watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 55926 times)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #20 on: July 28, 2012, 10:13:55 pm »
thank you guys for supporting me and your apo. sobrang swerte ni nash to have grandparents like you. kahit walang kwenta yung family ng tatay niya at least sainyo sobrang bawi talaga. thank you so much

mdy

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #21 on: August 09, 2012, 03:43:39 pm »
Tatay & Nanay: Thank you for visiting us at the hospital last weekend and staying overnight just to make sure we're okay. I really appreciate the effort and the food you've bought us. Namiss ko tuloy ang luto mo nay :) thank you for being the great and loving grandparents that you are. Swerte talaga mga anak ko sainyo. And I'm happy to hear na through the midst of continuous raining and flooding this past few days, okay and comfortable kayo sa house. Finally, hindi nyo naranasan bahain. You deserve all the comfort and blessings that you have right now kasi mabubuti kayong tao. I love you both.

ayami

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #22 on: August 15, 2012, 07:12:23 pm »
Ma, I know you're okay pero something really is wrong with you. I'm really stressed when you're around cos you meddle with most of my affairs with my husband, school, financial wellness, etc. I know you are concerned about me pero you are OA na. naloloka na ko sa bahay, mas gusto ko na sa mother-in-law ko tumambay. she's more understanding and she listens to whatever I want to share without judgment. Hay naku ewan ko ba, we never really got along kahit nung buhay pa si papa. I thought magiging close tayo after his death kasi diba, it's just you and me, pero wala e. I tried. Ayoko na.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #23 on: August 21, 2012, 05:05:06 pm »
I hope you like the gift.

panda_princess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #24 on: August 21, 2012, 09:41:55 pm »
to my parents....

i hope marealise nyo na masyado nyo na kami inaabuso mag asawa...hindi ko obligasyon ang mga kapatid ko...sana marealise nyo na sa aming magkakapatid ako lang hindi nyo pinagaral pero ako inuubliga nyo na tumulong sa mga kapatid ko na mga nakapagtapos ng pagaaral....sana marealise nyo na hindi dapat kayo magalit sakin sa hindi ko pag tulong....sana marealise nyo na ayaw ko sila tulungan dahil gusto ko sila matuto...sana marealise nyo na maraming beses nyo na ako sinasaktan...sana sabihin nyo na lang kung ampon lang ako...sana matauhan na kayo! :(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #25 on: September 07, 2012, 07:40:07 pm »
Mama, thank you for your gift to Zoe. Thank you for loving my daughter and for always being there for her. Super love na love ka din namin ng anak ko.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #26 on: September 24, 2012, 09:41:28 am »
mother.. When will youstart thinking for others?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #27 on: September 25, 2012, 03:34:14 pm »
Mama, I know you're sad becaus eof Auntie's passing but we all know that she's in a better place now. I admire your love and care for her despite the things that she did to you in the past. You really are a good person inside out that's why you're always blessed. I'm sure Auntie appreciated the time and efforts you've spent for her, no one else did aside from you. Let's just remember how she was before she got sick. I'll miss her too.

jenie0519

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #28 on: September 27, 2012, 08:50:57 am »
Ma,

Please wag kang paranoid.  May tiwala ako sa asawa ko, hindi porke't sa kanya pa din nakapangalan ang ginagamit naming account sa bangko at hindi sa pangalan ko eh masama na ang asawa ko.  Hindi porke't hindi ko hinahawakan ang sahod niya, matetempt na siyang gamitin yun sa iba gaya ng babae.  Kung mambababae siya, problema niya yun.  May trabaho ako, hindi ako magiging kawawa.  At kung sakali man na patigilin niya ko magtrabaho, ganun pa din, pagkakatiwalaan ko pa din sya pagdating sa financial matters kaya please lang, wag mo kong awayin dahil napaparanoid ka.  Ang aga aga binubuwiset niyo ko, problema ko na kung pag nambabae asawa ko at iwan kami ng anak ko ng wala kaming pera.  Wag kang magalala hindi ako lalapit sayo at hindi ko babawasan ang padala ng asawa mo galing australia.

jan888

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #29 on: September 27, 2012, 10:16:30 am »
am glad i read the posts here..  i learned a lot from this thread especially the post of sis jeninajenina..  it really hit home..  i am guilty of shouting at my daughter when it comes to teaching her (school lessons) be at home or in the car.  once I lose my temper, I can't help but yell at her and at times hit her..  I don't want her to grow up having that monster mommy impression of me ( too late  :'( )  and worse, for remembering the hurtful words that I have already inflicted on her that I will not be able to take them back.. I will have to constantly remind myself to be more patient, after all she's just a 7 year old kid..   :-[

ot but I just have to share coming from a mommy's point of view..
 

mdy

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #30 on: September 28, 2012, 08:27:04 pm »
Nanay thank you sa food, sa stove and sa pag-aasikaso samen yesterday :) See you again next week on our "date". I love you nanay.

chedz.03

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #31 on: September 28, 2012, 08:45:27 pm »
Nay, Tay- salamat po kay Lord dahil kayo ang binigay Nya bilang gabay ko dito sa lupa.salamat sa walang katapusang pagmamahal at pagsasakrisyo para sa amin ni utol. Patawad sa lahat ng pagkukulang ko bilang anak. Ngayon na malayo ako sa inyo, mas nakita ko kung gaano kayo kaimportante sa akin bilang magulang ko.

Nalulungkot ako, hindi ako masaya na malayo sa inyo kasi ang isang araw ko bilang OFW ay isang araw na nasayang at nawala na kasama ko sana kayo. Pero alam ko biyaya ito ni Lord at dito ko kayo matutulungan kahot paano kaya magtitiis pa ako. Kulang ang pagsasakripisyo ko sa ginawa nyo sa aming magkakapatid mabigyan lang kami ng magandang buhay.

Lagi ko sinasabi kay Lord na ipahiram pa kayo ng matagal sa amin kasi hindi pa ako handa na iwan ninyo. At pasalamat ako sa Kanya dahil dinidinig Nya ang mga panalangin ko. Wala sana kayo maging malubhang sakit kasi di ko alam kung gaano kagiging takot ko pag nangyari yon.

Mahal na mahal ko kayo nay at tay. Kulang ang buong buhay ko para pasalamatan kayo. At dalangin ko din na sana mas maging mabuti pa akong anak sa inyo... Kung kaya ko lang ibigay lahat sa inyo gagawin ko. nalulungkot ako kasi di ko pa kayo mabigyan ng apo. lalo na nabasa ko sa [textspeak!] ni tatay na magiging masaya lang ulit kayo pagkatapos ko mapalayo sa inyo kung magkakaroon na kayo ng apo. Kayo ang kayamanan ko dito sa mundong ibabaw....

zanabee

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #32 on: September 28, 2012, 08:57:15 pm »
ma, pa, konting tiis na lang makakabawi rin tayo. darating din yung oras na maibibigay namin lahat ng kailangan niyo. promise ko yon. magiging ok din ang lahat lalo na pag nag ka bagong trabaho na mga kapatid ko. ma, pa sorry kasi hindi ko pa naiibigay ang lahat sa inyo. thank you for loving us unconditionally.

simplecathy143

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #33 on: September 29, 2012, 12:28:35 am »
Ma at Pa sorry hindi ko agad nasabi yung problema ko. ayoko lang po madagdagan pa yung iniisip niyo. pasensya din sa biglaang desisyon ko. babawi ako sainyo, magiging okay din ang lahat. salamat sa suporta. mahal na mahal ko po kayo.

muy003

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #34 on: September 30, 2012, 05:27:00 pm »
Nag aral ako ng mabuti, kahit pumalpak sa school, tuloy pa din. Kahit na hirap at gusto na sumuko, tinuloy ko kasi i want to excel like you dad. I wanted to be a lawyer too. Kaya lang after being a cpa, hindi ko na kaya. Ginawa ko lahat ito because i feel bad na nabigay mo samin kahat, pero wala ka nakitang return of investments.

I know you dont expect anything from us, pero nahihiya ako na wala silang nabigay sayo. Nagpursige ako, pero sorry na di ko na kaya mag law. Cpa na ako, sana pwede na yun..

Masama loob ko kasi kahit na tinatarantado ka ng anak mo, unconditional love pa din. U favor him over us all. Kahit na maling mali sya, masakit kasi ayokong magkamali noon dahil ayaw kita masaktan. Conscious effort yun. Pero...

Look at me now, ginagawa ko yung kapalpakan nya, just because. Gusto ko naman maramdaman na di maworry over how youd feel.

Mapride ako kaya ayoko patulong sayo.

Youre still the best daddy, i love you so much. Di ito magtatagal, magwork na ako ulit soon.

aria

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #35 on: September 30, 2012, 05:50:05 pm »
ma,

bakit ka unfair?

mdy

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #36 on: October 01, 2012, 10:46:15 pm »
Tatay: I was surprised to see my picture on your wallet. A good surprise :) very unexpected since hindi ka naman showy sa feelings mo and though alam ko na love mo ako we were never that close. Super natouch naman ako. Ang sweet lang hehe

Nanay: thank you sa date natin kanina :) Sarap talaga pag nag-iisa lang akong anak dito sa pinas, nasspoil ako hahaha! Pero eversince naman iba naman na talaga ako kasi favorite mo ko. It was good to see you again kahit everyday namantayo naguusap sa phone. And happy ako na makita kayong masaya ni tatay. See you again next week! Ingat kayo jan and love ko kayo :)

phatgirl

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #37 on: October 03, 2012, 02:27:11 pm »
hintay lang kayo dyan,sa Pasko mag aabot ako ng pera.pasensya na kung natitiis ko kayong di madalaw.nahihiya kasi ako wala ako maibigay sa inyo.wala naman ako trabaho,malaki gastosin namin mag asawa.basta hintayon niyo ako,miss ko na kayo sana di niyo ko sermonan kasi lagi na lang kayo nagsermon kaya ayoko magpakita.kalimutan niyo na yung mga bagay na 10 years ago pa nangyari.

gripfast

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #38 on: October 06, 2012, 07:32:01 pm »
Mommy! Ang mahal naman ng gusto mo na hehe! lolz I love you!


mdy

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #39 on: October 12, 2012, 09:44:48 pm »
Nay thanks for the scrubs and pasalubongs. See you tomorrow! I know you're happy with my good news, alam ko naman na pinagdadasal mo to so eto na :) ingat kayo bukas ha.... Mwah!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close