watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191615 times)

j.adore

  • Guest
Tama naman yung husband niya dapat talaga family muna nila una.

Can't blame the husband because instead of the parents being proud of what they've accomplished, mag emotional blackmail pa..

Tell your friend not to post these things kung may issue sa parents niya.

plumpolka

  • Guest
^ true. more often than not, yung mga pag-popost sa fb mas nakakasama pa lalo kasi yun yung pinagmumulan ng inggit even if hindi naman yun yung gusto mo.


I think ganon kasi ang perspective ng mga "maka-lumang" parents na dapat buhayin sila kasi binuhay nila anak nila. Which is responsibility naman ng magulang kasi sila naman bumuo nun. Pero parang most of the parents, lalo na siguro sa probinsya or sa mga hindi masyadong "well-off" na pamilya, ang iniimpose sa kanila ng mga magulang nila is pag graduate nila, sila naman ang bubuhay sa mga magulang nila. Masyado nilang iniimpose yung "utang na loob" and hindi na na-eenjoy yung bata yung katas ng sweldo nya kasi parang nagkaroon na agad sya ng pamilyang bubuhayin (his/her parents, minsan pati buong mag-anak pa).


Hindi masamang tumulong pero parang unfair naman sa anak kung ipasa sa kanya yung responsibility ng mga magulang na dapat sila ang bubuhay sa kanila just because may trabaho na sya. I know our parents will grow old and dadating yung time na hindi na sila makakapagtrabaho. Siguro dito na din papasok yung dapat we have savings din para pagdating ng panahon, hindi natin kailangan umasa sa mga anak natin para mabuhay. And all we can do is love them para pagdating ng panahon, hindi nila tayo makakalimutan and most of the time ina-adopt pa nga [textspeak!] parents kahit may pamilya na di ba.

najine

  • Guest
para sakin di obligasyon ng anak buhayin ang magulang pero dahil sa nakasanayan na sa pinas parang nagiging tradition pero if meron ka naman sobra pwede mo ishare sa parents mo if gusto mo. kaya ako i dont wanna be a burden to my future kids kaya ngayon pa lang pinaghahandaan ko na yung pagtanda ko na my makukuhanan ako just in case mag retire ako para di ako maging burden kahit kanino.

darna88

  • Guest
para sakin lang ha..obligasyon pa din ng anak na siguraduhin na nasa mabuti kalagayan ang mga magulang natin. para sakin lang ha. i will not be happy and feel at ease kung alam kona ang mga magulang ko eh wala sa mabuting kalagayan. lalo na kung medyo seniors na sila and knowing na iilaimn years na lang ang ibubuhay nila dito sa mundo. ako kasi everytime na i  saw my parents happy i feel double happiness knowing na iam the reason for their smile. Laki din ng paghihirap nila satin bago tayo nagkarun ng sariling family. even if iam not well-off kunwari or sakto lang para sa family ko gagawin kopa din yun kahit iutang kopa para lang knowing na they are okey like they eat in time.  but maybe depende na din kasi sa experience natin kung pano tayo pinalaki ng mga magulang natin. kung irresponsable siguro mga magulang ko baka magdalawang isip pako pero sakin kasi nakita ko paghihirap ng mga magulang ko para lang makapagtapos ako sa magandang school with yaya's and everything ginapang nila. kaya now why not even sakto lang samin ng family ko gagawin ko lahat para sa ma magulang ko as i said kahit iutang kopa :)

iannewn

  • Guest
These answer to yes and no
Yes obligation to give to see they are comfortable, make sure money you give to them, they spend it on themself! Make sure....
obligation buhain is no....you give only what you can make sure you still have youself as the priority sving then give excess to them.
Hindi na obligation to give to them so they can feed mga tamad the relative who dont like to work and make reklamo on everything else.

ANJFinally

  • Guest
Tanong ko lang mga sis. Pa rant nalang din. Hirap maging OFW ng walang makausap eh.

What if ang nangyari eh halos saluhin nyo na lahat ng utang ng nanay nyo na halos wala ng matira sa inyo?

I am planning to get married with may long time BF Q4 next year, pero paano na ang pamilya ko?

In my case, mula nag trabaho ako ng 20 y.o lahat ng pangarap ko para sa magulang ko. Now I am turning 29 next year, wala akong invest, wala akong ipon kasi lahat para sa pamilya. But this year when I got the opportunity na mag OFW i tried my best na bigyan sya ng maayos at maaliwalas na buhay.

I gave her puhunan for mini tindhan dahil ayaw nya daw tumambay. Sinasagot ko monthly na vits and meds, pinapaaral ko yung 2 nakababatang kapatid ko sa college.

Yung tindahan is para lang sa daily gastusin like baon ng kapatid ko. Pero yung food nila shoulder ng isa kong sister dahil dun sila nakatira sa bahay namin. No issue with that. Bahay namin, nakatira dun yung sister ko at asawa nya at anak nya 5 y.o. pero sila na nag shoulder ng lahat ng expense like food, kuryente, tubig. So halos wala ng gastos ang mader ko.

Pero simula nag abroad ako nag stable ng padala monthly. May time pa na para silang kawawa kasi kahit 100pesos walang wala daw sya. Samantalang last Oct first week nagpadala pa ko ng 7K sabi ko dadag nya puhunan nya.

Sabi ng BFF ko na taga samin kung makikita ko daw yung tindahan halos wala naman daw laman. Kaya pala hinid sila nag sesend ng picture sakin kapag sinasabi kong patingin ako.

Nitong buong buwan ng 2015 - halos buwan buwan nagbabayad ako sa kung saan saang utang pa nya noon. Tinubos ko bahay namin worth 20K, may mga utang sa lending na 9K, sa tao na 12K and a lot more!!! Buti sana kung pa isa-isang daan lang kaso hindi. Yung every month bigla nalang may mag message sayo tapos yung iba hindi ko pa kilala. May utang mama mo sakin na 5K, may utang mama mo sakin tumubo na 7500 na, may utang sakin mama mo 6K.

Tapos kapag tinanong ko naman nanay ko sasabihin, kung ipinangutang nya daw yun na punta daw yun sa mga kapatid ko o samin noong pang utang nya. Never daw syang nag luho nag sugal o nag bisyo.

Tapos now, malalaman mo ipapasanla nanaman yung titulo ng bahay kasi kaylangan nya daw ng pera???

Alam nyo yung feeling na nakakabuang? minsan gusto ko nalang magpa sagasa. Minsan naisip ko na guilty ako na ang sama ko atang anak dahil nag kwenta ako ng padala ko sa nanay ko. dahil minsan sa sobrang badtrip ko kinuwestyon ko sya kung san napupunta ang pera. Tapos ganto?

Masama ba akong anak? Kasi malapit nakong mapuno talaga. Ang hirap. Malapit ko ng itakwil ang pamilya ko, ang nanay ko. Dahil pakiramdam ko ginagawa lang nila akong tuburan ng pera. Ginagawa pako sangkalan sa utangan. Lagi sinasabi na "magpapadala yung anak ko ibabayad ko sayo" samantalang wala naman akong ka alam alam dun sa mga pinag uutang nya.
« Last Edit: December 27, 2015, 09:02:12 pm by ANJFinally »

Girltalker2

  • Guest
^ tell your mom, huwag sya mangungutang nang di mo alam, otherwise di mo na sasagutin. Regarding titulo ng house, doon naman nakatira kapatid mo kaya sya nalang bilinan mo na huwag hayaan ang nanay nyo magsanla ng lupa otherwise pati sila damay. At wala ka na kamo isasagot.

Sobrang irresponsible lang talaga ng Mom mo and Hindi puede na every time sasaluhin mo. But before you attempt to do this, you have to first try all efforts to sit down with her. Tell her no more debts. Understand what is the monthly expenses and Yun Yung agree-han ninyong amount. Be firm. Tell them Yun lang. If they ask more, try to resist the temptation to add. If she did not comply, tell her you will stop sending EVERYTHING immediately because Hindi na tama ginagawa nya.

Sorry if I sound harsh. Pero I can feel for you sis. There's really no other way, unless gusto mo I continue iyang pag abuse nila sayo.

red_yesha

  • Guest
@ANJ hirap nyan sis. I feel you. Hindi ka masamang anak, sobrang responsable ka lang.
 grabe naman yung sayo. Tipong gusto mo ng itigil sana ang pagsustento pero di mo naman magawa kasi naaawa ka para sa pamilya mo.. paano sila?
Kausapin mo nanay mo,sabihin mo mga hinaing mo na sobra naman yung pang aabuso nya sayo. Bakit ATM machine ka ba? Lahat ng sahod mo, pinaghirapan mo yan.
Ngayong 29 ka na.. eto na siguro ang panahon na kelangan mo na rin isipin ang sarili mo lalo na't plano mo ng bumuo ng sarili mong pamilya.

honeybunny

  • Guest
^^^sis i advice na wag ka na magpadala if hindi sila aagree sa terms mo. Masyado na silang dependent sayo.

My sister is in the same situation. Let me vent na rin. I live alone and just paid my brothers tuition in full. And thats it. Kasi malakas pa naman sila so hindi sila dapat naka depende sa amin. Ang turing nila kasi samin e investment kame. Na pagtanda namin e Atm machine nila kame. But i didnt let that happen. Kaso my sister lives in their house. Single pa sya. Sagot nya tubig kuryente nila. Tapos mom ko hindi pa nagpeprepare ng food nila. Yung sister ko sa carinderia lagi kumakain.

Nakapost paid plan pa yung mom ko e wala naman syang work. Kame ngang may work e tig 200 a month lang ang load namin kasi promo sya. Pero my mom sobrang materialistic na. She even complained na tinanong daw sya ng mga friends nya at sinabi na bakit wala syang tablet. Lahat daw ng friends nya may tablet. Sabi ko naman bakit ikamamatay mo ba pag wala kang tablet? Si tita xxx nga walang tablet. Ako nga walang tablet.

Nagrenew sya ng postpaid plan nya so may free phone at tablet sya. Sabi ko ibenta para sa gastusin sa bahay. E ginamit na. Tapos ibebenta daw. E nagamit na nya pano nya pa mabebenta yun

Eto pa, pinatira nya dun yung mag ina na malayong kamag anak namin. Ang sabi nagbibigay daw ng 1k a month. Pero sa bulsa nya lang napupunta. Kesa ivolunteer nya na o anak eto pandagdag sa gastusin sa bahay", hindi, itatago nya para daw may pera sya. 1k a month para sa renta? E wala pa tubig kuryente dun? Wow. Grabe lang.

Ang tatay ko naman nagsabi pa sa amin na mag grocery daw kame tig 1k a month. Nagrereklamo dahil wala daw pagkain sa bahay. E anong sagot nung mga pinatira ng nanay ko sa bahay nila? 1k? Yun lang? Na hindi naman dagdag sa gastusin sa bahay. E sagot na nga ng kapatid ko tubig kuryente nila. Hindi pa sila magkusa sa ibang gastusin? Sagot ko na tuition ng anak nya, kulang pa rin? Nag iiyak sya sa tatay ko na  Wala daw kameng pakinabang?

Gamit ba kame na mapapakinabangan mo? Hindi ba kame anak mo?  In the first place she never treated us as her kids but as her investment. Bakit hindi sila magreklamo dun sa inampon nilang patirahin sa bahay nila at sabihin ba kulang ang binibigay? Bakit kame ang iisstressin nila? Hinihila lang kame pababa.

Hay grabe. Sorry sa rant ko. Sa akin lang, obligasyon ng magulang ang anak. And not the other way around. Kung gusto tumulong ng anak sa magulang, edi good. Pero hindi yung bibigyan ng burden ang anak ng magulang. Hindi tama e. Parang parasite e.

ANJFinally

  • Guest
Hi sis Girltalker2, red_yesha, and honeybunny!!! I appreciate your support mga sis!

Actually nagawa ko na rin yang ultimatum na yan. Na sabi ko ang sasagutin ko nalang is yung tuition ng kapatid ko, allowance and yung maintenance nya. Bibigyan ko nalang sya ng extra since wala naman syang gastusin sa bahay na.

Nung nagalit ako sabi ko isara nalang yung tindahan kasi wala naman palang silbi. Kaya ko nga sya binigyan ng tindahan para may extra income na kapag may times na hindi ako makapag padala, meron ibang resources. Kaso waley eh. Nakakinis din talaga yung nanay ko na kung makapag message kala mo talaga pinabayaan. Hihingi nalang daw sya sa ate nya na nasa US ng pera pamasko at pang new year. Hihingi daw syang pang pa check-up kahit daw 500php. Talagang nag pantig yung tenga ko. Sabi ko "Ma, as in aping api ka talaga? As in kahit 100 pesos wala ka sa bulsa mo? Pakiramdam ko ngayon pinabayaan kita ha?"

Sabi ko sa sister ko, ubos na pasensya ko at sinabi kong hindi nako magpapadala bukod sa tuition - sya na kako bahala sa mama ko. Nung sinabi nya sa mama ko, aba ang sabi ng mama ko kukunin nya na daw yung papeles ng bahay at ibebenta nya na tapos mag kanya kanya na daw kami. Nasa sister ko yung papeles at sabi ko wag na wag ibibigay kasi baka isanla nanaman. Grabe lang talaga, alam nyo yung parang bata na nag tantrum na inagawan ng kendi? Kala mo teenager na nag rerebelde. Naiinis talaga ako sa attitude ngayon ng mama ko. Parang hindi makaintindi na hindi naman ako sumasahod ng milyon.

Minsan nga naisip ko napasama pa ata na nag abroad ako or naging sobrang mapagbigay ako kasi umabuso. Akala nila isang pitik lang may ipapadala akong pera. In all honesty, nakakahiya mang aminin mag eend na contract ko sa march pero uuwi ata akong Pinas ng nga-nga. Ang mauuwi ko lang is yung separation pay dahil natapos ko ang 2 year contract ko plus the free ticket.

Kwento ko narin pala mga sis, my papa died almost 15 years ago. And my mom got a companion na isang tibo last 2003 ata yun. Lagi nya sinasabi na friends lang sila, to the extent na pinatira nya pa sa bahay noon kaso nung nagka isip na kaming mga anak nya, hindi na umubra. Kala ko nagkahiwalay na sila, seems like my mom is too attached with that sh*t. Minsan nakikita ko pumupunta pa yung mama ko all the way to Pasig from Bulacan para lang makasama ang bwiset. Hindi ko alam kung namemera sya kasi may kaya yung tibo.

My problem is kaya ako nawawalan ng gana sa nanay ko kasi ramdam ko na mas mahal at mas matimbang talaga sakanya yung isa kesa saming mga anak nya. Weeks before Christmas nagkasagutan kami sa message. Sabi ko never ko matatanggap yung tibo na yun kahit mamatay pa ako. After that, never na sya nag message sakin at alam kong naging cold si mama sakin. She never greeted me nung Christmas.

Last Christmas namasyal yung sister ko saka hubby and kid nya sa Circle, they even asked my mom to join them - sabi masama daw pakiramdam nya nahihilo sya. Then sumama parin, pero nung malapit na sila sabi ng mom ko "Pupunta lang ako sa kuya mo sa alabang kukunin ko yung apo ko para maka join" But we found out na pumunta pala sya ng pasig dun sa family ng s*** na yun para maki Christmas Party. Ang masaklap pa, she said to my sister na hindi na daw sya tumuloy sa Alabang kasi daw traffic kaya dumaan nalang sya ng Pasig.

Ang sakit lang na kapag nandon sya sa bahay namin lagi syang matamlay at puro problema ang alam, laging high blood laging galit sa mundo. Pero nung makita ko yung mga picture na naka tag sakanya nung pumunta sya ng Pasig, all smiles sya. Naiyak nga ako eh. Nagtatalo yung nararamdaman ko if ile-let go ko na ba ang nanay ko. At pabayaan ko na sya kung san sya masaya tutal malalaki naman na kami. Hays. Nakakiyak nanaman.

lovemeagain30

  • Guest
You're mom is a bisexual. She probably wants to free herself. Let her go. Tama ka nasa edad na kayo. Eventually she will learn the lesson of her overspending.

Shadow Angel

  • Guest
Sa pagsupport mo sa kanya hindi mo sya natutulungan lalo lang nagiging palaasa. Matuto kang magtiis mabubuhay ang sya kahit wala ka. Ano kapag nawala ka ano sila hindi na kikilos at hihintayin na lang mamatay sa gutom. Kaya mo yan sis maglibang isipin mo sarili mo anong age mo na sa lahat ng pinaghirapan mo may na invest ka ba or nasabi na sayo lang. Wala ka man lang ipon. Hindi masamang tumulong o isupport sila dahil pamilya mo pa rin sila pero dapat may limitation. Ginawa ko na yan tiisin sila ngaun naman ok na humanap na sila ng pagkakitaan hindi na sila umaasa sa akin mas nakabuti pa nga dahil natutong silang pahalagaan meron sila. Saka nakakaipon na rin sila tumutulong lang ako sa emergency talaga.

honeybunny

  • Guest
^ i agree.. para matuto silang maging independent. yan din ang reason ko.

yung tita ko every month nagpapadala sa lola ko, one time, hindi sya nakapagpadala, aba nagalit at si tita pa ang may utang sa lola ko dahil hindi nakapagpadala. nakakaloka.

Girltalker2

  • Guest

Actually nagawa ko na rin yang ultimatum na yan. Na sabi ko ang sasagutin ko nalang is yung tuition ng kapatid ko, allowance and yung maintenance nya. Bibigyan ko nalang sya ng extra since wala naman syang gastusin sa bahay na.


An ultimatum is an ultimatum. Hindi yung hihirit ka na di mo na support except yun, or 1-2 things pa. maybe it is time you live up to your ultimatum. Think of it as for their own good din naman para matuto din ang nanay mo huwag mangutang and just live within her means.


Hihingi nalang daw sya sa ate nya na nasa US ng pera pamasko at pang new year. Hihingi daw syang pang pa check-up kahit daw 500php. Talagang nag pantig yung tenga ko. Sabi ko "Ma, as in aping api ka talaga? As in kahit 100 pesos wala ka sa bulsa mo? Pakiramdam ko ngayon pinabayaan kita ha?"


If I'm in your shoes, secondary lang yung feeling na isipin ng iba na pinabayaan mo nanay mo. Kasi you know the truth naman and yun ang importante.

Pero once ihirit nya sakin na manghihingi nalang sya, talaga namang nakakagigil. Ang sagot ko lang naman... 'Wala na ba kayong alam gawin kundi manghingi? Hindi ba kayo nahihiya manghingi na parang patay gutom kayo? Asan na ang pride mo? Lagi ka ba parang pulubi na need manlimos?'
Then tell her, sige manghingi ka, sasabihin ko naman sa kanila huwag ka bigyan kasi kakapalan na iyan ng mukha para humingi or umutang ng pera kaliwa't kanan.

In all honesty, nakakahiya mang aminin mag eend na contract ko sa march pero uuwi ata akong Pinas ng nga-nga. Ang mauuwi ko lang is yung separation pay dahil natapos ko ang 2 year contract ko plus the free ticket.


Baka it is time for you to take another job/contract abroad habang andyan ka pa. and this time, be wiser. Baka makakabuti sayo to think of your Long term plans, Baka makakabuti sayo mag change nalang ng residence or citizenship, tutal wala ka naman dun uuwiang matino sa pinas, worse, nanay mo pa ang hihila sayo pababa.

ANJFinally

  • Guest
Sobrang guilty ako sa walang invest. Mga kapatid ko as in kuya ko pa ha, yung panganay binigyan ko pang start sa tricycle at pang lisensya noon nasa Pinas pako nun. Kamusta naman kayod ko nun para lang maibigay yun hiniling nyang tulong, nangyari? Wala pinahatak kasi hindi na nila natpos hulugan ang tricycle.

Mama ko ilang beses ko na pinapwesto ng tindahan at binigyan ng puhunan na hindi galing sa utang. Ang hilig kasi nya noon mag lending lending. tapos ang ginawa ko inipunan ko sya ng puhunan na hindi galing sa utang noon pa yun nasa pinas parin ako til now na nag abroad ako ganun parin pero parang wala paring nangyari.

Yung isa kong kuya ganun din, binaon ako ng utang sa credit card di ko na siningil. Ngayon mag iinvest sa bigasan lumapit ng tulong sakin okay bigay ako.

Guilty ako sa walang invest at ipon. Sabi ko one time naglabas ako ng sama ng loob, may mangyari saking hindi maganda at di makapag trabaho (knock on wood) ako pinaka kawawa samin kasi wako sahod ko lang ang meron ako. Wala akong invest, wala akong ipon. Nga nga talaga ako.

Nakakasama ng loob kasi parang hindi nila maintindihan yung hinaing ko. Kala nila in just one snap meron ako. Kaya nung november na nagipit ako wala talaga akong pinadala kahit piso aba ang nanay ko nag aalburuto lagi sa high blood. Nung sinabi ko sa sis ko na hindi nako magpapadala hanggang March dahil matatapos na contract ko para may maipon man lang ako, mama ko parang nag rebelede. Mag sosolo na daw sya at lalayas. Ibebenta nya na daw ang bahay namin at magkanya kanya na daw kami. Para teen ager na hindi makaintindi.

Whenever na maiisip kong pabayaan na sila ayan na papasok na yung guilt feeling ko na "masama ba akong anak?" Tapos maiiyak nalang ako. Feeling ko tingin sakin ng nanay ko ATM na laging maglalabas ng pera. Kapag wala akong padala parang ang sama sama ko na pinabayaan ko sila. Sakin pa talaga sinabi na sa kapatid nalang daw nya sa US sya manghihingi ng pang pa check up dahil masama daw pakiramdam nya. Nakaka badtrip.

lovemeagain30

  • Guest
This is not a sarcastic comment but I'm wondering kung bakit hindi siya humingi sa partner niya since they wanted to be together?

ANJFinally

  • Guest
^sis if that is about my mom na may companion na tibo, i don't know too. Ang alam ko lang yung tibo na yun ang nagturo sa mama ko sumali sa mga coop coop at lending lending dahil yun ang trabaho nung tibo noon parang collector sya. Nakakainis kasi inaccept ng mga kapatid ko yun tibo na yun noon, ako lang at yung kuya kong panganay ang may grudge diko talaga matatanggap.

Before ako mag abroad 2013 yun my mom and that tibo nakatira sa haus ng kuya ko pangalawa, why? Kasi ang kuya ko kinuha yung nanay ko sa bulacan at tumira sila sa mandaluyong para mag alaga ng 2 nyang anak. Bitbit nila pati yung tibo.

Nung nag abroad ako last year sabi ko sa mama ko umuwi na sya ng bulacan kasi magpapadala ako monthly magpahinga na sya sa pag aalaga ng apo. Pero since alam ng nanay ko na diko tanggap yung tibo, hindi nya na sinama pabalik ng bulacan kaya akala ko wala na sila. AKALA ko lang pala. Kasi nagkikita parin sila, at may kontak parin.

Dami kong issues sa nanay ko mga sis. Pasensya na sa rants. =(

I really wanted na maging okay ang pasok ng 2016 ko since me and my long time BF is planning na to get married next year dahil 29 na kami. I want everything na ma-settle kaso alam ko hindi ganun kadali.
« Last Edit: December 29, 2015, 02:52:42 pm by ANJFinally »

lovemeagain30

  • Guest
If you don't mind me asking, bakit hindi mo tanggap si tibo? Is it because tibo siya or dahil user siya?

Sa unang comment ko about your concern i really think lesbi/bisexual din si mama mo. tanggap mo narin ba yun??  the reason i asked it's because based on your cuento, i think your mom loves this person. kaya malamang yan ang isa sa mga rason on why she's acting like a rebellious teenager.  spoiled brat teenager who wants to have it all.

Shadow Angel

  • Guest
^sis kahit anong payo namin ikaw lang naman makakaresolve ng problema mo. Recycle na pala ang problema mo sa family mo i mean paulit ulit until nagsasawa ka na. Hindi pa hihinto ang ganyan kahit may asawa ka na kung ganyan you feel guilty everytime na feeling mo hindi sila natutulungan which is sa tingin ko hindi naman nakakatulong. Ano ba sukatan ng pagiging mabuting anak at tao. Sino bang nag seset ng standard kung paano maging mabuting anak. Alam mo sa tingin ko binigay mo na buong katawan mo sa kanila kulang pa rin. Ikaw na rin may sabi kapag may nangyari hindi maganda sayo ikaw ang kawawa. Ilan taon na ba nanay mo. Mukha hindi naman uubra sa kanya ang negosyo at oo nga no hindi sya nahihiyang humingi sa kapatid nya considering may kanya kanya na kayong buhay. Ano ba iniisip mo masabihan ng mga kamag anak na masamang anak? Well kung ganyan lagi mo iisipin hindi ka na makakawala sa ganyan sitwasyon. Anong sabi ni h2b mo ok lang? Sa ngayon ok lang pero pagtagal baka pagtagal family mo maging problema nyo magasawa. Sana un future generation or tayo na rin mismo wag natin tularan ang karamihan magulang ngaun na ang aga magretire at umasa sa mga anak.

Girltalker2

  • Guest
Sana un future generation or tayo na rin mismo wag natin tularan ang karamihan magulang ngaun na ang aga magretire at umasa sa mga anak.

This is the ideal setup, being self reliant kahit sa retirement years.

Kasi sa case ni ANJ, ready naman sya suportahan. Pero within her means lang. Mahirap kasi if the parents ay nakaasa nanga sa anak, but lives way beyond anyone's means. Talagang lulubog ka sa utang

 

Latest Stories

Load More Stories
Close