watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191765 times)

samtorini

  • Guest
Para sa akin yes. Because I love them. Kasi noong bata ako when I am young and not able, helpless, ginawa nila lahat para mapagtapos ako pag-aaral. Kahit nagka-utang utang lang sila basta mapasaya  lang ako at mabigyan ng magandang buhay. Or mabigyan ng laruan na di nila kayang bilhin at di ko naman kailangan pero binigay nila.

Ngayon matanda na sila at di na kayang magtrabaho, it's time na ako naman ang magsacrifice at magpasaya sa kanila. Kung ano na achieve ko dahil sa kanila yun, dahil sa sacrifice at pag hihirap nila.
So yes obligasyon ko na buhayin sila after sila makapagtapos.

fionnah325

  • Guest
Sa akin naman kasi okay lang sana sa akin yan...kung sinusuportahan nila ako dati para makapagtapos pero hindi eh pinipilit pa nila na hindi ako mag aral ng college kasi hindi na daw ako makkatulong sa kanila..ang hirap e explain

lonelymiss28

  • Guest
Kaya sa pinas ang hirap umasenso ang buhay kasi laging naasa sa mas nakakaangat. Kung sana ba yung naasa ay may ambisyon ding guminhawa ang buhay kaso wala eh or sabihin na natin na mostly wala.

Yun naman ang pakakaiba sa mga kilala ko na Canadian, karamihan sa kanila kanya-kanya kaya karamihan sa pamilya dito may isang mayaman may isang hindi depende sa diskarte nila pero never mo silang mariringgan na hihingi ng tulong sa anak or kapatid. At dahil ganon ang mentality nila dito talagang kanya kanya silang sikap.

angelholics

  • Guest
this might be OT but i think this will be us enlightenment and inspiration :)
sharing a good read : https://jeremyjessley.wordpress.com/2015/05/11/common-mistakes-of-retirees/


Purple_Power

  • Guest
ang mga magulang ko nong nagtapos ako ng highschool ayaw nilang mag aral ako kasi pag nag aral daw ako hindi na daw ako makkatulong sa kanila...ang ginawa ko hindi ko sila sinunod nag apply ako as a working student kahit hindi sila suportado sa akin pero hindi pa din ako nakapag aral nang pumunta po ako nang maynila nagyaya ako tapos yong boss ko pinaaral ako...pero pinapadalhan ko padin sila mama at papa kahit nag aaral ako noon..pero ngayon kasi medyo mahirap na eh nagkaanak na kasi ako pero hindi pa kasal nahihiya na nga ako sa kanila kasi ang liit na ng binibigay ko....tama po ba mga sis ang ginawa ko?na mabigyan sila ng kunti lang kung may pera ako?

Maiintindihan ko pa sana kung hindi ka nila mapag aral ng college dahil kapos na sila sa pera. Pero yung dahil hindi ka na makakatulong sa kanila?  ??? Ewan ko kung anong mentality yan na feeling ko you have to pay them and you are obliged with it. Naiisip ko tuloy kung may business ba yang magulang mo na natatakot na magkaroon ka pa ng knowledge or else hindi ka nila macocontrol. Wala na ako ibang naisip dyan kundi yung pangongontrol.

fionnah325

  • Guest
^ i dont know sis kung bakit ganyan uglai nila..di man lang sila naging supportive sa akin...dati kasi yong isang ate ko pianaral nila taz hindi nakatapos kasi nabuntis...eh after non parang ayaw din nila na makapag arak ako kasi daw baka daw mabuntis lang daw ako..hahai...yan ang tinatak ko sa isip ko na hindi ako tutulad sa kapatid ko na mag asawa ng maaga at mabuntis...taz pag sinabi ko na mas ok mag aral ang sagot naman nila hindi ka makakatulong or makapagpadala sa amin kung ganyan lang...

three8one

  • Guest
^ i dont know sis kung bakit ganyan uglai nila..di man lang sila naging supportive sa akin...dati kasi yong isang ate ko pianaral nila taz hindi nakatapos kasi nabuntis...eh after non parang ayaw din nila na makapag arak ako kasi daw baka daw mabuntis lang daw ako..hahai...yan ang tinatak ko sa isip ko na hindi ako tutulad sa kapatid ko na mag asawa ng maaga at mabuntis...taz pag sinabi ko na mas ok mag aral ang sagot naman nila hindi ka makakatulong or makapagpadala sa amin kung ganyan lang...

palagay ko nasa sitwasyon sila sobrang na dissapoint sa kapatid mo.. nag expect din sila ng too much kaya ang nangyari ikaw na kapatid ang sumalo ng lahat.. siguro kung kakayanin mo, ikaw ang makakatulong sa kanila na maovercome yung nangyari. kung magiging successful ka after mo magaral at makatulong ka sa kanila maliliwanagan na sila. kundi man mahihiya sila sayo sa mga naasal nila sayo..

ganun pa man sis, still respect them kasi sabi nga ang mga may respeto sa magulang sila yung mga sobrang pinagpapala..

 ;)

fionnah325

  • Guest
^ naintindihan ko naman sila sis eh pero minsan nasasaktan din ako..at minsan hindi ko magets kung ano talaga plan nila para sa amin...nong after ko nag aral nag work ako taz sabi ko sa kanila paaralin ko yong isa kung kappatid eh ayaw nila pumayag kasi daw pag pinapaaral ko wala na daw akong maibigay sa kanila..i respect them naman nila eh kahit nadiddisappoin ako hindi ko sila sinasagot...anong magagawa ko sila ang parents na binigay sa akin ni god eh na naging parents at naging anak ako nila...hahai

three8one

  • Guest
^ brad ako sis... ;)

open communication ba kayo ng parents mo? sino ka close mo sa dalawa? si mother earth ba o si father dear? tingin ko real talk ang kailangan jan. heart to heart... base sa kwento mo, after ng parents mo is financially support coming from you. kung magiging matigas sila, give them assurance na yung tulong mo sa kanila pinansyal di mapuputol pero yung pagtulong sa kapatid mo na paaralin ibigay na kamo nila sayo. future ng kapatid mo kasi ang ma sacrifice eh, wag naman sana dumating yung time na may regrets ka kasi may chance ka sana mapabuti ang kalagayan ng kapatid mo pero dahil sa maling katwiran lang ng parents mo malaki ang nawala sa kapatid mo..

kaya yan, usapang masinsinan na may pagpapakumbaba ang sigurong 1st step jan....


 ;)

Girltalker2

  • Guest
^ naintindihan ko naman sila sis eh pero minsan nasasaktan din ako..at minsan hindi ko magets kung ano talaga plan nila para sa amin...nong after ko nag aral nag work ako taz sabi ko sa kanila paaralin ko yong isa kung kappatid eh ayaw nila pumayag kasi daw pag pinapaaral ko wala na daw akong maibigay sa kanila..i respect them naman nila eh kahit nadiddisappoin ako hindi ko sila sinasagot...anong magagawa ko sila ang parents na binigay sa akin ni god eh na naging parents at naging anak ako nila...hahai

Matanda narin parents mo so hirap din change mindset nila. The best you can do is save and plan for your child na di mo gagawin sa kanya ang di mo nagustuhan na ginawa sayo ng parents mo. I believe you should prioritise your kids over your siblings/parents.


fionnah325

  • Guest
^ tama sis..thank you sa advise...god bless....yan anlang ang gagawin ko sa baby ko

lovemeagain30

  • Guest
Eto issue ko sa mga kapatid ko hindi pa mismo sa magulang namin.

Bunso ako sa apat at lahat kami ay working abroad. Kaso ako ay nag asawa na at may 2 anak, samantala yung ate ko 1 lang ang anak.. yung isa ko pag ate wala naman anak ganun din ang ang kuya ko. Rotation ang ginagawa namin magkakapatid every month para sa mga old parents namin na both retirees na. Ang gusto ng mga kapatid ko eh pantay pantay kami ng bigay -- kahit ba may asawa at mga anak nako. One time kasi nagsabi ako na hindi ko kaya ang ganitong amount kasi magigipit kami ng sobra ng asawa ko. 2 ang anak namin at yung bunso ay 10 months palang.. so childcare ay technically mahal sa ibang bansa. I explained it to them but my Kuya and older Ate inaway ako! Kesyo wala akong utang na luob.. Na kung iistress ako ( I lost a lot of weight) bahala ako sa buhay ko, deal with it! Basta magbigay ka ng ganitong amount kahit ano man mangyari. Ingrata ka. Hanggat buhay ang mga magulang natin magpapadala ka ng ganitong amount! HINDI KA NAMIN TUTULUNGAN! blah! blah! --- grabe di ko lam kung napaluha talaga ako nung kinakausap nila ako sa group chat namin.  :-[ 

Prior to that I was apologizing pa na I can't provide this X amount kasi nga kukulangin kami ng pang gastos sa bahay at yun ang pinaka ayaw mangyari ng asawa ko. Hindi niya gusto mangungutang kami kasi nagpadala kami ng malaking amount sa Pinas. Tama nga naman di ba? Pano pag kami nangailangan bigla para mismo sa mga anak namin, pede daw bako pautangin ng mga kapatid ko kung yun nga lang na nagsasabi ako na konti lang mapapadala ko eh madami ng masakit na salita sinabi samin? Baka sabihan samin "anak mo yan bakit di mo kayang buhayin?"

Kaya ngayon pinutol ko FB account ko kasi stress ako makipag chat sakanila! hahaha. Yung isang ate ko hindi niya ko inaway. siguro kasi regular siyang pumupunta sa bahay namin at nakikita niyang simple lang buhay namin. hindi kami maluho mag asawa. Yun nga lang nagsisimula palang kami bilang pamilya. Hindi ko sinabi sa Ate at Kuya ko na "never" nako magbibigay, ang banggit ko lang ay "konti" lang maiaabot ko kasi limited nga budget namin.  Siguro naisip nila na "naiisahan sila" or "unfair" sakanila kasi hindi pantay yung iaabot ko. na sa isip ko naman nung panahon na sila naman ay nagsisimula ng buhay/career nila, hindi ko kelanman inisip na "nilalamangan nila" ako kasi hindi sila makapag bigay nuon at kami lang ng isang kapatid ko ang nag aabot at gumagastos sa mga magulang namin.

Hindi nga siguro pantay ang pag iisip ng mga anak regarding tulong sa mga magulang nila. Sina Mama at Papa ko walang problema kahit maliit lang iabot ko kasi naintindihan nila malaki gastos sa mga apo. at the very least, hindi ako nanghihingi or nangungutang sa para sa mga anak namin.

fionnah325

  • Guest
^ grabeh pala kapatid mo sis noh pero atleast ngayon okay na..tama ka iba iba yata talaga ang mga iniisip ng anak sa mga magulang..ako kasi eh pag nagpadala this day after a week hihingi na naman...akala yata nila madami akog pera kasi seaman partner ko..hahai...pero wala akong choice kundi bibigyan sila kahit wala na akong matira sa akin pati nga para ni baby mabigay ko nalang sa kanila..hahai buhay nga naman

lovemeagain30

  • Guest
^ Oo iyak ako ng iyak nun kasi pinipiga nila ako for this X amount na padala. Eh fix naman ang sahod namin. Wala akong overtime racket. baby pa yung bunso so hindi ako makapag part time. kumbaga lam ko na magkano ang sasahurin namin mag asawa kada buwan. walang labis, walang kulang.  ;D siguro ang kinasasama ng luob ko yung hindi maintindihan na may 'pamilya' nako. siyempre uunahin ko punuan yung needs namin bago ako magbigay. ibigay ko lahat, ano na matitira samin kapag kinulang kami? yun lang pinapaliwanag ko pero since nag commit ako sa ganitong X amount-- wala daw bawian! sabi ko huh?? may pinirmahan bako akong kontrata la lifetime eto?  :o  in the first place wala akong sinabi hindi ako magbibigay. ang dating kasi parang gusto nilang iparating sakin na "ginugulangan" ko sila.. konti nalang mate tempt nako sabihin " Oh sainyo na lahat ng sahod namin ni hubby ngayong buwan.. kayo na bahala mag budget para samin ah! ilabas niyo na jan lahat ng expenses kasama yung padala dahil hilong hilo nako kako compute!". LOL. siyempre dahil bunso ako, hindi ako sumagot ng sumagot ng masama. sabay disable ng FB account ko. Problem Solved!  :D

tintin19

  • Guest
Para sakin hindi obligasyon na buhayin ng anak ang magulang. Pero nasa tao yan. Pinalaki nila kameng maayos at binigyan ng magandang edukasyon at buhay.. bandang college medyo lumagapak na, pero iginapang kame ng magulang namin makapagtapos lang... at ngayong matanda na sila, eh ako na mismo kusang sumusuporta sa kanila.

Bunso ako sa dalawang magkapatid at mag-isa kong binubuhay ang parents ko at tita kong nag-alaga samin mula pagkabata - lahat silang 3 senior citizen. Yung kuya ko kasi naunang nagkapamilya na, at dahil mas nakaluluwag ako sa kanya, mag-isa ko tuloy binubuhay parents at tita ko.

Aaminin ko hindi madali. May times na iniisip ko mas magaan siguro buhay ko kung wala akong sinusuportahan. Hindi ako makapagsimula ng sarili kong buhay dahil nakatali ako sa kanila. Nasusumbatan ko parents ko minsan.. pero sila never ako sinumbatan. Matapos ko sila awayin e maguguilty ako at marerealize ko mahal ko parents ko at hindi ko naman sila matitiis na magutom.

Nangyari ang di inaasahan, buntis ako ngayon. Mas mahirap ngayon kasi naiipit ako pagdating sa finances - ibibigay ko ba sa magulang ko o itatabi ko para sa baby ko. Ginagawa ko na lang sa halip na mafrustrate.. e magsumikap lalo sa trabaho at matuto mag-budget.

Mga kapitbahay namin at mga nakakaalam ng sitwasyon namin eh natutuwa sakin. Mabait daw akong bata at maganda daw ang ibabalik sakin nitong sakripisyo ko. Sana nga.

fionnah325

  • Guest
^ alam mo ba sis nong nabuntis ako last 2013 nagpapadala pa din ako kina maam minsan nga umiiyak na ako kasi alam mo yong ang sahod ko budget ko sana for ultrasound hindi ko man lang magawa kasi wala daw silang pera kailangan nila ng pera kasi may utang daw sila...nalilito ako at minsan sinabi ko sa sarili ko pag hindi ba ako makapagbigay masamang anak naba ako?pag di ko mabigay gusto nila masama naba ako?pag maliit lang ba maibigay ko hindi na ako mabuting anak?

ang dami din nagsabi sa akin na ang bait mo naman..ako sis nagtatrabaho wala ta;aga akong naipon kahit peso kasi sila mama inuuna ko kahit dati wala pa akong anak...iwan ko ba kung hangagang kailan ako ganito hindi ko naman sila matitiis si mama umiiyak kapag tumatawag kasi wala daw silang pang gastos...7 kaming magkakapatid pang 4 ako 3 yong older sa akin 3 din ang bata sa akin nag asawa na yong mga ate at kuya ko minsan nagbibigay naman sila pero hindi naman as in every month....hahai buhay nga naman..

isa pa ngayon magstop na ako ng work magfultime mom na ako iwan ko ba kung paano hihingi sila si mama sa akin ngayon

@ lovemeagain30:grabeh noh?parang ang lumabas sis mas nastress ka sa mga kapatid mo kaysa mga magulang mo ..

sakura30

  • Guest
Sa mga Sis na na-frustrated at exhausted sa pagtulong sa mga magulang, I feel you.

Ang situation ko naman ay ganito: Sinasabi ng parents ko na hindi naman daw sila umaasa sa mga anak nila. Yun ang sabi nila. Pero hindi naman yun ang nararanasan naming magkakapatid. Last year lang, nagbayad ako ng mga utang ng tatay ko na more than 100k. Pati yung iba kong kapatid, bayad din sila ng utang ng magulang namin. Akala ko okay na na natulungan ko yung isa kong kapatid na makatapos ng college. Tapos ngayon naman, ako daw muna magpa-aral sa bunso kong kapatid habang naghahanap pa ng pagkakakitaan sila. Yung food and domestic bills nila, mga kapatid ko nagbabayad. Hayyyy...

Ang naiinis ako ang pinapafeel nila samin na kung anoman ang natutulong namin, expected yun dahil naging "mabuti" silang magulang. Hindi nila outright na sinasabi pero yun yung pinaparamdam samin. Utang na loob ba namin na pinag-aral kami at naging magulang sila? I try to have positive feelings about my parents kase magulang ko sila eh. Pero minsan, nakakainis na talaga. Minsan di ko sinasagot text messages or email nila kahit nangungumusta lang. Ka-stress sila sa buhay.

In my own opinion, parents should not expect their children to support them. We can only repay our parents by being good parents to our own children. Ewan ko sa kultura natin, bakit kelangan todo-todo sacrifice para sa magulang. Parang masama kang tao pag di mo sinuportahan magulang mo. Ang hirap makaintindi na meron din tayong sariling buhay na kelangan ayusin.

Yun lang mga Sis. Kasama na rin pag vent-out ko dito.

fionnah325

  • Guest
^ YON NGA SIS EH..mabuti nga yong sayo sis pinag aral ka eh ako naman kasi nakapag aral dahil sa nagworking student ako...kahit nga nagworking student ako papadala pa din ako sa,kanila....hindi ko sila minsan maintindihan

lovemeagain30

  • Guest
Yes sis fionnah325 sakanila ako naiistress nakakaloka!  ;D Actually for a time kami ng isa kong ate (na pumapasyal lagi sa bahay namin) ang regular na nagpapadala nun sa magulang namin. Kami kasi ang magkasunod na kapatid. Wala pako asawa nun, sinasabi ni ate ko sakin na kami lang inaasahan nina Mama at Papa ko kasi sina Kuya at Older Sister hindi na nagpapadala (for many reasons that they have). Okay lang naman sakin kasi naisip ko at the very least hindi naman umaasa yung mga kapatid kong yun samin, kesa walang makain sila dun! For a time ganun sila hanggang sa recently unti - unti nagbibigay na ulit.

Now it's my turn asking for understanding. Nga nga ako sa pag unawa sakanila!  :o Ako pa ang may 2 anak niyan.

Masakit lang masabihan na Ingrata ako. siguro dun hurt ako. kasi nasusukat pala ang kawalang kwentang anak at kapatid sa pera.  Pakiramdam ko lang if there's a way ayaw na nila magbigay kaya siguro umaalma sila na baka naiisahan sila this time. Stress talaga. Buti nalang ala nako FB,, ang saya lang.. La La La!! :) And take note ah magpapadala parin akong darating buwan. Hindi sa ganitong amount na gusto nila pero sa amount na kaya namin mag asawa.
« Last Edit: June 25, 2015, 01:46:27 pm by lovemeagain30 »

fionnah325

  • Guest
^ tama nga sis atleast ngayon medyo hindi kana stress..kaya natin 2 hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close