watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191802 times)

fionnah325

  • Guest
ang mga magulang ko nong nagtapos ako ng highschool ayaw nilang mag aral ako kasi pag nag aral daw ako hindi na daw ako makkatulong sa kanila...ang ginawa ko hindi ko sila sinunod nag apply ako as a working student kahit hindi sila suportado sa akin pero hindi pa din ako nakapag aral nang pumunta po ako nang maynila nagyaya ako tapos yong boss ko pinaaral ako...pero pinapadalhan ko padin sila mama at papa kahit nag aaral ako noon..pero ngayon kasi medyo mahirap na eh nagkaanak na kasi ako pero hindi pa kasal nahihiya na nga ako sa kanila kasi ang liit na ng binibigay ko....tama po ba mga sis ang ginawa ko?na mabigyan sila ng kunti lang kung may pera ako?

vhanya

  • Guest
^Actually wala kang responsibility na padalhan sila kahit may pera ka. And isa pa, sila ang may responsibilidad na pag aralin ka ng college coz its every child's right. Maling mali ginawa ng parents mo. Ambait mo naman :)

Perfume_Lover

  • Guest
^I agree, kapag ikinasal ang dalwang tao at nagpamilya I believe na responsibility talaga yan ng magulang na pag-aralin ang anak noh kasalan ba ni anak na ilinuwal ka sa mundong ito ;D. Minsan yung nanay ng friend ko pinagsasabihan yung friend ko na pag-aralin mo sarili mo. God, hindi ko mapigilan mabwisit kasi responsibilidad nya yun anak na pag-aralin tapos ganun, ganun lang?

angelholics

  • Guest
hindi obligation ng anak ang magulang. IMO. if you like to give then GO but that should not be imposed. sometimes I feel for others who have to take a loan and be in great debt to support the family.
 
@fionnah325: mabait ka and pagpapalain ka ni Lord dahil sa pagiging mapagbigay mo. pero hindi dapat mailagay sa compromise un nabibigay mo sa baby mo dahil un baby dependent yan sayo. un mga magulang mo or un family mo na sinusuportahan mga ABLE sila to work or find means of living.

kahit pa sa bible, sabi Honor Your Mother and Father.. means respeto na ibigay natin sa parents.  :)

fionnah325

  • Guest
@vhanya:iwan ko ba minsan nga may galit ako sa kanila...before nong after ko gumraduate ng college sinabi ko sa mga magulang ko na papaaralin ko yong isa kong kapatid na lalai para makatulong sa kanila pag makatapos pero hindi muna ako magpapadala sa kanila monthly kasi pang tuition at allowance ng kapatid ko if ever mapag aral ko sila, ang sagot naman nila huwag na matanda na kami kung papaaralin mo pa sila paano na kami?sino ang magppadala sa amin?kakainis nga kulang sila ng suporta eh

vhanya

  • Guest
^i dont want to judge your parents kasi parents mo sila pero right now mas priority mo yung baby mo. My lolo was still working until his last breath. He was 83. May he rest in peace. My dad is still working for the business. He is 63 na pero no signs of slowing down kahit na pwede naman ipaubaya na samin yung business and pwede na siyang mag-retire anytime coz he has enough money in the bank.

How old are your parents, kaya pa ba mag desk job o kahit sari-sari store man lang? Ang malaking misconception ng mga magulang dito sa Pilipinas kasi, ginagawang retirement plan ang mga anak nila. Mali yun, dapat we have enough money to sustain ourselves until we die para hindi pabigat sa mga anak natin.


fionnah325

  • Guest
parents ko mag si 60 na sila..tinry ko sila na bigyan ng capital for sari sari store kaso ginamit naman nila sa ibang bagay kaya ayon parang nadisappoint lang din ako..nakakapagod pala pag ganito..nagtatarabaho ka nga di ka naman umaasenso

angelholics

  • Guest
i SOOOO agree with sis vhanya.. well said  :)

hi sis fionnah325, not that we are BI but we are just saying na hindi mo obligation ang parents mo. if your partner wants you to stop working para hands-on kay baby.. mag isip isip ka mabuti :) kase if housewife ka na, pano ka pa makakapag padala sa family mo kahit kaunti. pero totoo nakakainis na selfish naman un mga matanda na daw sila at paano na sila. wag iasa sa iba kahit anak pa un para mabuhay.

i understand gusto mo maging mabuting anak, pero kung un mga nauna sayo na mga kapatid wala magawa mga parents mo. then, bakit ikaw ang na emotional blackmail. give what you can but not to the point na wala ka na matira for yourself (remember tatanda din tayo), for your baby. dahil na experience mo na parang naoobliga ka ng parents then dapat mas financially prepared ka para sa pagtanda mo/nyo.

swerte ka na din that your partner can afford you to be a housewife :) madami naman may gusto magpaka hands-on pero magiging hirap na sa finances.

mooncake and leaves

  • Guest
I have friends who are stuck in this very situation. Masaklap is, sila tuloy mismo daming utang and nasira na credit kakatulong sa parents nila. Walang maipon. Ang ending is lahat sila hikahos. Parang sa airplane lang yan talaga. You need to put your oxygen mask first before assisting anyone. You can't help anyone if you can't even help yourself. So be selfish and unahin mo sarili/ family mo.

I believe in helping when you can, if you can. Pero no, hindi siya obligasyon. Obligasyon ng mga anak to not waste their parents' efforts to raise them and educate them by pursuing a good life for themselves and fulfilling themselves. That's it.

Sabihin mo magtrabaho sila. Sabihin mo the biggest killer of old people is retirement. ;D

fionnah325

  • Guest
thank you for your very great advise mooncake and leaves may point ka din..kaya ngayon siguro baby ko nalang muna iisipin ko maghands on nalang ako kasi yon ang gusto ng dad niya...tutulungan ko nalang sila mama kung maibigay ako kahit kunti lang...

nixmusic

  • Guest
Naka-relate naman ako kay fionnah325 ng very light. Although ako naman, on my 2nd year in college sinabihan ako ng papa ko na hindi na daw nya ko kayang pag aralin. Imagine, sa PUP na nga lang ako na less than 500 per sem lang ang tuition. Naisip ko nun kailangan ko talaga magtapos on time kasi ako yung panganay, may mga kapatid akong kailangan ko tulungan na makatapos din. Umalis ako sa amin and found myself a job (buti na lang nauuso na ang call center nung panahong yun). Nakakapagod dahil full load ako sa school tapos fulltime din ako sa call center pero it was very fulfilling dahil umuwi ako sa amin ulit nung graduate na ko.

I tried na pag aralin yung mga kapatid ko pero sadly, hindi nila binigyan ng importance. Nagwork din ako sa ibang bansa pero after 1 year, nakita kong umaasa lang talaga sila sa padala kong pera at hindi na sila nagsisikap (mga bagsak yung grades, sa private universities pa naman nag enroll  :'()para sa sarili nila kaya bumalik na lang ako ng Pinas.

I gave my mom all the financial help para magkaron sya ng maliit na tindahan pero walang nangyari, nagsara din nung tinamad sya after 1-2 years. Napanood ko yung interview ng mom ni Tony Gonzaga about her POV sa pagtulong sa mga kamag anak and sabi nya wag naman daw to the point na tinuturuan mo na sila maging tamad or something to that effect. Naisip ko tama din naman, walang masamang tumulong pero dapat alam din nila na hindi retirement plan ang mga anak nila.

nixmusic

  • Guest
^Oo sis. Grabeng hirap nun, swerte na pag nakatulog ako ng 4 hours. Buti na lang mababait din naging boss ko nun, binibigay sa kin pinaka convenient na schedule. Pati mga classmates ko tinulungan ako sa thesis. Meron akong kaibigan na nagsabi sa kin na mga magulang daw ang may responsibilidad na buhayin ang mga anak nila, not the other way around. It was a learning experience and it made me stronger. Wag mong saluhin lahat sis lalo na kung hindi mo naman kaya.

fionnah325

  • Guest
yon nga sis eh mabuti at mabait din boss mo at mga friends mo supportive din sayo....iwan ko nga eh kung kaya ko magstop ng work para maghands on ni baby sis hindi na talaga ako makatulong nila mama

Msfi

  • Guest
^sis fionnah325 aside from everyone has said, sabihan mo rin ang parents mo na hindi lang ikaw ang anak at pareho ng mas older na mga kapatid mo may pamilya ka na din at sila ang una mong responsibility. Siguradong may samaan yan ng loob kasi nasanay na sila na bigay ka ng bigay, pag tinigil mo or bawasan ang ibibigay mo.  Hayaan mo lang, ganun talaga. Sabihan mo din ang mga kapatid mo, since ayaw nilang mag aral eh magtrabaho na sila. Wag mong pasanin ang mundo, di mo kakayanin.

fionnah325

  • Guest
yon nga din sabi ng partner ko sis msfi eh...na bakit daw na kailangan ko pasanin ang mundo na hindi ko naman kaya....nasanay din kasi sila eh na ako ang nagbibigay sa kanila...minsan nga pati yong mga kapatid ko sa akin hihingi kahit may asawa na sila...

fionnah325

  • Guest
nadissapointed ako sa mama ko nong sunday...diba mothers day?tinawagan ko siya sabi ko sa kanya mama hi happy mothers day i love you...sinagot lang niya ako na salamat magpapadala kaba ulit ng pera ngayong 15?hahai

chubilita0290

  • Guest
^ang sad naman.ginawa kang atm ng mama mo.

Ako bata pa lang sinasabihan na ako na tutulong pag nakatapos at nakapagtrabaho.Nung nagkatrabaho na ako,hindi nanghingi sa akin ang papa ko.binigay ko sa kanya yung atm ko tas bibigyan na lang nya ako ng baon hanggang sa susunod na payday.o kaya minsan binabawas ko na yung baon ko tapos the rest is sa kanya na.

kahit noong naulila na kami,parang obligasyon ko na yung itaguyod kami magkakapatid.never ko naisip na burden kasi wala na ibang tutulong samin kundi kami kami na lang.pero thankful ako dahil yung magulang ko is mababait.

fionnah325

  • Guest
yon nga eh iwan ko kung may magagawa paba ako..pag kundti pinadala ko kulang pa sa kanila kung lmalaki naman kulang pa din..hahai nakakaloka

Obachan

  • Guest
After I graduated and get a job,
tinanim na ng parents ko na me obligasyon ako sa kanila.

Thought its normal.
Kahit me work pareho parents ko nun , nagbibigay naman ako.
although hindi kalakihan salary nila, pero pina-obliga nila skin na dapat daw nagbibigay ako.
since hindi ko nga alam, sinunod ko sila.
Wala ako naipon.

Now, jobless na parents ko, not capable to do blue collar job na.
nag alaga na lang sa mga pamangkin ko and my daughter.

Naging obligasyon ko na nga na "buhayin" sila.

Yes, it is my obligation na buhayin parents ko
kasi wala naman sila source of income.
San sila kukuha ng everyday food nila?
So I provide all their basic necessities.

Hoping and working it out na hindi na mangyare to sa daughter ko when I get older too.


fionnah325

  • Guest
may point ka @obachan yan din ang sinabi ko sa sarili ko na yong ginawa ng parents ko sa amin ayokong mangyari sa anak ko...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close