watch now

Author Topic: Secured Credit Cards  (Read 133822 times)

heavensent

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #60 on: December 13, 2012, 04:57:15 pm »
^since ang alam ko sa BPI after a year pwede ka mag ask na alisin yung hold-out mo so parang regular CC na yun

mizzybebz

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #61 on: December 13, 2012, 10:36:26 pm »
no time to backread. has anyone tried applying for a regular credit card after having a secured credit card? I've been using secured CC for 2 years already and gusto ko na magapply for regular CC. 2 years na rin naka-TD yung money ko dun although I don't have plans of pulling out the money. ano kayang chance ko to get a regular CC?

 I've tried kasi last year to waive my annual fee for my secured CC and hindi sila pumayag, baka mas madali pag regular CC na ang meron sa akin. kaya gusto ko mag-change. TIA!

Sang bank sis? Pag Metrobank, hindi pwede. Pag BPI, tama si sis heavenscent.  ;)

geekchiq

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #62 on: December 14, 2012, 02:12:26 am »
BPI sis. Talaga? I'll ask na rin yung customer rep siguro. Change of plans kasi, I want to invest sa MF na lang yung money. Ang baba kasi ng interest for the 2 years na pinahold ko yung TD.

freelancer_babe

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #63 on: December 19, 2012, 01:52:36 pm »
Hindi ako pinayagan ng BPI i-withdraw ang hold-out ko.   :(

Not even a CC limit increase, di pa ako pinayagan. Paid the bills on time naman.

Naisip ko tuloy na papadagdagan ko na lang ang hold-out deposit ko para tumaas ang limit, tapos apply ako ng CC na hindi secured sa ibang mga bangko hanggang sa may isang bangkong mag-approve sa akin, tapos i-ka-cancel ko ang BPI secured CC ko.
« Last Edit: December 19, 2012, 02:05:47 pm by freelancer_babe »

ayami

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #64 on: December 19, 2012, 02:23:28 pm »
^ sis ako rin eh. Wala talaga :( hindi na ko nagattempt ulit sa withdrawal ng collateral. Pero di ko mabitawan yung BPI ko kasi super easy sya bayaran at walang over the limit fee. Haay. Kelangan ko na talaga magwork sa opisina next year para may regular card na ko ;)

Andami ko na tinry na applyan for a regular card e. 2 years na kasi yung BPI ko. Wala pa rin, kahit yung Citibank na approve lang nang approve ayaw sakin haha. Eastwest bank na nangungulit di naman tumatawag yung CI. Oh well, ok na nga muna

freelancer_babe

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #65 on: December 19, 2012, 02:47:15 pm »
^ ang na-overlook ko kasi, noong nag-apply na ako ngayon sa iba-ibang bangko, matataas pala ang CC limit ang requirement. P15k pataas. kaya di rin ako qualified.

yung BPI pumapayag kasi na P8k lang ang limit.

ang hirap talaga ng self-employed ang status. baka gusto rin ng BPI na malaki rin ang laman ng savings accounts ko sa kanila bago sila pumayag.  :(

nga pala, nag-submit ka ng ITR sa mga inapplyan mong ibang banks?

ayami

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #66 on: December 19, 2012, 03:41:56 pm »
^ oo sis. Ang limit ko sa BPI 20thou. Pati yung Metrobank na Secured CC ko 20Thou din. Parehas ko yun iniinclude pag nagaapply ako, May ITR ako kasi taxable naman yung online raket ko. Pero yung BIR form ko naman hindi yung usual, yung pang Independent Contractor. Yung binibigay naman ng kumpanya ko na form 2307 iniinclude ko rin. Wala e. Citibank at HSBC pinagapplyan ko.

freelancer_babe

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #67 on: December 19, 2012, 03:52:43 pm »
^ yikes!  :o

dalawa pang secured yung nasa iyo no? tapos nahirapan ka pang mag-apply ng regular CC. part time ka ba sa mga online raket sis?

yung gamit kong BIR form, yung form 1901 (sa income tax). pang-self employed. yun ba ang form mo?


.... hmmm.. kahit maka-one or two years sa opisina no? tapos resign na. hahaha!

kaya lang sayang ang oras. mas mataas pa rin kasi ang bayad sa mga online gigs.
« Last Edit: December 19, 2012, 04:07:00 pm by freelancer_babe »

mizzybebz

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #68 on: December 19, 2012, 11:06:07 pm »
Mga sis, ako na-approve sa Allied Bank Travel Club at Maybank CC (tho hindi ko pa narereceive 'to). Maliit lang ang limit pero okay na kesa wala saka good thing annual fee free for life.  ;) Ang reference lang na nabigay ko nun is 2 secured CC ko for more than 2 years. BPI - 12K CC limit and MetroBank - 18K CC limit. Tried applying as well to CitiBank, BDO, HSBC - declined. Haha

Try niyo sis sa mga maliliit na banks pa lang na nag-iissue ng CC. Mas madali ata sa kanila.

freelancer_babe

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #69 on: December 19, 2012, 11:31:24 pm »
^ good for you sis.

alam kong walang annual fee ang AB Travel Club, pero yung Maybank CC rin ba wala ring annual fee?

patataasin ko nga muna ang hold out ko para tumaas ang CL ko na pantay o lagpas sa minimum na required ng ibang banks. tapos apply ako sa 2nd year. ayaw ko ng may secured CC ako forever.

saka pala, employed ka ba sis? kasi baka yun rin ang reason kung bakit declined ako sa pagrelease ng holdout ko.

swiTsuplada

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #70 on: January 12, 2013, 03:45:24 pm »
Nagre-release ba ng hold-out ang Metrobank? Malapit na kasing mag-1 year 'yung secured CC ko sa kanila. Kung ire-release nila tapos ime-maintain ko pa din 'yung CC ko sa kanila... better! Tapos mago-open ako ng TD sa BDO to apply for another secured CC. OK na din na may secured CC at least me pera kang naka-hold sa bangko na parang savings na din kahit in reality eh parang pambayad lang ng CC mo 'yun sa kanila in case magka-problema ka.

ayami

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #71 on: January 12, 2013, 04:04:13 pm »
^ Puwede ba sa BDO ang Secured CC? I asked them wala nakasagot (SM North branch). Pero nung tinawagan ko ang customer service hotline, meron daw. Ang gulo

1 year na rin ako with Metrobank and 2 years sa BPI. BPI sad to say, hindi nirelease ang hold-out ko. Kelangan talaga full time job e. Sad. Try ko sa Metrobank punta ko sa branch ko next week

bu-bu shine

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #72 on: January 26, 2013, 09:14:11 am »
^hi sis, merong secured CC ang BDO. i went to their branch personally, ang sabi sa kin, Time Deposit lang daw ang pwede and  80%  ang credit limit. according pa to her, wala naman daw indicated na minimum deposit. basta pag nagopen daw ako ng TD account, isasabay na lang application ng CC.


Planning to get 1 na din kasi, question ko lang mga sis, pwede pang magstart ako 10k tapos pag malapit na mag-1 year saka ako magpapa-15k credit limit para makapagaapply ng regular CC sa ibang bank? or dapat initial deposit ko is 15k-above agad? TIA!  :)

KVsWahmmy

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #73 on: February 26, 2013, 09:32:06 pm »
sis how much magopen ng TD account sa BDO?

chubzkittinz

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #74 on: March 01, 2013, 12:45:26 pm »
wanna try this. san po easiest??

ayami

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #75 on: March 07, 2013, 07:23:19 pm »
Hay naku, pwede magrant?

Kinuha ko na yung hold-out ko sa BPI last Monday at pinacancel ko na yung credit card ko last March 4.

March 6: Nacredit yung total TD ko- 26,798.24

Kapos yan sa actual amount na tinubo na ng pera ko. Nabawasan ng mga 8 pesos. Tanggap ko pa yun e.

Ang masama nyan, di pa available yung total na yan. Kinaltas na nila yung credit card balance ko, pero ang total na ihuhulog pa nila sa account ko ay 26000 pesos FLAT minus yung credit card bill for Feb.

In short, HINDI KUMITA YUNG PERA KO SA KANILA.

Ang sama ng loob ko, kasi sa 2 years mahigit na nandon yung pera ko umasa akong kumita talaga siya. E hindi e. Walang nangyari sa tubo. Ginawa ko pang Time Deposit! Samantalang yung sa mom ko na Savings Account lang inopen, TO THE LAST CENTAVO nakuha niya yung interest na halos 30 pesos.

Nakakainis lang talaga. Hindi na ko natutuwa sa ginawa nilang yan. Ingat na lang kayo sa branch nyo. :(

freelancer_babe

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #76 on: March 08, 2013, 07:35:58 am »
Hay naku, pwede magrant?

Kinuha ko na yung hold-out ko sa BPI last Monday at pinacancel ko na yung credit card ko last March 4.

March 6: Nacredit yung total TD ko- 26,798.24

Kapos yan sa actual amount na tinubo na ng pera ko. Nabawasan ng mga 8 pesos. Tanggap ko pa yun e.

Ang masama nyan, di pa available yung total na yan. Kinaltas na nila yung credit card balance ko, pero ang total na ihuhulog pa nila sa account ko ay 26000 pesos FLAT minus yung credit card bill for Feb.

In short, HINDI KUMITA YUNG PERA KO SA KANILA.

Ang sama ng loob ko, kasi sa 2 years mahigit na nandon yung pera ko umasa akong kumita talaga siya. E hindi e. Walang nangyari sa tubo. Ginawa ko pang Time Deposit! Samantalang yung sa mom ko na Savings Account lang inopen, TO THE LAST CENTAVO nakuha niya yung interest na halos 30 pesos.

Nakakainis lang talaga. Hindi na ko natutuwa sa ginawa nilang yan. Ingat na lang kayo sa branch nyo. :(

Sis! Baka dahil di pa nagmature ang TD tapos nagrequest ka na agad ng withdrawal?

Ang alam ko ganun, pag di pa mature ang TD, di mo rin makukuha ang interest. Kailangan paabutin sa maturity para makuha talaga yung interest. Kaya yun time deposit eh... hahawakan ng bangko for sometime bago ibigay sa iyo ang tubo nun. True for every bank, I think. Ibang-iba talaga ang mechanics ng time deposits sa mga interest-earning bank accounts tulad ng savings accounts. Kaya it discourages depositors na rin to withdraw ang TD pag di pa mature dahil sa interest.

Baka yung P8 na kulang, penalty/fee yun for withdrawing TD early?

Sana naexplain ng banker ito sa iyo.. or baka naexplain nya, pero nag-insist ka na i-withdraw pa rin yung holdout? Good for ilang months/years ba ang TD? Check mo yung maturity date.

Ang alam ko lahat ng mga secured CC, kahit rin sa ibang bangko, binabawas lang nila ang current balance doon sa hold out. Panigurado na talaga na mababayaran ang bill.

Naka-passbook savings account yung hold out ko, kaya mas ok na anytime pwede kong ipa-release yung hold out.

Di ba sis, meron ka pang ibang mga secured CC sa ibang banks? Nakatime deposit rin ba ang hold out? It's possible na wala ka ring kitain kung i-wi-withdraw mo agad without checking kung kailan ang maturity date.
« Last Edit: March 08, 2013, 07:54:41 am by freelancer_babe »

heavensent

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #77 on: March 08, 2013, 08:43:15 am »
^same tayo sis, naka-passbook saving account din yung hold-out..

ayami

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #78 on: March 08, 2013, 08:52:45 am »
Mga sis. Halos 3 years na yung account ko at nagmature na 4 times. Alangan naman na wala diba? And, nagreflect na sa EOL yung mga interest na naearn, kaya nga sa form na finill up ko, nilagay ko to the last centavo. Alam na alam ko kung magkano yung kinita. Every 6 months kita nun e

freelancer_babe

  • Guest
Re: Secured Credit Cards
« Reply #79 on: March 08, 2013, 09:45:52 am »
Mga sis. Halos 3 years na yung account ko at nagmature na 4 times. Alangan naman na wala diba? And, nagreflect na sa EOL yung mga interest na naearn, kaya nga sa form na finill up ko, nilagay ko to the last centavo. Alam na alam ko kung magkano yung kinita. Every 6 months kita nun e

Ah, saan pupupunta ang interest na naearn mo sa TD during those times? Payout interest and roll-over principal upon maturity ba ang instruction? Or roll-over principal and interest upon maturity?

So you're saving yung P26000 was in the TD four years ago and didn't earn any interest?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close