watch now

Author Topic: Bigamy, blackmail and threats for money  (Read 2367 times)

Aesth

  • Guest
Bigamy, blackmail and threats for money
« on: May 08, 2012, 02:22:15 am »
Mga 3 years na ang nakakaraan. Pinalayas namin ang tatay ko. Nalaman namin na meron na siyang 3 anak sa isang babaeng nasa late 20s or early 30s. Apparently, since 3rs year HS pa ako yun na ang kabit niya. At least 5 years na niyang binabahay.

Young adult na kaming lahat ng pinalayas siya. Hindi siya sobrang physically abusive na ama, pero madalas, pag dating sa pera, lagi niya kaming tinatakot saktan. Lalo na ako, dahil bata pa lang ako, trabaho na ako ng trabaho. May time pa nga na ako ang nagbayad ng graduation fee ng ate ko, 3rd year college pa lang ako, pero nangutang siya ng P25,000.00 sa akin dahil wala daw pinapadala si mama. Lagi na lang ganun noon. Nagtatrabaho ako habang nag-aaral, lagi siyang nangungutang.

Pero matalino si mama, napaalis niya siya ng pero nakuha ni mama ang bahay at kotse, dahil siya din naman ang nagpundar non, OFW siya for almost 30 years kung saan saan. Hindi siya pumayag na hindi makuha ang pinaghirapan niya at mapangalan sa mga anak niya.

Pero ngayon, nanggugulo ang tatay namin. Gusto niya na magbigay kami ng malaking pera kapalit daw ng bahay na binigay niya samin, despite nalipat na lahat ng legal documents sa aming mga anak, at walang naiwang trace sa kanila sa current docs. Nagbigay pa siya ng bank account ng kamag-anak niya para di sa kanya ma trace yung pera, para di siya makasuhan ng blackmail.

Hindi namin siya pinapansin, kahit na mga 2 years na niya kaming kinukulit. Kaya gumawa siya ng paraan na mapapansin siya. Pumasok siya sa email account ni mama, at kinuha lahat ng personal information na nasa account, including sensitive US information since lahat kami ay umasenso na sa ibang bansa.

Ngayon, lalo siyang nanggugulo, at this time. Wala na kaming balita sa kanya, pero tamad kasi siya sa pagkakilala namin, kaya ang hula namin kahit nagtatrabaho nang OFW, wala siyang makuhang sapat na pera para sa mga batang anak niya (he's 50yrs old na, pero 3 or 4 years old pa lang ang pinaka matandang anak niya).

Kami, nag move on na, pero ngayon pati mga asawa at bagong pamilya namin, tinatakot niya. Kung hindi daw kami magbibigay ng pera ay magkakagulo lahat ng tao.

Bakit kaya ganun ang ibang mga tatay, or magulang in general? Pera ang katapat, kahit buhay ng anak?

Ang nakakalungkot lalo, kahit kelan, di naman tinakot na idamay ang pamilya niyang bago. Naiintindihan namin, walang kinalaman yung mga batang anak niya. Tulad namin, wala silang choice sa magulang.
« Last Edit: May 08, 2012, 05:31:06 am by Aesth »

Priceless

  • Guest
Re: Bigamy, blackmail and threats for money
« Reply #1 on: May 08, 2012, 02:05:11 pm »
At ano naman ang panakot nya sa inyo? Yung sensitive US information? At sa palagay mo ba may risk to your life, reputation, or physical safety ang mga information na hawak ng tatay mo na (I assume based on your kwento) nasa Pilipinas na pwede nyang gamitin sayo kung nasaan ka man (I assume wala sa Pilipinas)?

Yung bahay ba na nilipat na sa pangalan ninyo, sinong nakatira doon ngayon? Pano at bakit nya binigay sa inyo (pinilit ba sya, tinutukan ng baril, tinali sa poste)?

Baka naman sinusubukan lang nya kung matatakot kayo. Unahan lang sa sindakan kumbaga.

whitelady17

  • Guest
Re: Bigamy, blackmail and threats for money
« Reply #2 on: May 08, 2012, 03:15:49 pm »
sis, may direct effect ba sa inyo ang mga information na iyan in case na i broadcast niya? And dapat siguro mag change password na ang mama mo. para hindi na niya magamit / ma open pa ang mga account ng mother mo. Kasi kung nasa malayo naman siya at kayo wala namang harm na magagawa sa inyo eh, verbal abuse or pananakot lang.

Sabihin mo kapag hindi siya tumugil eh iconvince mo mom mo na mag file ng case againts him, kasi may kabit siya at mga anak sa kabit ebidensya na iyon, living proof pa kasi anak niya sa kabit

CityHunter

  • Guest
Re: Bigamy, blackmail and threats for money
« Reply #3 on: May 08, 2012, 05:35:01 pm »
Hi, Aesth.

Most likely he's planning to use that wrongly acquired information to appear as if he is your mom or such.  Identity theft ika nga.  Beyond that I can't think of anything else on how he can make use of that stolen datum.  If I'm correct this is a criminal offense.

I would suggest you consult a lawyer na may idea on this.  Not sure if may PAO equivalent diyan sa US but I guess kung minimal fee naman ay pwede na rin for the comfort of mind a good legal advise on this will give you. 

Believe me, hindi ka nag-iisa sa ganitong issue.  May ilan cases rin ako ganito problema ng mga clients ko.  Ang sarap kulamin - kung hindi nga lang kasi karmic :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close