watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191866 times)

heartfortress

  • Guest
Mga sis pasensya na kayo kung dito ako maglabas ng nararamdaman ko. Nalulungkot talaga ako but more of nasasaktan. My dad kasi said to me "wala ka pang natutulong saken" and he means it, i know. I give naman my monthly contribution sa house at sa groceries yun napupunta, the same with my siblings' contribution. Pero pag may kelangan naman na gamit sa bahay like mga appliances tumutulong ako sa pagbabayad nun, pati sa pagbrace ng isa kong kapatid na kakatapos lang at sa pagbayad ng memorial lot na kinuha namen, etc. I admit naman na wala akong malaking naitutulong financially kasi lahat ng bills and expenses sa bahay dad ko pa din ang nagbabayad. Alam ko namang di malaki ang natutulong ko pero para sabihin na WALA? Syempre ang dating saken, grabe naman yun. Maliit lang kasi salary ko pagpalagay na lang naten na nasa minimum lang. He compares me to my other sibLing na mas malaki ang naitutulong sa mga bayarin nya sa cc, e mas malaki naman kasi sahod nya saken. I love my sibling na yun and i admire her kasi mabait talaga sya. Di ko alam kung tama bang makaramdam ako ng ganto na nahhurt at malungkot dahil sa sinabi nya? O dahil truth hurts? parehas siguro huhu naiiyak ako as i type this. Sorry napahaba.

17glut

  • Guest
^i feel for you sis. Minsan masakit na mismo sa magulang natin nanggagaling ang mga ganyang paratang. Yung tipong lahat ng effort na naipapakita mo sa magulang mo will never be enough tapos unappreciated ka pa.

I had this kind of dilemma myself so what I do sinosolo ko pera ko at halos di na ko nag aabot or nagpapakita ng sobrang effort para sa kanila. I know kadamutan yun pero kasi useless din na kumilos para sa mga taong hindi nakikita ang halaga ng nagagawa mo para sa kanila, kahit pa kadugo mo.

heartfortress

  • Guest
^tama ka sis masakit nga na sa magulang naten manggaling ang mga ganung salita. Pero di ko naman masisi father ko. Mabait naman talaga sya siguro napapagod na din syang magtrabaho sa loob ng madaming taon still providing for us kahit na may mga trabaho na mga anak nya. Ako nga nasa marrying age na pero nakadepende pa din sa kanya. inaamin ko na guilty ako sa sinabi nya pero masakit pa din kasi hindi naman ako freeloader lang. I still contribute somehow. Di ko na nga masyado iniisip ngayon kasi parang wala ding mangyayari kahit damdamin ko. Ako lang magpapalungkot sa sarili ko.Thanks sis a mejo gumaan na pakiramdam ko dahil may iba akong napaglabasan ng sama ng loob ko.

snowflakes

  • Guest
Ako rin 4 yrs na ko jobless kase nagka baby ako pero they oblige me to send money pag huminge sila lage ako nagpapadala. Yearly may package pa sila sakin, pero nakarating sakin na sinasabi ng mom ko sa iba na hinde ako nagpapadala kaht minsan. Gusto kase nya monthly ako mag bigay eh nahihiya na kase ako sa hubby ko manghinge. [textspeak!] 6-8 times a month ako nagpapadala shempre lage may kelangan sila at okasyon. Ang masakit sinasabi pa na hinde ako nagbibigay. Sa galit ko hinde na talaga ako nagpadala. Kaso dko rin matiis ng ilang buwan. Sabi ko sa mom ko wag sha umasa sakin kase wala ako work. Sabi nya sakin panganay daw ako kaya kargo ko sila. Tama ba naman yun?!?

17glut

  • Guest
^alam mo, kung ako nasa kalagayan mo tapos ganyan ang sinasabi nila despite sa pagbigay ng kaunting tulong, matagal akong hindi magpaparamdam sa kanila. Kasi wala rin eh, kahit anong effort mo ke maliit man o malaki hindi nila nakikitaan ng importansya at wala man lang katiting na appreciation.

You have a family now so you can use that as an excuse na mahigpit din ang pangangailangan mo kaya hindi ka makapag abot sa kanila. Also, pag dating sa domestic conflicts towards our parents, reverse psychology always works since hindi naman natin sila pwede bastusin ng harapan - pag may hinihingi wag mo bigyan, pag inaapura ka na gawin ang isang bagay wag mo gawin - mga ganung bagay ba. Then eventually they'll get the message.

gwyne21

  • Guest
^^sis snowflakes, panganay din ako at may family na... although may work kami both ni hubby, ang priority na is my own family. i believe tama na tumulong sa magulang lalo na kung kailangan nila (at meron ka pwede maibigay), pero it is NOT an obligation. I agree with others na sinabi na obligasyon na buhayin/pag-aralin/tustusan ng magulang ang mga anak and not the other way around. Mali din sis na porke't panganay ay kargo na ang family. Di ko gets yung logic nun  ???

I think Filipino culture kasi na umaasa ang older generation sa younger generation (anak) pag tanda nila which is quite wrong. If you look in other countries, the people there plans for their own retirement.


armie8

  • Guest
It is not an obligation but helping our parents when they are old is a sign that you love them and you want them to have a good life. May mga parents na nag oobliga ng mga anak para tulungan sila right after they graduate from college pero I don't think na gagawin yun ng mga ulirang magulang. Ibig ba sabihin nun, pinag aral ka para ikaw naman magprovide for them kapag nakatapos ka na, it is not love because I believe na ang totoong unconditional love ng mga parents hindi naghihintay ng kapalit, kahit tumulong ka or hindi, walang magbabago sa pakikitungo or pagmamahal nila sa atin...

Priceless

  • Guest
Maliit lang kasi salary ko pagpalagay na lang naten na nasa minimum lang. He compares me to my other sibLing na mas malaki ang naitutulong sa mga bayarin nya sa cc, e mas malaki naman kasi sahod nya saken.

sis heartfortress, maybe another point you should consider is your job and career prospects? Do you see yourself improving your earning capabilities in your current job? Do you have good career prospects in that industry? Kung let's say, bago ka pa lang naman sa work mo, and you think maganda talaga ang future mo dyan, you can say to your dad, pasensya na po muna tayo, but I'm working on building a career here and hopefully in a year or two, I will be able to contribute more... That way nakikita ng dad mo na hindi ka stuck in a dead-end career.

snowflakes

  • Guest
Nasabi ko na lahat ng excuse pero nagalit pa sha sakin one time kase di ko daw sila iniisip. Eto nahinge nga sha ulit sabi ko nagpapagawa kase kami bahay kaya di ako makaka diskarte sa asawa ko. Napaka insensitive kase alam nila na nagpapagawa kami nahinge pa rin. nagtatampo pag di nabigyan. Kaya ayun naiwas na rin ako dna ko natawag sa kanila muna.

heartfortress

  • Guest
Sis Priceless im working in a small clinic lang at alam kong wala talagang magandang future dito kaso i tried naman na maghanap ng ibang trabaho nun na related sa course ko kaso di ako pinalad kaya bumalik ako ulit dito. Kaya im considering talaga mag iba ng career path o magbusiness na lang kaso ang hirap bumitaw sa pagiging nurse, feeling ko maliligaw ako. Sorry ot na. ang gusto ko lang naman mas makatulong talaga ako sa family ko. Kasi ilang taon na lang magreretire na dad ko. It is my dream na maprovide ang needs ng parents ko. Hindi sa feeling obligado ako pero mahal ko sila at nakita ko paghihirap nila para buhayin at mapagtapos kameng magkakapatid.

mebpa

  • Guest
if nakita mo talaga nagsakripisyo parents mo and ginawa nila lahat para mabigay sa iyo or inyo yung best na alam nila, by all means pamper them pag nakapag tapos ka na and maayos na buhay mo. wag mo naman kalimutan. but kung pinabayaan ka naman na nila, pinagtrabaho or masama sila sayo, sorry nalang meron tayo sarili buhay. bahala den sila sa buhay nila.

Priceless

  • Guest
sis heartfortress baka naman kahit hindi malaki ang naibibigay mo sa parents mo, basta hindi ka na maging dependent sa kanila, siguro malaking tulong na rin yun sa father mo. Kasi nga naman, kung marrying age ka na at sabi mo nga dependent ka pa rin sa father mo who is nearing his retirement age, siguro nga it's about time that you think about how you can improve your earning prospects. Naiintindihan ko yung fears about your career and finding a job that's different from your current job - pero unless you open yourself up for taking risks, then nothing will change and hindi ka pa rin makakatulong the way you really want to sa parents mo.


heartfortress

  • Guest
Sis Priceless thank you very much sa enlightenment. Pag iisipan ko mabuti what will be my next step after ng contract ko sa clinic. I have my own emergency fund naman sis kaya hindi naman ako fully dependent sa dad ko if ever something happens to me like kung magkasakit ako or whatever, and i can provide for my personal needs naman. Di lang talaga ko makatulong  sa iba pang finances sa bahay aside from my monthly contribution at sa monthly hulog ng memorial lot na kinuha namen, though hati hati naman kame ng mga kapatid ko dun. di din naman nila ko papayagan bumukod. Close kasi kameng family kaso di maiiwasang may issue. Buti nga ngayon ok yung sideline kong direct selling at least may extra income, hati kame ng Mama ko sa kita. Sis Priceless i wont forget your advice. Thank you sis! I will strive harder so that i can help my family to the highest level! God bless all the sisses here :)

Shadow Angel

  • Guest
dati ganito rin thinking ko walang obligasyon ang anak but i realize kahit na hindi sila nagpaaral sa akin alam mo yun feeling na kahit anong mangyari parents ko sila wala ako rito kung wala sila... Naiisip ko rin ngayon matanda na sila wala naman talaga silang aasahan kundi mga anak nila. Ang hindi ko lang tinotolorate yun mga luho or un sobrang hindi naman kailangan.. Or yun ibibigay ko pera ibibigay sa mga siblings na may mga asawa na yun kasi ang feeling ko hindi ko na obligasyon kasi nagiging palaasa na pero sa ngayon ok na kami kinausap ko na sila regarding dito.. Sa huli hindi ko pa rin matitiis si mama i watched ted filon yun anak na pinabayaan ang ina sa kalye tumitira tapos nabasa ko rin yun letter ni father about sa sulat ng magulang para sa mga anak... Tama naman eh kung gaano tayo pinagpapasensyahan ng parents natin nun bata tayo sa kakulitan sana ganun din tayo sa pagtabda nila kasi hindi na maiiwasan na mainitin ulo nila kasi dala ng katandaan... Nag kasakit si mama ngayon ko lalo nalaman hindi ko sya kayang mawala now naiisip yun mga small things nagagawa nya para sa akin hindi ko kaya suklian yun at walang katumbas na halaga..

vhanya

  • Guest
For me never na obligasyon ng mga anak yung magulang nila. Ang norm kasi sa parents ng kilala ko, habang nag aaral pa yung mga anak nila, sasabihin na na mag aaral ng mabuti para pagtanda nila, anak ma bahala sa kanila which is wrong.

My dad is almost retirement age. Pero after nun, may business sya so tuloy tuloy pa rin income nya. My lolo naman died at 83 and was still working as a businessman until his last days.

My point is, the reason why pinalaki at pinag aral tayo is para we can survive without their help. Pay it forward kumbaga. Para in the future, hindi rin ako magdedepend sa mga anak ko pag matanda na rin ako co I'll make sure I have money until I die.

Yung pagtulong sa magulang di masama yun. Pero dapat hindi yung inoobliga at pinagmumukha satin na utang na loob natin buhay natin sa kanila. That's wrong for me and trust me, malaking problema yan pag may sarili na rin kayong pamilya Tapos sakto Lang din budget.
« Last Edit: March 11, 2015, 08:10:53 pm by vhanya »

cutemama

  • Guest
@ sis heartfortess

Nurse ka pala sis.. same here!
Minimum lang salary mo diba? Bakit di ka na lang mag apply sa hospital kasi ganun din minimum lang din sahod dun lalo na pag private hosp.. kung gusto mo na medyo mataas sa government hosp ka mag apply. Habang dalaga ka pa sis mag hosp ka na lang kasi pag nagka anak ka na mahihirapan ka na mag work sa hosp.

And pagmay hospital experience ka na like 2 or 3 yrs..pwede ka na mag apply sa ibang bansa like australia, canada, london, new zealand or US.. that way pag sinwerte ka malaki na maiaabot mo sa parents mo.

heartfortress

  • Guest
Hi sis cutemama! Dati nung nagfinish contract ako sa clinic, super decided na maghospital na ko kaya i took all the seminars and trainings needed para madagdagan credentials ko at kung san san hospital kahit malayo pinupuntahan ko para makapagpasa ng resume ko nang personal. But to no avail, sinasabi nila na freeze hiring daw at yung iba wala talagang tawag. Di ba kung wala kang backer sa papasukan mong hospital mahirap talaga makapasok, ganun na karaniwan ang kalakaran kaya unfair sa iba. Dati nung mga bago pa lang ako.nag aapply sa mga hospital, may isa sana na may chance ako kaso di ko tinuloy dahil mas pinili ko dito.sa clinic dahil malapit lang at may salary na agad. Unlike dun sa hospital na malayo at di pa sigurado kung maabsorb dahil training pa lang. ang nasa isip ko naman dat time e ayoko na humingi ng allowance ko sa dad ko at para makapagtrabaho para makatulong na din. Pero di ko narealize na yung opportunity na pinakawalan ko e sobrang pagsisisihan ko ngayon. Di ko maiwasan isipin na kung tinuloy ko yun, e di sana baka nga mas nakakatulong na ako sa family ko ngayon. Actually sis yung salary ko dito e mas ok kesa kung sa hospital dito sa paligid kasi provincial rate pa din ang umiiral kahit na naging city na tong municipality namen.

@sis vhanya- yan din ang nasa isip ko na pag ako naman ang tumanda ayoko na aasa ako sa mga magiging anak ko at hindi nila maramdaman na obligado silang buhayin ako. Gusto ko kung tutulong sila e bukal sa loob nila at hindi napipilitan lang.

cutemama

  • Guest
^Ganun talaga sis hirap pumasok sa hospital ngayon.. palakasan system and worst ikaw pa.magbabayad para maabsorb.

Kung hopeless na talaga sis, why don't you try  mag apply sa ibang bansa? Like abu dhabi and dubai mas madali dun. Magtourist visa ka lang.. I think nasa 60k din sahod dun.not bad kesa dito.. habang dalaga ka pa gawin mo na.

Yan din pinagsisihan ko before, when I graduated last 2008 eh nagwork na agad ako sa clinic din (government), pero mas mataas salary compare sa ibang clinic and hosp. Nabulag ako sa salary. Sabi ko pansamantala lang habang hindi pa ko nakakapasok sa hosp. Hanggang nghinayang na ko pakawalan to kasi naliliitan ako sa sahod sa hosp.Until now na Im married na and may baby na mas mahirap na maghosp and lalo na mag abroad. Kaya girl habang dalaga ka pa go go go.

heartfortress

  • Guest
^sis 2008 din ako! parehas pala tayo hehe. Nagtry na ko dati sis sa isang agency (para sa abu dhabi) pero nung tinanong ko magkano ang magiging compensation ko, nasa 20-25k ang pagkakasabi saken. Ang naisip ko naman dat time parang di worth it malayo so family ko. Tapos nagpunta din ako poea, ang sabi saken kelangan daw may hospital experience muna ako tapos tsaka ako bumalik sa kanila. Sa ngayon sis parang hindi option sa aken ang mag abroad kaya ang naiisip ko it's either magchange ako career o mag ipon at magbusiness. sis oot na ata tayo, di ba tayo pagalitan? Hehe

hypergalactix13

  • Guest
Sabi ng parents ko, ang responsibility nila ay palakihin ang mga anak ng maayos at may takot sa Diyos, at bigyan ng magandang edukasyon. Hindi naman ito necessarily "utang na loob" kasi eto naman eh tungkulin nila talaga. Courtesy ng mga anak kung tutuusin ang tumulong sa family especially pag wala pang asawa, pero hindi naman daw iyon mandatory. Kusang loob dapat yun.

Sa mga single/married without children, someday tayo ay magiging parents din, gugustuhin ba natin na i-obliga ang mga anak natin na buhayin tayo?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close