watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191613 times)

pinklilac

  • Guest
Sis Girltalker2  napaka blessed  natin  sa magulang natin.

I wish  na  ma realize ng ibang  parents ng mga sis natin  dito  na hayaan nilang magkusa mga anak nila. Pag mag abot, salamat.pag wala naman e di pasensiya..




red_yesha

  • Guest
Ano kayang pakiramdam kapag solo mo lang yung pera noh? Mukang hindi ko ata ito mararanasan hahaha

cheloucustodio

  • Guest
Yes ofcourse! Nag sisikap ang mga parents natin para makapag tapos tayo ng pagaaral. We don't have the rights na iwanan nalang sila sa ere basta basta. Once na makagraduate tayo it's about time na para bumawi naman sa hirap at pagod nila makapag tapos lang tayo sa pagaaral.

lovemeagain30

  • Guest
I see now how my husband works hard for our children. Working mom din ako. If one day sabihin samin ng anak namin na "hindi namin obligasyon buhayin kayo" or "hindi namin utang na luob mag sustento sainyo".. the thought of it, cringes on me. Not that dahil balak namin magpa alaga sakanila pagdating ng araw pero siyempre yung ayawan ka suportahan sa panahon na mahina ka na or wala ka ng means of income,, aminin natin masasaktan tayo kapag pinagsalitaan tayo ng ganun ng anak natin di ba?  ???

Eto nalang makakain ka ba ng maayos let say ng agahan mo knowing ang mga matatanda mong magulang eh walang kinakain sa oras na yun?

I think the reason i want to give back to my parents parin kasi I had a 'happy childhood' though it's too far, far away from being perfect! Yung lumaki ako na hindi naman ako pinaampon, ginutom, minolestiya or binugbog I think enough reason na yun para pasalamatan ko ang mga magulang ko . Yun nga lang palitan nila ang diapers ko sa gabi at gumising sila para padedein ako nung sanggol pako, I think those sacrifices hindi ko mapapalitan yun eh. kahit ba hindi ko choice na mabuhay (kasi hindi ko naman inutos mag $ex sila) PERO if I see infants/children at the orphanage, naisip ko rin na may choice din silang hindi ako buhayin di ba?  ???

Hindi obligasyon pero I think it's more of gratitude at pagmamahal on why children gives back to their parents. If you had a happy home, i guess it's much easier to give. Yun nga lang hindi lahat ng pamilya ay masaya.

 

tischarmedlife

  • Guest
^ Agree ako sayo sis. It's more on giving back to our parents who took care of us when we're still incapable of looking after ourselves. Naranasan ko rin naman na minsan, akin lang lahat ng sweldo ko pero iba pa rin ang feeling pag kahit paano, nakakapag-bigay ako sa parents ko  ;)

lovemeagain30

  • Guest
^true sis. kapag nakakita ako sa fb newsfeed ng mga matatanda na inambandona ng mga anak.. na nasa kalye at wala halos makain.. if you asked them nasan ang mga anak? andun daw sa malayo at may sariling pamilya na.. dito yata pumapasok yung isipan ng ibang anak na hindi nila obligasyon ang kanilang magulang, after all hindi mo sila inutusan ipanganak ka.. na hindi mo sila inutusan mag $ex.. na dapat naisip nilang mag ipon para hindi sila naging pabigat pagdating ng araw.. logically it can be right but morally it's not.

 sa panahon ngayon (kahit nuon pa man), "choice" rin ng magulang kung bubuhayin ka nila. makita lang natin sa news na madaming sanggol ang nasa bahay ampunan, sa kalye or worst, nasa luob ng basurahan! to children who says that they don't need to support their parents once they get old, i wished their parents (especially their mom's) also thought of killing them while they were still in their womb. pede rin nilang gawin yun na hindi tayo buhayin kung gugustuhin nila since we have choices in life. They also had that "choice" the time they found out they were pregnant with us. So kapag sinabi natin sa ating magulang hindi natin ginustong mabuhay, tama lang sagutin tayo ng mga magulang natin na "tama ka! kasi eh ikaw ay resulta ng maling desisyon". Aray di ba?  ;D

Minsan naging sanggol ako at lahat ng needs ko (pagdede, paghele sakin ng madaling araw, pagpalit ng lampin at paglinis ng pwet ko) lahat yan naka depende sa mga magulang ko which lahat tayo i think dumaan diyan.  kung ang mga magulang natin ay nag sacrifice for us at hindi tayo tinunaw ng Cytotec, iniwan sa kalye or pinamigay sa ampunan, ni rape or ginulpi or worst, tinapon sa basurahan --  i think we really ought to love them back when they become incapable to support themselves. Let's not become those ungrateful children who let their old parents live and beg on the streets.




« Last Edit: October 07, 2015, 02:19:12 pm by lovemeagain30 »

Purple_Power

  • Guest
Ito ang mga nakikitaan kong mentality karamihan lang ng mga magulang natin or kahit mga ninuno pa. Pero depende pa rin kung paano sila pinalaki noon at kung ano ang situation kaya iba iba rin ng mindset. Iba sa mga babanggitin ko medyo OT although a bit related kung ano yung observation ko sa karamihan ng mga magulang noon.

- Mahilig mag set ng expectations, kapag hindi natupad ang galit nila will be highest level na parang ikaw na ang sumira sa buhay ng pamilya mo. Too many to enumerate the examples pero isa rito yung ineexpect kang maging 1st honor na consistent kung saan the world is competitive. Eh kung marami kayong mga magulang na ganyan ang mentality at nagsama sama so paano na?

- Kahit kapos pipilitin paaralin sa mga mahahalin o kilalang school to the extent na inuutang na or hinihingi pa sa ibang tao, they are expecting na magiging maganda ang buhay ng anak pag lumaki dahil nakagradudate sa magandang school. There are other parents kahit mga mahihirap na mismo at hindi angat sa buhay masyadong minamaliit ang mga not so popular schools to think na maraming mga bata ang walang pagkakataon mag-aral. Kapag nagtapos expected agad a good job and will earn big amount of salary from that some parents will oblige you to give. Maiinis pa sayo kapag wala kang bingay kahit naman understood na kinakapos ka.

- Image and reputation is always important kahit hindi na practical kung minsan.

- Mahilig mag emotional blackmail na parang mamalasin ka sa buhay mo if you don't give back to your parents or wala kang utang na loob.

- Sasabihin lang someday you will understand why I am this, or hindi niyo lang ako naiintindihan.

- Worst case POWER TRIPPING that they are more superior. More so they are abusive pa.

- Uso ang brainwashing to children

There are things that other parents are not always aware, yung responsible parenting not just yung they work hard to earn money para they can provide for their kids. It must be as well as moral, emotional and spiritual support as family. More so they are supposed to earn respect too from their children not just they are going to teach respect to elders. Respect is not only for elders it must be to all people kahit mga baby. Chances are kapag andyan na ang challenges others cannot handle it hanggang sa magiging depressed parents sila instead of solving problem inuuna agad frustration. Some cannot accept the differences yung tipong iba iba tayo ng nararamdaman o emotion. Tumatak rin sa isip nila na they are parents someday the children will return what they have done, kapag wala kang nakuhang work magagalit sayo ng matindi. Kapag nakapagtapos ka na bibitawan ka na at may iba gusto nang tapusin yung responsibilidad nila bilang magulang. Which I think some of the parents are lack of concept about investment for retirement. Kaya yung iba biglang aasa na lang sa anak.

I believe children will give something in return kahit hindi mo sabihan or kusa nilang gagawin yung pagbibigay sa magulang. Kaso mo inuunahan ka na agad ng magulang mo na sabihan kang dapat magbigay ka sa magulang mo dahil wala ka sa mundo kung hindi dahil sa kanila.

Ang masasabi ko lang eh di maging mabuting magulang, at huwag sukuan ang anak lalo na kapag andyan na yung mga challenges. Magtataka sila kung bakit problematic mga anak without analyzing the situation. Since I've mentioned about being abusive, my point there is someday ang magulang ang mangangailangan sa anak at kapag naipon yung emotional pain niya we will never know kung ano magiging resulta nito, paano kung maging adik pa yan? Eh di magiging problema pa rin mga anak hanggang pagtanda o worst case hanggang mamatay.

cosmochick

  • Guest
I'm of those here na binubuhay ang mommy ko... and I'm happy doing that. Hindi kaya ng konsensya ko na masarap buhay ko pero mommy ko naghihirap, no matter how she raised me, no matter what kind of a mother she has been to me ,she is still my mom afterall.

Ang pinagpuputok ng butse ko is yung 3 half brothers ko na ang tatanda na eh , asa pa lahat kay mommy.. natanggal amor ko sa mga kapatid ko dahil walang mga sariling sikap, they don't even acknowledge me na ako bumubuhay sa kanila..mga batugan...di makalinis ng bahay ni mommy na I bought for them, ilang beses ko na silang sinabihan, pinangaralanan..to no avail. Kaya I tell myself, pag wala na si mommy (knock on wood) walang aasahan sakin mga brothers ko.

bluish_mommy

  • Guest
^naconsider mo na humiwalay sa mga kapatid mo, tapos ang kunin mo lang mother mo?

cosmochick

  • Guest
^ hi sis, I'm based abroad kasi sis, I just send money to my mom.

lilsaintsm0m

  • Guest
I would give if I can. Di ko naman nakikita na inooblige nila ako magbigay sa kanila. 1st of all di nila ako pinagtapos ng studies eversince I had a baby pinabayaan na nila ako financially si hubby sumagot lahat. Since my sisters are still living with them sila obliged nasa age na rin sila to marry sadly naka tie up magulang ko sa kanila. Di na ata makakapag asawa mga kapatid ko.

lovemeagain30

  • Guest
^Sis supporting parents doesn't mean children should stop marrying because of them. I don't see a reason why. No one can dictate ourselves when it comes to falling in love and having a family. habang tumatanda naman mga yan mas less na ang needs nila when it comes to terms like pagkain at damit.

Regarding sa pag aasawa ng mga anak ng maaga, eto pinag usapan namin ng asawa ko. When our children are at that age na nakakaintindi na sila we will tell them na kapag nakabuntis ka or nabuntis ka, you have to step up! bubuhayin mo ang pamilya mo or bubuhayin ka ng asawa mo. that means if you are studying pa, you have to work to continue schooling. Hindi kami magkukunsinti on something ginawa niyo as an adult. On some extent we will support but you also have to learn. So they have to make the right choices or make their choices right. It's harsh in some way pero you have to teach kids to grow up.  It's tough love pero maiintindihan nila yun balang araw na maging parents sila, my own parents imposed that in me. this kind of love should not change on how we love them still. 

j.adore

  • Guest
That's usually the reason ng mga old maid na kilala ko. In weddings section, meron din complaints about parents worrying na mababawasan yung "sustento" nila.

My MIL was like that too. Inaway husband ko bakit daw magpapakasal eh di pa sila nabibilhan ng bahay :o

momlory

  • Guest
walang katapusan na "utang ng loob" yan ang forever ng mga pinoy

lilsaintsm0m

  • Guest
^I respect your opinion sis. It is good that you still want to help then kahit kaunti. Yung sa akin kasi sis wala talaga. Parang alam nila na magaasawa nako wala na akong pakinabang sa kanila at the same time they would also get rid of All financial obligations on me. I was only 18. Ang masakit doon isipin kahit may anak na ako Hindi ba responsibilidad parin ng magulang pag aralin ang anak. Regardless of the case na may anak na. Ito ang reason kung bakit meron kasabihan sa Pilipino na "nag asawa ng maaga eh ayan di nakapag tapos". Truth is pinabayaan na ng magulang. It is so wrong kasi magulang ka pa din you still have your responsibilities Hindi mo pwedeng takasan iyon just to teach them lessons. Maraming paraan but to quit on sending them to school its just wrong for me.
Pero sa akin kasi if mangyari sa anak ko yan I would assure ang future nila ng pamilya nila. What if mahirap lang [textspeak!] guy tapos anak ko na babae pababayaan ko lang? Pareho silang hindi makapagtapos. Would they work and study at the same time tapos the kid maiiwan sa kung kanino lang. Andun na [textspeak!] nagkamali eh. Imposible naman na walang matututunan yung bata. Wag naman ipagkalulo. Tapos in the end hahanapan ka pa ng magulang mo. I am lucky to have supportive in laws my hubby was able to finish his college and currently I'm pursuing mine. Kung di dahil sa in laws ko I don't know where we would be right now.
My sisters have been in relationships my eldest sis has already been engaged, need not to say the reason why the wedding didn't push through. My parents know why sa kanila mismo nanggaling eh.
Well sana nga makapagasawa pa sila.

« Last Edit: October 15, 2015, 09:01:42 am by lilsaintsm0m »

lovemeagain30

  • Guest
^Keyword sis, you were 18 then. Not 16. You're already considered as an "adult" when you became a mom and wife. Yes you were still young but you were no longer a child.  ;) At that age, we we're supposed to make adult decisions na and live with it. Good for you that you're able to find a good man! That's the outcome of the adult decision you've made. I too became a single mom before at a young age. My parents gave me support -- only to a certain (limited) extent. Despite of that, I never felt bitter towards them. After all,  I was already an adult when I did the "act" plus they didn't ask me to do it!  ;D  I'm more than grateful pa nga actually to them now. Kasi "lifting" their supporting hands on me made me own up my mistakes. Tough love it is. kung pinamper parin nila ako, malamang pilay parin ako sa buhay hanggang ngayon. :)  Or isa nako sa mga anak na nakaasa sa matatandang magulang kahit may sarili pamilya na sila. No offence intended.
« Last Edit: October 18, 2015, 03:51:23 pm by lovemeagain30 »

lilsaintsm0m

  • Guest
^ I guess we have different cases. Your parents did STILL support you, like I said they did NOTHING for me. I don't want to get into details kahit papaano magulang ko pa din sila. I am also a mother now and what they did was not something I would do or wish upon anyone to experience. So pls don't think I am being bitter or being just a nasty kid. May pinanggagalingan ako.  ;)

plumpolka

  • Guest
I dont think obligasyon ng mga anak na buhayin magulang nila kasi obligasyon ng mga magulang nila na buhayin sila at palakihin ng maayos para pagdating ng panahon, makayanan din nilang suportahan yung mga sari-sarili nilang pamilya. Hindi siya obligation pero syempre hindi mo naman siguro hahayaan na magutom yug mga magulang mo. Yung iba kasi, iniisip nila return of investment yun. Hindi naman business ang pagbuo ng pamilya na pagkatapos mo maglabas ng pera, ibabalik lang ulit sayo. na pagkatapos mong maghirap para buhayin sila, by the time na kaya na nila magtrabaho, ikaw naman na yung magpapahinga at hayahay sa buhay. So pano naman  kung magkaroon sila ng pamilya? magiging cycle na lang sya na aasa ka na bubuhayin ka ng anak mo tapos yung sarili mo namang pamilya naghihirap. Sa akin kasi, once na makapag-asawa ka na, ang obligasyon mo ng buhayin ay ang sarili mong pamilya pero hanggat single at nakatira ka pa sa bahay nila, as much as possible, tutulong ka dahil mahal mo sila hindi dahil feeling mo na obligasyon mo yun. opinion ko lang naman :)

Shadow Angel

  • Guest
For me if nag asawa na hindi obligasyon ng magulang na suportahan pa rin ang anak lalo na mga apo. Buti nga dito sa atin at 18 may support pa rin ng parents. Madami rin mga anak na asa sa magulang pati mga apo. Pagdating ng time na mahina na talaga sila hindi ko lang alam kung paano na titiis ng iba ang mga magulang. Isipin nyo na lang kung ano maiisip nyo if ang mga magiging anak nyo gawin din sa inyo o pabayaan din kayo. Madami mga matatanda nasa kalye. Mga magulang siguro na pinabayaan ng mga anak.

chizzyness

  • Guest
hindi naman kasi talaga obligasyon ng anak buhayin ang magulang. pero yung kahit konti man lang makapag give back sa magulang for all the sacrifices they've made.

pero paano kung ganito ang scenario mga sis. may friend kasi ako na mga 3 months old na yung baby niya. nung single siya tinutulungan naman niya yung parents niya. tapos nung kinasal na siya sa husband niya nun, hindi siya nakapagtrabaho na ule dahil medyo maselan yung pagbubuntis niya non. so si hubby na lang ang nagtratrabaho. ang expenses nila, yung current na apartment na tinitirhan nila, tapos bumili sila ng murang house and lot, tapos yung daily needs pa for baby.

eh yung parents ng friend ko hindi naman well-off. actually wala na daw sila income na mapagkukuhanan. nag-pm sa friend ko yung mom niya kasi may pinost lang yung friend ko na picture ng pagkain na kinain niya sa facebook. bakit daw "she doesn't give a damn" na tulungan sila. halos wala na daw sila makain tapos siya nagpost pa. etc etc. "wala na kami pakialam sayo" blah blah..  eh yung pagkain na yun bigay naman ni hubby niya na P80 lang naman daw.

kahit gustong tulungan ng friend ko parents nila, hindi naman daw siya makapag-demand sa hubby niya na tulungan yung side ng family niya. tamang tama nga lang yung kita ng hubby niya para sa kanila.

ngayon parang naiinis si hubby niya sa mom ng friend ko dahil sa message na yun. gusto rin naman tulungan daw ng hubby niya kaso syempre uunahin niya yung needs ng mag-ina niya. sa side naman ng hubby niya, medyo well-off parents niya so hindi nila obligasyon na tulungan sila financially.

di ko din alam yung ipapayo ko sa friend ko kasi ang hirap din dahil parents niya ang pinaguusapan dito.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close