watch now

Author Topic: Obligasyon ba talaga ng anak na buhayin ang magulang after nilang makapagtapos?  (Read 191787 times)

argento

  • Guest
Its a choice not obligation.

Di naman natin pinili na ipanganak sa mundo eh.

Red Rack 21

  • Guest
definitely no. it is something na hindi ini-impose dapat ng parents sa mga anak kasi kadalasan mas napapaaga sa pagaasawa ang mga ito... kasi naprepressure sa magulang kaya tingin ng anak ang pag-aasawa ang isang way para makawala sa mabigat na obligasyon na binbigay sa kanila ng magulang nila. ang mas nakakalungkot kapag napaaga pagaasawa nila patuloy pa din ang pagiimpose ng magulang na tumulong sa pamilya kahit may sarili na rin syang pamilya e di doble pa kailangan nyang buhayin.

i appreciate my father when it comes to this. he was a high school grad only and worked hard for us.  never nya kami inobliga sa mga ganyang bagay but when i landed my first job and earning well, i gave my bonuses to my parents voluntarily and out of appreciation for their hardwork in raising us all. i overheard my father saying ang sarap daw ng pakiramdam. happy din ako .

red_yesha

  • Guest
Actually HINDI. E pero kung ikaw nalang ang nagtratrabaho? hindi na kaya ng parents mo dahil matatanda na sila, ano magagawa mo? e di buhayin sila.
wag na tayo mag self pity. Isipin nalang natin pagpapalain din tayo in time dahil sa kabutihang loob na ating ginagawa. okies
:)

psyche29

  • Guest
no. walang ganun.

but i think, kargo mo rin pag hindi ka tumulong. my mother never had a job and my father, is a gambler and never had a regular/steady job. 4 kids. im the only girl and the eldest. siguro dahil maaga silang nagasawa kaya sanay na umasa. but i did not feel bad about it. siguro mas matimbang yun care and love ko for them kesa yun thinking na obligado ako tumulong. until now, may pasumpong sumpong silang raket, but sakin pa rin galing ang main na pangastos. i wanted them to get out of the situation na hirap yun nanay ko. my 2 brothers and i even have an extra allowance for our father para hindi na nya bwisitin mother ko pag walang pang karera. christmas gc ko diretso sakanila and even add 3k pa. iba yun pakiramdam na nakikita mo na magaan sila. na napapasaya mo sila. kahit ano pa ginawa nila before, andito ka na sa point na kaya na e.

just got married, im 31, but prior to the kasal, i already set the condition to my hubby, na hindi mawawala yun bigay ko sa pamilya ko. forever na yan. kasi ako lang ang inaasahan nila. magkaanak tayo or what. ang napagkasunduan namin is mag set ng limit. lumaki man ang sweldo ko, iset ko na hanggang dun na lang yun bigay kasi yun na lang din ang tama sa pangangailangan nila. dati kasi everytime may increase ako, dinadagdagan ko rin sila. to think na almost 6 years na ako hindi nakatira sakanila.

charnel

  • Guest
Maybe it's a choice....I help my mom lalo sa medication nya....and Ito ang Ayaw kong mangyari sa akin na balang Araw ang aasa sa mga anak ko pagkatapos silang pag aralin...kahit tapos na sila at May sariling buhay Ayaw ko sana silang hihingan pa kaya ngayon I make sure to have a retirement fund for me and hubby....mahirap umasa sa anak.....ayokong maging burden at pasanin sa kanila....

smm_0411

  • Guest
I totally agree with you sis kahit kami ni hubby ayaw namin maging obligasyon ng mga anak namin kaya we were preparing for our retirement para sa pagtanda namin hindi namin kailangan umasa sa kanila.

magno4

  • Guest
 ;D well sa aking munting kaalaman yung term na obligasyon e para gang in return lang sa mga ginawa nila sa atin, kaze darating at darating ang panahon na magiging magulang din tayo, kung panget ang ipinakita natin sa ating mga anak pag dating ng panahon panget din ang ibabalik natin kumbaga pero sa ganang akin ay dapat lang na alagaan at buhayin din natin ang obligasyon sa kanila kahet pa di naging maganda o maayos ang buhay natin ika nga na hindi rin tayo makakarating sating kinalalagyan kungdi rin dahil sa kanila. ako, malaking OO sagot ko, kung pwede nga lang ba ibalik ang mga nakaraan at panahon na maipadama modin sa kanila ang pag mamahal sa kabila ng mga mabubuting bagay at sakripisyo nila sa atin ay kahet sa ganung paraan man lang ay masuklian natin sila ng pag mamahal, pag aaruga sa kanilang pag tanda dahil darating din tayo sa panahon na gusto din natin gawin ng mga anak natin ang ginawa natin sa ating mga magulang..

Yula

  • Guest
Ako hirap parin magisip tungkol dito. Kung paano set ang limit sa pagbibigay. Kasi once mag graduate ka dun na magsisimula ang buhay mo. Pano ka makakasave kung monthly ikaw pinagbabayad ng ganito ganyan. Pano ka makakasave diba. Kelan ka magsstart kapag nag asawa kana? ahaha pero I love my parents mga sis ah. Nagaabot talaga ako kung may emergency at kelangan. Hindi ako nagpapabayad kahit sabihin nilang "pahiram". Wala yun compared sa pag aalaga nila sakin at pagpapaaral ko.

pero nagkakatalo lang minsan kapag sabihin natin nakaassign ka sa pagbili neto monthly. Siguro ok lang kung every other month pero wag sana naka fix na sayo na yun.. hmm iniisip ko lang syempre pagsimula rin ng buhay ko. Aalalayan ko naman sila sa mga gastusin "kapag kailangan" or nakulangan. Ayoko lang nung inaassign ka sa monthly bills mga ganun. 

Syempre pag parehas na silang retired lahat itong sinabi ko hindi na applicable  :D ako na ang bahala sa kanila syempre. Pero ngaun na nagwwork naman sila at kumikita pa. At wala na silang pinapaaral..aba eh..wag naman sana magpalabas ng magpalabas ng pera masyado hehe.

lyrahs

  • Guest
Hindi obligasyon ng mga anak ang magulang nila.
Meron kasing ibang mga magulang na inoobliga ang mga anak nila na buhayin sila pag nagkaron na ng trabaho ang mga anak nila. Pag hindi nagbigay, masusumbatan na walang utang na loob.

PERO masarap pa ding tumulong sa mga magulang ng hindi nao-obliga at maluwag sa loob.

Pag hindi na kaya ng mga magulang natin na magtrabaho, sino pa bang tutulong sa kanila kundi tayong mga anak din :)


tigerlili

  • Guest
For me its not an obligation but it is our responsibility to help out our aging parents when they can no longer fend for themselves.  Assuming that we are capable to fend for ourselves first. weird naman kase kung ikaw wala ka rin pano ka makakatulong diba?

unfortunately di uso and maayos na pension dito sa Pinas so most of the seniors dito ay dependent sa mga anak nila or will be dependent sa anak nila eventually.

17glut

  • Guest
Bilang anak, automatic na yung pagtulong sa magulang lalo na pag matanda na sila. And madalas lang na nagpapahirap sa loob nating mga anak is yung hindi nakikitaan ng magulang natin ng halaga at appreciation yung tulong na kaya nating maibigay sa kanila. There is no such thing as "enough", you have to keep supporting them till their last days. Wala din naman tayo choice. Hindi naman tayo pwede tumanggi kasi konsensya kalaban mo.


kikaygirl5810

  • Guest
Maraming ganyang mentality na kilala ko. I have a friend na talagang tuwing sahod nya eh nakasahod narin kamay ng parents nya even now na may family na sha.

But you know every time she confined to me about it...ang sagot ko sa kanya is, its better na ikaw ang hingan kasi meron kang mabibigay kisa ikaw ang nanghihinge dahil walang-wala ka.  :P

donya_dyosa

  • Guest
i am adopted.. my adoptive mom gave me everything...
lahat, love, care, mga ng ariarian nya... my money in my bank...
so if its sweldo time i gave her money
she doesnt make me feel obligado..
pero I myself feel obligated kasi utang na loob ko sa kanya ang lahat..

ang nakakatawa pa nga i give her like 20k a month..  pero yung winawaldas nya for me and my son, doble pa yun hehe...

lyn cheema

  • Guest
to my father - NO

to my Mother YES... with matching sumbat kung hindi kayo pinag aral ..blah-blah..
that's  why 15/30 automatic all of our salary kay mother. Then she will give you allowance for pamasahe. Pag sinubukan mo naman na hindi mag bigay Mainit ulo nya sayo.. ???
You will able to buy things that you like but according to your limited budget only.
to the point na ginagawa na namin yung SWELDO MO KUPIT MO.. ;D ;D

Len0523

  • Guest
I think it's acceptable, that you yourself have to be stable first before you support the parents.
The reason is, if you don't have enough money for your self in case of emergency, where would you getting the money? your parents? bank loan? relative loan? So from my partner's advise.
Work, spend for your own family, save and once you are stable enough  you can support the parents all out.  And teach them to make money on their own. As long as they are capable.
You are not an investment anyway.
« Last Edit: February 25, 2015, 08:37:09 am by Len0523 »

qtpurple04

  • Guest
It's not an obligation ..  ;) pero sa ngayon as in automatic na kahit papaano ay makapag bigay sa magulang lalo na pag dumating yun point na retired or old na to point na hindi na capable to work .. Way na rin yun to return the favor para sa mga nagawa nila sa atin. Mom ko lagi ko naririnig pag may kausap sya na "Kung bigyan nila ako salamat, kung hindi ok lang". Pero syempre may something behind that. ::) Pero sa side ni hubby, medyo minsan foul mga naririnig ko. Minsan ipapamukha pa na pinag aral sya nakatapos kaya nakapag-abroad. Well, nakapag abroad hubby ko na bf ko palang nun dahil sa akin, nakagraduate sya dahil din sa tulong ko. Minsan pa nagbigay kami pera hindi kalakihan ang sabi ba naman "Ano ako bata, buti pa sa patay malaki binigay kesa sa mga buhay". E kung tutuusin mas malakas pa sila sa mom ko. Mom ko 63 y/o na pero nagwowork pa e sila nasa early 50's pa lang .. buti nga nagbibigay kami unlike sa panganay nilang anak na sa kanila pa nakaasa. Medyo nasasaktan ako pag ganun pa sinasabi hindi na lang magpasalamat buti sana kun yun halagang binigay namin e napupulot nya lang sa kalsada.  >:(

candyjersey

  • Guest
Sana hindi gawing obligation ng mga anak. Pero nakakalungkot dito sa Pinas, karamihan ng magulang parang utang na loob mo pa na pinagaral ka nila at nagsakripisyo sila. On my side naman, Ok lang naman na bibigyan bigyan pero nakakainis kasi binibigyan ko parents ko tapos yung mother ko ibibigay lang sa family ng kapatid ko na walang trabaho at d naman nagsusumikap. So pag naubos na pera nya kakabigay dun, hihingi na naman. Tapos mageemote emote. Un yung nakakainis. Pag binigyan mo ngayon, bukas wala ng pera. One day millionaire palagi. Yun yung masakit tanggapin eh. Tapos kug [textspeak!]-ano pa sasabihin syo na para bang kulang pa yung binibigay.

FayeP

  • Guest
bilang anak di natin dapat obligasyon or wag tayo obligahin ng mga magulang natin na buhayin sila. Dapat walang sumbat na "pinag aral ko kayo, binuhay ko kayo etc"..

pero dahil mga anak tayo at mahal natin mga magulang natin, nasa atin na din dapat ang pagkukusa, un nga lang syempre within limits...kunyari instead na intrega ka kada sahod, bakit di puhunan para magtinda ang ibigay mo..tapos un share mo na lang sa bills ang bayaran mo...

nanay na din ako ngayon, ito ang isa sa pinaghahandaan namin ni hubby, un retirement namin pagtanda...kasi ayoko na umasa sa anak ko or obligahin ko un mga anak ko na buhayin kami pag may work na sila...kasi kelangan nila magkaron ng sarili nila buhay bilang tao...

googoo

  • Guest
It is not our obligation to give to our parents, but I'm sure they will appreciate if we eventually take care of them when they can no longer care for themselves.

~ anna ~

  • Guest
It is not an obligation.  If you will give money to your parents, it should be your choice, hindi dahil obligado ka and sinusumbatan ka.  Sadly there are parents na ginagawang ATM ang mga anak nila, citing reasons like utang na loob, "kung hindi dahil sa akin wala ka dito sa mundo", etc. and acting like it's their right to get their child's money.  That's such a load of crap.  It is the parents' responsibility to bring up their children in the best possible way and to provide for their needs, not the other way around.  Ang anak dapat minamahal, hindi pineperahan.  I see so many parents na lagi na lang umaasa and naka-abang sa pera ng mga anak nila, tapos ang lakas pa magbisyo and wala naman ginagawa to support themselves financially.  It is so disgusting, napaka-pathetic and selfish ng mga ganitong tao.  Kahit na sabihin mo pang parent mo sila, you should never let them use and abuse you in any way.  You are a human being and you were created for something better than this.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close