i.love.siomai

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #18 on: May 30, 2012, 12:55:06 pm »
That's what on my mind sis..kung makakapagtapos pa ako :( kasi nagagamit sa ibang bagay pang-aral ko..like those non-sense bayaran.

Princess_Chill

  • Guest
Re: I can't understand my mom :(
« Reply #19 on: May 31, 2012, 01:04:48 am »
sis siomai

try mo kaya mag part time? or rumaket para magkapera ka (syempre wag mo paalam sakanila) para naman kahit papano may pera ka maitabi na kung sakali wala kang pang school may mabubunot ka

 

Latest Stories

Load More Stories
Close