Author Topic: Mga bagay na hinde mona nagagawa mula ng nag asawa ka? O nagka anak ka?  (Read 14693 times)

rapids

  • Guest
nung nagkababy na ako

- matulog kong kelan ko gustuhin
- mag-isip ng para lang sa sarili ko
- mag shopping maghapon ng nangungulit.
- ngayong exclusive breastfeeding ako, di kami makapag pa massage ni hubby wala kasing mag-aalaga sa baby ko.

mae.mae

  • Guest
Pumorma at gumala  ;)

aquacharly

  • Guest
Sleep-overs. 
Spontaneous weekend trips

Pretty_ava

  • Guest
di pwedeng biglaan lakad
wala ng shopping for me, mas madami na ang shopping for my kid
nakontento ako sa ukay ukay
ang date namin ni hubby eh ang palengke date, sinasamahan nya ko mamalengke

snowie

  • Guest
di pwedeng biglaan lakad
wala ng shopping for me, mas madami na ang shopping for my kid
nakontento ako sa ukay ukay
ang date namin ni hubby eh ang palengke date, sinasamahan nya ko mamalengke

Yeah wala na shopping para sa sarili sa baby na lahat hehe

super bratinella

  • Guest
Mag high heels simula nung nanganak ako sa bunso ko hindi na ako makapaghigh heels madali ng pulikatin ang binti ko

Di na ako basta basta makapunta sa dentist ko for braces adjustment malayo kasi ang dentist ko Cavite to Bulacan ang travel di basta basta pumayag si hubby


beatrize zuri

  • Guest
- di na ko makapag lakwatcha kasama yung mga hs/college friends ko.
 
- less shopping for myself, more shopping sa mga kids.
 
haay... :(

lclanzaderas

  • Guest
8 hours of sleep na straight

a_y_e_n

  • Guest
^same! :) in addition, di na din ako nakakapagshopping for myself ng madalas, sa baby stuff na ngayon. also, my husband and i prefers spending our restdays at home now rather than malling.

snowie

  • Guest
Tama lahat mga sis..ibang iba talaga pag married kana... Andame adjustments.. At sacrifices...

Amphitrite

  • Guest
Flirt with others.... hahahahaa!

Dumaan din ako sa stage na napabayaan ko sarili ko, malungkutin din ako nung mga panahon na yun. Lahat kasi binuhos ko na sa anak namin.

Hubby got so concerned, sinabi nya sakin na pasayahin ko daw muna sarili ko para mas mapapasaya ko anak namin. Ayun, balik na ako ulet na pag-asikaso ko sa sarili ko. Nag-exercise na ulet ko, hindi na nga lang katulad noon na lagpas 1hour. Nagpapa-facial / hair treatment / skin treatments kapag kailangan. Sometimes, I even shop for myself. Nakakapag-mall pa rin ako mag-isa lalo na kapag bibili ako ng para sa akin lang, matagal kasi ako pumili kaya iniiwan ko sila sa Timezone, hehe, pagdating ko ng Timezone hindi pa rin sila tapos maglaro.

Msfi

  • Guest
same as others, walang nabago ng mag-asawa kasi maluwag si hubby sa kin sa kahit ano, kahit sa pagsama sa mga friends. Di sya lumalabas with his friends, unlike me na once a month gimik to the max kami ng mga friends ko.

Ng magka baby na, pinaka namimiss ko ang magtulog buong weekend pag nasa bahay lang. Weekend lang kasi yung mahaba ang oras for us to be together, kaya dikit kami ng anak the whole weekend.

reb_woods072683

  • Guest
Pa join mga sis. Madami dami rin akong kailangan iwanan nung nanganak ako actually. Hindi na ako makaalis ng bahay basta basta kasama ang mga friends ko, hindi na ako makapag out of town, hindi na makatulog ng mahaba, hindi makanood ng tv sa kwarto dahil panay cartoons na ang palabas haha.

xadie28

  • Guest
mag shopping for myself!
nakakapag shopping naman ako ngayon par a sa upcoming baby namin :)

hedonista

  • Guest
hard to find sleep more than 3 hours.
i cant fit sa mga skinny jeans ko. LOL
once in a blue moon na lang ang movies tapos sa bahay na lang kakain kesa sa resto kasi hinihintay kami ni baby at namimiss naman namin talaga sya.
no more out of towns except if it is family outing na kasama rin baby.
no more late night outs.

hindi ko na napapaahit kilay ko! waaa
no more foot spa - mani and pedi
bawas ang sexy time with hubby
no night outs with my team from work
cant join team buildings

reb_woods072683

  • Guest
^^ tama yang team building sis. the last time na nagteam building kame sa rizal kasama ko baby ko. hassle kasi di maka mingle ng maayos.

pinkpotato

  • Guest
we cant go on a date na kami lang, my daughter would feel sad if di sya kasama and she would always ask sa mga pictures kung baket wala sya.

were not that happy anymore nag dedate na kami lang. usually lunch date on work days. we would wish kasama din namin ang bata.

instead of buying stuff for myself, i buy for my daughter


hedonista

  • Guest
just last saturday eh nalaman ko DI NA DAW AKO MALAMBING and he is chatting and talking on the phone with our officemate - allegedly MASARAP KAUSAP AT SWEET.

OH.MY.GOD.

rianne_mallows

  • Guest
^red flag! asses yourself.. nagbago ka nga ba talaga? or palusot niya kasi nahul;i mo siya.. binabaliktad ka.

to add tomy list.. nung nagkababy na, i gave up my long nails... hay... kakamiss

iluvmysoldier

  • Guest
nakakamiss yung dati na pag dumaan ako napapatingin ang mga yuppies... nako ngayon ewan ko nalang. sino ba naman ang titingin kung laging may tulak tulak na stroller. hehe  ;D

when i got pregnant, kami ni hubby parehong nagstop ng vices. clean living na, gusto namin mabuhay ng matagal for our baby  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close