watch now

Author Topic: GT's from Rizal  (Read 82899 times)

shoppefloor

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #120 on: August 01, 2012, 07:39:25 pm »
sis shoppefloor, san ba yang sinasabi mo hehe

Malapit sya dito sa Emilio Appliances may katabi yun na hardware e nakalimutan ko yun name, dito sya sa side ng Rosario Ocampo Elem School pero papunta cuatro cantos.
Parang maliit lang yun gym pero may mga nakikita naman ako ng girls

black_sheep

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #121 on: August 01, 2012, 07:58:05 pm »
ah taga bayan ka pala hehe

shoppefloor

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #122 on: August 01, 2012, 08:31:13 pm »
hindi sis, dito kami sa telahan malapit sa Parco  ;)

carmichael18

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #123 on: August 02, 2012, 10:06:10 am »
sa Valley Fair may gym din (malapit sa Mocha Blends)...kaso balita ko puro boyzzz...kaya dyahe.  hehe

dito ako niyaya ng sister ko.. okay kaya dito..

ako rin nahihiya mag gym pag puro lalake.. shy type lang.. pero hindi sa tunay na buhay! kung single ako naku! gogora kami ng bestfriend ko jan sa maraming boys.. haha

black_sheep

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #124 on: August 02, 2012, 09:31:04 pm »
hindi sis, dito kami sa telahan malapit sa Parco  ;)

ahhh..sa may malapit sa taytay palengke? magkano dyan at when mo balak magstart

@sis carmichael, minsan pag dumadaan ako sa gabi may mga tao. itatry ata dito ng bro ko e.


how's your evening naman mga sissies

ikaela

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #125 on: August 03, 2012, 08:40:23 pm »
Mga sis, may alam ba kayo na delicacy dito sa atin na maganda pangregalo? Like kilala na masarap gumawa ng cake, chicharon, brownies or whatever? I will be visiting family friends in Las Pinas this weekend eh I want to gift them with something from Rizal.

geekybride

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #126 on: August 04, 2012, 12:28:43 am »
^^bibingka from cainta?

black_sheep

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #127 on: August 04, 2012, 02:20:20 am »
yan din iniisip ko, bibingka from cainta.

shoppefloor

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #128 on: August 04, 2012, 01:01:32 pm »
^kay Aling Kika sa Cainta  :D

shoppefloor

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #129 on: August 07, 2012, 06:32:29 am »
mga sis kamusta naman kayo dyan? Sabi super baha na daw sa bayan ng Taytay  :o
dito samin wala pa naman baha

black_sheep

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #130 on: August 08, 2012, 11:41:03 am »
kahit paano umaraw na din. stay safe everybody. andami pa ding lubog na areas sa rizal

shoppefloor

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #131 on: August 08, 2012, 01:14:45 pm »
sana eto na ang Finale, kanina 1am pumasok na yun baha sa bahay namin tapos nagising ako ng 7am walang kuryente, tulog ulit, nagising ako ngayon 12pm wala naman tubig sa gripo, pero wala ng baha. hay...

black_sheep

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #132 on: August 08, 2012, 02:32:28 pm »
tssssk grabe na talagang damage and hassle nitong weather disturbance na to. keep safe everyone

shoppefloor

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #133 on: August 09, 2012, 11:31:02 pm »
kamusta na mga kapatid? bumaba na daw ang baha sa Junction at Ortigas ext.
I hope all of you are ok despite the recent dilemmas we went through.

btw, naghahanap nga pala ako ng mananahi preferably dito sa Taytay or nearby areas, matagal ko na kasi plano mag open ng clothing line pero through online shop lang muna.
Let me know kung may marerefer kayo. TIA :)

aoshi_01

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #134 on: August 10, 2012, 12:59:32 am »
Kaka-daan ko lang ng Ortigas Ext kaninang 11:30pm. Clear na ang daanan from Valley Golf up to Lifehomes. Kaso umuulan nanaman. Ano ba tong si Ate Mulan, ayaw paawat uso namang kumalma diba?

Pero ibang klase nung Tuesday morning. Since BPO ako, kami ang huling dineclare na walang pasok. From Emerald Ave sa Ortigas nilakad namin ng officemate ko hanggang Edsa Central. Akala nga namin hindi kami makakauwi kasi ang taas ng tubig sa Don Mariano.

carmichael18

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #135 on: August 10, 2012, 10:08:12 am »
hallo sisses!

musta kayo? grabe ang baha dito sa amin, waist deep dito sa loob ng bahay.. :( today ay kuskusan day.. haaaayyy daming lilinisin.. buti na lang may 2nd floor kami at safe kami dito ng 3 days.. kagabi lang nagsimula bumaba ang tubig and until this morning meron pa konti.. at after 3 days na rin ako nakaligo.. waaa! ang sarap magbabad sa tubig.. :)

ingat kayo nga sis.. sana makarecover tayo agad..

geekybride

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #136 on: August 11, 2012, 07:51:09 pm »
grabe! maswerte pa pala kami kasi knee-deep lang ang baha sa loob ng bahay for 2 days. thankful dahil may 2nd floor din kami. otherwise, evacuee ang drama namin.  hirap lang, walang mabilan ng food, kasi lampas-tao na ang baha sa palengke and lahat ng makakainan ciempre sarado.  subsistence talaga. kung anong merong stock na food sa bahay, yun lang kinakain namin. hehe.  ibang klase na ang habagat kung pumalo.  traumatic! 

carmichael18

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #137 on: August 12, 2012, 09:05:22 am »
hay sis, kami rin kung ano lang merong stock yung ang kinain.. pero may mga boy kasi kami dito na nauutusan lumabas at lumusong sa mataas na baha para bumili ng makakain.. at himala hindi masyado nagbaha sa parola.. dito sa amin ang lubog.. until yesterday, yung house ng pinsan ko at nasa tuhod pa ang tubig, dahil chest deep sa kanila nung kasagsagan ng ulan..

bad trip nung isang araw, nagkuskos na kami ng pader at sahig, nagbaba ng ibang gamit tapos after magmeryende, pumasok na naman ang tubig umabot pa gang binti!!! grrrr!!!

eto limas at linis mode na naman.. hehe

geekybride

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #138 on: August 21, 2012, 10:53:42 pm »
sis,

yan din ang drama namin. after magkuskos, pumasok ulit yung baha. kalorkey!

yung sumunod naman na problema after nung habagat ay yung matinding traffic dahil sa mga nasirang daan at baha pa sa ibang lugar, kaya sa ortigas lang dumadaan lahat ng sasakyan. grabe, mahina ang 2 hours from rizal to ortigas!  nung isang beses nilakad ko pa pauwi from galleria to ever, dahil sa sobrang traffic!  buti na lang nakasakay na ko pagdating ng ever. homaygulay talaga!

buti na lang sumisikat na ang araw these past few days. thank god! at kahit papano nakapagholiday tayo (kahit madaming work).
« Last Edit: August 22, 2012, 09:44:13 pm by geekybride »

wifeathome

  • Guest
Re: GT's from Rizal
« Reply #139 on: August 27, 2012, 12:26:16 pm »
Pa-join ako dito sisses.

Ganun din sa amin, ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin kami tapos sa pagliligpit. Ang masama pa nito, kahit nagtaas ka na talaga ng mga gamit marami pa ring naabot. Marami ng naitapon, pero marami pa rin ang kailangan i-dispose.

We outsourced the cleaning courtesy of my cousins tapos yung laba naman ganun din, maghapon naglaba ubos ang isang kilong sabon, pero marami pa rin ang kailangang labhan kaya may second session pa after matuyo ang mga sampay.

Dati naman hindi kami binabaha dito sa area namin, ngayon lang talaga nagkakaganito, tuwing uulan tuloy hindi na kami makatulog.  :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close