watch now

Author Topic: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS  (Read 55905 times)

mdy

  • Guest
SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« on: May 21, 2012, 08:31:42 pm »
To my father: Walang akong maisip na dapat ko ipag-thank you sayo. I only had bad memories of you as a child. And now na malaki na ako and have my own family, palagi mo pinapamukha saken na mashado akong naka-depend sa husband ko. Na dapat magwork ako at sustentuhan ka? No way! I finished school without your help and I dont remember anything na nai-contribute mo sa buhay ko so why should I bother? Do not push me na ipamukha sayo lahat ng pagkukulang mo kasi malapit na malapit na akong mapuno sayo.

blackroseMD

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #1 on: May 21, 2012, 09:40:06 pm »
^ aaawww.. Sis mdy, I think You really had taken things really bad... I hope someday you could find forgiveness in your heart one day....

Sana po, dumating yung panahon na pagkatiwalaan nyo ako...
Sana po, iparamdam nyo sa akin na proud kayo sa mga narating ko...
Salamat po sa lahat lahat...

caprice

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #2 on: May 22, 2012, 01:58:28 pm »
Ma, Pa, sana yumaman kami ng todo para mabigay namin lahat ng kelangan at gusto nyo.  :)

silveronfire

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #3 on: May 23, 2012, 05:18:48 pm »
mama and papa, i love you both!!!
mama, i pray na sana we manage your illness well para you'll get better na... we will help you get better and will take care of you.... love you always mamabear!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #4 on: May 23, 2012, 11:57:09 pm »
Mama - Thank you for always being there for us. You may not be too expressive or sometimes you don't really know how to express your feelings but I know what's in your heart. Thank you for loving and taking care of my daughter, that's the one thing I'm really grateful for cus I know you're not used to taking care of kids. Also, I hope you learn how to budget your money well. I feel really bad that you just spend and spend unnecessarily. Minsan naiinis ako how you complain that your money never seems to be enough when we all know that you have MORE than enough and you dont even have to work a single day of your life to get your money tax free. Be more appreciative and save money.

Daddy - The past few days have been quite lonely again because I started thinking about you a lot prolly because your birthday had passed. But I just want you to know that you're the greatest father anyone can ever have and I'm so proud that you were my dad. I wish I can experience having you again in my life, I sort of forgotten how it feels to have a daddy. Bilib ako sayo na even if in the afterlife, you still take care of the finances. Galing mo talaga :) I love you daddy and dont worry cus I will tell Zoe all about you and rest assured that she will know you to be the greatest father; second na to her daddy, may loyalty yan syempre :)

FOURever

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #5 on: May 24, 2012, 07:08:35 am »
Mommy, Daddy, super grateful ko na kayo magulang ko kahit di tayo mayaman! Pagbubutihan ko para sa inyo. Sana maging successful ako para mabigyan ko kayo ng maginhawang buhay. Don't worry. Kahit pasaway ako, loyal ako sa family natin :D I love you!

ivy u.

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #6 on: June 06, 2012, 10:25:53 am »
Ma, thank you so much po sa lahat-lahat ng ginawa mo para aming magkapatid, alam ko pagod kana sa pagtatabraho..pag yumaman ako kasama ka, mabibigay ko na lahat ng gusto mo..ingatan mo lagi ang sarili..natatakot akong mawala ka samin..i love you, mama..

Dad, mahal na mahal ko po kayo, kahit po wala kana sa mundong ibabaw, naaalala at nagpepray parin ako para sa inyo..maraming salamat po sa pag-aalaga sakin..

luckymommy88

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #7 on: June 06, 2012, 03:53:49 pm »
Mom and Dad-you two are simply amazing. Thank you for instilling in us the values of hard work, simplicity and being thankful. We love you to bits!

happyb2b.2014

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #8 on: June 08, 2012, 10:58:50 pm »
i love you mommy and daddy! thank you sa pagmamahal at sa pagaalaga. :)

kayo ang idol ko and i hope na i will be a good parent tulad nyo. wala kayong pinakitang panget sa akin. i know na walang couple na hindi n!g-aaway pero never as in never ko kayo nakitang nag-aaway. argue oo pero away never. i love you sobra mommy and daddy! nagpapasalamat ako sa lahat lahat ng bagay na itinuro at ibinigay nyo sa akin. you are the most generous, compassionate, loving and genuine people. love you love you :)

shegothim

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #9 on: June 15, 2012, 03:51:00 pm »
nanay at tatay: dati masama ang loob ko kasi halos ako ang gumagastos sa lahat ng bayarin sa bahay. sorry at masyado akong naging proud at mayabang. ngayong ako naman ang karampot ang kaperahan andyan kayo para tulungan ako ganun. iyong mga niyayabang ko noon kayo na halos ang umaako. sorry sa lahat ng pagsusungit ko at minsan pagtaas ko ng boses sa inyo. sorry talaga masyado akong naging proud noon.  salamat at sinusuportahan nyo pa rin ako sa mga gusto kong gawin. alam ko proud kayo sa akin. salamat sa lahat nanay at tatay. mahal ko kayo.

myleia27

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #10 on: June 16, 2012, 02:25:15 am »

mama, sana matuloy na yung movie date natin.  thank you also sa walang sawa mo na pag aalaga kay baby kahit na super kulit nya. alam ko minsan nagkaka sagutan tayo pero alam mo naman na nakuha ko ugali ni papa, madali uminit ang ulo kaya thank you sa pag extend mo ng understanding sa akin. i know di mo masyadong type si hubby kahit nung mag bf pa kami pero thank you rin dahil nag rereach out ka sa kanya. na appreciate rin ni hubby yun kaya super saludo siya sa'yo dahil sincere ang kabaitan na pinapakita mo sa kanya.

papa,  hindi ako magsasawa na ipag grocery ka ng mga favorite foods mo. sana ingatan mo health mo kasi ang mahal ng mga medicines mo. hehe! alam ko silent type ka lang pero i can feel naman na thankful ka sa akin dahil ako ang laging kasama mo sa check ups mo. masaya ako na napapasaya kita in simple ways like kapag binibilhan kita ng ice cream or pansit. thank you rin dahil you're nice to hubby kahit like mama ay may reservations ka about him. thank you for seeing the positive in him, unlike ibang in laws na minsan negative lang lagi napupuna.

i love you both! weekend na and i'll see you again.  :)

chilla12

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #11 on: June 16, 2012, 09:50:23 pm »
Mom and Dad-you two are simply amazing,you are very lucky :):):):):)

mdy

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #12 on: June 17, 2012, 12:54:09 am »
Happy Father's Day! How I wish I could be proud of you like some of my friends are of their fathers. I know we didn't get along that much pero thankful pa din ako kasi kung wala ka, wala din naman ako. And kahit papano, mabait and loving ka naman sa mga anak ko so okay na din. Ingat ka palagi, you're not getting any younger. Wag matigas ang ulo hahaha! See you and nanay next month!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #13 on: June 17, 2012, 11:33:38 pm »
Happy birthday Ma. I'm glad to see you very happy today but I'm also sad that Keith's not with us, I know incomplete yung happiness mo. Thanks so much for always being there for us. We love you very much :)

jeninajenina

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #14 on: June 22, 2012, 09:21:55 pm »
Mama, Hindi naman ako kasing bastos ng iniisip nyo. Kanina nung tinuturuan nyo ko magdrive, sana isipin nyo lang na first time ko kaya magdrive ngayong araw na to, kaya mas madami ang mali ko nagagawa kesa tama. ewan ko siguro more than 20 years of driving makes you think like a pro.

sana lang wag kang sumigaw, ewan ko kung disorder ba to, pero pag sinisigawan ako, napapasigaw din ako in return, kaya nga madalas tahimik lang ako kasi nga ayaw ko magcause ng away at di naman kita pinapakeelaman sa pagiging chismosa at bias mo.

prrrreeeeeeeeeeeeeeeeenoooooooooo! preeeeeeeeeeeenooooooo! masakit sa tenga sa totoo lang, kaya nasabi ko na lang na ang ingay mo, kesa sigawan kita ng malakas.  kaya naisip mo na bastos ako dahil dun, ayaw ko lang kasi talaga ng manigaw dahil magulang kita at nirrespeto kita.

sana lang intindihin mo rin ako, kasi madalas ako magkamali. wag ka magalala, papakita ko sayo na worrth it naman ang pera na binayad mo sa driving school ko ,at matututo ako magdrive ng walang tulong na galing sayo.

nakakatampo lang kaya daig ko pa parang bata dito

simplecathy143

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #15 on: June 25, 2012, 09:55:03 am »
Ma and Pa, thank you for everything. Huwag kayong mag alala sulit ang magiging paghihirap nio samen.. We're so lucky for having you.. We really love you  :-*

piatos

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #16 on: July 24, 2012, 06:08:17 pm »
may sama ako ng loob sa nyo ngayon wala na akong work kung ano-ano sinasabi nyo samantalang 5 years ako nagtrabaho  ::)

phatgirl

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #17 on: July 24, 2012, 06:26:13 pm »
sa mama ko..alam ko mabait ka..pero dahil sa sobrang bait mo,under ka ni Papa.kahit kailan hindi mo naipaglaban sarili mo..kung minsan kang napagbuhatan ng kamay,naulitulit kasi kasalanan mo rin..

sa papa ko naman,mahal ko ikaw as my Papa..pero ayoko magpakita sayo,sa inyo..kasi pare-pareho kayo ng ugali nila tito at tita..negative lagi..pag wala maitulong,nagagalit or masama ang tao sa inyo..pag may bibigay naman,bidang bida sa inyo..di ko alam kahit na ilang taon na lumipas,di ko alam bakit mailap ako sayo,siguro dahil hanggang ngayon nasa akin pa rin yung trauma mula nung 9 months old baby ako at pinalo mo ako ng tsinelas sa mukha..hanggang ngayon dala-dala ko rin yung trauma na tuwing mag nababagsak na gamit,may nerbyos ako nararamdaman kasi nasanay ako sa inyo na dabogkayo ng dabog tuwing mag  aaway kayo..di ko alam kung magpapakita pa ko sainyo..kasi ayaw niyo magbago..di porki kayo matanda,at kayo magulang,,kayo na ang tama..sana unawain niyo rin ang mga anak niyo dahil may sarili rin kami isip..ang haba ng gusto ko sabhin pero ito na lang muna..siguro kung matutuo kayo magbago baka makita niyo apo niyo sa akin..pero kung hindi..wag na lang..sawa na ko sa pamilya na puro away..

aoshi_01

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #18 on: July 26, 2012, 09:35:49 am »
Daddy - we may have had our issues in the past, but you're awesome. I know we are not really that expressive, but I love you so much.

Mommy - alam ko 2 weeks na tayong hindi nag uusap since our big fight. I'm still hurting about what you said to me. Masakit yung sinabi mo na tingin mo sa akin wala akong narating and hindi ako marunong lumingon sa pinang-galingan ko. Kailangan ko ba i-remind sa yo ang mga na-achieve ko na so far? Kaso ayoko. Kung mataas ang pride mo para aminin na ikaw ang nagkamali, marunong din ako niyan. After all, mana lang ako sa yo

Nuriko

  • Guest
Re: SILENT FEELINGS TO YOUR PARENTS
« Reply #19 on: July 27, 2012, 04:11:48 pm »
mami i miss you na po. miss ko na kayo ni dadi :( gusto ko na talaga umuwi asap kasi talagang gusto ko na kayong makita....lalo na po ikaw. alam mo po ba umiyak ako kagabi kasi miss na talaga kita. mas namimiss po kita kesa ke dadi... pero dati mas namimiss ko sya kesa sa inyo hehe. nagising pa si (name ng husband ko) kasi narinig nya yung pagsinghot ko. hehe. uuwi talaga ako this august. ingat po kayo lagi at pagaling kayo ni dadi. wag na kayo masyado magpagod.

sori po nag-asawa ako agad. nagsosorry po ako kasi binigo ko kayo sa expectations nyo sa akin. hindi pa naman po dito natatapos ang lahat. isa pa rin po akong anak at kayo pa rin po ang magulang ko at wala ng hihigit pa sa inyo. mami, tutuparin ko yung dream mo na maging lawyer....pero di ko muna ipapaalam sayo to hanggat hindi pa ako enrolled. :D alam ko pong matutuwa ka na kahit paano ay meron sa mga anak nyo na tumupad ng pangarap mong iyon. :) hay naiiyak na naman ako T_T

 

Latest Stories

Load More Stories
Close