watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191738 times)

sonia62

  • Guest
Mga sis dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob ko sa mom ko. My father died when i was in highschool. I have two brothers and i am the eldest. Current situation namin is, may pamilya na kaming magkakapatid so ang mom namin nag-iisa sa bahay.  Yung dalawa kong brothers dun nakatira sa bahay ng pamilya ng mga asawa nila. Kami ni hubby walking distance lang house namin sa mom ko pero yung house namin kasi nasa compound ng house ng parents ni hubby, isang malaking garden ang nagseseparate sa house namin at house nila. Ang kinasasama ko ng loob ang mom ko though lagi nya sinasabi na ayaw nya maging pabigat sa amin, pagdating talaga sa pera nagiging pabigat sya. Yung brother kong isa may work sila ng wife nya, same with the bunso na ofw at may work din wife nya. Ako housewife lang. Ang mom ko may pension naman sya na 7k a month plus pinadadalhan sya ng additional 3k ng bunso namin at ang bills nya sa bahay binabayaran ng bunso. Kami naman ni hubby ang ginawa namin nagtatabi kami ng 1k a month na pangemergency for my mom kasi nga wala naman kaming extra money na basta na lang madudukot ng biglaan pero hindi ito alam ni mom. Si mom kasi si hingi kahit alam ko na may savings naman sya plus may 10k a month na pumapasok sa kanya. Basta pagdating sa pera magdadrama daing ng daing at nagpapaawa lalo na kunwari pag feeling nya mukhang may pera kami ganun. Para bang hindi nya maintindihan na palamunin lang naman din ako ng asawa ko. At kung nagbabakasyon man kami sa US with hubby's family eh wala naman ako control dun dahil si hubby at mama nya naguusap. Kasi parents nya nagbabayad sa mga resort na tutuluyan, pati car na nirerent para makapasyal at pati food plus si hubby free sa pamasahe so ako pinagiipunan ni hubby pamasahe ko at pangshopping namin. Ayoko lang yung kung makahingi sya kahit may pera naman sya at may savings sya ewan ko bakit ayaw niya gastusin kung talagang kailangan nya. Kasi ako naman kung may ibibigay ako lalo na for her checkup magbibigay naman pero parang gusto nya obligahin kami. Eh buti kung may work ako gaya nung dalawa kong kapatid. Gaya nung naospital sya dahil nagOA sa pagiyak sa isang patay na ni hindi naman nya kakilala hanggang sa nahimatay at sinugod sya sa ospital. Hiyang hiya ako kay hubby wala pang half day sa ER bumayad si hubby ng 4k dahil sa isang bagay na pwede naman maiwasan. Tapos mano bang nagoffer man lang ng kahit magkano like anak dagdag nyo na tong 200 ko or something (kahit hindi naman namin kukunin yun), yung makita mo yung effort man lang di ba. Tapos noong naospital ako last 2012, naku iyak sya ng iyak tapos sabay sabi pano daw pag sya nagkasakit ng ganun. Akala ko pa naman naawa sya sa akin. Tapos nung umiiyak ako sa ospital dhil nahihiya ako kay hubby sa isang iglap almost half a million bill ko sa ospital eh 150k lang limit namin sa HMO sabi ba naman ng mom ko sa akin hayaan mo asawa mo obligasyon ka nya. Ang sakit sakit talaga grabe. Oo nandun na ko obligasyon nga ako ng asawa ko at hindi naman ako umaasa na financially tutulungan nya kami dahil wala naman sya maitutulong pero kahit man lang ba yung maging part na lang sya ng solution. Yung tipong o anak gusto nyo tulungan ko kayo makahiram ng pera sa friends ko kaya nyo ba hulugan. Kasi nanay ko sya di ba kahit man lang effort. Ending umutang si hubby sa bangko. Maintindihan ko pa na hindi kami tulungan ng parents ni hubby kasi di naman nila ko anak pero nanay ko yun pa sinabi sa akin. Kaya minsan tuloy sinasabi ni hubby lagi naku unahin muna namin daw isecure kinabukasan naming dalawa dahil nung nangailangan ako ng tulong ni isa sa pamilya ko walang tumulong sa kin. Kung mangangailangan daw mom ko wala naman masama kung tutulong kami KUNG meron. Eh kung wala pasensyahan na lang. Kaya lang minsan alam nyo yung feeling na parang nakakaguilty kaso ayoko naman nung nagiging parasite mom ko na kahit may pera naman sya ayaw nya ilabas or dadaing ng dadaing. Minsan gusto ko sabihin sa kanya dadaing pa sya sa akin eh may 10k a month na pumapasok sa kanya samantalang ako zero talaga ok na sa akin na may kinakain kami at natitirhan at hindi ko naman ugali humingi sa asawa ko ng pera saka kasi pinipilit naman nya na mabigyan ako ng comfortable na buhay.

lovemeagain30

  • Guest
^ Sis how old is your mom? Widow na siya di ba? Why I asked these questions kasi usually pag matatanda na para silang bata ulit. they want extra attention.. extra love.. extra money! :) mga ganun especially kung senior years na nila. nasa twilight moments na sila ng buhay nila. kung ang nanay mo ay nag iisa nalang sa buhay dahil wala na ang tatay mo at may sarili na kayong buhay ng mga kapatid mo, you can imagine that's it's also lonely to be alone. ikaw ang panganay, ikaw ang malapit sakanyan, so ikaw ang lambingan niyan.

isipin mo nalang sis hindi na magtatagal buhay ng nanay mo.. not that im saying she will die sooner pero one day it will happen that nobody will disturb you this much anymore. And I believe,  you will surely miss these times. your turn of old age will come din, ika nga. so until then, pag tiyagaan niyo nalang muna tulungan si Mama mo. habaan mo nalang pasensya kasi makukulit yan silang mga senior citizens which is parang tayo lang din nung maliliit pa tayo at super dependent pa tayo sakanila. naging single parent siya nung mawala papa mo and now that you're married, you should be able to understand how tough it is to raise children alone. ask help from your siblings if you have to but don't give up helping her. yun ay sakin lang naman.

« Last Edit: September 09, 2015, 04:30:44 pm by lovemeagain30 »

Priceless

  • Guest
^^Actually, i can sense a deeper issue sis. Maitanong ko lang, do you have any personal savings or money na naitatabi para sa sarili mo, especially since hindi ka nga nagwowork? Pano yung mga expenses mo for your personal stuff?

I actually admire women who choose not to work pero I think you still need to be financially independent even if you decide to stay at home. By this I mean, kung let's say may naging problem man sa husband mo and his ability to earn money and provide for you, meron ka pa ring source of money that you can rely on. Plus, I think iba pa rin ang feeling of security na alam mong may makukuhanan ka ng pera in dire need.

As for your mom and her 10K a month, personally, I think that 10K is not a lot, especially if you have to buy food, medicines, at kung ano-ano pa. At the moment, the "burden" of supporting your mom is left all to your youngest brother - and let's say na he stops working for some reason, your mom is only left with her 7K to cover for all her expenses including lahat ng bills sa house and maybe she is worried na wala syang maaasahang iba. I just guess na hindi fair ang hatian sa responsibility in looking after your mom kasi you and your other brother don't contribute or at least don't contribute regularly na nakikita nya. Baka it's her "indirect" way of telling you na dapat share kayo ng brothers mo sa pag alaga sa kanya.

Now if you think about all these expenses (let's pretend na wala si hubby ha), yung expense of looking after your mom, your own daily expenses, insurance, savings at kung ano ano pa, do you really think you can afford not to work or at least have a sideline so you have extra income?


sonia62

  • Guest
@lovemeagain30 my mom is 64 at malakas pa sya compared to other senior na sumasakitsakit na tuhod. Naintindihan ko na mahirap mag-isa. Actually pinipilit ko na sya noon pa to stay with us ni hubby because i know how it feels na mag-isa dahil nafifeel ko din yun pag out of town si hubby. kami lang naman dalawa ni hubby sa house pero ayaw nya talagang iwan yung house nya kahit sinasabi ko na ibenta na lang then isave ang money para sa needs nya sa pagtanda nya. Problem naman eh hindi naman namin kaya magmaintain ng dalawang bahay. Kasi di ba kung nandito sya may kasama sya, tapos isang bayad na lang ng electricity, water, mga ganyan then sa food naman ano ba naman ang maisahog namin sya sa food di ba isa lang naman sya. Saka from time to time pumupunta ko sa kanya to check her talaga lalo na pag tapos na ko sa mga gawain ko at para magchikachika man lang kami ganyan dahil alam ko naman na nagiisa sya dun. Minsan lang talaga nauubos pasensya ko kasi hindi na sya nawalan ng reklamo, sumbong dito sumbong dun so minsan paguwi ko ako na ang stressed. kaya nga ang prayer ko lagi eh bigyan ako ni Lord ng enough strength, patience and perseverance na maitawid ang pagtanda ng mom ko kasi mahirap talaga pakisamahan mom ko. May ugali sya na hindi ko talaga matake. Syempre pinipilit ko intindihin kaya lang kahit ano haba ng pasensya ko minsan talaga nauubos. Minsan talaga kinakapos ako ng tibay ng loob pero lagi ko nga sinasabi eh at the end of the day nanay ko pa rin sya.

@Priceless i have personal savings, insurance, pension plan & properties in my name. Yung personal savings ko nakainvest ayaw nga ipagalaw ni hubby yun gusto nya palaguin ko daw and it is under my name. Basta lahat ng needs ko si hubby nagpoprovide kasi nga gusto nya lumago yung personal savings ko. Marami kasing bawal sa akin kaya gustuhin ko man magwork or what eh housewife lang ako kaya si hubby ingat na ingat din sa akin. Bawal sa akin magbuhat ng mabigat, kumilos ng heavy, mastress, iwas din ako sa usok kasi nagkakasakit ako .. Yung sa mom ko naman hindi naman lahat dun sa bunso. Nagkataon lang kasi na sya yung ofw so sya yung kumikita ng pinakamaayos so sya yung nakakapagbogay ng regular talaga. Yung isa kong brother hindi ko lang alam pero nakakakuha sya sa ofc ng free medicine ng mom ko so wala naman ng iintindihin mom ko kungdi food lang talaga. Plus pag nagpapacheck up mom ko ako sumasama sa kanya and ako nagbabayad ng check up nya kinukuha ko nga dun sa tinatabi namin ni hubby na pangemergency specifically para sa mom ko. Pag may nakita ako sa bahay ng mom na may kulang na grocery isinisingit ko paunti unti sa grocery namin ni hubby. Ayoko lang kasi eventually na maging issue kay hubby at sa parents ni hubby ang pera. Lalo na hindi kasi ganun sina hubby. They were brought up na yung parents nya may kanya kanyang pera, tapos kahit retired na sila hindi sila humihingi sa mga anak nila. Syempre ako ayoko na masabi ng parents nya na pati mom ko sustentado pa ng anak nila lalo na nung di pa kami kasal ni hubby ayaw nila sa akin tapos hindi sila pumunta ng wedding namin. After the wedding na lang nila ko nagumpisa tanggapin. Ingat na ingat ako sa mga ganyan at ayoko ng gulo sa in laws ko. Kaya nga pinipilit na lang namin ni hubby na dumito na lang mom ko kasi magaan para sa lahat yung ganung setup, may kasama pa sya kung dito sya.

iannewn

  • Guest
Obligation? I think no, but to give part of your salary for her to spend without question Yes, if your single and if your married its no anymore unless your mom no longer work and theres no where she can get funds. Thats the time you need to invest on a certain area where she will be able to get funds monthly for her daily needs without you giving her monetary support.

honeybunny

  • Guest
i was once called a blacksheep kasi i never do as i told. my parents were controlling even when i was younger, as if they own me and that i should do as i am told. since i am a rebel, i do not listen. i do what i know is best for me and what i want in my life since it is my life anyway.

when i had a job, they obligated me to give them money as utang na loob. being a rebel that i am, i unleashed hell and told them na i wont, i will only give what i can. late 40's pa sila nun so malakas pa. my mom retired nung early 50's nya kasi alam nya graduate nako, kasi she expected na i will give her my salary, but i didnt. so bahala sya.

what irked me the most is when my dad told me na "mangarap ako for them", and i was like, bakit nyo kukunin kung ano man yung pangarap ko sa buhay, when u had that chance to have a dream of your own nung bata kayo. bakit pati yung pangarap ko kukunin nyo.

sobrang hugot lang talaga ako kasi i am so against this - obligasyon na buhayin ang magulang? what a crap.

i did not ask them to bring me into this world. so they cant tell me na kung hindi dahil sa kanila e wala ako sa mundong ito. i did not ask for this.

parents have obligation to their children, and not the other way around. especially kung malakas pa sila. i would understand kung uugod ugod na talaga. but the fact that your parents look at you/me as an investment, just makes me sick.

my sister, being she wants to please my parents, especially my mom. nung first job nya, she earns about 10k a month plus allowance sa gas and food, etc. so since malaki naman allowance nya, she gives all her money to her, as in 10k, and i was like what!?

tapos whenever my mom makes chika to my dad's siblings, she tells everyone na wala naman binibigay yung sister ko kahit magkano. so another what!? sobrang sakit lang sa sister ko kasi hindi naacknowledge tapos parang she's a bad daughter pa.

ako naman kasi i couldnt care less if they think salbahe ako. so yun, nakakaasar lang yung ganitong setup talaga.

i feel na this setup e hinihila ako pababa ng magulang ko.

EDIT: saw this i want to share: it's called parental entitlement. They feel you owe them for rasing you. Well children don't get a vote to be born.
« Last Edit: October 01, 2015, 07:20:36 am by honeybunny »

quinone

  • Guest
^your post reminded me of khalil gibran's poem "on children." may mga parents talaga they do not realize na they do not own their children.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
naalala ko may nakausap akong officemate na seaman ang asawa and sinusuportahan nila mag-asawa yung family ni hubby. according to her, she considers it a blessing na meron silang pambigay. parang ang thinking niya then, binibigyan siya ng Diyos ng pera dahil alam Niyang may tinutulungan siya. fast forward to now may anak na sila, nakakarinig na ako ng hinaing na parang abuso na daw.

honeybunny

  • Guest
^may point naman sya na sa sinabi nya about sa blessing kasi may tinutulungan sya. kaso what it does dun sa tinutulungan nya e nagiging dependent at umaasa na lang.

yung tita ko na nasa abroad, nagsusupport din sa lola ko.. yung lola ko naman, madalas binibigay dun sa bunsong anak na may 2 anak at walang trabahong asawa. alam kasi may tutulong sa kanila, so asa na lang.

one time, hindi sya nakapagpadala, aba yung lola ko pa galit at masama ang loob. wow ha. ikaw pa may utang sa kanila pag may isang buwan ka na hindi nakapagpadala. wow lang.

j.adore

  • Guest
Thanks for sharing the term!

Filipino culture talaga yan but definitely it's the other way around - obligation ng magulang ang anak. They chose to have children and the kids do not owe them anything. Lalo pag ganyan abusive naku isip isip din!

So far my MIL is still mahingi ng mga gusto niya paawa effect sa husband ko but we stick to the monthly budget.

msals2007

  • Guest
Hindi obligasyon ng anak na bigyan ang parents pero sa culture nga natin, expected tayo bilang anak na tumanaw ng utang ng loob sa magulang. I'm lucky to have parents na hindi kami inoobliga na magbigay sa kanila pero kahit paano I make it a point na magbigay pakonti konti every week, konting amount parang allowance lang. and it feels good naman pag nagbibigay ka. Anyway, my parents are old na din and wala naman silang source of income, wala ding ibang aasahan.

Obachan

  • Guest
Mother ko ang meron ganitong attitude.
Natanim sa kanya na kaming mga anak nya me obligasyon sa kanya.
Madalas ko rin marinig sa mother ko na "kung hindi dahil sa akin wala ka dito sa mundo!"
aba eh ginusto ko ba na isilang ako.
kaya in the end lagi kami mag kaaway.

Pag nagle-lecture ako sa mga pamangkin ko na nakatira sakin at sa anak ko
Feeling nya patama sa kanya un mga salita ko kaya sinisimangutan na ako at nag-bu-but-in na sya.
Pangaral ko kasi sa mga pamangkin ko to finish their study first so they can reach their dreams and support their self
At pagnakatapos na sila , haharapan ko naman ang retirement ko para hindi kami aasa sa kanila pagtanda ko. Gusto ko na maputol ang mentality ng pinoy na pagnakatapos ang anak me obligasyon na sya sa parents nya.

ayun si mother earth drama to the max na.
kitid ng utak. away na kami.

But ofcourse who else will support her kundi ako na inaaway nya, dahil wala naman sya source of income

Purple_Power

  • Guest
Eh di paano naman kung nagkapamilya ka na? Doble ang responsibilidad mo? dahill meron ka na ngang anak na pagtutuunan ng pansin then obligado ka pang mag-abot sa magulang mo? Meron pa ngang magulang na sasama pa ang loob kapag nag-asawa yung anak kasi paano naman sila? ??? From that pa lang wala ka na talagang freedom sa mundo. One more thing parang talagang utang na loob mong isinilang ka sa mundo as if naging choice mo pa  :o parang kulang na lang sabihin nila kasalanan mo yan nagsumiksik ka sa buhay namin mag-asawa eh!

Girltalker2

  • Guest
To be fair, I think the parents tried their best naman. And that's the best plan they know. Kung baga, compared sa parents at tsaka satin, mas nakapagtapos siguro tayo compared to them kaya iba ang mindset nila.

The best we could do is also take care of them and ipa intindi sa kanila gaano kahirap ang buhay at ang trabaho these days.

Purple_Power

  • Guest
^What do you mean by mas nakapagtapos siguro tayo compared to them? Do you mean education for this? I think case to case basis, and not a matter of education baka kaya naging mindset dahil they also stick to the idea of the past or baka nga ninuno then generation to generation na lang. Saka nasa tao pa rin naman yung mentality. It is frustrating lang talaga ngayon na very obvious yung pandidiin sa anak o ito nga derechahan pa binilin agad na dapat tumanaw ng utang na loob ang anak sa magulang. Parents can ask help which is wala naman akong nakikitang masama run. Pero ang pamukha sa anak na they are supposed to return what they have done as parents I believe ibang usapan na ito.

ipa intindi sa kanila gaano kahirap ang buhay at ang trabaho these days.

This became one of my frustrations, while my dad never work hard or did not bother to look for a job. We never became his responsibility tapos nung naghahanap na ako ng work he is putting me down that much. Depende pa nga ito sa magulang if they are willing to be open minded eh! Ang sistema kasi inuuna pa nila yung galit at hinanakit kapag wala kang pera tapos lalaitin ka pa nila, instead of kahit moral support man lang ang binigay nila.

j.adore

  • Guest
Yes, merong mga nakapagtapos naman yet stopped doing anything once the kids graduate kasi daw sila naman ang bahala ::)


honeybunny

  • Guest
^i agree. Magbubuhay princesa na kasi graduate na daw ang anak. Wow. As if pagkagraduate e malaki na agad sahod. E madalas nga trainee pa lang at wala pang sahod.

^^i also noticed (atleast sa mga tao sa paligid ko) e they are not used to encouraging people. Mas lalo ka nila ififeed mg negativities instead of giving you positive ones and encouraging you and believing in you.

To me this kind of mentality pulls people down. Hinihila ka pababa instead of helping you e sila pa nagpapahirap sau.

pinklilac

  • Guest
IMO hindi obligasyon ng anak na buhayin ang mga magulang. Depende sa magulang at sa anak na rin.
Aware ako na may mga magulang talaga na parang ginawang investment  ang mga anak ..
In my case, ako.mismo nag oobliga sa sarili  ko to do my best na ma bigyan ng masarap na buhay nanay at pamilya ko.
Nakita ko.kase  kung paano nagsakripisyo nanay ko  mabuhay lang kame.
Pero napaka independent   at selfless ng nanay ko.Hindi umaasa sa mga anak.May mga panahon pa nga noon na ako pa nakaka perwisyo sa knya. Never nanghingi o nagparamdam na siya naman kalingain namin.  Siya pa mag aalok ng help pag alam nya meed ng anak nya.
Kaya naman ang sarap bigyan ng  magandang  buhay ng mother ko.  As in, God willing  lahat ibibigay ko sa kanya.

Girltalker2

  • Guest
^What do you mean by mas nakapagtapos siguro tayo compared to them? Do you mean education for this?

Sorry to hear about your frustration. What I meant mas may pinag aralan siguro tayo as I've assumed every parent would send their kids to the best school they can afford kahit pa mamulubi sila.
Naisip ko mas exposed din ang generation natin sa iba't ibang ideas and we can decide for ourselves what we think is best. As for them, yun lang ang nakagisnan nila, yun lang ang nakita nila sa iba at wala silang ibang way/approach to retirement.

But I hear you. If I'm in your shoes, never ko nga siguro ma appreciate dad mo, coz he never bothered to raise his kids up naman eh. Parang nag anak lang para gawin investment.

Girltalker2

  • Guest

Nakita ko.kase  kung paano nagsakripisyo nanay ko  mabuhay lang kame.
Pero napaka independent   at selfless ng nanay ko.Hindi umaasa sa mga anak. May mga panahon pa nga noon na ako pa nakaka perwisyo sa knya. Never nanghingi o nagparamdam na siya naman kalingain namin.  Siya pa mag aalok ng help pag alam nya meed ng anak nya.
Kaya naman ang sarap bigyan ng  magandang  buhay ng mother ko.  As in, God willing  lahat ibibigay ko sa kanya.

Happy for you sis. I guess you're one of the lucky ones to be blessed with selfless parents. My parents din kasi, they were never flashy, lagi tipid mode when we were growing up.  At naintindihan ko lang iyan when I'm working na. They planned for a simple lifestyle all throughout para di sila aasa samin for retirement.

When I give them cash, they would just give more cash to my kids. Sasabihin lagi I need that more kasi kids are growing at nag aaral pa, Tapos sila naman daw wala naman daw gastos.

As for the others na di masyadong lucky in this aspect, so sad to hear na may parents na ganyan. Baka sometimes best to pray, extend patience but definitely, may hangganan din dapat.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close