watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191884 times)

Janelc

  • Guest
Nakakarelate din ako mga sis ganyan din tatay ko asa na lang sila lagi ng padala galing sa aming magkakapatid and masaklap pa nun kasama pa niya step mother namin na sumira sa pamilya namin eh kung tutuusin si mother naman nagpaaral sa amin sa college by working abroad. Buti na lang remarried na nanay namin at medyo well off yung step father namin.  Dati kubo lang bahay niya naawa kami kaya nagpagawa kami ng bahay para na rin may mauwian kaming matinong bahay pero dami reklamo kesyo dami daw need ipagawa.  Meron din akong biniling car kaso pag wala na siyang pera daming nasisira sa car at kailangang ipagawa kaya nainis ako binenta ko ang car para mabawasan kayabangan nila ng kabit niya imagine panay pasyal nila sa relatives ni kabit feeling rich.  ngayon naman nagtatampo kasi wala na daw siyang service.  Haay hirap magpalaki ng magulang


sakura30

  • Guest
^ Aww Sis grabe naman si Tatay mo at ang kabit ah, kapal ng mukha. Ang bait nyong magkakapatid. Siguro kung ako yan, deadma na sa tatay namin. Sila na nga nanira ng pamilya nyo, pakasarap pa sila. Tama yun na binenta nyo na lang yung sasakyan. Liability pa yun para sa inyo tapos di naman kayo ang nakikinabang.

swiTsuplada

  • Guest
I've been lurking here for quite sometime. I don't know where to start pero gusto ko mag-share noon pa.

My father has been living with us since 2013 dahil "pinaalis" daw siya ng mother ko sa bahay nila. So nung nakiusap siya sa amin, I thought aayusin lang niya isip nya then babalik sa paghahanap ng magiging kabuhayan. He's in his senior years pero walang sakit at maayos ang katawan. The only problem is ayaw nya na magtrabaho kundi din lang malaki ang kikitain.

That time, di din kami nagkakausap ng mother ko so hindi ko na-verify ano ba talaga ang nangyari sa kanila ng tatay ko kasi nagkaroon din kami ng problem re my choice of life-- ayaw niya sa asawa ko na tatay naman ng anak ko. Mas gusto nya na kami lang ng anak ko magkasama dahil mas mabuti daw mag-isa lang ako. Na hindi na kailangan ng anak ko ng complete family. Mula ng nagkabalikan kami ng husband ko, hindi niya na kinalimutan ang nagawang mali ni hubby kahit pa nga malaki na ang pinagbago nito. Lagi niyang sinasabi na huhuthotan (sorry for the term) lang daw ako nito. Kahit pa nga ang totoo e siya na ang may trabaho sa amin nung time na nagkabalikan kami at alam nya naman yun-- still feeling ng nanay ko ako ang nagdadala ng income sa household. In denial pa din siya na naka-depend na ako kay husband.

And so going back to my situation with my father, nung una maayos naman. Binibigyan namin ng kaunting panggastos at kasama sa budget sa grocery, of course. Hanggang sa 'yung dating pang-isang buwang na-grocery namin naging pang-1 to 1 1/2 weeks na lang. Ang mantika, asukal, etc. parang hinihingi ko lang sa grocery kung gamitin. Minsan makikita ko tapon2x pa sa lababo at hindi man lang nilinisan. Nasanay kasi sa maperang lifestyle ang tatay ko gawa nga ng dati niyang income. So kinausap ko na siya about this, explaining na hindi lang ako ang dapat nya iconsider kundi pati ang asawa ko na sanay sa simpleng buhay. Pati ang pambisyo niya na paninigarilyo nung una sinuportahan ko, pero 4 days pa lang ubos na ang 100-500 pesos at humihingi pa sa asawa ko ng extra dahil hindi na siya makahingi sa kin. Until dumating sa point na hindi na din siya binibigyan ng asawa ko dahil parang kami na din ang nagpapaikli ng buhay niya sa paninigarilyo nya. Although mahirap mag-withdraw from being a chainsmoker, kaya ginawa namin hindi na pera kundi ibinili na lang namin siya ng 1 pack per week sana pero nauubos nya in 1 day lang. Nung hindi na namin siya inaabutan, sa anak ko naman humihingi ng pera at pati yung 8 y.o. na bata nakulitan na.

Ilang beses na naming kinausap but still, bumabalik pa din siya sa old habits nya. Dinaan ko sa hindi na pagkausap sa kanya, pero yung anak naman namin ang naha-harass sa ginagawa nya. Kahit pa alam nyang galit na ako, dedma pa din at pinaninindigan niya na maupo at magbabad sa harap ng TV buong maghapon. Pero ang worse pa nito dahil sa hindi na namin siya inaabutan ng pera, nagawa niyang pasukin ang kwarto namin at kumuha ng pera.

Nang magkaayos naman kami ng mother ko, I confided with her what my father was doing. Ang nakaka-frustrate lang-- tumawa lang siya. Sabi lang sa akin pabayaan ko na lang daw kasi nag-uulyanin na. Magulang ko naman daw kaya hayaan ko na kahit pa "nangupit". Kung gusto daw manigarilyo ng manigarilyo e pagbigyan ko na lang daw kung dun siya masaya. Ako naman parang: Ano?! Kunsintihin ko na lang na sinisira ng tatay ko ang kalusugan niya?! Saka ang pangungupit e di magandang gawain kahit anong rason pa. Lalo na panigarilyo lang naman ang problema nya. Nung sinabi ko na pababalikin ko na muna ang tatay ko sa kanya-- ayaw naman niya dahil mamamatay naman daw siya sa sama ng loob. E di ba sila ang dapat magkasama hanggang huli dahil mag-asawa sila?

Ang isa pang nakakainis sa situation ko, may mga kapatid naman ako pero ako ang pini-pressure ng nanay ko na tumulong sa kanila kasi ako lang daw ang nakakaluwag kahit paano. Hindi ako nakapagtapos ng studies pero malakas ang loob ko kaya maganda ang naging career ko. Natataon naman na hindi stable ang business namin kaya sa ngayon saktong-sakto lang kinikita ko plus my husband's salary. While 'yung mga kapatid ko tinry ko pag-aralin pero nagbulakbol, at na-afford pa na walang work at barkada/tulog lang ang ginagawa sa buhay. 20-30s na 'tong mga 'to pero tino-tolerate lang ng magulang ko ang lifestyle nila. Kaya pag may problema, ako lang mag-isa ang takbuhan.

I don't know what to do now. Lagi ko na lang ipinagdadasal na sana magkaroon ng himala at maliwanagan na silang lahat.

mjcaluag

  • Guest
hi sis switsuplada :) nalungkot naman ako sa status ng buhay mo ngayon. instead sana na your brothers help you how to take care of your dad pero sila pa ang hindi makatulong sayo. plus your mom, siguro she's already tired nadin to understand your dad. ganyan na siguro talaga ang ugali ng mga parents natin pag tumatanda na. sad part lang is nakakagawa na ayung dad mo ng di maganda because of his vices which is it's really not good for his health. try to talk to your siblings and your parents,  ipamukha mo sakanila yung pag hihirap mo para maitaguyod lang yung family nyo. good luck sis :) kaya mo yan :)

swiTsuplada

  • Guest
Thanks sis. I actually tried so many different things just to let them know that I wanted to help but they also need to help themselves. Pati ang husband ko kinausap na din sila pero ni hindi man lang nahiya at patuloy pa din ang paggawa nila ng kung anong makakasaya sa kanila. They don't really care at all.

For 19 years, halos ako na ang responsible sa mga kapatid ko when my parents parted and then nang magkaayos sila ng mother ko, I was the only one working considering na 3 ang kapatid ko plus my child pa.

Kapag narereklamo ko sa nanay ko ang situation lalo na sa mga kapatid ko, laging may katwiran ang nanay ko. Ang sabi niya maswerte naman daw ako kasi ako lang daw ang napag-aral nila till college (until 2nd year 1st sem then working student na 'ko) pero hindi ko na natapos dahil nagkaroon na sila ng kanya-kanyang bf/gf ng father ko noon. Kaya naman pag-aralin ang mga kapatid ko ang problema lang, laging nagka-cut sa class so they had failing marks at minsan nga may nag-repeat pa yata. Nung maghiwalay naman sila lalong nagloko pa ang mga kapatid ko so I had to sacrificed my happiness in the hopes na one day mare-realize din nila ang mga hirap namin as a family pero hindi nangyari at mas lalo pang naging magulo.

Sabi nila kapag binibigyan ka ng problema, it's supposed to make you stronger. I keep on praying na ma-enlighten naman sana sila lalo na ang mga parents ko. Pero halos 2 dekada na at patuloy pa din na ako lang ang nahihirapan at ako pa ang lumalabas na arogante at mayabang kapag nagagalit na ako't sinasabihan ko silang matutong magbanat ng buto.

I feel hopeless. Naiinggit ako sa iba na kahit ilang taon na, may asawa't anak na-- pero never nilang naramdamang obligado silang ibalik ang nagawa ng parents nila for them nung bata pa sila. I really feel bad for myself and for them. Bakit ganun? Bakit kaya ako lang? :'(

seamans.girl

  • Guest
Well, if that's the only choice... yes. I have been giving my mom her monthly financial support ever since I got my job. My dad (seperated from my mom) stopped all sorts of financial support to us kasi daw he has done his part na natapos na nya kaming magkapatid.

I will never stop helping my mom and little bro. My partner also pledged to help, and thank God he got a job as a seaman to help us.

Girltalker2

  • Guest
Sis switsuplada, I think the reason why Ikaw ine expect nila tumulong kasi lagi mo naman sila tinutulungan. Siguro minsan dapat ka rin matuto huminde especially if di na tama Yung pag abuso nila.

swiTsuplada

  • Guest
Sis switsuplada, I think the reason why Ikaw ine expect nila tumulong kasi lagi mo naman sila tinutulungan. Siguro minsan dapat ka rin matuto huminde especially if di na tama Yung pag abuso nila.

Na-try ko na 'to at minsan nagagawa ko naman pero hindi pa ako ganun katibay. Ang problem kasi is nakakaya akong i-manipulate ng mother ko through emotional blackmail at ultimo anak ko nakakaya niyang paikutin ang isip. Andyan na sabihan pa akong walang kwenta, masama ang ugali, etc. Minsan naiisip ko anak ba talaga nila ako?

Pero thanks sis. Nakakagaan ng pakiramdam na may nakikiramay somehow.

j.adore

  • Guest
Iisa lang ba kayo ng bahay? Bumukod ka. Kung hindi, mas madali to start saying no.

Parang breakup yan. Masakit talaga sa simula. Kayanin mo hanggang manhid ka na sa emotional blackmail nila.

I know it's been difficult for you pero choice mo din kasi na tulungan sila even if they're ungrateful. Sayang yung almost 2 decades of your life at magtutuloy lang yan hanggang mamatay ka. Unless you change and start saying no..

sildusoleil

  • Guest
Straight forward na sagot: HINDI.

Ang obligasyon ng magulang ay buhayin, mahalin, pakainin at pagaralin ang kanilang mga anak. Ang mga "anak" ay hindi "investment" or timed deposit sa banko na pag inilagak ng matagal na panahon aasahan ang interes.

Ang pagaalaga or pagbuhay ng mga anak sa kanilang magulang pag nakahanap ng una nilang trabaho ay opsyonal. Katunayan lang ito na binibigyan mo ng importansya ang iyong pinanggalingan at marunong kang tumanaw ng utang na loob. Pero hindi naman talaga ito kailangan lalo na kung may trabaho naman pareho ang mga magulang mo.

Di rin naman kasi lahat ng magulang ay mabuti, may iba dyan mga walanghya. Yung iiwan ka sa kamaganak tapos babalikan ka pag mayaman or may narating ka na sa buhay. Kapal lang ng mukha e.

swiTsuplada

  • Guest
Iisa lang ba kayo ng bahay? Bumukod ka. Kung hindi, mas madali to start saying no.

Parang breakup yan. Masakit talaga sa simula. Kayanin mo hanggang manhid ka na sa emotional blackmail nila.

I know it's been difficult for you pero choice mo din kasi na tulungan sila even if they're ungrateful. Sayang yung almost 2 decades of your life at magtutuloy lang yan hanggang mamatay ka. Unless you change and start saying no..
'
3 years ago I had the chance to break free from them. Ngayon nang nakabukod na kami ng daughter ko, nag-start naman na umayos ang relationship ulit namin ng husband ko. Then sometime 2013 lumapit tatay ko kaya pinatira namin kaso 'yun nga naging supplier kami ng pambisyo nya. Then this April naman tinulungan ko makapag-work 'yung sumunod sa 'kin. However, he's now back to his old habits of being "tamad" at iresponsable.

Pinababalik ko na nga sila sa bahay ng mother ko kaso ayaw naman sila tanggapin na ulit ng mother ko. Kesyo gusto ko daw ba mamatay na siya sa sobrang kunsumisyon? Na pagpasensyahan ko na lang daw & don't stress myself too much. As if ganun kadali palampasin na kung siya nga hindi nya kinaya kaya napunta sa 'kin ang responsibilidad. Now I'm on a delicate stage, ini-expect ko na kahit paano OK lang pabalikin ko muna sa kanya pero ayaw na niya. I even had threatened abortion & spotting because of them pero parang wala lang talagang malasakit. Pero wala, ayaw talaga nya kunin kahit man lang pansamantala.

Nakakakonsensyang talikuran pero nakakainis tulungan. Ngayon na pinaaalis ko naman ng bahay namin kasi plano na namin lumipat. Meron pang pangongonsensya na "magpapakalat-kalat na lang ako sa kalye." Grrr!

j.adore

  • Guest
Sis, I'm sorry to say this but they're parasites and they're sucking the life out of you (financial, emotional, physical). I'm assuming hindi ok relationship niyo ng husband mo because of them. Then, meron pa threat sa pregnancy na wala silang pakelam. To top that off, they are financially dependent on you.

Kaya sila ganyan magsalita sayo kasi it works -- paawa effect. They get what they want from you. For your and your family's sake, detach yourself from them and do not go back NO MATTER WHAT.

I'm telling you it's possible kasi I have done this with a family member who hasn't changed until now. Mahirap, oo pero hindi matumbasan yung stress na nawala sa buhay ko.
You just need to be firm with your decision kahit gaano pa magmakaawa. They will never learn if you keep helping them.

Ayaw umalis? Eh di lumipat kayo without telling them where you're going. Hindi totoong hindi nila kaya sarili nila. Ayaw lang nila kasi nandiyan ka.

I hope you find the resolve to break free and finally find the happiness and peace you deserve.

tischarmedlife

  • Guest
sis switsuplada, I agree with j.adore .. they would just depend on you. Natulungan mo na sila in the past, wala na silang karapatan na sabihan ka'ng walang kwenta. Grabe naman yan mother mo, how can she say such things sa yo na anak nya, na tumutulong sa kanila?  >:(
----

Sa akin naman, eldest ako among us brood of four. My mom has her own business na medyo ok naman ang kita. I still live with them with my son. Si hubby, weekly lang umuwi kase medyo malayo kami sa city. Nagbibigay ako ng share ko sa bahay syempre. Nauutangan din ako ni mama pero binabayaran din nya.

Yung father ko naman, wala nang work for two years now kase na-stroke sya. Hiwalay sila btw ng mama ko. I support all my father's finances. Good thing though, hindi sya magastos. Yung 5k a month, napagka-kasya nya. Nakakabigay pa sya pambaon ng kapatid ko pag umuuwi sa kanya.

I was never obliged na buhayin ang parents ko. Tumulong sa mga kapatid- yes. Pero hindi nila ako hinihingan nang higit pa sa kaya ko'ng ibigay. Even my father, ayaw nya sana tumigil sa trabaho pero pinigil ko na kase mahirap na, baka atakehin pa ulit.  :D
----

Going back to your ish, sis switsuplada, give them an ultimatum. Your dad and brother has to fend for themselves dahil hindi ka billionaire na susuportahan lang sila forever. It's high time that you enjoy the fruit of your labor. Besides, may family ka na rin. Baka mag-away pa kayo ng husband mo dahil sa kanila.

I wish you all the best sis. Stay strong!

swiTsuplada

  • Guest
Thanks sis. Everytime me issue ako regarding them, nahihiya ako sa asawa ko kasi totally opposite ng family nila ang sa amin. Pero maswerte ako na kahit anong panget na nakikita niya sa family ko, sinusuportahan nya ako sa decision ko. And alam kong may hangganan ultimo pang-unawa niya kaya as early as now nag-iisip na ako ng solusyon to detach myself from all these negativities.

Pag nanganak na ako which is malapit na, plan na namin lumipat ng bahay at sinabi ko na 'yun sa kanila. Kung seryosohin nila or hindi, bahala na talaga sila. Ang hirap dalahin sa konsensya na family ko ang titiisin ko. Tough love it is. But I think it is just fair to my kids and husband na malayo na kami sa ganitong problema. :(

lovely_carrot

  • Guest
I don't mean to be mean pero if I have that kind of parents, I would say its really not my obligation to them, I will help only after I have done my part nad obligation sa hubby and daughter ko.

What your father needs is tough love, I just don't know how you would do it na hindi ikakasama ng loob nya at itakwil ka naman for turning your back on them. Some parents talaga resort to emotional blackmail and us pinoys esp babae mas madali tayo maguilty kasi we are family oriented e.

 May hope pa naman, what about other relatives, someone in your family na may authority over your father? Baka lang may taong pwede pakinggan either of your parents  para iresolve nila yung issues nila na di ka napeperwisyo.

To answer the topic, Personally, my answer to the question is hindi at walang obligasyon ang anak sa magulang. But it also wouldn't hurt to help them. In my case, my mom is a single mom. She worked in HK as domestic helper for 18 yrs para lang makatapos kami. Now that I have a better job abroad, nakakuha na din ako ng bahay thru PAGIBIG, its my turn to gift her the life that she denied herself when she was busy being a father and mother to me and my sis. I am also a single mom and though it hurts me na umalis, its the better option. Di ko maatim na sapat lang ang kita ko, ni hindi man lang consistent ang bigay ko sa kanya. With our present situation I am able to provide for her and my kid. Gusto ko enjoyin nya nalang ang buhay nya while looking after my daughter for me.

swiTsuplada

  • Guest
You're one brave woman, sis. Para mag-abroad to provide for your mom and your kid is a very tough decision to make. Hindi ko kaya ang malayo sa anak ko kaya nag-double job ako when I had her at single parent ako that time. Double job as in work sa office tapos may work from home pa para lang makapag-provide ako sa needs namin ng anak ko at ng family ko. Nakaka-inspire na nakabili ka pa ng house. :) ako matagal ko nang dream 'yan. Kundi pa kami nagkabalikan ni hubby, baka wala pa din akong plan magkabahay ng sarili.

Ang nanay ko naman naaawa din ako na nagkaasawa at anak siya ng tulad ng father at mga kapatid ko pero hindi ko talaga naiintindihan bakit pag sa akin, malupit siya magsalita. Nag-confide sa amin ang anak ko one time na pag nakatalikod kami ng daddy niya e nagme-makeface daw lola niya at sinasabi pa sa bata na kaya lang daw ako binalikan ng dad niya e dahil sa pera as if bum 'yung asawa ko kahit may work naman siya at ako minsan ang wala. Didn't she realize na if not for him-- paano kami ng anak ko nung time na wala akong work? Kapag kaharap naman namin siya, smile at nice pa din kaya daw nalilito ang anak ko. However, malalim ang emotional attachment ng anak ko sa kanya kaya minsan mas pabor siya sa lola niya kahit alam niyang mali na ang ginagawa nito. Sabi nga ng asawa ko baka daw dumating ang panahon ma-realize na lang namin na wala na pala kaming anak dahil sa pinagsasasabi ng nanay ko sa bata. Nung una ayokong maniwala dahil sino ba naman ang mag-aakala na may nanay na magagawa ang ganun sa anak? Yun pala ginagawa na sa akin ng sarili kong ina na "siraan" ako sa anak ko para lang makuha niya ang gusto niya.

Iniisip ko nga ano kaya ang mararamdaman ng tatay ko sa pagpapaalis sa kanya? Syempre nakakaguilty din kasi I have to resort to that kind of act. Pero sabi nga ng asawa ko hindi naman talaga daw dapat umabot sa ganun kung marunong lang makisama ang father ko. Provided naman lahat ng needs nya, kung bakit kailangan pa minsan dumating sa pagsisinungaling at pangungupit para lang makapanigarilyo. Addiction sobra-- buti na lang hindi droga pero halos pareho ang effect sa kanya na kailangan pa niya gumawa nang di maganda.

Sana mapatawad ako ng Diyos kung hindi ko magagawa ang ikaapat Niyang utos. Lagi kong iniiyakan kapag nakakapagsalita ako ng di maganda sa father ko lately pero parang dedma lang siya. Habang ako nagi-guilty, siya naman tuloy sa mga bad habits niya.

ibfc

  • Guest
So I was googling related items and found this thread. I hope someone is free to reply as I'm needing someone else's opinion.

Me, my husband and our toddler are renting, but his parents with no work and his sibling live with us. We split almost everything, rent, electricity, water, etc. so we share the expenses with his sibling here. They've got another sibling abroad who regularly sends allowance to his parents. Ako naman, I get paid just right to pay for the expenses and our car's monthly amortization. My husband on the other hand isn't employed and would occasionally have money from awarded projects which we use to pay for the insurances, etc.

I will admit na I would question kapag magbibigay kami sa parents nya (which is other than the share of the expenses at home). My reasoning is, dalawa na ngang kapatid nya ang nakasuporta sa kanila, kailangan pa ba naming magbigay? E para sa akin mas kailangan ng pamilya ko ng tulong. Yung sobra naming konti ay mas gugustuhin ko ng ibigay sa pamilya ko kesa pangluho ng parents nya. My mother had a stroke years ago and have had difficulty speaking. At 55, nagtitinda pa rin sya at namimili sa divisoria tuwing madaling araw ng paninda. My father naman works in construction. He contracts labor works but would often do the labor himself so parang foreman/construction worker na rin sya. He'll be a senior citizen in three years. So pareho silang kayod kabayo pa rin hanggang ngayon to support my brother who is still studying and is in high school. Come to think of it, he needs to go to college pa.

Just recently when I opened up with my husband the possibility of me fully supporting my family, kasi my mom doesn't want  to work anymore at di na raw kaya ng katawan nya and I know my dad will eventually too, at the heat of the argument my husband said, "So ang gusto mo nga sagutin na natin lahat ng gastos nila?! E dun ka na nga lang."

So yes, now I am planning to go back. Kasi I was thinking, yung share ko dito sa gastusin with his family e di dun ko na ishashare with my parents. Konti na lang idadagdag ko to fully pay for all the expenses. Ayoko na kasi pag trabahuhin ang parents ko e. I can pay pa for my brother's tuition without having to ask a husband first who insists I pay only half. Plus I will no longer be obliged to pay for his car's amortization.

And now we are on the brink of giving our offspring a broken family. Ayoko man but I just feel I have no choice. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang pamilya ko di ba?

j.adore

  • Guest
Sorry to hear that.

I think you need to have a sit down with your husband pag kalmado kayo pareho. Tell him before anyone starts talking na kung mag-aaway ko, the conversation ends (so you don't fight further).

In that conversation, tell him your family is in need of help and you are the only one they can rely on. Sa side niya, you think they will survive because he has siblings who can provide.

If he still doesn't understand, saka mo na lang isipin yung next na gagawin pero for now, pagusapan niyo muna..

ibfc

  • Guest
Thanks sis. Mas madalas talaga financial support ng mga parents ang napapag awayan namin. I have tried talking to him calmly about that before, medyo pumayag sya, as far as I can recall, pero I sensed the unwillingness So I know he will never, ever 100% approve of it.

I don't know. Maybe I am just hoping someone will tell me that I am making the right decision because for me there's no other way e.

tintin19

  • Guest
Sis ibfc, halos same tayo ng situation, only difference is my partner has a job but all his salary goes to paying for his car he got when he was still single, we have a newborn baby, I pay for all of our expenses, we're not married and I fully support my family even before pa maging kame so he knows my responsibilities.

Ang maipapayo ko lang (even though I can't take my own advice)... first, pagusapan nyo munang mag-asawa ng mahinahon. I-reiterate mo lang sa kanya point mo if hindi nya magets agad pinanggagalingan mo, minsan kasi sarado lang tenga at utak nila at first. Tell him if he were in your shoes, his parents need your help.. would it be okay for him if you say no?

How about asking him to find regular work? that way, magbigay sya sa parents nya no matter how much pa yan using his own, hard-earned money. Pwede rin i-drop nyo yung mga expenses of least priority, like the car.. sell the car to someone else. Basta sis, i-prioritize mo talaga family mo at wag na wag mo sila pababayaan, dahil sa huli.. sila lang ang hindi mangiiwan sayo.

If hindi talaga mapag-uusapan... I understand why you would want to leave him. Kahit ako, I can't love someone who can't extend the love and concern for my family. Ang asawa napapalitan, ang family hindi. Ikaw ang best na nakakaalam ng sitwasyon mo at kung ano ang tamang desisyon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close