Author Topic: Mga bagay na hinde mona nagagawa mula ng nag asawa ka? O nagka anak ka?  (Read 14676 times)

snowie

  • Guest
Hi mga sis..share ng mga bagay na hinde mona ngagawa mula ng nag asawa ka? Ako..hinde nako nakapag pa skin peeling simula ng nagkababy ako..napabayaan kona self ko..and i know that's normal kase nag aalaga ng bata.. Pero now im trying to get back to the old me..  ;D

Hnde nako nakapag pa wax ...date every month nagpapawax ako ng whole body nung nag asawa na hinde na..walang time.. Actually madame pa..hehe.. Ano sanyo..?

ri-anne

  • Guest
hindi nako regular nakakapagshopping for myself...parang mas gusto ko mamili ng clothes for my kids instead
i learned how to eat fast
i learned how to take a bath fast (no more 1hr baths...2mins esp nung baby pa lang sila, sometimes none at all!can't afford long baths, alang yaya)
di na kami every weekend nakakapag-date ni hubby

but nung mga first few years lang..now that they are getting older & can help w/ simple chores (6&3) and learning to be independent, i get to spend more time with myself na..i can even have long baths now! Lol! :)
the weekend date though, hindi pa pwede walang pagiiwanan ng kids...so me & hubby's compromise is we spend time w/each oher at night when kids are asleep.



chefron

  • Guest
wala... i still can do thingsthat i normally do nung dalaga ako.

chic_clothes

  • Guest
dami din like di kami nakaka panood ni hubby ng movies..nung one time nag volunteer si mil magbantay kay baby super happy ako kase last full show pa kami nanood and feeling ko naging teen ager ulit ako hehe

snowie

  • Guest
@ ri Anne .. Same here wala na [textspeak!] baths hehe..pero now meron na..16 months palang kase baby ko kya yun medyo tough padin ng konti... Wala na movies..ang hirap talaga pag nasa ibang bans wala katulong so ikaw lahat... :(

@ chic... Masarap manood ng movies no? Parang first time hehe..

j a n i z

  • Guest
Since nagkababy ako, di na ako nakakatulog ng kahit anong oras ko gustuhin. Pag gising si baby, dapat gising din ako. Hirap. Nakakamiss yun dati pero ok lang, all for my baby.

1choi_ko9

  • Guest
- i dont go out of town with friends ng ganon kadalas unlike before.
- Even out of the country, I can't. Syempre I have a family to attend to. :)
- Hindi na ako masyado nakakapag shopping for myself. Inuuna ko na mga kids ko. Before kahit mahal...gooo lang. Now, isip isip muna if need. If not, wag na ibuy at mas mabuti kung para sa mga bata na lang.
- i can save alot before nung dalaga hehe....now hindi masyado.
- Hindi makaalis ng bahay ng matagal kase may mga naiiwan na ako sa bahay na kailangan intindihin.

But...wala ako pinag sisihan... I LOVE BEING A MOM!!! :)

twelvth_goddess

  • Guest
When I got married, nothing changed much. When I became a mom:

- I don't go with friends/colleagues to overnight out of town trips unless they agree to my package deal.
- Travel for work has to be thoroughly considered.
- My time for myself has lessened so I make sure to multi-task effectively
- My daughter is always the first point of consideration in weekend plans, trips, as in everything
- I became less selfish and more tolerant of other kids :)

glamorosa_09

  • Guest
when I got married, wala. Ganun pa din. When I became a mom, ayun.

mga bagay na di ko na magawa

- maging active sa mga organizations na gusto ko.
- samahan si hubby manood ng movie
- magventure sa small time businesses
- maraming "me-time"

sabi naman nila, may seasons/stages ang motherhood. When the time comes na they're not too dependent on me na, specially sa breastmilk, I can pursue anything that I want. And that I have the rest of my life to pursue personal goals.

For now, it's my baby who needs me the most. The time and the attention that I will give them during their early years, is the foundation of their character and personality formation. Kaya I'm sure, it will be worth it.

aeonflare

  • Guest
@snowie: nd na ako makapag-beauty rest. lack of sleep lagi.  :-[

ecnarfoj

  • Guest
Nung nagka-asawa na ako, siyempre di na pwede yung mga biglaang lakad.
Nung bf/gf days pwede kong sabihin na niyaya ako ni ganyan, kape lang saglit.

Pero ngayon hindi na pwede ng hindi siya agree kasi may sabay na kami umuuwi at kawawa naman siya kung maghihintay siya. Ayoko naman siyang isama kasi ma-o-OP lang siya at gusto ko yung kwento talaga with friends.

Nung nagka-anak na ako, hindi pwede yung gusto ko lang na restaurant ang pwedeng kainan. Dapat ay yung resto na may makakakain yung anak ko.
Di ako makapag-relax sa mall. Kung dati pwede yung upo ka lang ngayon kailangan talagang nakabantay sa anak.

evilwoman

  • Guest
1. makipagmeet sa friends.
2. kumain ng junk/street food sa bahay (ayaw kasi ng asawa ko and ayaw ko din naman makita ng anak ko) - sa office ako bumabawi  ;D
3. magsuot ng damit na fit sa tyan area (hello pouch!)

snowie

  • Guest
Tama lahat mga sis..super nakakarelate... When we got married wala masyado... Its "me" and hubby time lanf..nung nagkababy ayun na... Lahat para sa baby... Ok na wala tyo basta yung baby meron...
Napansin kodin naglessen ang pagbili ko designer bags cause mas me importante pa dapat bilhin for baby... And halos every week ang supply na dapatireplace esp diapers.. Tama din si Glamorosa..we have time later in life for ourselves but for now.... We should focus on being a good mom and wife.

Lets just think natemporary lang to..they will grow up soon... And mamimiss natin sila as our baby girl / baby boy...

axlrocksmyworld

  • Guest
hindi nako nakakapagbilliards and hindi nako nakakasama sa mga company outings and events

honey-ecclaire

  • Guest
I can't have many chikka with my friends unlike before na chismisan can last for days....
I can't shop alone,.I mean yung para sa akin,...palaging next time ang line ko....

MOVIES,i miss watching movies with my hubby pero kahit sya namamahalan sa movie ticket hehe!

babymine08

  • Guest
i cant hang out with my friends...
no gimiks...

ri-anne

  • Guest
sis snowie, korek talaga!  :)
Anyway, enjoy nyo lang yan mga sis (esp new mommies)..temporary lang yung mga ganyan, like pagpupuyat at halos walang tulog dahil kay baby....darating ang time they'll sleep through the night din and pwede na rin tayo makatulog ng derecho....
At darating din ang time na unti-unti na silang maging independent...ang bilis lang ng ganyang stage nila...actually miss ko na nga yung "babies" ko  ;D pero ok na rin dahil nagkaka-ME time na ako unlike before..

mommy_lani

  • Guest
same here mga sis...
hindi na nakakatulog kung kelan gusto..dati kapag ayaw pa bumagon ok lang..ngayon hindi na pwede even puyat from work need mo gumising once baby is wake-up and crying...kahit nandyan si mama to take care of him hindi prin ako makatiis once I heard him hehe

no MOVIES at all...syempre ang mahal na ng sine..dati once a week pwede ngayon once a year nalang ata minsan wala pa hehe

shopping?for him..lagi ko naring linya ang "next time" kapag may nakita ako na gusto ko bilihin for me... laging for baby first,tipid tipidan ang drama ko always.

hangout with friends?di na msyado need umuwi agad mas feel ko ang house kesa ang gumala pa..kakamiss lagi si baby eh...want to be with him palagi...


FayeP

  • Guest
when I got married, same lang naman nun dalaga pa kasi I still go out with friends, regular dates with hubby etc etc...

pero ngayon may baby na:

-di na kami makaalis ni hubby ng matagal.  Nun kami pa lang, kahit 2-3 days kami lamyerda, ok lang.
-di na makapag babad sa kama sa umaga, maaga kasi magising si baby eh
-di na makasama with friends sa malayuang lakad, like out of town trips na tatagal ng mahigit isang araw.

rianne_mallows

  • Guest
nung magkababy madami nagbago talaga

-i stopped using make-up. even powder lang. ayoko kasi may lalapit sa baby ko na may cosmetics kahit na sino. ngayon hindi na siya masyado baby, nagli-light make up na ako kapag lumalabas ng house

-i stopped using skincare products after giving birth kasi nagbreastfeed ako. now na lang ulit nag-start

-travels

-anything involving the beach. ayaw ni mother kasi may kids. delikado ang waves compared sa pool lang

-hindi na pwedeng kikay. hirap na ako makapag-heels and dress. ikaw na magbuhat ng batang mabigat ng naka-heels and dress ewan kona lang ;D kahit kasi may kasama sakin pa din gusto pabuhat ni baby. so no choice. shorts, pants, leggings, or skinny na lang ang option
never ko na nagamit yung mga maliliit kong bags. yung mga accessories din hindi ko na magamit. takot ako gamitin baka hilahin or baka magasgas si baby

-hindi na pwede matulog maghapon! ito pinaka nami-miss ko sa buhay dalaga ko  ;D

ang nakakaaliw, kahit ang dami na nagbago. hindi ko pa din ipagpapalit yung meron ako ngayon sa buhay ko noon ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close